(2) Mga Batang Nawawala

1849 Words
"Update-Balita, ulat ngayong araw, may Iba't ibang lugar ang naitatala na may mga batang nawawala. Kabilang na dito ang Masbate, Pangasinan, Batangas, Zambales, Mandaluyong, Laguna, at sa lugar ng Pasig. Labing pitong bata ang kabuuan ng mga batang nawawala sa bansa. Lima sa Masbate, tatlong lalaki at dalawang babae. Tatlong bata sa Mandaluyong lahat babae. Isang batang lalaki sa Pasig. Sa lugar ng Pangasinan at sa Laguna parehong dalawang bata ang nawawala. Dalawang babae sa Pangasinan at dalawang lalaki sa Laguna. Dito naman sa Batanggas, nakumpirma na may apat na batang nawawala. Hanggang ngayon ay hindi mkumpirma kung saan naroon ang mga batang nawawala." Pinatay ko ang TV na pinapanood ko, puro na lang balita kasi ang lumalabas. Nakakasawa na manood at paulit-ulit binabalita na laging may nawawalang bata. Wala na akong ibang napapanood na palabas dahil laging sumusulpot ang balita sa pinapanood kong telebisyon. Hindi naman ako naniniwala sa balita na niyan dahil hanggang ngayon hindi pa rin matukoy kung anong dahilan kung bakit nawawala ang mga bata na sabi sa balita. Ako nga na bata rin dito sa pasig. Bakit sa tuwing nalabas ako wala namang kumukuha sa akin? Halatang hindi totoo ang balita na pinapalabas nila. "Raylin, bakit mo naman pinatay ang Tv? Nakikinig ako ng balita, pinatay mo naman agad." Reklamo ni mama kahit ako naman nagbukas ng TV. Katwiran ko kay mama "Puro balita kasi 'ma, walang ibang palabas. Manonood sana ako kaya nga binuksan ko." Sinunod ko na lang ang utos ni mama at baka mapagalitan pa ako nito. Binuksan ko muli ang TV namin. "Binabalaan ang mga bata na manatili lang muna sa loob ng bahay para sa kaligtasan. Hangga't maari ay huwag laging palabasin ang inyong mga anak. Mahalaga na mag-ingat ang mga bata sa bawat lugar." Gusto ko munang lumabas at pumunta sa bahay ng pinsan ko. Magkalapit lang kami ng bahay dahil kapitbahay lang namin sila tita. Wala naman kasing magandang palabas. Nakakasawa talaga kung laging balita ang nasa TV. "Mama, punta lang ako kina Tita." pagpaalam ko kay mama Pinayagan naman ako ni mama pero pinag-iingat niya ako. "Sige, diyan ka lang kina tita mo. Huwag kang lalabas at baka ikaw sumunod na mawala. Narinig mo naman siguro ang balita." Tumango lang ako at pumunta na ako sa bahay ng pinsan kong si Jailyn. Pagkarating ko sa bahay nina tita, tinanong niya sa akin ang balita na tungkol sa mga batang nawawala. "Raylin, napanood mo na ba ang balita tungkol sa mga batang nawawala?" ayan ang tanong niya sa akin. Tumango lang ako kay tita at pinagsabihan pa nga kami ni Jailyn "Huwag kayong lalabas kapag wala kayong kasamang matatanda Delikado na ang panahon ngayon. Lalo ka na Jailyn, dito lang kayo para di kayo mabiktima ng mga nangunguha ng mga bata." Tinanong ko si Tita Riza kung naniniwala siya sa balita na may mga batang nawawala kasi ako hindi talaga. "Oo, bakit? kung hindi ka naniniwala mas mabuting sumunod na lang kayo para sa kaligtasan niyo. Kaya kayong dalawa, pinagsabihan ko na kayo na 'wag kayong gumala o tumambay diyan sa labas." Kagaya niya si mama kapag nagtatanong ako nagagalit agad. Magkapatid nga sila, walang duda. Maglalaro sana kami ni Jailyn sa kwarto niya pero pagkakita ko sa kaniyang gamit mula sa kwarto niya ay hindi maayos para ba siyang hindi babae. Hindi marunong maglinis ng kaniyang mga gamit na ang kalat-kalat. Madalas kapag pumupunta ako dito ay sinasabihan ko na ayusin ang mga gamit niya. Tuwing napunta ako sinasabihan ko siya kasi hindi marunong maglinis ng