(16) Ang Lagusan

1597 Words
**Light Castle** Nakita ni Prinsesa Diyanna ang mga paso at sugat sa kamay at katawan ng Prinsepe. Ginamot niya ito gamit ang mga dahon na may kapangyarihan na makapagpagaling. Tinapal niya kay Prinsepe Gostov. "Mga mahal na Prinsesa, ano ang gagawin natin ngayon? Kailangan nating makuha si Raylin at maitakas sa mga pulang diwata." pag-aalala ni Prinsepe Gostov Kay Raylin. Sagot sa kaniya ni Prinsesa Diyanna "Hindi ka pa maaring magpunta kahit magligtas kay Raylin. Dapat magpahinga ka muna para mas mabilis Kang gumaling." Dumating si Prinsesa Helmera na may dalang mga prutas. "Kumain muna kayo para bumalik ang inyong mga lakas. Ikaw (Prinsepe) at Diyanna hindi kayo pwedeng umalis hangga't mahihina pa kayo. Huwag kayo mag-alala. Ako ang lalaban sa mga pulang diwata at magpapasama ako kay Prinsepe Laison para mailigtas ang batang si Raylin." "Dobleng pag-iingat, Helmera sa ganon hindi kayo matalo ng mga kalaban." Pinag-iingat ni Prinsesa Diyanna ang kapatid niya. "Mag-iingat ka, Prinsesa Helmera." -Prinsepe Gostov Nakitang lumabas ng isang alagad si Prinsesa Helmera sa kanilang kaharian na walang kasama. Agad niya binalita sa Hari at Reyna. Lumuhod ang alagad sa harapan "Mahal na Hari... mahal na Reyna, si Prinsesa Helmera ay lumabas ng ating kaharian. Tila may papatunguhan ang prinsesa at siya lamang mag-isa." Nangamba naman ang Hari at Reyna sa kanilang nabalitaan. Sinabi ng Hari sa kanang alagad niya na nakatayo sa tabi nito. "Winsey, masisilayan ba ng iyong mahiwagang salamin kung saan naroon si Prinsesa Helmera?" Tinawag ni Winsey ang mahiwaga niyang salamin. "Aking mahiwagang salamin, ikaw ay magpakita sa amin. May mahalaga kaming aalamin. Mahiwagang salamin, magpakita ka." Lumitaw ang mahiwagang salamin sa harapan nila. "Salamin, salamin... ipakita mo sa amin kung saan naroroon ngayon si Prinsesa Helmera." utos ni Winsey sa mahiwagang salamin Lumiwanag ang mahiwagang salamin at kanilang nasisilayan sa salamin na naglalakbay ang Prinsesa sa kagubatan. "Patungo niyan sa Dark castle ang nilalakbayan ng ating, Prinsesa. " Saad ng Reyna Utos ng Hari sa alagad na nagbalita sa kanila "Magpasunod kayo ng limang alagad natin para maprotektahan ang aking anak. Hindi niya kakayaning mag-isa kung sakaling mapalaban siya sa mga pulang diwata. Gamitin niyo ang ating mga sasakyang panlakbay sa kagubatan." "Masusunod mahal na Hari." magalang na sabi ng alagad at ito ay tumayo sa pagkaluhod. Raylin's POV Hindi ko maiwasan na mawala sa aking isip ang nangyare kay Prinsepe Laison na kinuha siya ng malaking ibon habang ako ay naglalakad. Nagpahinga muna ako sa isang tabi at umupo dahil nakaramdam na ako ng pagod sa malayo kong paglalakad dito sa kagubatan. Inaantok ako hanggang siya namulat ang aking mga mata. Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Namulat bigla ang mga mata ko dahil may kakaibang akong nararamdaman na para bang may gumagapang sa loob ng aking damit. Pagkatingin ko, napasigaw ako ng malakas. "Ahas! Mama, Ahas!" Pagkabanggit ko sa salitang "Mama" pumasok sa isip ko si mama, wala nga pala si mama, hindi ko kasama. Namimiss ko na ang mama ko... Tumayo ako bigla at tumakbo dahil sinusundan ako ng ahas. Gusto niya akong tuklawin. Tumakbo lang ako kung saan nawala na rin ang ahas na sumusunod sa akin. Sa wakas nakita ko na rin ang mga pintuan at nakita ko ang mga Lola na naghihintay sa akin. Makakauwi na rin ako at mayayakap ko muli si mama. Nakita ko ang Lola na may sugat, hindi na siya kagaya na sobrang hina. May lakas na siya pero Hindi pa rin gumagaling ang sugat nito. "Makakauwi na po ba ako sa amin? Ayaw ko na dito... miss na miss ko na ang mama ko." may luhang pumatak sa aking mata dahil namimiss ko na talaga si mama. Ang may sugat na Lola sinabi sa akin "Hindi ka pa agad makakauwi, bata! Hangga't hindi mo mapipili ang isang lagusan na tama pabalik sa mundo ninyo." Pagod na pagod na ako sa mga paghihirap sa akin. Ang sama-sama nila, bakit kailangan ko pa maranasan lahat ng ito? "Bakit niyo ba ako pinapahirapan? Sabi niyo, makakauwi na ako kapag nahanap ko ang mga pintuan na niyan." Ang lola na si Haizy na nasugatan ng espada pinaliwanag niya sa akin ang dahilan. "Sa tuwing may mga bata kaming pinapahirapan ay mas nadaragdagan ang aming kalakasan. HAHAHA!" Kaya pala gusto nila akong pahirapan, ako na isang bata lamang na pinapahirapan at sila ay lumalakas habang ako nawawalan ng lakas dahil sa pagod na nararanasan ko. "Kapag hindi tamang lagusan ang mapili mo, maghihilom ang aking sugat na kagagawan ng walang hiyang prinsepe na niyon. Mas lalo kaming lalakas!" Nakangiting sabi ng isang Lola na si Enly "Hindi na ako makapaghintay na lumakas pa tayo lalo. HAHAHAHA! Ang dalawang lagusan na hindi pabalik sa mundo ng mga tao ay may mga nilalang kaming hayop na handang kainin ka na iyong ikakamatay. Kaya, pumili ka na dahil pwede ka rin naming paslangin!" Mas lalo akong kinabahan sa pagpili ng pintuan o lagusan na kanilang sinasabi. Nahihirapan akong pumili dahil sa nalaman ko na may dalawang pintuan na hindi ako magiging ligtas kapag nakapasok ako roon. "Ang hirap... hindi ko po kaya." ang pagsabi ko sa kanila ng totoo na hindi ko kayang pumili ng tamang pintuan. Natakot ako nang titigan ako ng masama ng mga Lola. Unti-unti nila akong nilalapitan at ako ay lumalayo naman dahil sa takot sa kanila. Kita ko sa mga muka nila na gusto na nilang pumili ako ng lagusan. Dahil sa takot ko napapili agad ako "Sa gitna!" sigaw ko dahil sa takot Bumukas ang gitnang pintuan na napili ko, natakot ako nang makita na hindi pabalik sa amin ang napili kong pintuan. Isang malaking halimaw ang nasa loob. Ito na ang katapusan ko, hindi ko na makakasama at mayayakap si mama. Tuwang-tuwa ang mga Lola sa napili kong lagusan habang ako'y wala nang magagawa pa. Anong laban ko sa kanilang lahat? Pag-iyak at sigaw na lang ang tanging magagawa ko. "Hindi mo matatakasan, Raylin ang lagusan na napili mo. Ikaw ay hahatakin papasok ng lagusan. HAHAHA!" kita ko ang saya ng Lola na si Haizy Pilit akong hinahatak ng lagusan habang nakakapit ako sa isang malaking puno. Iyak, sigaw at napapikit dahil sa takot habang nakakapit ako sa puno. Hanggang napabitaw ako dahil hindi ko na kaya pa kumapit sa sobrang lakas ng hatak. Sobrang saya ng mga diwata na nahihirapan ako