Ngayong araw, sabado. Alas otso ng umaga.
Walang pasok kami, ngayon. Nakita ko sina Jailyn at ang kaniyang kapatid kasama ang mama nila na lumabas mula sa bahay nila at sila'y nakasuot na pang-alis.
"Raylin, mamaya laro tayo sa kwarto ko. Aalis lang kami pupunta kami sa trabaho ni papa." sabi niya sa akin nang makita ako.
Nagtaka naman ako bakit susunduin nila si Tito. Sabado ngayon at ang alam ko walang pasok kapag sabado.
"Sabado ngayon, di ba po tita? May paso si tito?" tanong ko kay Tita Riza
Sinabi sa akin "Walang work ngayon ang tito mo. Susunduin lang namin at didiretso kami sa mall para bonding kami doon. Sige, Raylin una na kami ha.." umalis na sila tita.
Buti pa sila makakapagpasyal, matagal na pala kami hindi na alis ni mama. Tanging si mama na lang ang kasama ko sa bahay namin. Iniwan kasi siya ni papa ayan ang kwento ni mama sa akin. Hindi ko alam kung bakit sila naghiwalay. Hindi na naikwento sa akin ni mama.
Ang bata ko pa para hindi ko makasama ang aking ama. Sa larawan ko na nga lang siya nakikita. May binigay kasi sa akin si mama na Picture ni papa noon at nakatago lang ito sa drawer ko.
Kinuha ko ang picture na niyon sa drawer ko at tiningnan ang larawan ni papa.
May hitsura si papa, matangos ang ilong at moreno. Sabi ni mama matangkad daw si papa nasa 6'2 daw ang height hindi ko alam kung gaano katangkad niyon. Wala kasi akong alam sa height. Grade 1 pa lang kasi ako hahaha.
"Sana 'pa, makita kita at makasama.Gusto ko rin magkaroon tayo ng bonding kasama si mama."
ang pinapangarap ko mangyari.
Isang oras at kalahati ang nakalipas, nakauwi na agad sina Tita. Kita ko ang saya-saya. Bago nakapasok si Jailyn at Lester sa bahay nila. Kiniss ni tito ang mga anak niya sa noo. Pumasok na si Tita sa loob, dala ang mga pinamili nila. Sinubukang buhatin si Jailyn sa likuran nito. Kita ko ang tuwa nila, nagpabuhat rin si Lester.
Nakakainggit na makita sila na gano'n kasaya kapag kumpleto ang pamilya.
Nakita ako ni Lester at tumayo siya sa mga balikat ni tito.
"Raylin! Tingnan mo ako, di ako mahuhulog."
Ngumiti lang ako, hindi naman nahulog si Lester sa pagkapatong sa balikat kahit mabigat siya ay kaya pa rin ng papa niya.
Kinuha pala si mama na maglinis ng ilog. Isa siya sa nakuha, bali lima ang kailangan. May bayad daw, kakilala ni mama na barangay tanod ang nag-alok sa kaniya na maglinis doon.
Sumama ako kay mama, sinarado namin ang pintuan bago umalis. Pinasama ako kasi wala akong kasama sa bahay. Dumiretso muna kami sa Baranggay at kinausap muna sila about sa gagawin nila. Binigyan sila ng walis, dust pan at sumbrero.
Pumunta kami ni mama sa isang tindahan para bumili ng sako. Wala kasi binigay na sako.
Sumunod na kami pumunta sa ilog at paumpisa na rin maglinis ang mga kasama ni mama.
"Mama, tulong po ako sa inyo." pinayagan naman ako ni mama. Nag dampot ako ng mga kalat at nilagay ko ito sa sako na binili namin.
Medyo maraming kalat dito sa ilog.
Ang daming mga plastic, bote na babasagin at hindi babasagin pati dahon at mga balat na kung ano-ano.
"Sipag naman ng anak mo, mare." pagpuri ng isa niyang kasama.
Natawa na lang si mama, nakakapagod pala maglinis. Kita mismo sa tubig na may nakalutang na isang diaper, dalawang lata at may plastic pa. Sinusungkit ito ng mga kasamahan ni mama. May panungkit silang gamit.
Nang matapos naming maglinis sa ilog, dumating ang isang barangay na nagyaya kay mama. May dala itong mga tinapay at softdrinks na naka-plastic na.
Hati kami ni mama sa softdrinks at binigyan niya ako ng isnag tinapay dahil may sobra naman.
"Anak, dito ka lang ita-tabi lang namin itong mga sako para kapag dumaan yung truck ng basura. Makuha agad para ma-itapon."
Hinila nila ang mga sako na may lamang basura na galing sa nalinis namin.
Naglakad muna ako ng konti habang nainom ng softdrinks at nakain rin ng tinapay.
Sa bandang kanan, doon sa poste may nakita akong pintuan. Kakaibang pintuan siya. May pumasok kasi na bata sa pintuan at nang nakalapit ako para tingnan ito ay parang bula na nawala ang pintuan. Siguro namamalik mata lang ako. Hindi ko maintidihan kung totoo ba ang nakita ko.
Kakaibang pintuan talaga siya, may something na liwanag sa pintuan na nakita ko. Nakakapagtaka pa sa pagpasok ng batang babae doon ay bigla na lang nawala. Hindi ko alam kung anong pintuan niyon. Nakaramdam ako ng takot sa nangyari.
Sinabi ko ito kay mama pagkauwi namin pero hindi siya naniniwala sa akin. Maski sina Tita at Tito hindi ako pinaniniwalaan. Sabi pa nga nila baka
daw dahil sa panood ko ng mga palabas sa tv. Tigilan ko na daw manood dahil hindi daw maganda.
Bakit ayaw nila maniwala sa akin?
Kahit ako naguguluhan sa nakita ko kaya siguro hindi sila naniniwala sa pintuan at sa bata na nakita ko.
Nasa kwarto ako ngayon ni Jailyn, naglalaro. Hindi na masiyadong makalat ang kwarto niya. Nalaman ko mula sa kaniya na nilinis ito ni Tita.
Ikinuwento ko kay Jailyn
ang nakita ko doon banda sa ilog.
Hindi ko maintidihan ang reaksiyon ni Jailyn. Hindi ko alam kung naniniwala siya o hindi sa kwento ko.
"Kuya, lika! may ikukwento sayo si Raylin. Sabihin kay kuya." lumapit si Lester sa amin at ikinuwento ko rin sa kaniya.
May alam pala si Lester tungkol dito, naririnig niya daw sa mga kaibigan niya pati sa ibang bata ang tungkol sa pintuan na kagaya sa nakita ko.
"Hindi ka natakot? Pati ikaw pala nakita mo ang pinto na niyon. Parang totoo ha... ang dami na kasi makakapagsabi sa kakaibang pintuan. Naririnig ko doon sa kompyuter shop."
Maiging nakikinig si Jailyn sa usapan namin ng kapatid niya. Ramdam ko na dumikit sa akin si Jailyn dahil sa takot.
Tinanong ko si Lester kung alam niya kung saan nila nakita ang pintuan na niyon.
Ang sagot niya "Hindi banda sa ilog, iba-iba kwento nila kung saan nila nakita ang pintuan na niyon."
May liwanag rin daw silang nakita mula sa loob ng pintuan gaya sa nakita ko. Ang hirap paniwalaan, ngayon lang kasi ako nakakita at ngayon lang rin nila narinig ang tungkol sa pintuan na may something.
Narinig ni Tita ang ingay namin pero hindi niya alam kung ano pinag-uusapan namin.
"Huwag kayo, maingay diyan. Natutulog ang papa niyo diyan. Lester. Pagod niyon." pagsuway sa amin Tita.
Naisipan kong umuwi muna sa bahay namin. Tutulog sana ako sa bahay kaso hindi ako makatulog. Hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina. Kung totoo man may pintuan doon bakit may pumasok na bata.
Anong ginawa ng bata roon? Sino siya? Hindi ko siya kilala pero hindi ko alam kung taga-rito siya.
"Matulog ka na, Raylin? Gabi na bawal ka magpuyat dapat natutulog ka pa. Bawal magpuyat ang mga bata." nagising si mama na katabi ko sa higaan.
Nagtaklob ako ng kumot at pinilit kong matulog. Papagalitan kasi ako ni mama kapag nakita niya pa ako ng gising. Ilang minuto rin bago ako nakatulog.