Araw ng linggo, nagpasama ako kay Lester sa ilog kung saan ko nakita ang
pintuan na may liwanag. Sa bandang kanan na may poste.
"Wala na dito, basta dito ko siya banda nakita sa posteng ito." pagturo ko kung saan ko nakita.
"Baka nasa ibang pwesto pero nandito sa ilog pa rin. Tara, libutin natin." pahiwatig ni Lester at naglakad ito papunta sa kaliwa.
Nilibot namin ang paligid ng ilog, malayo kami sa tubig. Medyo malaki rin ang laki ng ilog sa amin. Pagkatalikod ko nakita ko si Jailyn. Sumunod pala ito sa amin. Gusto niya rin makita kung saan banda ko nakita ang kakaibang pintuan.
"Bakit ka pa sumunod? Hahanapin tayo ni mama kapag wala ka doon. Sumunod ka pa talaga." pinagsabihan ni Lester ang kapatid niya pero ayaw umuwi ni Jailyn. Gusto niyang sumama sa amin.
"Sumbong kita kay mama pumunta ka dito. Hindi ka nagpapaalam sa kaniya."
Hindi namin makita ang hinahanap naming pintuan kahit na nilibot namin ang ilog. Sinabi ko na umuwi na kami at baka mag-away pa dito ang magkapatid na ito. Dumiretso si Lester sa bahay ng kaibigan niya. Kami naman ni Jailyn ay umuwi na parehas.
Inayos ko ang mga damit ko, nilagay ko ito sa drawer ko. Ako dapat ang magtitiklop nito pero natiklop na pala ni mama.
Pagkatapos ni mama magtiklop ng mga damit ko at nang mailagay ko na ang aking mga damit sa drawer. Nagluluto na si mama nang pang tanghalian namin. Pinatikim niya sa akin ang kaniyang niluluto kung may lasa ba daw. Gulay ang niluluto ni mama, ang paborito kong monggo.
"Okay na mama, may lasa masarap." pinatay na ni mama ang kalan at pati ang gas nito.
Inutusan niya ako na ibigay ang nilagay niya sa isang mangkok kina tita Riza. Mainit ito, kakaluto lang kasi ang monggo. Pinatungan na lang ng platito sa ilalim. Hindi kasi mahawakan o madala sa sobrang init.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa bahay nina tita. Nakita ko si tita na nagliligpit na nang mga platong pinagkainan nila.
"Pasabi sa mama mo, salamat dito sa monggo. Sayang, kakain lang namin pero tatabi ko para mamaya." nilipat ni tita sa mangkok nila ang binigay kong ulam sa kanila.
Sinabi ko kasi na pakisalin dahil utos kasi ni mama sa akin.
Nasa labas lang ako ng pintuan nina tita. Hindi na ako pumasok sa loob.
Uuwi rin naman kasi ako at kakain sa bahay.
Pagkaabot ni tita ng mangkok namin kasama ang platito.
"Raylin, hindi ko na siya hinugasan. Nakita mo ba si Lester? Hindi pa siya umuuwi. Hindi pa rin kumakain ng tanghalin dito."
"Baka po tita nasa kumpyuteran." bago ako pumunta sa bahay namin narinig ko na inutusan ni Tita si Jailyn na puntahan si Lester at tingnan kung naroon sa kompyuteran para pauwiin.
Hapon, may biglaang bisita sa bahay namin. Bisita yon ni mama, isang babae at lalaki. Narinig ko ang usapan nila na mag-asawa pala sila.Alam ko na hindi tama ang makinig sa usapan ng matatanda pero anong magagawa ko naririnig ko sila at nasa loob rin ng bahay. Magkaklase pala silang tatlo noon at ikinuwento ng mag-asawa kung paano nagkatuluyan sila.
Napansin ako ni mama na nakikinig ako sa usapan nila. Agad kong naisip may gusto pala akong bilhin na pagkain sa labas.
"Mama, pahingi po ako bente. May bibilhin lang ako sa labas."
at dahil abala si mama sa pag-uusap nila. Tinuro niya ang bag niya at kumuha ako doon ng bente.
Lalabas na sana ako para bilhin ang pagkain na gusto ko ngunit tinawag ako ni mama.
"Teka, Raylin. Bumili ka ng Tinapay at Isang softdrinks na malaki."
Tinanong ni mama sa kanila kung anong softdrinks "Sprite na malaki daw."
Lumabas na ako, pumunta ako sa
bakery para bumili ng tinapay.
"Pabili po, ito nga po limang piraso." tinuro ko ang tinapay na tig lima lang.
Inabot ko ang bayad sa tindero,
pupunta ako sa isang tindahan para bumili ng softdrinks. Inuna ko muna bilhin ang pinapabili sa akin. Mamaya ko na bibilhin ang pagkain na gusto ko. Sa tabi ng bakery may tindahan roon. Bibili na sana ako ng softdrinks,
may nakita ako sa gitna sa tapat ng bakery na pinagbilhan ko.
Isang pintuan, ito yung pintuan na nakita ko na may liwanag sa loob. Ang pinagtataka ko lang hindi nakikita ito ng mga dumadaan.
Lumapit ako sa gitna, gusto ko malaman kung anong meron sa pintuan. Para bang may nagsasabi sa akin na buksan ko ito.
Pagkahawak ko sa doorknob, sumigaw ang lalaki na nagtitinda sa bakery.
"Hoy, bata! Huwag kang papasok diyan. Delikado pumasok diyan at baka 'di ka makabalik." pagsaway sa akin ng tindero pero binukasan ko ang pintuan.
Ako at siya lang pala nakakakita ng pintuan. Bakit gano'n kami lang dalawa? Siguro may alam si Kuya kung anong meron sa loob nito.
Nakita ko na may kakaibang liwanag sa loob. Kulay blue at green ang kulay nito na lumiliwanag. Gusto ko talaga malaman kung anong meron sa loob kaya hindi ko pinakinggan ang tindero na sumigaw na pinipigilan akong pumasok dito.
Pagkapasok ko, napadapa ako dahil sa pwersa ng hangin ang aking naramdaman. Isang magandang babae ang nakita ko sa harapan at napatayo ako bigla. Maliwanag rito, ang daming puno na nasa paligid. Gubat ata ito.
Isang babae na maganda, kulay puti ang buhok at may hawak na tungkod. Isang lola na magandang babae ang kaharap ko ngayon. Ang dumi ng kaniyang suot para bang pulubi sa daan.
"Apo, baka pwedeng makahingi ng pagkain. Nagugutom na ako, ilang araw na akong hindi kumakain."
Nagmamakaawang sabi ng lola na kaharap ko. Sa tingin ko pulubi si lola.
Sakto naman may dala akong tinapay na binili ko kanina. Binigyan ko siya ng isang piraso nito.
Kinain agad ni lola ang tinapay, gutom na gutom siya. Maya-maya pa nagulat ako bigla na lang itong napatumba.
Tinulungan ko si Lola na tumayo at nang hinawakan ko ang tungkod niya na kahoy. Inaabot ko sa kaniya at nakaramdam ako ng hilo na sanhi ng pagkatumba ko.
Pagkamulat ng dalawa kong mata, hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Nasa isang madilim ako na lugar pero may nagsisilbing liwanag dito. Mga apoy na nasa kahoy na nakadikit sa pader. Nakakatakot ang paligid. May naririnig akong ingay hindi ko alam kung saan banda. Naririnig ko na may mga batang umiiyak.
Nakakulong ako, hindi ako makalabas kasi may harang na bakal kagaya sa kulungan. Hindi ko marinig na malinaw kung ano sinasabi ng mga bata na naiyak. Naririnig ko lang na umiiyak sila at para bang nagmamakaawa.
Nagtataka ako bakit may mga bata dito na tulad ko. Alam ko na mga bata ang naririnig kong mga boses habang naiyak.
May dumating na isang matanda, nakabalot ito ng maitim na tela pero kita ko pa rin na matandang lola ito.
"Palabasin niyo po ako dito, bakit ako nandito sa nakakatakot na lugar? Tulungan niyo po ako, lola gusto ko na pong umuwi." paghingi ko ng tulong kay lola.
Tinanggal niya ang nakabalot sa ulo niya. Nakita ko ang mukha nito, napaatras ako dahil nakakatakot siyang tingnan. Tinawanan niya ako dahil natakot ako nang makita ang buong mukha niya. Ngayon, alam ko na bakit may mga batang naiyak na narinig ko kanina. Biktima siguro sila na kagaya ko.
Pati ang tawa niya ay nakakatakot kaya mas lalo akong nakaramdam ng takot at kaba sa lugar na ito.
Hindi ko alam kung anong oras na dito, kakaibang lugar ang napuntahan ko at hindi ko alam kung anong lugar ito. Nakaramdam ako ng gutom at buti nandito ang tinapay na binili ko. Bali apat na piraso na lang at kinain ko ito.
Nakakalungkot dito dahil wala akong kasama sa kulungan na ito. Walang kama at madumi ang paligid. Ang daming alikabok kung saan ako kinulong. May mga sapot mula sa taas ng bubong. Paano ako makakatulog rito? Dito na lang ba ako sa sahig matutulog? May mga gumagapang dito na maliliit na bulate. Doon ako sa bandang gilid yung walang masyadong bulate na gapang.
Humiga ako at natulog sa sahig.