habang hinahatak ako papasok sa lagusan. Hindi ko maiwasan na umiyak dahil hindi na ako makakatakas at mamatay na lang ako sa halimaw na nag-aantay sa akin. Bumalik lahat ang aking mga magagandang alala na nangyare sa aking buhay. Mga alala na kasama ko ang aking pamilya at mga kaibigan. "Paalam po sa inyo, hindi ko na kayo makakasama pa. Hindi ko na makikita ang aking papa. Dito na ako mamatay. " pagpaalam ko mula sa aking isipan na hindi bukal sa aking loob na mawala. Wala na akong nagawa kung hindi nasa loob na ako ng pintuan na lagusan. Unti-unti nang nagsasarado ang pintuan na pinasukan ko. Hanggang dito na lang siguro ang aking buhay at napapaiyak pa rin sa kalungkutan at sakit na aking nararamdaman. Konti na lang ay masasarado na ang pintuan at bigla na lamang huminto ito. Ang lungkot na aking nararamdaman ngayon ay napalitan ng ngiti nang makita ko si Prinsesa Helmera na nakatapat ang kaniyang palad sa pintuan kahit na nasa malayo siya. Ang kaniyang kapangyarihan ay ang nagpatigil sa pagsara ng lagusan. Nakita ko na may mga kasama si Prinsesa Helmera at ang mga espada ng mga alagad na kasama niya ay nakatutok sa mga lola. Hinatak ako ni Prinsesa Helmera palabas at iniligtas niya ako sa halimaw. Binuksan niya ang dalawang lagusan na nakasarado na magkakatabi. Gamit ang kaniyang kapangyarihan sa kamay agad akong pinasok sa isang pintuan. Bago ako makapasok galit na galit ang isang Lola sa ginawa sa akin ni Prinsesa Helmera Bago niya isara ang lahat ng lagusan "Hindi maari! Sadyang nangengealam kayong mga puting diwata. Sinisira ninyo ang aming mga plano!" Wala akong makita na kahit anong bagay sa paligid. Kulay pula at puti lang aking nakikita nang makapasok ako sa pintuan. Hanggang sa nakalabas na ako at nakita ko ang paligid na may mga tao. Nakabalik na ako sa Lugar namin. "Thank you, Prinsesa Helmera! Makakauwi na rin ako." sobrang saya ko na nakabalik na ako dito sa mundo kung saan ako talaga nakatira. Sabik na sabik ko nang makita si mama at mayakap. Tumakbo ako pauwi sa aming bahay. Nakita ko si mama sa bahay namin kasama si Tita Riza. Lungkot at pag-aalala ang nakita ko kay mama mula sa labas ng pintuan. Dali-dali akong pumasok sa bahay, napatayo agad si mama at tita. "Mama!" sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. Tumulo ang mga luha ni mama kahit ako ay hindi mapigilang umiyak dahil sa saya na nakita ko ang mama ko. "Anak ko, salamat panginoon!" naramdaman ko ang luhang pumatak sa aking damit galing sa mga mata ni mama. Sobrang tagal ang pagkayakap ko kay mama, miss na miss ko siya sobra. Hindi na ako magiging pasaway at makikinig na ako sa mga sasabihin sa akin ng mga mas nakakatanda sa akin. Ayaw ko nang bumalik sa mga pulang diwata. Napakasaya ko na nakauwi ako ng ligtas, narinig ko ang sigaw ng magkapatid sa labas ng pintuan na sina Lester at Jailyn. Kita ko ang saya nila nang makita ako at niyakap nila ako dahil namiss nila ako at namiss ko rin silang lahat. Niyakap nila ako lahat ng sabay-sabay. Ang sarap sa pakiramdam na may mga taong nagmamahal sa akin mula sa aking mga mahal sa buhay. (WAKAS....)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD