Chapter 12: Good Goodbye

1223 Words
Fhara’s POV Lumipas ang tatlong araw at okay na ako. Hindi na rin masiyadong masakit ang braso ko. Naghihintay ako ng bus papuntang university para ipasa ang dropping papers ko. Yup! You read it right! Magdadrop-out ako sa Virman International University dahil magtatransfer na ako sa Yukusai University. Naikwento ko na kasi kila Tara at Zymine ang ginawa ni Railei at nasabi ko ring gusto kong maghiganti sa kanila. Nagulat sila at niyakap ako. Sila pa nga ang umiyak, eh. Sinabi ko rin na huwag ng sabihin sa mga boys at samin-samin nalang sana. So yun, sabi nila kung gusto ko daw talaga maghiganti, tutulungan nila ko. Kaya naman napagdesisyunan naming buuhin ulit ang gang at mag-aral lahat sa Yukusai. Noong sinabi namin sa boys na gusto nga naming buuhin ulit ang gang, pumayag sila pero siyempre hindi namin sinabi Yung totoong dahilan. Kaya ngayon pupunta na ko sa VIU para ayusin ang pagtransfer ko sa Yukusai. Nagtataka ba kayo kung bakit wala akong kotse? Actually meron akong sports car dati pero binenta ko ‘yun nang madisband ang gang. Pero ngayong buo na ulit kami, iniisip kong bumili ulit ng bago. Maya-maya pa, may dumating ng bus at sumakay na ko. Ang sikip sa loob at ang ingay. "Sus! Mga walang palag naman pala yun eh! Hahaha! Kapag binigyan ko yun ng combo, tulog yun!" Pasahero 1 "Pakitaan mo nga minsan, master! Wahaha!" Pasahero 2 Eh kaya naman pala maingay, may mga mayayabang na gangsters na nakasakay. Madami sila at mukhang puro hangin lang ang laman. Ni hindi ko nga sila kilala. Beginners siguro. Umupo ako sa upuan na nasa likuran nila. No choice, doon lang may bakante. "A-ahh, hijo, maaari mo bang ilayo ang sigarilyo mo samin? May asthma kasi ‘tong asawa ko, bawal makasinghot ng usok ng sigarilyo." Nakita kong sabi nung lolo na malapit sa gangster na naninigarilyo. Ang katabi niya namang lola , umuubo-ubo na dahil siguro sa usok. Ngumisi lang yung gangster. Kala mo naman ikinagwapo niya. Maya-maya pa, nagsindi pa siya ng dalawang sigarilyo at hinithit ang tatlo ng sabay-sabay. Noong puno na yata ang bunganga niya, binuga niya sa matandang babae ang usok. Lalo tuloy naubo ang matanda, pati ang matandang lalaki naubo na rin. Nagtawanan silang lahat na gangsters. Walanjong yan! Ang aga-aga makapagpainit ng ulo ng mga ‘to! Hindi pa sila huminto at inulit pa nila. Yung matandang babae naman, niyakap na nung lolo at tinago ang mukha sa dibdib niya para di makasinghot ng usok. Fhara, mukhang kailangan mong mag-exercise muna. Tumayo na ko at inagaw ang tatlong sigarilyo sa lalaki. Tumigil sila sa tawanan at tumayo ang lalaking malakas magtrip. Taba lang yata ang kayang maipagmalaki nito, eh. "Sino ka ba, miss? Bakit ka nangingialam, ha? Kung gusto mong makipaglaro samin, pwede naman kami mamayang gabi eh." Tinignan niya ko mula ulo maganda. "O gusto mo dito na natin gawin agad?" Nagtawanan yung mga gangmates niya. "Wahahaha! Go, master! Mamigay ka, ha?" So, siya pala ang master. Psh. "Gusto niyo ba, ‘to? Pwede nating pagpasa-pasahan! Pero siyempre ako muna." Tapos dinilaan niya ang labi niya. Pervert! Tinaasan ko lang siya ng kilay, siya naman ay ngumiti ng malaki. Biglang tumaas ang kamay niya at balak niya yatang hawakan ang dibdib ko. Psh. Pervert talaga. Bago pa man sumayad sa dibdib ko ang kamay niya, nahawakan ko na ito. Nagulat siya at pilit na kumawala sa hawak ko pero hindi siya nagtagumpay. "Bitawan mo nga ko!" Gangster ba talaga, ‘to? Dapat mawala ang mga katulad nila kasi baka isipin ng mga tao mahihina lahat ng gangsters. Nakakasira sila ng pangalan. "Kayo!" Tumingin ako sa mga members niya na hindi makapaniwala na hawak-hawak lang ng isang babae ang kamay ng 'master' nila. "Gayahin niyo ‘tong walang respeto at pervert niyong master at matitikman niyo ri tong gagawin ko sa kanya..." Kinuha ko ang tatlong sigarilyo at idiniin ang part na may baga sa palad niya na parang ashtray. "AAAH!! TAMA NA! TAMA NA!" Halos mangiyak-ngiyak niyang sabi. Nang nasiyahan na ko sa itsura ng kamay niya, binitawan ko na yun at hinawakan ang kwelyo niya. "Manong!" Tawag ko sa driver. "Pakihinto, may bababa!" Hininto naman niya agad. Kinaladkad ko ang baboy hanggang sa pintuan ng bus at sinipa siya palabas. "Sumunod na ang mga gustong sumunod!" Sigaw ko naman dun sa mga kasama niya. Sabay-sabay silang tumayo at lumabas pero hinila ko ang huling gangster pabalik nung palabas na siya. Nagulat yata siya at lumuhod. "Waaah! Maawa na po kayo sakin! Hindi po ako gagaya sa mast-- sa lalaking yun, promise!" Napangiti nalang ako sa ginawa niya. "Tumayo ka na diyan. Tatanong ko lang naman kung nagbayad na ba kayo." Umiling-iling siya. "Oh, ano pa?" Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. Nagmadali naman siyang kunin ang wallet niya sa bulsa niya at binigay yun sakin. Pagtapos nun tumakbo na siya. Tinignan ko naman ang laman ng wallet niya at nakakita ng mga lilibuhin. Rich kid! Binigay ko sa driver ang isang libo at tuwang-tuwa niyang tinanggap yun. Tapos lumapit ako dun sa dalawang matanda at inabot ang wallet sa kanila. "N-Nako Hija, huwag na! Pinagtanggol mo na nga kami dun sa mga walang modong bata na yun, bibigyan mo pa kami ng pera. Hindi na namin matatanggap yan." Sabi ni lolo. Kinuha ko ang kamay niya at nilapag dun ang wallet. "Marami na po kong pera, hindi ko na kailangan yan." Sabi ko sa kanya saka napatingin sa bintana. Lagpas na ko sa school! "Manong! Tigil! Tsk. Bakit hindi niyo sinabing lagpas na pala ko sa school? Naman!" Nagmamadali akong bumaba sa bus. "Salamat, hija!!" Nginitian ko lang si lolo sa bintana at nagsimula ng tumakbo pabalik ng school. ***   Late na naman akong dumating ng school. Nandun na rin ang prof ko at nagtuturo na. Papagalitan na naman ako nito. "Ms. Kurunawa! How rude of you to just come in without saying a thing! And how many times do I hav--" Hindi ako nagsalita at nilapag nalang ang dropping form ko sa lamesa niya. "What is this?" "Magtatransfer na ko kaya tigilan mo na yang panenermon mo dahil wala ring mangyayari." Sabi ko at umalis na sa harap niya. Nang palabas na ko, nakita ko si Cheyene sa may pinto wearing a big smile. Tingin niya siguro suko na ko. Asa. "So you're dropping out. Smart decision! By the way, nasabi ko na nga pala kay Railei ang ginawa mo at hindi niya nagustuhan yun." Sabi niya at ngumisi. "I’m not scared. By the way, I just want you to know that I'm dropping out because I'm planning to transfer in Yukusai. So, I think it’s you who must be scared by now, if you know what I mean.” This time, ako naman ang ngumisi. “Is that a joke? You're not even a gangster." "Says who?” Tanong ko nalang at binangga ang balikat niya para hindi na siya humarang sa pinto pero hinila niya ang braso ko. "What do you mean?!" Nanlaki ang mga singkit niyang mata. Psh. “Don't worry about Railei. I'll take care of him." Sabi ko at ngumiti. Tinanggal ko rin ang kamay niya sa braso ko at iniwan siya doong hindi mo maintindihan ang itsura. Tsk. Ano bang nagustuhan sayo ni Railei?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD