Chapter 8: The Making

2959 Words
Fhara’s POV Naglalakad na ako galing Yukusai at pauwi na sana sa condo nang may marinig akong kaunting kaluskos. May tao. Hindi ko muna pinansin at nagtuloy lang sa paglalakad. Maya-maya pa, narinig ko na naman ang kaluskos. Ako nga ang pakay. Psh. Tumigil ako sa paglalakad at nagsalita. "Lumabas ka na." Sabi ko na diretso pa rin ang tingin sa harap. Wala pa ring nagpapakita. "Lalabas ka o ako pa ang magpapalabas sayo dyan?" Pagbabanta ko. Maya-maya pa, naramdaman ko ng may tao sa likod ko. Humarap ako sa kanya pero nang makita ko ang mukha niya ay nanlaki ang mata. Hindi ako makapaniwala na nasa harap ko siya ngayon. "Long time no see.” Sabi nito habang nahihiyang kinakamot ang batok. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at masaya siyang niyakap. "Tara!" Totoo ba ‘to? Nandito talaga siya? Kung natatandaan niyo, siya ang kinikwento ko na best friend ko mula pagkabata. "Hey! Can't breathe!" Natatawang reklamo nito kaya tinanggal ko agad ang pagkakayakap ko sa kanya. "Sorry.” Nahihiya ring sabi ko. "Namiss mo talaga ko, ah?" Ngumiti nalang ako. “Saan ka pupunta?” Sinabi ko sa kanya na pauwi na sana ako sa condo kaya nag-volunteer na siyang ihatid ako. Nang nasa loob na kami ng kotse niya ay nagtanong muli ako. "Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko saka umiwas ng tingin nang maaalala ang huling beses na nag-usap kami. “Galit kayo sakin diba?" "Oo, sobra.” Napayuko ako. “Pero dati pa yun. Narealize kong may point ka rin kasi, eh. Mahal mo talaga ang ugok na yun." Itinaas ko ang ulo ko at malungkot na tumingin sa kanya. “Ugok nga siya." Kumunot ang noo niya. "Huh? Akala ko ba mahal mo? May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong nito. I sighed. “Saka ko na ikikwento. Nga pala, kailan ka pa bumalik?" Ang alam ko kasi sa Korea na siya nakatira eh. "Kakarating ko lang. Nasa sasakyan na ko pauwi samin nang makita kita sa daan. Eh sobrang namiss kita kaya bumaba na ko at sinundan ka." Ngumiti muli ako. "Ikaw lang? Si Bryan? Ang iba?" Namimiss ko na rin sila. "Si Bryan, baka bukas pa ang uwi. May inaasikaso pa kasi siya dun eh, same with Zymine." Sila pa rin siguro. "Si Chrome at Yo naman, wala na kong balita sa kanila simula ng umalis kami.” "Galit pa rin kaya sila sakin?" Halos pabulong ko ng tanong. Ilang segundo ang lumipas bago sumagot si Tara. "Si Bryan, wala masiyadong sinasabi tungkol sa nangyari. Si Zymine, tingin ko naiintindihan ka na rin. Si Yo at Chrome, I can't assure you na hindi na sila galit."             Hindi na ko nagtataka. Kasalanan ko naman talaga eh. "I understand." Sabi ko habang tumatango saka muling tumingin sa kanya. "Pero Tara, nagsisisi na ko." Ngumiti lang siya at niyakap ako. How I missed her! Maya-maya pa, nakarating na kami sa tapat ng condo ko. "Pasok ka?" Tanong ko kay Tara. "Hindi muna. Marami pa kong gagawin samin, eh. Magpapahinga na rin muna ko." Nginitian ko nalang siya. "Pero bukas punta ka nalang sa bahay, ipapagluto kita at marami ka pang dapat ikwento.” Tumango ako saka niyakap siya ulit. “Bye.” Paalam ko na sa kanya at pinanuod ang pag-alis ng kotse niya. Namiss ko talaga siya. Namimiss ko na sila. Naalala ko tuloy kung paano kami nakabuo ng gang dati.   (Flashback) 1 month had passed after the death of my mother. Si Papa nasa Korea na at ako sa condo na nakatira. Sabi nila, nagbago na rin daw ako. Hindi na kasi ako kumikibo masyado at naging cold na. Psh. Sayo ba naman kasi mangyari ang Naranasan ko? At isang buwan palang ang nakakalipas simula mangyari yun kaya wala pa ko sa mood magsalita. Naiintindihan naman daw nila ko. Kasama ko ngayon dito sa canteen sina Tara, Bryan, Zymine at Chrome. Nasa iisang school lang kasi kami at naging mas close na rin. "Dude, balita ko bumuo na rin daw ng gang sila Bryle, ah? Ano nga ulit tawag sa gang nila? Monster Gang?" Kwento ni Bryan kay sa nagbabasang si Chrome. Usong-uso kasi ang gang dito sa Pilipinas kahit noong panahon pa nila Papa, kaya hindi na nakakapagtaka kung may nabubuo ring mga gang sa loob ng school. At ito pa, meron ding mga school na puro gangsters lang ang nag-aaral. Iba ang curriculum nila doon kaysa sa normal na curriculum ng schools. "Tss. Di naman sila ganun kagaling." Sagot naman ni Chrome na sandali lang tumingin kay Bryan at nagfocus na ulit sa binabasa niyang Greek mythology. "Pero parang ang saya magkaroon ng gang, no?" Sabat ni Zymine. "Bakit Zy? Marunong ka rin bang makipaglaban?" Tara. "Yep. Nag-aral ako ng pakikipaglaban for self-defense. Delikado na rin kasi maging anak ng kilalang tao ngayon, eh." Pulitiko kasi ang papa ni Zymine. "Pareho pala tayo nila Bryan. Ikaw, Chrome?" Si Chrome naman ang tinanong ni Tara. "Marunong din yan. Mas magaling nga yan kaysa satin, eh. Gangster din kasi ang pamilya nila." Si Bryan na ang sumagot habang si Chrome ay busy pa rin sa pagbabasa. "Nice. Pare-pareho pala tayong may binatbat, eh." Sabi ni Tara. "Eh kung gumawa na rin kaya tayo ng gang? Kahit tayong lima lang?" Excited na suhestiyon ni Zymine. "Good idea, babe!" Tila proud na sabi ni Bryan kay Zymine. "Game ako diyan! How about you, Fhara and Chrome? Bilis na! Masaya ‘to." Sabi ni Tara habang itinataas-baba ang kilay niya. Gang? Not bad. Pampatanggal boredom. Tumango nalang ako as a sign ng pagpayag ko. "Yey! How about you, Chrome?" Ngumiti si Chrome. "Count me in.” "Okay!” Masayang sigaw ni Zymine. “So, anong magiging name ng gang natin?" “Maganda kung mukhang mas nakakataas tayo sa kanila.” Sandaling nag-isip si Bryan. “Ah! Eh kung Powerful Gang? Diba? Diba?" "Pffft. Ang weak naman nun, babe. Parang Power Rangers lang, eh. How about Highness Gang? Diba mataas?" Suggestion naman ni Zymine pero natawa lang din si Bryan. "Pfft. Ang bakla naman nun! Mag isip ka pa ng iba." "Oo nga! Saka dapat parang mysterious.” Sabi naman ni Tara at nag-isip din. “Hmm. Ano nga kaya?" "Mythical." Sabi ko habang nakatingin sa binabasang libro ni Chrome. Nagsingitian naman sila. "Hmm. Mythical? Not bad. Para ngang malalakas at misteryoso. Sige, yun nalang!" Sabi ni Zymine at nag-agree naman ang iba. "Eh sino naman ang magiging leader natin?" "Edi sino pa? Si Fhara.” Sabi ni Fhara saka tumingin sakin. “Siya naman ang pinakamalakas satin, eh." "Pinakamalakas? Paano mo nasabi?" Tila nakuha ng sinabi ni Tara ang atensyon ni Chrome. "Kasi bro, simula pagkabata, nagtitraining na yang makipaglaban." Explain ni Bryan. Tumango naman si Chrome. "Okay lang ba sayo. Fhara?" Gang leader? Bahala na. Tumango nalang ako. "Ayan! Okay na. Pangalan nalang natin ang kulang.” Sabi ni Zymine. “So, dapat ang mga pangalan natin angkop sa name ng gang natin, right? How about mga gods and goddesses ng Greek Mythology? Tutal Mythical naman, eh." "I like that.” Pagsang-ayon ni Tara kay Zymine. "Well, then I would be Persephone and Bryan would be Hades.” Ngumiti si Bryan sa naisip ni Zymine. “I love that. Lovers of the Underworld.”             