kwarto. Kaya minsan kapag sinasabihan ko siya sinasabi ko na linisin namin para maayos naman tingnan. "Jaiyln, bakit hindi mo nililinis kwarto mo? Nakakalat na naman ang mga laruan. Tapos yung mga iba mong damit mo kung saan nakalagay wala sa kabinet." Sinabi ko sa kaniya habang kinukuha ko ang mga damit niyang makalat para tiklupin ko at ilagay sa kabinet nito. "Maglinis ka, tulungan kita ang g**o na naman kasi ng kwarto mo. Buti pa si Lester ang mga gamit niya maayos. Tapos ikaw na babae hindi marunong mag-ayos." Buti pa si Lester na kapatid niya marunong maglinis at mag-ayos ng mga gamit niya. Nakita ko na binuksan niya ang kaniyang kabinet at naroon ang iba niyang damit. Kahit nasa loob ng kabinet ang ibang damit niya niya hindi pa rin maayos. Paano ba naman kasi hindi tiniklop ng maayos yung para bang nilagay lang niya basta roon. "Tulungan mo ko magtiklop, Raylin." sabi niya sa akin Kinuha niya yung malaking tela sa kabinet niya at nilatag niya ito sa lapag. Doon niya nilagay lahat ng mga damit niya sa kabinet na hindi mga tiklop. Nilagay ko na sa kabinet ang mga damit niya na natiklop ko. Inaayos ko ang pagkalagay sa loob ng kabinet. "Ayos ha.. May tela kang malaki pinaghandaan mo ata." birong sabi ko sa pinsan ko. Ngumiti lang ito sa akin, inusog ko ang mga laruan niya na nakakalat lang sa lapag. Sinimulan na naming magtiklop. Ako na ang naglagay ng mga damit niya sa kabinet. Ang dami niyang damit kaya medyo malaki rin ang kabinet ng pinsan ko. Hindi ko na siya pinalagay ng mga damit sa kabinet niya ako na mismo kasi ang alam ko basta niya lang niya mailagay sa kabinet. Nang matapos ko mailagay ang mga natiklop naming damit. Sinunod ko naman ayusin ang mga laruan niya na inusog ko kanina. May lagayan naman siya ng mga laruan niya doon sa tabi ng kama niya sa bandang kanan. Isang kabinet na maliit kung saan kasya lahat ng laruan niya doon. "Jailyn, may pamunas ka ba diyan? Pati yung salamin mo dito sa pader hindi mo pinupunasan. Ang dumi na at malabo na." Lumabas siya ng kwarto at narinig ko na nanghingi siya ng pamunas kay Tita Riza para sa salamin. "Di mo binasa? Basain mo ng konti." sabi ko sa kaniya pagkapasok niya sa kwarto. Nainis naman ito sa akin "Ba't di mo sinabi agad. Lalabas ulit tuloy ako." Sabay labas siya ng kwarto, kasalanan ko ba alam niyang magpupunas siya ng salamin hindi niya binasa. Hindi siya nag-iisip na hindi matatanggal ang dumi kung hindi basa. Hindi talaga siya marunong maglinis. Bumalik rin naman agad si Jailyn at pinunasan niya ang kaniyang salamin na nakadikit sa dingding. Habang ako ang mga iba pa niyang gamit na nasa maliit niyang table inayos ko. Pagkatapos niwalisan ko kwarto niya kasi magaspang may mga alikabok at may konting kalat na papel. Ilang minuto rin kami naglinis ng kwarto niya. Imbes na maglaro kami napunta lang sa paglilinis. Nagulat kami nang may biglang pumasok sa pintuan. Si Tita Riza lang pala. Tiningnan ni tita ang buong kwarto at kita niya na maayos at malinis ito. "Naglinis pala kayo, dito. Hindi ka nahiya, Jailyn tinulungan ka na naman ni Raylin mag-ayos dito. Hali na kayo sa labas, dito ka na rin kumain Raylin. " Masarap ang ulam nila. Adobong manok. Sigurado ako na masarap ang adobo. Masarap kasing magluto si Tita Riza. Hindi namin kasabay kumain si Tito. May trabaho kasi siya ngayon at mamaya pa uuwi. Bali apat kami kasama ang isa ko pang pinsan na si Lester. "Damihan mo ang kain mo, Raylin. Jailyn sandukan mo ang pinsan mo. Napagod siya sa paglilinis ng kwarto mo. Ang kalat-kalat mo kasi sa kwarto. Hindi marunong maglinis ng mag-isa si Jailyn kaya minsan ako naglilinis ng kwarto niya kapag hindi ako busy sa work." Kinuha ko ang hawak na plato kay Jailyn . "Ako na lang po tita magsandok ng akin." Tumayo ako para magsandok ng aking kakainin. Hindi na ako kumuha ng mangkok. Sa mismong plano ko na ilalagay ang ulam ko. "Dapat wala kang kwarto, Jailyn eh...hindi mo inaayos mga gamit mo." pang-iinis ni Lester sa kapatid niya. Mas matanda pala si Lester kay Jailyn at magkasing edad lang pala kami ng kuya niya. "Mama oh.. si Kuya." sumbong ni Jailyn Sang-ayon naman si Tita Riza sa sinabi ni Lester "Tama naman ang kuya mo. Saka kababae mong tao hindi ka marunong mag-ayos ng kwarto mo." Nang dila si Lester sa kapatid niya, inaasar niya si Jailyn. Nakita rin naman ito ni tita. "Tumigil na nga kayo, kumain na kayo." pagsaway ni Tita sa kaniyang mga anak. Nang matapos kaming kumain, tinulungan ko si Tita Riza na magligpit ng pinagkainan at si Tita ang naghugas nito. Pumunta si Lester sa kusina at narinig ko na nagpaalam na lalabas. "Mama, labas lang po ako punta lang ako sa kumpyuteran. Maglalaro ng mga kaibigan ko." Hindi siya pinayagan ni Tita lumabas "Dito ka lang, may nangunguha ngayon ng mga bata para hindi ka lumabas. Ikaw maghugas nito at ibalik mo kung saan mga nakalagay niyan. Magpipinaw lang ako ng mga sinampay sa labas." "Ano ba niyan 'ma? Kaya naman ni Jailyn maghugas dito." inis na sabi ni Lester Narinig naman ni Jailyn ang sinabi ng kaniyang kuya "Ikaw maghugas niyan, sayo inutos niyan. Dinadamay pa ako." "Ikaw na maghugas niyan, Lester." utos ni tita sa kaniya. Hinila naman ni Jailyn ang kamay ko "Tara na, maglaro na tayo sa kwarto ate." Nagpunta na kami sa kwarto niya at naglaro na kami dito ng mga laruan niya. Narinig namin ni Jailyn na nagagalit ang mama niya sa sala habang naglalaro kami rito. Galit si Tita Riza kay Lester dahil may nabasag siyang baso. Hinayaan lang namin ni Jailyn dahil naglalaro kami. Nakaramdam naman ng uhaw kaya lumabas muna ako at kumuha ng tubig sa kusina. Nakita ko na galing si Lester sa labas kasi kakapasok lang niya. May band aid siyang binili, nilagay niya ito sa daliri niyang may sugat. Ang alam ko hindi siya pinayagan ni tita lumabas. Siguro lumabas siya ng hindi alam ni Tita Riza. "Bakit may sugat ka?" tanong ko kay Lester "Nasugatan ako dahil kanina nakabasag ako ng baso habang naghuhugas ako." paliwanag niya sa akin. Bumalik ako sa kusina at hinugasan ang pinag-inuman kong baso. Pagkalabas ko ng kusina, naroon pa din si Lester nakaupo. "Lumabas ka para bumili ng band aid. Di ba bawal lumabas may nangunguha ng bata?" tanong ko sa kaniya. "Hindi naman totoo niyon, nandoon nga mga kaibigan ko sa kompyuteran. Bakit di sila nakuha?" Parehas lang pala kami na hindi naniniwala sa balita na may nangunguha ng mga bata. Nagpaalam na ako kay Jaiyln na uuwi na ako ng bahay. Pagkarating ko sa bahay, hindi na ako kumain kasi busog na ako at sinabi ko kay mama na kumain na ako kina tita. Tinabi lang muna ni mama ang pagkain ko at sabi niya sa akin na kainin ko na lang kapag nagutom ako. Alam ko naman kung saan niya ito nilagay. Tinakpan niya ito para hindi magalaw ng mga ipis o daga sa bahay. Nang gumabi na ako ay natulog nang maaga dahil bukas may pasok ako sa school. Pero bago ako natulog tiningnan ko muna ang mga gamit ko sa bag at inaayos ko ito. Grade 1 pa lang ako parehas kami nina Lester at Jailyn. Ang kaso lang hindi ko kaklase si Jailyn. Ang kaniyang kuya ang naging kaklase ko si Lester.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD