Episode 36

1552 Words

Sa sasakyan pa lang pauwi ay sa bahay ay panay na ang usal ko ng panalangin na nawa ay may natitira pang awa si Sir Jeoff para kanyang nanay na ngayon ay nag-aagaw buhay. Aaminin ko na alanganin na pagbigyan niya ako base pa lamang sa ipinakita niyang ugali kanina. Hindi man lang siya natinag at nakakitaan ng kahit pakitangtao na pag-alala para kay Senyora Juana. Mas malaki ang chance na tanggihan niya ako ngunit susubukan ko pa rin lumapit at magsabi. Kung kinakailangan kong lumuhod at magmakaawa sa kanya bigyan niya lang ako ng pera na kinakailangan ko ay walang alinlangan kong gagawin mailgtas lang si Senyora Juana. Lahat gagawin ko para sa matandang babae na sa kabila ng hindi niya naman kami kaanu-ano ng anak ko ay nakita ko kung paano niya kami minahal ng totoo kahit pa sabihin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD