Chapter 9: Just Like The Old Times

1200 Words
Fhara’s POV Late na naman ako sa first subject ko. Hindi na nga ako kumain ng almusal kasi tinamad na akong magluto. Pagdating ko sa room, wala pa doon ang prof naming nakakarindi ang boses. Hindi siguro papasok. Buti naman. Umupo na ako sa upuan ko at pumwesto na para matulog nang magsalita na naman ang katabi ko. "I heard you begged my boyfriend to come back yesterday. How desperate." Bulong niya sakin sa tonong mapangkutya. "Don't talk as if you were not the desperate queen." Sinabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. "Atleast ako nagtagumpay. Eh ikaw? Anong kaya mo? Isa ka lang namang simpleng babae na iniwan ng boyfriend dahil sa best friend." Prooud pa nitong sabi. Hindi ko maintindihan kung ako ba ang baliw o ang babaeng ito. Paano niya nagagawang ipagyabang pa ang ginawa niyang kalandian? "Tinatanong mo kung anong kaya ko? Marami akong kaya!” Ngumisi ako at tumingin sa kanya. “Gusto mo ng example?" Tumayo ako sa harap niya. Tumayo rin siya at tinaasan ako ng kilay. Matapang ka ah? Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanang pisngi niya. Napasigaw naman lahat ng mga kaklase namin nang makita ang ginawa ko. "b***h! Bakit mo ginawa yu--" At sasagot ka pa? Bago niya pa matapos ang sasabihin niya at sinipa ko naman siya sa tiyan. Edi nakatulog ka! Psh. Pinagkaguluhan ang nangyari. Maraming pumunta kay Cheyene para tulungan siya. Ako naman ay bumalik na sa upuan ko at hindi sila pinakialaman. Maya-maya pa, nagising na ata si Cheyene.   "Hintayin mo lan, kapag nalaman ni Railei itong ginawa mo saki, hindi lang ganito ang gagawin niya sayo!” Matapang na sabi nito saka lumabas na ng classroom. Napansin ko namang nakatingin na sakin ng masama ang mga kaklase ko. Walanjong yan! Kailangan talaga center of attention ako? s**t! I gave them my cold stare. Mukha naman silang tinablan kaya unti-unti na silang tumingin sa iba't ibang direksyon. Akala mo kung sinong matatapang kanina, takot naman pala. Psh. Tumayo nalang ako at lumabas ng room. Magka-cut na lang ulit ako kaysa makakita ng mga ganitong klase ng tao. Natanong ko tuloy ang sa sarili ko, paano ko ba natagalan ang maging katulad nila dati? ***               Nang makalabas na ako ng school, hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Brrrrr. Tumingin ako sa tiyan kong nag-iingay na dahil sa gutom. Hmm, maghanap nalang kaya ako ng restaurant na kakainan? Pero saan naman kaya? Nagsimula na akong maglakad para maghanap ng restaurant nang biglang may tumawag sa pangalan ko. "F-Fhara!” Tawag sa akin ni Catlene habang humihingal. Anong problema nito? "Fhara, help me please? Saan ba ang pinakamalapit na police station dito?" Umiiyak na tanong nito. Police station? Restaurant nga na malapit dito hindi ko alam, police station pa kaya? "Wala kong alam. Bakit? Nanakawan ka?" Mas lalo pa siyang umiyak. Nanakawan nga yata. "Tsk. Pacutting-cutting kasi hindi mo naman pala kaya. Psh Mayaman ka naman, diba? Huwag mo nalang intindihin yun! Aalis na ko." Tama ba ang sinabi ko? Kailangan ko na kasing umalis kasi nagugutom na talaga ko. Aalis na sana ko pero pinigilan na naman ako ni Catlene. Tsk! Naiinis na ako, ah? "Ano ba?!" Sigaw ko rito. Umiyak pa siya lalo pero hindi niya pa rin ako binibitawan. Ang kulit. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko pero ayaw niya talagang bumitaw. "Tatanggalin mo yang kamay mo sa braso ko o may paglalag--" "Si Dave kasi, eh! Binubugbog siya ngayon!” Halos nagmamakaawa na sabi nito. “Kailangan kong humanap ng taong tutulong sa kanya.”  Binubugbog ang boyfriend niya? "Sino namang bumubugbog sa kanya?" Bigla akong nagkainteres sa problema niya. "Ayon sa pagkakarinig ko, Legends yata." Legends? Akala ko ba matagal na silang wala? "Sigurado kang Legends ang pangalan nila?" Tumango siya. "Ano bang kasalanan niyo sa kanila?" Mahihirapan talaga siya dun. "Kasi nagtrip si Dave. Binato niya ang isang lalaki. Hindi naman kasi namin alam na gangsters siya. Kaya ayun, tumawag siya ng resbak at binalikan kami." Kaya naman pala eh. "Oh, nasaan siya ngayon?" "D-Dinala ata siya sa may covered court malapit sa simbahan. P-Pinatakbo kasi agad ako ni Dave kaya hindi ko na sila nasundan." Covered court malapit sa simbahan? Okay. Alam ko na. Tumingin ako sa nagpapanic kong kaklase at hindi ko naiwasang makaramdam ng awa.  Tsk. Mukhang hindi pa tuluyang umaalis sa katawan ko ang binuo kong pagkatao sa loob ng dalawang taon. Dahil sa katiting ng awa na iyon, napagpasyahan kong tulungan na ang babaeng ito. Pero kaya ko kaya? Ilang taon na mula ng huli akong nakipaglaban talaga at isa pa, mag-isa lang ako ngayon. Kakayanin ko nga kaya? Aish! Kasalanan ‘to ng babaeng ‘to eh. "Ikaw! Kung hindi mo alam kung nasaan ang police station, maghanap ka nalang ng taong mukhang marunong makipaglaban at papuntahin mo siya doon! Naiintindihan mo?" Kahit parang nagtataka siya, tumango naman siya. Pagkaalis niya, nagsimula na rin akong tumakbo papunta sa covered court. Brrrrr.             Tumingin muli ako sa nagwawala kong tiyan at pinakiusapan ito. “Chill ka lang diyan, okay? Tatapusin ko lang ito at pakakainin na kita.” Pagdating ko doon, naabutan ko ang isang lalaking nakahiga at duguan na pero binubugbog pa rin ng isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito!  Pitong lalaki? Unfair! Tapos ang ibang lalaki nakaupo lang sa gilid at nagtatawanan. Akala ko ba Legends? Eh sa pagkakatanda ko siyam lang ang members nun, eh. Bakit dumoble yata, ‘to? "Tuluyan niyo na yan!" Napatingin ako sa nagsalita. Si Vampire, ang leader ng Legends. That confirms that they really are the Legend Gang. Hindi pa nila ko nakikita kasi busy sila sa show sa gitna, ang pangbubugbog nga kay Danny? Danny ba yun? Tsk. Nakalimutan ko! Basta D nagsisimula yun, eh. Teka nga, ano ang sinabi niya? Tuluyan? s**t!  Tumingin ako sa gilid ko para humanap ng pwede kong ipanglaban. Nakakita ako ng sako ng mga bakal. Pang-junkshop siguro. Hinalungkat ko ang sako at nakahanap naman ako ng tubo. Nang naihanda ko na ang sarili ko ay pumasok na ko sa loob. Saktong sasaksakin na dapat nung isang lalaki si… basta ang boyfriend ni Catlene. "Enough!” Tumigil sila sa ginagawa nila at tumingin sakin. "Sino ka?" Vampire. Hindi niya na ko kilala? Ay oo nga pala, nag-iba na nga pala ko ng itsura. Hindi na maiksi buhok ko. “Kung ako sayo miss, umalis ka na dito bago ka pa madamay." "Psh. Tingin mo ba pupunta ko dito kung ayaw kong madamay? Walang kwentang utak!" Nagsimula na kong lumapit sa kanila at hinampas ang isang kasamahan nila ng tubo sa likod. 1 down. "Oh, ano pa? Laban na!" Ngumisi ako samantalang tinitigan naman ni Vampire ang napatumba ko bago galit na tuumingin sakin. "f**k! Turuan niyo ng leksyon yang babae na yan! Huwag niyo titigilan hangga't hindi pa duguan!" Galit na galit na sabi ni Vampire. Nginitian ko lang siya. Ewan ko pero biglang nawala ang kaba ko kanina. Naeexcite na ko ngayon, just like the old times. Sabay-sabay silang tumakbo papunta sakin, except kay Vampire. Lahat sila may dalang baseball bat na bakal. Umayos ako ng pwesto at nakangising hinintay ang pagdating nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD