(3) Batang Lalake sa Pasig

1362 Words
Pang-umaga ang pasok namin ngayon. Ginising ako ni mama sa mahimbing kong tulog. "Anak, bumangon ka na diyan. Anong oras na male-late ka. Nakabihis na mga pinsan mo. Bilisan mo kumilos." ang malakas na boses ni mama. Pinapamadali ako ni mama kumilos dahil pagkalabas ko ng sala nakita ko si Jailyn na nakabihis na pala. "Kakagising mo pa lang, bilisan mo ate baka malate tayo. Kakain muna ako sa bahay." pati si Jailyn pinapamadali niya ako. Pumasok na siya sa loob ng bahay nila. Mabilis akong naligo sa banyo, nagbihis at kumain. Hinatid kami ni mama sa School. Gusto ni mama na ihatid kami kahit kaya naman naming pumunta sa school dahil daw para ligtas kami at hindi makuha ng mga nangunguha ng mga bata. Tinuruan kami dito magbasa ng aming guro. Isa-isa kami pinapabasa. Mas magaling pa nga sa akin magbasa si Lester. May pinaguhit din kami ni Teacher Castro kung ano ang gusto namin sa paglaki. Yung pangarap ba daw namin. Tapos isa-isa daw kami tatawagin para magsalita sa harapan kung ano ang ginuhit namin. Medyo nahirapan ako kung ako ano ang gusto ko maging sa paglaki. Hindi ko kasi alam kung ano gusto ko. Nakikita ko si Lester, nagsisimula na itong magguhit. Parang Sundalo ang drawing niya mula sa bondpaper. Sa bondpaper kami pinaguhit at kailangan daw kulayan. Isa pa, nahihirapan din akong mag-drawing. Nag-isip muna ako kung ano ba talaga ang gusto ko. Ang tagal ko rin makaisip, nakikita ko na halos lahat ay nagkukulay na sa mga gawa nila habang ako mag-uumpisa pa lang ng gumuhit. Alam ko na kung ano gusto ko, maging nanay. Nagguhit ako ng isang nanay at isang baby. Gusto ko maging katulad ni mama. Maalaga at mabait kahit na lagi siya maingay sa bahay. Nasa likuran lang nakaupo si Lester sa likod ko. Tiningnan niya ang gawa ko. "Raylin, di ka pa tapos? Ano sayo?" tanong niya sa akin "Nanay." napatawa siya ng sinabi ko ito. Hindi ko alam ba't natawa siya ng mabanggit ko ang salita na niyan. May mali ba sa ginuhit ko? Siguro pinagtatawanan lang niya gawa ko kasi panget pagkaguhit ko. Hindi rin naman maganda drawing niya. Isa-isa na tinawag kami ni ma'am para umpisahan na namin ibahagi ang gawa namin. Alphabetical ang pagtawag ni ma'am kung sino ang magsasalita sa harapan. Medyo matagal pa ako matatawag kasi Suarez ang apelyido ko. Raylin Belin Suarez ang buong pangalan ko. Tinawag na ni ma'am ang mga kaklase ko habang ako ay nagkukulay ng naguhit ko. Nakita ko na tapos na sila at ako na lang ang hindi pa. Hindi ko na narinig ang mga nagsasalita sa harapan dahil abala ako sa pagkukulay at gusto ko matapos ito bago ako tawagin ni ma'am. Unang tawag ni ma'am sa akin ay hindi ko narinig. Sinabi sa akin ng katabi ko na ako na daw magsasalita sa unahan. Konti na lang matatapos ko na ang pagkukulay ko. Hindi na ako pinatapos ni ma'am sa pagkulay. Okay na daw niyon kaya nagpunta na ako sa harapan. "Ang ginuhit ko po ay isang nanay. May ginuhit akong baby para alam na isang nanay 'to." nagtanong ang isa kong kaklase na lalaki. "Ano niyan? Gusto mo maging nanay? Gusto mo may anak ka kaagad? Ibang kalse ka, Raylin." tanong niya na ikinatawa nila ng malakas maliban sa pinsan kong si Lester. Bigla akong nahiya ng pinagtawanan nila ang gawa ko. Masama ba maging nanay? Pinaharap ako ni ma'am sa kaniya at kinausap ako. "Raylin, ang pinapagawa ko sa inyo kung ano pangarap niyo sa paglaki. Sa madaling salita kung ano trabaho ang gusto niyo. Halimbawa, Doktor o kaya katulad sa pinsan mo sundalo gusto niya." Humarap ulit si ma'am sa mga kaklase ko at sinaway sila. "Hayaan niyo na ipaliwanag ni Raylin kung bakit ang ginuhit niya ay isang nanay." Tiningnan ako ni Teacher Castro at nagsalita muli ako sa harapan nila. "Maging isang nanay ang gusto ko sa paglaki. Gusto ko maging katulad ako ni mama. Maalaga at mabait sa akin bilang anak niya. May iba kasing mga nanay na pinababayaan ang anak. Kaya sa tingin ko magandang tularan ang pagiging magulang ng mama ko na gusto ko gawin sa aking paglaki." Ngumiti sa akin si Teacher "Ayon naman pala, bigyan ng malakas na palakpak si Raylin" Iba kong kaklase ay pumapalakpak kasama na roon si Lester at pagkabalik ko sa upuan. Inapiran ako nito "Nice! Ganda ng paliwanag mo." may ngiting sabi niya sa akin. Nakauwi na ako sa bahay, balak ko sana manood ng TV kaso may assignment ako na dapat kong gawin para bukas. Nagpatulong ako kay mama. Math subject kasi medyo mahirap para sa akin lalo na ang multiply at divide. Tiningnan naman ni mama ang sagot ko sa plus at minus. Tama naman daw, sa multiply at divide lang ako nahihirapan. Tinuruan niya ako rito, dalawang oras ako tinuruan ni mama at kahit papaano ay may naiintindihan ako ang kaso nakakalimutan ko agad Hahaha. Hirap talaga ng math. Matapos ko magawa ang assignment ko sa math. Nanood ako ng TV, cartoons ang pinapanood ko. Nang gumabi na nanonood si mama ng balita. Nag toothbrush ako sa kusina at medyo malakas ang tunog ng Tv kaya naririnig ko ang balita. "Batang lalaki sa Pasig, nakita na! May tumawag sa magulang ng bata at sinabi na nakita nila ang bata, anim na taong gulang pa lang na naiulat natin noong nakaraang araw. Kwento ng nakakita, tinanong niya ang bata kung bakit umiiyak ito. Nawawala raw siya at hindi makita ang magulang niya. Sa araw daw kung kailan nawala ang bata. Ayon daw ang araw nang gumala sila ng mama niya. Nang mapanood daw ang balita ay agad siyang tumawag upang sa magulang ng bata ipaalam. Sabik at saya ang naramdaman ng mag-ina nang magkita muli sila." Ibigsabihin, hindi totoo na may nangunguha gaya naming mga bata. Naligaw lang pala ang bata at buti nahanap na ang batang lalaki. Tatlong araw din siyang hinanap. Pagkalabas ko sa kusina, nakatayo si mama habang nanood nito. Hindi siya umupo sa upuan. "Mama, walang nangunguha ng bata. Sabi diyan sa balita, naligaw lang pala kaya hindi makauwi." Pinatay na ni mama ang TV dahil tapos na ang balita. "Hindi pa rin natin sigurado kung may nangunguha talaga. Saka madaming nawawala na mga bata at isa pa lang nababalita na nahanap na." Katwiran ko kay mama "Sa ibang lugar naman niyon 'ma. Wala dito sa Pasig." Pinayagan na kami lumabas ng bahay, sinundan namin si Lester sa Kumpyuteran. Pinanonood namin siyang maglaro kasama ng mga kaibigan niya. Kami ni Jailyn ay hindi kami marunong. Ngayon lang kasi kami nakapunta rito pero tinuruan kami ni Lester kung ano ang pipindutin. Nang matuto kami naglaro na kami ni Jailyn at buti na lang may natira akong baon na sampung piso at hinulog ko ito. Halos lahat mga bata lang nandito sa kompyuteran at kami lang dalawa ni Jailyn ang babae rito. Naririnig namin na pinag-uusapan ng iba ang tungkol sa batang lalaki na nawala at nakita na dito sa Pasig. Pati rin pala sila hindi pinapalabas ng bahay noong mabalitaan na may isang bata na nawawala sa lugar namin. Hindi rin kami nagtagal ni Raylin dito, umuwi na kami. Sinubukan namin pauwiin si Lester na sumabay na sa amin pero mamaya pa daw siya. Anong oras na kasi at bukas may pasok pa kami. Natulog na ako kasi may pasok pa kami bukas. Nandito na nga ako sa school, absent ngayon si Lester dahil anong oras na ito nakauwi kagabi at sabi ni tita tulog pa daw at antok na antok. Hindi raw siya papayagan magkumpyuter sa susunod. Nagcheck na si ma'am ng assignment, nakakuha ako ng perfect score. 25/25 pinasa ko rin pala ang notebook ni Lester para ma-check an. Dalawa lang mali ni Lester. Kasabay ko pala umuwi si Jailyn, ngayon lang namin hindi nakasama si Lester sa pag-uwi dahil absent. "Jailyn, pakibigay na lang kay Lester. Notebook niya." inabot ko kay Jailyn. "Notebook niya to?" tiningnan niya ito "Bakit na sayo? Pinasa mo assignment niya? Buti na Check an. Sige, salamat, ate." pumasok nasa loob ng bahay nila at sumunod akong pumasok sa bahay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD