Fhara’s POV
Hanggang dito sa unit ko hindi pa rin ako tinantanan ng mga iniisip ko tungkol kay Rai. Gusto kong malaman kung bakit nagkakaganun siya. Hindi kaya may problema siya? Tsk. Hindi ko malalaman ang sagot sa mga tanong ko kung hindi ko siya makakausap kaya bukas na bukas din kakausapin ko na siya. Pero feeling ko hindi ako makakatulog hangga't hindi ko nalalaman ang sagot sa tanong ko. Tsk.
Boo naman kasi! Ang dami dami ko na ngang iniisip, dumadagdag ka pa!
Kinuha ko ang susi ng kotse ko at nagpasya ng pumunta kila Railei kahit dis-oras na ng gabi. Kung may problema man kami ni Rai,dapat maayos na namin yun habang maaga pa.
Pinatakbo ko na ang kotse papunta kila Railei. Pagdating ko dun, nakita ko ang isang kotseng nakaparada sa tapat ng bahay niya. May bisita siya? Lumabas na ako ng kotse at tinignan ang nakapark na kotse. Parang familiar tong kotseng to.
Hindi ko na pinansin yun at nagdirediretso ng pumasok sa bahay nila Rai. Hindi na ako nag-abala pindutin ang doorbell kasi sanay na naman sila sakin. Parang akin na rin kasi ‘tong bahay nila dahil sa dalas kong nandito.
Pagpasok ko, wala kong naabutang tao sa sala. Kala ko pa naman may bisita siya. Nasaan kaya ang lalaking yun?
Tatawagin ko na sana si Railei kaso may narinig akong kalabog sa kusina kaya pinuntahan ko yun. Baka nandun si Railei. Pero nagulat ako sa nakita ko, nandito rin pala ang bisita niya. Sa kitchen na pala ineentertain ang bisita ngayon? At hindi lang basta-bastang entertainment ang ginagawa niya.
I saw him.
Kissing her.
Kissing my best friend, Cheyene.
Nanghina ako sa nakita ko kaya nalaglag ko ang susing hawak-hawak ko. Dahil doon, nahinto sila sa paghahalikan at napunta ang atensyon sakin
"F-Fhara." Hindi makapaniwalang sabi ni Rai. Gulat na gulat silang dalawa pagkakita sakin.
"Are you done?" Pigil-hininga kong sabi. Yumuko lang si Railei. Si Cheyene naman parang wala lang. "Ngayon alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan." Sabi ko kay Railei.
Humarap naman ako kay Cheyene. "I thought you're my best friend?"
Ngumisi lang siya. Kahit kaunting bakas ng hiya o pagsisisi, wala akong nakita sa mukha niya.
"Since when?" Nakayuko pa rin si Railei. "Kailan pa?! Kailan niyo pa ko niloloko?!"
Ngayon, tinignan niya na ko na parang handa na siya.
"Kahapon lang." Sabi niya.
Tinignan ko ulit si Cheyene na nakatitig pa rin sakin.
“I loved him first, Fhara.” Seryoso niyang pag-amin. “Hindi pa kayo, alam na ni Ryle ang nararamdaman ko para sa kanya.”
"Ibig sabihin nakipagkaibigan ka lang sakin para agawin siya? Ibig sabihin lahat ng pinakita mo saking kabaitan, hindi totoo?" Dahan-dahan siyang tumango.
Alam niyo ang hindi siya nakangiti pero hindi rin siya nalulungkot. Ang parang wala lang sa kanya na ginago niya ko?
Kinakarma na ba ko?
Mas lalo pa kong nanghina. Hindi ko kinakaya ang mga nalalaman ko kaya napaupo na ako sa sahig.
"Fhara!" Sinalo ako ni Railei pero tinabig ko siya.
"Rai... hindi totoo yun, diba? Diba, Rai?!"
Namuo ang luha sa mga mata ni Railei.
"I'm sorry." Yan lang ang tanging nasabi niya.
"I'm sorry? Yan lang ang sasabihin mo? Sabihin mo nga Rai, mahal mo na rin ba si Cheyene?"
Please Rai. Please say no. Sabihin mo sakin na naattract ka lang pero wala kang feelings sa kanya. Sabihin mong ako pa rin ang mahal mo. Tatanggapin naman ulit kita eh. Basta sabihin mo lang na ako pa rin.
Nakikita sa mukha niyang nahihirapan siya at hindi niya alam ang isasagot niya.
