Chapter 10: Fighting Legends

1801 Words
Fhara’s POV Nagsimula ng sumugod ang apat na Legends. Pinalibutan nila ko. Lahat sila may hawak na baseball bat. Tsk. Isang galaw ko lang na mali, patay ako. Iniikutan nila kong apat habang ako rin ay umiikot. Parepareho kaming nag aantay kung sino ang gagawa ng first move. "Yaaah!" Nagsimula ng sumugod ang isa pero nakakita ko ng maliit na daanan sa gilid niya para makalabas sa circle na ginawa nila. Mabilis akong umikot papunta doon at hinampas ng tubo ang ulo niya. Tulog. Maya-maya pa sumugod na rin ang isa at balak na rin akong paluin sa ulo pero nakailag ako at naHampas siya sa tiyan. "Ahh!" Sigaw niya. Nang namilipit na siya sa sakit, saka ko hinampas ang ulo niya. Nabigla ako ng may lalaking handa na kong Hampasin ng bat sa ulo. Umupo ako para maiwasan yun at pinalo ng malakas ang 'ano' niya. Namilipit siya sa sobrang sakit. "Ouch." Asar ko sa kanya. Maya-maya pa nakaramdam ako ng tao sa likod ko. Humarap ako sa kanya habang nakaupo pa din. Malapit na sanang tumama ang baseball bat sakin pero dahil mabilis ako, agad kong naiwasan yun at pinatid ang paa niya na naging dahilan ng pagkadapa niya. Nang nakahandusay na siya sa sahig, sinipa ko ang mukha niya ng sobrang lakas kaya tumalsik siya at nakatulog na. Nakailan na ko? 5? Tinignan ko sila Vampire. Galit na galit na ang itsura niya. Napangiti tuloy ako.   "Oh ano na, Vampire? Tsk. Akala ko naman malalakas ang dinagdag mo sa grupo mo. Mga weak din naman pala." Sinipa-sipa ko pa ang tulog na gangster sa harap ko. Nagulat yata siya sa mga sinabi ko. Kala niya siguro simpleng babae lang talaga ko. Psh. "Sino ka ba talaga? Bakit mo ko kilala? At bakit kung magsalita ka parang napakarami mong alam?" Nag-smirk ako. Imposibleng makalimutan niya ko. Sila ang unang nakatanggal ng maskara namin sa laban, eh. "Hindi mo na ko natatandaan? Sige, ipapaalala ko sayo. Ang grupo ko ang nag-alis sa walang kwenta mong grupo sa Rank 10." Biglang namilog ang mga mata niya at tinitigan akong maigi. Pero maya-maya ngumisi na rin ito. "Athena. So, totoo nga ang balita na nagbago ka na?" Alam din nila yun? "At totoo rin pala na tsismoso ka." Ngumiti ako. "Oo, nagbago ako. Pero ngayon, heto na ulit ako. Nagbabalik." "Mabuti naman para makaganti na rin ako sa pamamahiya mo sakin dati." Tumingin siya sa mga kasama niya. "Change of plan. Bugbugin niyo nalang siya pero huwag papatayin. May iba kong gagawin sa kanya." Tumingin siya sakin at malawak na ngumiti. "Ito na ang magiging katapusan ng mga dakilang kwento tungkol sayo. Simulan niyo na!" Bahagya akong natawa. "Asa!" At nagsimula na naman akong makipag bakbakan.             Blag!             Pak!             Boogsh! Yeah, boy! Ang saya nito! Woooh! Palo rito, palo doon. Sipa dito, suntok doon. Nakakailan na ba ko? Ahm. 10? Basta madami na! Ang dami ko na ring tama pero hindi ko na yun nararamdaman dahil sa excitement na nararamdaman ko. Medyo pagod na rin ako pero kaya ko pa. Maya-maya tumayo na rin si… si… Dave! So yun nga, tumayo na siya at tinulungan ako. Okay rin naman pala siya eh. Nakakarami na kami nang bigla akong mapaupo dahil sa matinding sakit na naramdaman ko sa braso ko. "s**t! Sinong gumawa nun?" Sigaw ni Dave. Tumingin ako sa nagdudugo kong braso at nakita ang isang balisong na nakatarak dun. Sunod kong tinignan si Vampire na nakangiti sa malayo. Nakalimutan ko.. Master nga pala siya sa pagi-spin ng kutsilyo. Bwisit! "Yaaah!" Sigaw ng lalaking susugod na sakin. Shit! Nabitawan ko kanina ang baseball bat ko. Wala rin ako sa tamang posisyon para makaiwas sa atake niya. Pumikit nalang ako at hinanda ang sariling tanggapin ang atake niya. Blag! Napadilat ako nang marinig ang pagbagsak ng tao sa harap ko. Siya ang lalaking aatake sana sakin kanina. Nang tinaas ko ang ulo ko para makita ang taong nagpabagsak sa kanya ay halos lumuwa na ang mata ko sa sobrang gulat. Sa likod niya ay may dalawa pang lalaking hindi ko inaasahang makikita ko rito, sa oras rin na ito. Natigil ang pag-iisip ko nang biglang kumirot ang braso ko. Bwisit talaga! Tinitigan ko si Vampire na gulat na gulat din sa pagdating ng tatlong lalaki. Naramdaman ko ang biglang pagdaloy ng lamig sa katawan ko. Pagbabayaran mo ‘tong ginawa mo sakin, Vampire. Tumayo na ko at kumuha ng baseball bat. Nilapitan ko si Vampire na halatang takot na takot na pero pilit niya pa rin itong tinatago. Kumuha rin siya ng baseball bat at hinawakan yun ng mahigpit gamit ang dalawang kamay. Nang malapit na ko sa kanya, agad siyang sumugod. Huminto na ko at hinintay nalang siya. Nung nakalapit na siya sinubukan niya kong Hampasin ng baseball bat niya pero nasalag ko naman yun ng bat ko. Isang kamay lang ang gamit ko dahil nga may nakatarak pang balisong sa kaliwang braso ko. Nung nahihirapan na ko sa pagsalag, umikot na ko papuntang likod niya at binigyan siya ng solid na palo. Nabitawan niya ang baseball bat niya at namilipit sa sakit. Hindi pa ko tapos. Pinalo ko pa ulit ang likod niya at siniguradong mahihirapan siyang tumayo pero hindi siya makakatulog. Gusto kong maramdaman niyang maigi ang gagawin ko sa kanya. Kinuha ko ang kaliwang braso niya at inikot yun sa likod niya para hindi siya makapalag. Tinignan ko ang braso ko at ang kutsilyong nakatarak dun. "Aaah!" Tinanggal ko ang kutsilyo sa braso ko. Mas lalo pang tumagas ang dugo galing doon pero hindi ko na inintindi yun. Pinunit ko ang manggas ng suot na black t-shirt ni Vampire. "A-Anong gagawin mo-- AAAAH! s**t! STOP! s**t!" Sigaw niya habang dahan-dahan kong sinulat ang malaking letter 'F' sa braso niya gamit ang balisong inispin niya sakin kanina. Inumpog-umpog niya na sa sahig ang ulo niya sa sobrang sakit. Nang tapos na ko sa masterpiece ko, bigla ko itong pinisil para umagos pa ang dugo niya. "AAAAAH! f**k YOU! GAGO KA ATHENA! AAAAAH!" "You should be grateful because that's the only thing I did. But do remember this. Next time I see you again doing this kind of s**t to other people, may paglalagyan ka na." Tumango-tango naman siya kaya binitawan ko na siya at tumayo na. Tinignan ko ang laban ng iba. Tapos na rin at paalis na sila. "T-Teka!" Huminto ang tatlo pero hindi sila humarap sakin. "Salamat." Hindi sila sumagot at nagpatuloy lang sa pag-alis. Nakaramdam naman ako ng hilo kaya napaupo ako. s**t. "Fhara!" Narinig kong sigaw ni Catlene bago ako nawalan ng ulirat. ***   Catlene's POV Habang tumatakbo, bigla kong naisip kung bakit ako pinahanap ni Fhara ng mga taong pwedeng makipaglaban. Tatanungin ko sana siya pero nakita ko nalang siyang tumatakbo sa kabilang direksiyon. Wait, huwag mo sabihing susugod yun dun? Aish! Ano namang magagawa niya dun? Pero nitong mga nakaraang araw, para ngang nagbago na siya. Bigla siyang nagmukhang nakakatakot. Hindi ko na siya inintindi at sinunod ko nalang ang sinabi niya at naghanap ng pwedeng tumulong kay Dave. Habang tumatakbo ako, hindi ko pa ring maiwasang maiyak. Si Dave kasi eh! May nakita akong tatlong lalaki na mukhang gangsters. Paalis na sana sila pero hinabol ko sila. "W-wait!” Tinitigan ko ang mukha nila at hindi ko maiwasang mamula. Ang gagwapo naman ng mga nilalang na ‘to! Para akong nakakakita ng greek gods sa harap ko. Aish! Ano ba Catlene? May boyfriend ka na! Speaking of boyfriend… "What do you need?” Tanong ni kuyang mukhang korean pero medyo kayumanggi ang kulay. Lalaking lalaki! At ang muscles... "Miss, do I need to repeat my question?" Spokening dollar! "H-ha? Can you?" Ano daw sabi ko? "Aish! Sabihin mo na kasi kailangan mo!" Sabi nung lalaking medyo maliit lang. Ang cute niya. Nagtatagalog naman pala, eh! Ang isang sobrang cool na guy, nakatitig lang sakin. Crush yata ko! Jokes! Ay ang boyfriend ko nga pala! "Marunong ba kayong makipaglaban? Pwede niyo bang tulungan ang boyfriend ko? Binubugbog kasi siya ngayon ng isang gang, eh." Nagtinginan silang tatlo. "Anong pangalan ng gang?" Tanong nung sobrang cool na guy. Teka nga, kapag ba may away ng gang, kailangan itatanong muna kung anong pangalan ng gang? Pareho sila ni Fhara eh. "Legends yata?" Nagulat sila, katulad rin ng reaksyon ni Fhara. Ano bang meron sa kanila? "Nasaan sila ngayon?" Tanong niya ulit. "Nasa covered court malapit sa simbahan." Kumunot naman ang mga noo nila. "Saan naman yun?” Tanong ko nga hindi nila alam. "Sundan niyo nalang ako." Sumang-ayon naman sila kaya tumakbo na kami papunta doon. Nang nakarating na kami doon, nakita kong lumalaban na sina Dave at.. Fhara?!             Wow! Ang galing niya sobra! Tinignan ko ang tatlong lalaki. Parang sobra silang nagulat at nag-atubiling pumasok. Maya-maya pa, napamura ng mahina ang lalaking medyo kayumanggi tapos narinig ko nalang si Dave na sumigaw. " s**t! Sinong gumawa nun?" May bumato sa kanya ng kutsilyo. Napansin ko namang kumilos na ang tatlo at kumuha ng tig iisang nagkalat na baseball bat. Tumakbo si kuyang sobrang cool at sinalag ang baseball bat na tatama dapat kay Fhara gamit ang baseball bat niya. Sila kuyang kayumanggi at kuyang cute, nakipag laban na rin. Ako naman nanuod lang. Pinanuod ko lahat pati ang ginawa ni Fhara sa leader ng gang. Ang galing niya talaga. Kaso nakakatakot din siya. Sobra. Maya-maya pa, natapos na ang labanan at natalo ang mga gangsters. Tumakbo na ko papunta kay Dave at niyakap siya. Kawawa naman ang Dave ko, bugbog na bugbog ang katawan at mukha niya. Napatingin naman ako kay Fhara. Nakatingin lang siya dun sa tatlong lalaki pero nang paalis na sila, pinigilan niya muna sila at nagpasalamat. Maya-maya pa, bigla siyang natumba at napahiga. "Fhara!" Napasigaw ako at lumapit sa kanya. Napansin ko ring biglang tumingin ang mga lalaki kay Fhara. Noong tinignan ko si Fhara, wala na siyang malay. "Anong nangyari sa kanya?!" Tanong ni kuyang kayumanggi. Lumapit na sila. "Nahimatay yata siya." Naglabas ng panyo si kuyang cool at tinali sa braso ni Fhara. Nang matapos na siya, walang imik na binuhat niya ito at umalis. "Dadalhin namin siya sa hospital. Yang boyfriend mo, hindi mo ba dadalhin dun?" Kuyang cute. "Hindi na, okay lang ako." Sabi ni Dave. Tumango lang sila at sumunod na kay kuyang cool. "Sana okay lang si Fhara." Sabi ko kay Dave ng makaalis na sila. Niyakap niya lang ako. "Hindi mo sinabing kaklase mo pala siya." Napatingin naman ako sa kanya ng nagtataka. Kilala niya si Fhara? "Huwag na huwag mong ipagsasabi ang nangyaring to, ha? Isipin mo nalang na hindi mo siya nakitang lumaban." "Bakit naman? Kilala mo ba siya?" Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. "Huwag ka ng matanong! Basta yun ang way natin ng pasasalamat."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD