(1) Unang Biktima
Sa madilim na kagubatan, isang batang lalaki ang gustong umuwi sa kanilang bahay. Ngunit hindi niya alam kung saan siya naroroon. Kakaibang lugar ang kaniyang napuntahan. Hindi mundo ng mga tao dahil ang kaniyang mga nakakasalamuha rito ay hindi ordinaryong tao. May mga kapangyarihan ito.
Takot at kaba ang naramdaman ng bata. Hirap at nalilito kung anong pinto ang kaniyang pipiliin.
"Ikaw na bata, kung nais mong bumalik sa pinanggalingan mo. Magpasiya ka kung saang lagusan ka dadaan." isang matandang babae
na may tungkod na hawak.
Hindi pa rin agad nakakapagpasiya ang batang lalaki. Nahihirapan ito kung saang pintuan siya dadaan upang makauwi sa kanila. Tatlong pintuan ang nasa harapan niya. Isang pintuan na nasa kaliwa. Ang isa naman ay nasa kanan. Habang ang pangatlong pintuan ay nasa gitna.
"Paano ako pipili sa tatlong pintuan na ito kung parehas lamang ang itsura? Walang pinagkaiba ang bawat pintuan." sambit ng bata
Lumapit ang matandang babae na may hawak na tungkod. Kita ng bata
ang wangis ng matanda. Nakaramdam ito ng takot dahil ang kaniyang kaharap ay sobrang haba ang ilong na may tulis na hindi pangkaraniwan. Kulay puti ang buhok nito at kulubot na ang muka. Habang ang tenga nito ay katulad ng tenga ng duwende. Mas natakot ang batang si Deliyo nang masilyan niya ang mga mata nito na kulay pula na para bang isang halimaw.
"Kung hindi ka pipili ng lagusan ay mananatili ka na lang dito habambuhay. HAHAHAHA" May katakot-takot na halakhak nito sa bata
Gamit ang hintuturo na daliri ng matanda. Tinapat niya ito sa dibdib ng bata. Mahaba ang mga kuko nito at kulay itim ang suot. Bigla na lamang napatalsik ang bata na naging dahilan kung kaya't napatumba ito.
Pagkatingala niya ay napatayo siya bigla nang makita sa kaniyang likuran
ang mga mukha ng matatandang babae. Hindi lang isang matandang babae ang kasama niya sa kagubatan.
Limang matandang babae na hinihintay ang pagpili ng bata kung anong lagusan ang kaniyang mapipili.
"Ano, Daylon? Pumili ka na kung saang lagusan ang nais mong pasukin. Tandaan mo isang lagusan lang ang tamang daanan pabalik sa inyo." isa pang matandang babae ang narinig ng bata na malapit mismo sa kanang tenga nito.
Hindi mawala ang takot at kaba ni Daylon. Huminga muna siya ng malalim bago pumili ng isang pintuan na tinatawag nilang lagusan.
Lumapit si Daylon sa gitnang pintuan, hinawakan ang door knob. Nagdadalawang isip pa itong buksan dahil hindi niya alam kung tama o maling lagusan ang kaniyang nilapitan.
Nagsalita ang unang matanda na nakausap niya "Sigurado ka na ba sa lagusan na napili mo? Isipin mo ng mabuti kung gusto mo pa makabalik ng buhay sa inyo."
Nahihirapang pumili si Daylon ng pintuan. Hindi siya sigurado sa gitnang pintuan. Pumunta siya sa kaliwang pintuan. Bubuksan na sana niya ang kaliwang pintuan na napili niya. Ngunit may narinig siya ditong konting ingay sa loob na kakaiba. Ang tunog na kaniyang narinig ay nakakatakot na tunog.
Minabuti niya munang nilapitan ang kanang pintuan at hinawakan ang door knob. Hindi niya ito binuksan dahil bumalik ito sa gitnang pintuan.
"Sobrang hirap bang pumili? Naiinip na kami sayo, bata ka. Bilisan mong pumili kung ayaw mong patayin ka namin dito." nagagalit na sabi ng matandang babae kay Daylon
Lakas na loob na binalikan ni Daylon ang kanang pintuan at binuksan niya na ito. Napagmasdan niya ang maliwanag na kakaibang kulay ang nasa loob ng pintuan. Hindi nagdalawang isip humakbang si Daylon papasok sa lagusan na kaniyang napili.
Pagkahakbang niya ay tila bang may pumipigil sa kaniyang dalawang paa na maglakad. Unti-unting nanigas ang kaniyang buong katawan.
Napahawak siya kaagad sa dalawang magkabilang gilid ng pintuan nang makaramdam siya ng malakas na hangin. Humahatak sa kaniya upang pigilan siya makapasok sa lagusan.
Napatingin si Daylon sa likuran niya at kitang-kita niya na kagagawan ng matatandang babae kung bakit nanigas ang buong katawan niya at may malakas na hangin ang humahatak sa kaniya.
"Hola pwero ge-musta resibi le mi" ang ritwal na sambit ni Daylon na nakapagpigil sa kung anong nais gawin ng matatandang babae.
Biglang huminto ang malakas na hangin at nawala na rin ang paninigas ng buong katawan niya. Nanghihina ang mga matatandang babae dahil sa bisa ng ritwal. Dali-dali pumasok ang bata sa lagusan at biglang nagsara ang pintuan na kaniyang pinasukan.
"Hindi maari! Nabigo tayo ng isang paslit lamang. Paano niya nalaman ang ritwal na niyon? Hindi katanggap-tanggap! " Inis ng matandang babae sa nangyari.
Pagkalabas niya sa lagusan, nakita niya ang paligid na may mga taong naglalakad. Siya ay nakabalik sa mundo ng mga tao. Sobrang tuwa ni Daylon na siya ay nakabalik ng ligtas. Siya ay napatalon at napasigaw sa saya.
Pinagtitinginan siya ng mga tao at hindi alam kung anong nangyayare sa
bata. Napatigil si Daylon sa kaniyang ginawa nang mapansin niya ang mga tao na nakatingin sa kaniya.
*****
Ang Mundo ng mga Engkanto
Sa mundo na hindi pangkaraniwan kung saan ang mga naninirahan dito mga engkanto. May dalawang kastilyo na tinatawag nilang Light Castle at Dark Castle sa mundo ng mga Engkanto.
Ang Light Castle ay dito naninirahan ang mga Engkanto na mabubuti.
Kabaliktaran naman sa Dark Castle, naririto ang ubod ng kasamaan na mga Engkanto.
Karamihan na nakatira sa mundong ito ang mga diwata ng engkanto. Ang mabubuting diwata ay tinawag na Puting diwata. Pulang diwata naman sa mga masasama.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Disclaimer: Ang kwentong ito ay tanging imahinasyon ko lamang.
Sa bahagi ng kwento mula sa mga tauhan, lugar at mga pangyayari
ay walang katotohanan. Ito ay gawa-gawa lamang. Fiction story at fantasy story.
Mahigpit na pinagbabawal ang manggaya at magnakaw ng hindi sariling gawa. Pahintulot ng may-ari ay kailangan. Ang magkuha ng hindi sa kaniya ay maaring makulong na nakasaad sa batas ng ating bansa. Ito'y isang paalala lamang po sa inyo.
Ako si Piero na inyong author, it is not my real name. Name ko lang dito sa w*****d.
Paalala: ako'y hindi isang professional writter dahil nag-aaral pa lang ako bilang studyante kaya't kung may mga mali akong spelling or grammar o kung ano pa man.
Ako'y humihingi ng paumanhin sa mga magbabasa ng aking kwento. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.