"Rai." Naramdaman ko namang may tumulo ng luha sa mga mata ko. Ilang taon na nga ba ang lumipas simula nang huling lapat ng luha ko sa pisngi ko?
Nagulat si Rai sa pagluha ko na yun kaya pinunasan niya agad ang luha ko. Hinawakan ko naman ang kamay niya.
"Rai, ako pa rin, diba?" Puno ng pag-asang tanong ko sa kanya. Mas dumami pa ang tumutulong luha sa pisngi ni Railei nung pumikit siya.
"I'm sorry, Fhara." Tumayo siya at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. Hinawakan niya naman ang kamay ni Cheyene na ngayon ay nakangiti na. "I think... I'm already inlove with Cheyene. I'm sorry."
Mas lalo pang napangiti si Cheyene at niyakap si Railei.
“Rai... You're lying, right? Nagsisinungaling ka lang diba, Rai?!”
Yumuko lang siya at sinabi ang mga salitang ayaw kong manggaling sa kanya.
"I'm sorry, Fhara, we're over." Mas lalo akong nanghina sa narinig ko. Naramdaman ko na rin ang tuloy-tuloy na pag agos ng luha sa mga pisngi ko.
"No." Kinuha ko ang susi ko sa sahig at tumayo. “No Rai, we’re not over yet.”
Hindi ko na siya hinintay magsalita muli at tumakbo na ako palabas.
"Fhara!" Narinig ko pang tawag sakin ni Railei pero di ko na siya pinansin at pinaandar na ang kotse.
***
Umuwi ako sa condo at umupo sa kama ko habang umiiyak. Nakita ko ang picture namin nila Railei at Cheyene sa may side table ko. Kinuha ko ito at tinitigan.
"How could you? How could you do this to me?!" Sa sobrang galit ay tinapon ko sa sahig ang picture frame at nagkandabasag ito. Dahil doon, humiwalay ang picture sa frame kaya kinuha ko ulit ito.
Tinitigan ko ang mukha ni Cheyene.
"Cheyene, paano mo nagawa sakin, to? Tinuring na kitang kapatid!" Kumuha ako ng isang bubog na galing sa picture frame at sinimulang kaskasin ang mukha ni Cheyene sa picture. “Pinagkatiwalaan kita ng sobra pero ginagago mo lang pala ako.”
Nang hindi na makita ang mukha ni Cheyene, sinimulan ko namang kaskasin ang mukha ni Railei.
"Rai, why did you do this to me? How come na naipagpalit mo ko sa isang kagaya niya? I gave up everything for you! I left them for you!" Tinapon ko ulit ang picture sa sahig.
"Waaaaah! I hate you! I hate the both of you! Curse you to hell!"
Sa sobrang galit ko ay pinagtatapon ko na sa sahig lahat ng mahawakan ko.
Binasag ko lahat ng pwede kong basagin, binato ko lahat ng makita ko at pinagsusuntok ang pader, mawala lang ang galit ko.
Nang medyo kumalma na ko, humiga ulit ako sa kama.
“Do I deserve this? Karma na ba ‘to sa pang-iiwan ko sa kanila dati? Kaya ba ko iniwan ngayon kasi nang iwan din ako?"
Nang tapos na kong umiyak, nakaramdam na ako ng antok.
***
"Fhara!" She called me while huffing.
"What?" I coldly asked.
"Is it true? Iiwan mo na kami at ang gang?" I nodded.
"Fhara naman! Iiwan mo lang kami para sa kanya?"
"He's not just any ordinay man! I love him." I said.
"Fhara, mas mahalaga pa ba siya kesa saming lima?" Yumuko nalang ako.
"I'm sorry. Mahal ko talaga siya at ayokong malagay sa alanganin ang buhay niya."
"Fhara! Gangster siya! Nasa alanganin na ang buhay niya kahit hindi pa kayo!"
"Pero mas dodoble ang papatay sa kanya kapag nalaman nila na ako ang girlfriend niya."
"Fhara naman."
Sorry."
"Hayaan niyo na siya. Wala na tayong magagawa kung yan ang desisyon niya."
"I'm disappointed, Fhara."
"I'm disappointed, Fhara."
"I'm disappointed, Fhara."
"I'M DISAPPOINTED, FHARA."
"Sorry!" Biglaa akong napabangon at nasabi yan.
Tss. Hanggang sa panaginip ba naman?
Bakit pakiramdam ko may mangyayari na naman? Hindi pa ba sapat ang nangyari ngayon?
Kung ano man yun, sana pabor sakin. Kasi sa sitwasyong ‘to, hindi ko na kakayanin ang isa pang problema.