Fhara’s POV
Pagdating ko sa school, lahat ng tao nakatingin sakin pero kapag tinitignan ko sila, umiiwas naman sila ng tingin. Tss.
“Fhara, good mor—omg!” Babatiin sana ako ng isang kaklase ko pero sinamaan ko agad siya ng tingin. Ayoko ng anumang interaction sa ibang tao ngayon.
Dahil maaaga pa naman ay dumiretso muna ko sa CR. Dahil may pila pa sa cubicle, dumiretso muna ko sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko.
Napangisi ako nang maaalala ang nangyari kanina.
(Flashback)
Pagkagising ko, naalala ko na naman ang ginawa sakin ng best friend at boyfriend ko na ngayon ay pareho ko ng ex. Hindi ko mapigilang umiyak na naman.
Sobrang sakit! Ang sakit-sakit iwanan at lokohin ng dalawang taong mahigit dalawang taon mong minahal at pinagkatiwalaan! I don't deserve to be treated that way. Bakit nila ko ginanun? Naging mabait naman ako, diba? Kaya nga binago ko ang sarili ko para sa kanya.
Pinunasan ko na ang luha ko at tumayo na, pero sa sobrang panghihina, muntikan na kong tumumba. Mabuti nalang at nakahawak ako sa side table pero di ko napansing may bubog pala dun kaya nakita ko nalang na dumudugo ang kamay ko. Pero sa sobrang sakit yata ng puso ko, hindi ko na naramdaman ang sakit ng kamay ko.
Pumunta nalang ako sa CR at hinugasan ang kamay kong nagdurugo pero kahit anong hugas ko, ayaw parin tumigil ng dugo. Sa sobrang inis ko, itinikom ko ang kamay ko hanggang sobrang dami ng dugo ang tumatagas.
Napangiti naman ako sa nakikita ko.
Gusto ko pa... Gusto ko pang makakita ng dugo.
Napatingin ako sa salamin na nasa harap ko. Ngumisi ako saka malakas itong sinuntok.
"Haha… Hahaha… HAHAHAHA!" Ewan ko kung anong nakakatawa pero nakakaramdam talaga ko ng saya.
Tinignan ko sa basag na salamin ang reflection ko.
"Welcome back, Fhara Kurunawa.” Sabi ko at ngumisi.
(End of Flashback)
Tama nga ang walang kwenta kong ama. Kahit anong pilit kong baguhin ang sarili, sa huli lalabas pa rin kung sino talaga ako.
Nang nakalabas na ko sa CR ay dumiretso na ko sa classroom.
Pagdating ko sa room, lahat pa rin nakatingin sakin. Hindi ko naman sila pinansin. Siguro hindi lang sila sanay na ganito ako. Oh baka naman nararamdaman nila ang lamig na katulad ng laging sinasabi ng mga nakakakita sakin noon.
Psh.
Umupo na ko sa upuan ko, sa tabi ni Cheyene. Nandun na rin siya at halatang kanina pa ko hinihintay dahil sobrang laki ng ngiti niya nung dumating ako.
"Good morning.” Bati nito sakin na akala mo ay walang nangyari samin kagabi. “Sorry kung hindi na kita nahintay kanina sa gate kasi hinatid ako ng boyfriend ko hanggang dito sa room.” Nang-aasar na sabi nito.
Kapal talaga ng mukha.
Gusto ko man durugin ang mukha niya pero mas pinili kong tumahimik at hindi siya bigyan ng kahit anong emosyon.
"Uy, galit ka?” Nakangiti pa rin nitong tanong pero hindi pa rin siya nakakuha ng sagot mula sakin. "Fhara, advice lang. Mag-move on ka na. Ngayong akin na si Ryle, hindi ko na siya papakawalan. Huwag ka mag-alala, mamahalin ko naman si Ryle, eh. Mahal niya rin naman ako kaya maging happy ka para samin."
Hindi ko na kayang tiisin pa ang kayabangan ng babaeng ito kaya naman sumagot na ko.
"Dapat lang na mahalin mo siya dahil hindi magtatagal, mawawala na rin siya sayo." Tinaas niya lang ang kilay niya at ngumiti.
"Talaga lang, ha? At saan naman siya mapupunta? Sayo? Dream on!"
Nginitian ko lang siya na kinainis niya naman. Iniexpect niya siguro na mabilis akong mapipikon.
"You look so confident na makukuha mo nga siya sakin, ah? What makes you that confident? Narinig mo mismo yun sa bibig niya.” Pang aasar niya pa.
"Don't be so sur, best friend. Ang kay Fhara ay kay Fhara lang. Pwede kang manghiram pero dapat isauli mo rin kaagad. Kung hindi mo isasauli, mapipilitan akong saktan ka, at kapag pumalag ka, may paglalagyan ka." Nginitian ko ulit siya at tumayo na. Wala na akong ganang pumasok.
"And what do you mean with 'may paglalagyan ka'?" Huminto ako sa pag alis pero hindi ako humarap sa kanya.
"Simple lang, I’ll beat you to death." Confident kong sagot.
"You think you can do that? FYI Fhara, hindi na ikaw ang girlfriend ni Knife!" May halong galit na ang boses niya. Mas napangiti tuloy ako.
"Of course I can do that. Even without the help of Railei. May kamay naman ako, eh." Humarap ulit ako sa kanya at ngumisi.
"I'm scared." Ngumisi din siya.
"You must. Dahil si Fhara Kurunawa ang kinalaban mo." And with that, tuluyan na akong umalis palabas ng school.
***
Dahil tinamad na nga akong pumasok, nagpasya nalang akong pumunta sa Yukusai. Hindi pa rin tapos ang program nila na pang isang linggo yata.
Dumiretso ako sa room ni Railei. Gusto ko siyang kausapin.
This time, bukas na agad ang pinto pagkadating ko dun. At katulad kahapon, nadatnan ko silang nagkekwentuhan. Wala naman na sana kong balak makinig, kung hindi ko lang narinig ang sinabi ni Bullet.
"Hay nako! Problema lang talaga yang mga babae. Hindi niyo nalang ako gayahin, sina Athena, Eris, at Persephone lang ng Mythical Gang ang minamahal!" Nagtawanan naman sila.
"Urur! Naniniwala ka na nagexist talaga ang gang na yun? Gago tol! Mythical nga, diba? Ibig sabihin myth lang! Hahahaha!" Blade
"Bahala kayo kung hindi kayo naniniwala! Basta kami ni Knife naniniwalYung totoo ang gang na yun! Diba, Knife?" Hindi sumagot si Railei.
Wala ng nagsalita sa kanila kaya napagpasyahan kong kumatok na kahit bukas naman na ang pinto. Katulad kahapon, nagulat na naman sila sa pagdating ko.
"Railei, let's talk." I said in authoritative tone. Tumayo naman agad si Railei at sumama sakin papunta sa katapat na room nila na walang tao.
"What do you want?" Hindi ko siya sinagot. Hinawakan ko lang ang batok niya at hinalikan siya. Naramdaman kong nagulat siya kaya hindi siya agad nakalayo. Kaya bago pa man siya umangal, itinigil ko na ang paghalik sa kanya at nagsalita na.
"Let's be together again, Rai. Bumalik ka na sakin." Mas lalong lumaki ang singkit niyang mata pero bumalik din naman ito agad sa normal.
"Akala ko ba nagkaintindihan na tayo kahapon, Fhara? Si Cheyene na ang pinili ko." Tinitigan ko lang siya.
"So you want it in a hard way, eh?" Kumunot ang noo niya.
"What do you mean?" He asked.
"What I mean is, kahit anong gawin mo, sakin parin ang bagsak mo, dahil hindi ako papayag na basta-basta nalang akong agawan ng kung sino man. Hangga't hindi pa ako nagsasawa sayo, mananatili kang akin at walang pwedeng kumuha sayo na kahit sino. Mag hintay ka lang, babawiin kita sa kanya.”
"Fhara, naririnig mo ba ang sarili mo? Para kang baliw." Napansin kong tinitigan niya ang mata ko. Ngumiti lang ako at binigyan siya ng smack sa labi.
“Baliw na kung baliw pero Rai, ito Yung totoong ako. Salamat sa pagpapaalala sakin kung sino talaga ako.”
Kumunot ang noo niya pero nginisian ko lang siya.
“Bye, boo.” Sabi ko at iniwan na siya doon.
Maghintay ka lang, Railei. May hinanda na kong plano para makapaghiganti sa inyo ng ahas na iyon. Maghintay ka lang.