Kumindat lang si Zymine kay Bryan. "Ako naman si--" Naputol ang sasabihin ni Tara kasi may lalaking biglang dumating at nakisali sa usapan namin. He looks familiar. "Ako si Yo. Narinig ko ang usapan niyo at gusto kong sumali sa gang niyo." Nagulat ang lahat sa sinabi niya. Hindi naman kasi common ang may biglang sasali sa usapan at sasabihin yun. Napansin kong kumunot ang noo ni Tara. "No way!" Napatingin din sila kay Tara. "Hindi ka naman namin kilala. Saka sapat na kami sa grupo. Dun ka na! Shoo!" "Tara!" Saway sa kanya ni Bryan saka humarap kay Yo."Marunong ka bang makipaglaban?" Tumango naman ito. Halata naman sa pagdadala niya sa sarili niya. Madali kasi makita sa isang tao kung lampa siya o hindi. "Hmm. What do you think, Fhara?" Tanong ni Zymine sakin. "Fhara, no! Please? Pretty please?" Pakiusap ni Tara pero tinignan ko lang si Yo na mukhang hindi na natutuwa sa inaasta ni Tara. "Bakit ba ayaw mo?" Tanong nito kay Tara. "Pakialam mo? Sa ayoko, eh." Umirap si Tara sa kanya saka humarap ulit sakin. "Please Fhara?"             Tinitigan ko ulit si Yo. Bukod sa away nila ni Tara, mukhang wala naman ng magiging problema ang gang sa kanya. "Okay, you're in." Ngumiti si Yo at sumimangot naman si Tara. "Waaah! Bakit, Fhara? Hindi pa naman natin siya kilala.” Parang batang tanong ni Tara. "Makikilala rin natin siya." Sabi ko nalang. "Psh. Daya!" Alam kong hindi naman nagalit si Tara. Kahit naman ganyan yan, marunong pa rin siyang tumingin kung sino ang mga dapat pagkatiwalaan at kung sino ang may mga binatbat. "Welcome sa gang, bro! Isip ka na ng magiging codename mo." Sabi ni Bryan at inakbayan si Yo saka tumingin muli kay Tara. "Ikaw Tara, ano sayo?" Naexcite ulit si Tara. Sabi sa inyo hindi galit yan, eh.             “I would be Artemis, the goddess of hunt.” "Uy, ang cool din nun!” Sabi ni Zymine na ikinangiti naman ni Tara. “How about you, Yo?" Nag-isip sandali si Yob ago sumagot. "Uhm. Si Zeus nalang." “Nice.” Sabi ni Bryan at tumingin naman kay Chrome. "Ikaw, Chrome?"  "God of bloodlust, Ares." Sabi ni Chrome at sinarado na ang binabasang libro. "Cool! Si Fhara nalang ang wala. Sino sayo, Fhara?" Tanong ni Zymine pero wala pa kong naiisip. "Kayo ng bahala." Sagot ko. "Ako nalang mag iisip para kay Fhara. Uhm. Sino bang bagay?” Tanong ni Tara saka nag-isip. " Ah! Si Athena ka nalang, Fhara. Goddess of wisdom and war!” Athena? "Okay." "Yan! Set na tayo. Laban nalang ang kulang." Natutuwang sabi ni Bryan. Pagtapos ng usapan namin na yun, nagpasya na kaming magsimulang makipaglaban. Kinahapunan, pumunta kami sa Gangsters Society [also known as G-Society or GS], lugar yun ng mga gangsters. Doon nagaganap ang mga legal na gangster fights. May mga pustahan ding nangyayari doon at kung ano-ano pa. Muntikan pa kaming hindi papasukin dahil masiyado pa daw kaming bata pero binigyan kami ng chance ng matataas sa GS. Sinubukan muna namin kung gaano kami kalalakas kaya nakipag laban muna kami sa 3 amateurs at natapos namin kaagad ang mga laban namin dahil mahihina lang pala talaga sila kahit mas matatanda pa sila samin ng 3 or 4 years, medyo hindi rin yun halata dahil matatangkad naman kami. Humanga ang mga nakakita kaya pumayag na silang maging official na gangsters na kami. Umuwi na kami after naming mapagod sa pakikipaglaban, may ilang mga pasa at sugat kami pero wala pa yun sa natanggap ng pitong gang na nakalaban namin. Masaya kami ng umuwi dahil hindi namin alam na ganun pala kasayang makipaglaban. Nakakaenjoy talaga. Ang pinagsama-samang takot, excitement, at kaba ang nagpapalakas at nagpapasaya sayo sa laban. Kinabukasan, walang pasok. Naisipan naming huwag na lumaban sa mga pipitsuging amateurs dahil wala na silang binatbat samin at napagpasyahan naming Hamunin ng laban ang mga amateurs na nasa ranking na. Nagsimula kami sa Rank 10. Naging mahirap ang pakikipag laban namin sa kanila kasi magagaling sila at mas matanda yata sila samin ng 1 or 2 years. Pagtapos ng madugong bakbakan, natalo namin sila kaya kami na ang pumalit sa ranking nila. Muntikan na rin kami matalo noon dahil sa dami nila, bumigay na ang mga kasama ko at ako na lang ang natira, mabuti nalang at mahina na ang mga kalaban ko kaya natalo ko pa rin sila. Katawan lang kasi ang pwede mong ipanglaban kung fair na laban ang gusto niyo, bawal ang baril, kutsilyo at kung ano-ano pa. Pagtapos ng laban namin na yun, naisipan naming magkakaibigan na magtraining pa bago namin Hamunin ang Rank 9 kasi napasubo kami sa Rank 10. Hindi namin inakala na ganun pala sila kalakas. Kung muntikan na kaming matalo sa Rank 10, paano pa kaya ang Rank 9? Kaya mas pinaghusayan pa namin ang pagtitraining hanggang naging ready na kami at hinamon na namin ang Rank 9. Natalo naman namin sila. Sobrang saya namin nun. Lalo na ko, sobrang saya ko habang nakikipaglaban. Ewan ko ba, dun ko lang nararamdaman na buhay ako. Simula noon, nagtitraining na kami lagi bago kami sumabak sa laban ng mga nasa ranking. Hanggang sa natalo na rin namin ang Rank 1 at kami na ang pumalit sa pwesto nila. Nalaman ng lahat ng gangster na ang mythical gang na ang Rank 1 sa mga amateur gangsters pero hindi lahat nakaalam ng mukha namin dahil nakamaskara kami kapag lumalaban. Iilang gangs lang ang nakakita talaga sa mga hitsura namin at iyon ay ang mga matitindi naming nakalaban. Dahil maraming bumilib sa galing namin sa pakikipaglaban, lalong-lalo na sakin, nagsimula na silang tawagin akong Gangster Princess. Maraming humamon samin, at lahat sila malalakas, ang iba mga taga ibang lugar pa, pero wala sa kanila ang nanalo. Tatlong taon ang lumipas at kami na ang naging top gang sa buong Pilipinas pero natigil yun nang nagpasya kong umalis na sa gang. At dahil yun kay Railei. Fourth year high school na kami noon ng Mythical. Nasa pareho pa rin kaming school, pero first time kong mahiwalay ng room sa kanila. Doon sa room ko, naging seatmate ko ang isang lalaking nagngangalang Railei Kim. Makulit siya at lagi niya akong kinakausap. Ang kulit-kulit niya noon pero hindi ko siya pinapansin. Lagi lang akong nakaharap sa blackboard, natutulog o kaya nakaharap sa bintana. Pero mas lalo pa yata siyang natuwa sa ginagawa ko kaya nabigla ako nang isang araw, may sinabi siya sa akin. "Fhara, liligawan kita, ha?" Hindi ko pinahalatang nagulat ako at tumingin lang ako sa bintana pero naramdaman kong bigla nalang nag-form ng smile ang labi ko. Simula noon, lagi niya na akong pinagluluto, binibigyan ng bulaklak at ng kung ano-ano. Hindi ko napansing nahulog na pala ako sa kanya. Hindi ko pa malalaman kung hindi dahil sa Mythical. "Uy Fhara, kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan, ah? Nakakapanibago." Puna ni Bryan. "At nakakapangilabot!" Sabi ni Yo na naging dahilan ng pagtawa ng iba ko pang kagrupo. Nag-pout lang ako na ikinagulat naman nila. Bakit? Nakita ko lang yun kay Rai, eh. "Naku! In love kasi yan!" Sabi ni Zymine. In love? In love na ba ang tawag dito? "Ha? Totoo ba yun, Fhara? Kanino naman?" Tanong ni Chrome. "Doon sa seatmate niya na nanliligaw sa kanya! Sino nga ba yun?" Nakwento ko na kasi siya kay Tara at Zymine. "Railei.” Sabi ko na medyo nahihiya pa. “Railei Kim.” "Asus, nag-blush pa!" Pang-aasar ni Tara. Nag-blush ako? s**t. In love na nga yata ako. Napangiti ako sa naisip. Pagtapos kong makumpirma ang nararamdaman ko, sinagot ko na si Railei. Sobrang saya namin noong naging kami. Sinuportahan din kami ng Mythical. Nalaman din namin na gangster din pala siya, amateur pa nga lang, pero hindi namin pinaalam na gangsters kami at kami ang Mythical Gang. Isang gabi, napanaginipan ko ang pagkamatay ni Mama. Sumariwa na naman sa alaala ko kung paano siya pinagbuntunan ng mga taong may galit kay Papa. That night, napaisip din ako ng tungkol samin ni Railei. Paano kung ganun din ang mangyari samin? Paano kung madamay siya sa mga away ko kapag nalaman na nila na boyfriend ko siya? Hindi ko kakayanin yun. Pero anong gagawin ko? Sinong iiwan ko? Si Rai o ang gang? At nung gabi ding iyon, nagdesisyon na ko. ***   "Fhara!” Nakita kong tumatakbo si Tara at ang iba pang Mythical papunta sakin. Baka alam na nila ang ginawa ko. "What?" I asked coldly. "Is it true? Iiwan mo na kami at ang gang?" Tanong ni Tara. I nodded. "Fhara naman! Iiwan mo lang kami para sa kanya?!" Galit na sigaw ni Bryan pero matapang akong humarap sa kanya. "He's not just any ordinay man! I love him." Sabi ko na ikinagulat nila at ikinalumo. "Fhara, mas mahalaga pa ba siya kesa saming lima?" Malungkot naman na tanong ni Zymine. Yumuko ako dahil nahihirapan na akong makita ang mga confused nilang mukha "I'm sorry. Mahal ko talaga siya at ayokong malagay sa alanganin ang buhay niya." "Fhara, gangster siya! Nasa alanganin na ang buhay niya kahit hindi pa kayo." Naiinis ding paliwanag ni Yo. "Pero mas dodoble ang pupuntirya sa kanya kapag nalaman nila na ako ang girlfriend niya." I explained.   "Fhara naman." Nakikiusap na ang mga mata ni Tara. Mahal ko kayo... Pero mas mahal ko siya. "Sorry." Yan lang ang tanging nasabi ko. "Hayaan niyo na siya. Wala na tayong magagawa kung yan ang desisyon niya." Malamig na sabi ni Chrome, tapos tumalikod na siya at umalis. Sumunod naman ang apat at naiwan lang sa harap ko si Tara. Tinignan ko siya ng walang emosyon pero sa loob-loob ko, gusto ko siyang yakapin habang humihingi ng tawad. "I'm disappointed, Fhara." Sabi nito saka umalis. Mga ilang araw pagtapos ng pag uusap na yun, nabalitaan kong nadisband na ang gang at lumipad na papuntang Korea sila Tara at Bryan. Sumama na rin sa kanila si Zymine at nagpasyang doon nalang mag-aral kasama si Bryan. Wala na rin akong balita kay Yo at Chrome dahil nagpasya kami ni Railei na magsenior high sa ibang school. Tanga ba ako? Pinagpalit ko ang ilang taon ko ng mga kaibigan para lang sa lalaking kakakilala ko palang? Psh. Tanga na kung tanga. Nagsimula na rin akong baguhin ang sarili ko para kay Railei. Nagsuot ako ng mga girly stuffs, nag-aral magpacute at pinilit ang sarili kong makipag-socialize. Sa huli ay nagtagumpay naman ako at unti-unti, nakalimutan ko Yung totoong sarili ko. (End of Flashback)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD