Episode 17

1505 Words

Pinagtiyagaan ko talaga ang pag-aalaga kay Sir Jeoff. Kahit mayroon siyang sariling nurse at therapist ay hindi ko pa rin siya pinapaubaya sa mga ito. Palagi pa rin akong nakamonitor sa asawa ko. Ewan ba, bigla na lang naramdaman ko na inaasikaso ko siya hindi dahil utos ni Senyora Juana. Inaasikaso ko siya dahil responsibilidad ko na siya gaya ng anak ko. "Sa totoo lang ayokong hinahawakan ng iba ang katawan mo, asawa ko. Iba kasi pakiramdam ko doon sa massage therapist na umaasikaso sayo. Pakiramdam ko kasi hindi siya tunay na lalaki," naiinis kong sambit habang pinapalitan na ng damit si Sir Jeoff. Katatapos lang ng massage therapist na suriin ang katawan niya. Lagi akong nakabantay sa bawat kilos ng massge therapist na yon dahil hindi talaga ako komportable sa kanya lalo na kapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD