Fhara’s POV
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. May ibang tao sa kwarto ko? Hindi ko muna binuksan ang mga mata ko at nakiramdam.
"Tss. Kinabahan ako kanina, eh. Akala ko kung ano ng nangyari sa kanya." Boses ng lalaki.
"Pero nakakatuwa kanina. Namiss ko ang ganung aksyon!" Lalaki ulit.
"Daya! Di niyo ko sinama. Miss ko na din yun, eh!" Babae naman.
Shit. Ang dami nila sa kwarto ko.
Narinig kong bumukhas ang pintuan ng kwarto ko at may nagsalita muli na babae.
"Gising na ba siya?"
Teka, parang boses ni Tara yun, ah? Binuksan ko na ang mga mata ko para makita kung sino-sino ang nasa kwarto ko at halos mapasigaw ako sa sobrang gulat.
T-totoo ba ‘tong nakikita ko? Nanaginip pa yata ako.
Lumapit sakin si Tara at pinitik ang braso ko.
“Aw." Tinignan ko siya ng nagtataka habang hinihimas ang braso kong nakabenda. “Bakit ka nanakit diyan?”
"Para hindi mo na isipin na panaginip ‘to.” Nakangiting sagot nito. “Oo, Fhara, nandito talaga kami at nandito ka ngayon sa hospital."
Hospital? Tinignan ko ang kwarto. Hindi nga ‘to kwarto ko. Tinignan ko rin ang iba pang nandito- si Zymine na nakangiti, si Yo at Bryan na walang binibigay na reaksyon at si Chrome na nakakunot ang noo.
"Sabi ng doctor hindi naman daw yang sugat mo ang dahilan kaya ka nahimatay kanina. Gutom lang daw yun.” Natatawang sabi ni Tara. “Hay nako, Fhara! Hindi ka parin nagbabago. Tsk.” Kinuha nito ang mga naka-tray na pagkain na nasa lamesa lang katabi ng higaan ko saka inabot sakin. “Oh, kainin mo ‘to, niluto ko yan."
"Naman, Fhara! Pinag-alala mo kami kanina. Buti talaga hindi malala ang nangyari sayo.” Nag-aalalang sabi ni Zymine.
"Zymine...?" Hindi ako makapaniwalang kinakausap niya na ko.
"Yeah?” Natatawa nitong sagot. “Huwag ka mag-alala, Fhara. Hindi naman ako nagalit sayo, eh. Medyo nalungkot lang talaga pero dahil nagmamahal din ako, naintindihan kita." Sabi nito na sandaling tumingin kay Bryan.
Ngumiti naman ako.
Maya-maya pa, niyakap niya na ko. “Waaah! I miss you so, so much!”
"A-Awts." Pag-inda ko ng matamaan niya ang braso ko. Humiwalay naman siya kaagad nang mapansin yun.
"Omg, sorry.” Sabi nito at nag-peace sign.
"Ikaw talaga, Zy! Tsk. Pagpasensyahan mo na yan, Fhara, ha? Immature pa rin, eh." Nagpout lang si Zymine habang ako naman ay nginitian lang si Bryan. Nginitian niya rin naman ako.
Hindi ako makapaniwala. Hindi pala sila galit sakin. Kinonsensya ko lang ang sarili ko ng dalawang taon. Wew!
"Tigilan niyo na nga yan. Hindi makakakain si Fhara sa ingay niyo, eh." Kinindatan naman ako ni Yo. Ngumiti lang din ako. Hindi pa rin siya nagbabago. Siya kasi talaga ang pinaka-close ko sa tatlong lalaki. "Baka mahimatay na naman yan at bigla na naman yan buhatin ni Chrome. Diba, Chrome? Hahahaha!"
Tumingin naman ako kay Chrome. Kanina pa siya walang imik.
"Psh." Yan lang ang sinabi niya at lumabas na siya ng kwarto.
Hindi niya pa siguro ako napapatawad.
"Huwag mo ng intidihin yun. Kilala mo naman yun, diba? Hindi magaling magpakita ng emosyon." Sabi ni Tara.
"Galit pa rin siya." Malungkot na sabi ko pero naiintindihan ko naman.
"No. Hindi na yun galit. Hindi naman yun magmamadaling dalhin ka dito sa hospital nung nahimatay ka kanina kung galit pa yun sayo." Sabi naman ni Yo.
“At hindi yun magtitiyagang maghintay sayo kanina dito kung galit pa siya." Dugtong naman ni Bryan.
"Maghintay?" Nagtatakang tanong ko.
"Yep. Wala pa kasi kami kanina dito ni Zymine. Hindi nga sana namin malalaman kung hindi pa kami tinawagan nila Bryan, eh. Si Bryan at Yo naman, naligo daw muna. Tapos nung dumating kami dito, nakita naming nakaupo sa tabi mo si Chrome at tulog kayong dalawa." Kwento ni Tara.
"Bakit? Ilang oras na ba kong nakahiga dito?"
"Mga 8 hours lang naman. Sleeping monster ka talaga! Tsk." Yo
8 hours?
Brrrr.
"At Eating Monster din!" Pang-aasar din ni Zymine na ikinatawa nalang naming lahat.
Nang matapos na ang tawanan namin ay tinitigan ko sila at ngumiti. "I really missed you, guys!"
Ngumiti din sila sakin.
"Group hug?" Suhestiyon ni Zymine.
“Group hug!” Sabay-sabay naming sagot at nagyakapan. Kahit medyo naiipit na ang sugat ko ay hindi ko na ininda dahil sa sobrang kasiyahan.
Brrrr.
Sandali kaming natigilan saka nagtawanan ulit.
"Hahahahaha!"
“Kumain ka na nga!” Sabi ni Tara habang tumatawa.
Chrome’s POV
Nakasandal lang ako sa tabi ng pinto ng kwarto ni Fhara at pinapakinggan ang tawanan nila sa loob. Nagbago na nga talaga siya. Nakakatawa na siya ng ganyan. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti.
Ang sarap pakinggan ng tawa niya.
Yung totoo niyan, may nararamdaman parin akong inis kay Fhara. Hindi pa rin ako maka-get over sa pang-iiwang ginawa niya samin noon. Sinabi ko na rin sa sarili ko na hinding-hindi na ko lalapit ulit kay Fhara kasi baka once na lumapit at maging close na naman kami sa kanya, mahirapan na naman kami kapag nang-iwan ulit siya. Kaya nga nung nakita ko siyang lumalaban kanina, nag-atubili pa kong tulungan siya. Pero nagbago ang isip ko nang binato na siya ng kutsilyo ni Vampire. Dapat nga uunahin ko ng pabagsakin si Vampire sa sobrang galit ko pero nakita ko namang may papalo kay Fhara ng baseball bat kaya inuna ko na yun. Nang natapos ko ng pabagsakin ang lalaking yun, naunahan na pala ko ni Fhara kay Vampire. Pinagmasdan ko si Fhara kanina at nakita ko na naman ang Fhara na kilala namin. Nakita ko na naman ang mata niyang nakakapangilabot tignan na nawala lang simula nung pinili niya ang lalaking yun kesa samin.
Noong naalala ko ang lalaking yun, bigla na naman bumalik ang inis ko kay Fhara kaya nung tinawag niya kami, di ko siya nilingon at ganun din ang ginawa nung dalawa. Aalis na sana kami kaso nga lang biglang sumigaw ng 'Fhara' ang babaeng humingi ng tulong samin. Nung tinignan namin si Fhara, nakita naming wala ng siyang malay. Nakaramdam ako ng sobrang kaba at napansin ko ang braso niya, ang daming tumatagas na dugo. Kinuha ko agad ang panyo ko at tinali dun at binuhat ko na siya papuntang hospital.
Natigil ang pag-iisip ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.
"Oh bro, andyan ka lang pala!" Lumabas na sila Yo at Bryan sa kwarto ni Fhara.
"Bakit kayo lumabas?" Tanong ko sa kanila.
"Girls talk daw sila sabi ni Zymine at Tara, eh. Ang daming pauso." Yo
"Eh ikaw, bakit ka lumabas?" Hindi ko sila sinagot at tumingin nalang sa malayo.
"Psh. Limot limot din kasi pag may time!" Tinitigan namin ni Yo si Bryan. "Bakit? Tama naman ah!"
"Gago tol! Ang bakla mo!" Pang aasar ni Yo.
"Narinig ko lang yun kay Zy, eh." Tinawanan lang siya ni Yo. Ako naman ngumiti lang.