Raylin's POV
Bigla akong nagtago sa halamanan nang makita ko ang isang Lola at ang mga alagad niya. Alam ko na kapag ako ay nakita nila na nandito, siguradong kukunin nila ako at ibabalik sa lugar nila na mapanganib.
Nakikita ko ang pakikipaglaban ni Prinsepe Gostov pero sa huli ay nahuli at natali ang kaniyang katawan at mga kamay.
"Munting paslit, alam kong nariyan ka! Hindi mo ako matataguan kaya lumabas kana diyan."
Bakit alam niya na nandito ako sa mga puting diwata? Bigla na lamang akong natakot at kinabahan.
Siya ay gumamit ng kapangyarihan, umihip lang siya at nagkaroon ng malakas na hangin kaya nakita niya ako na nagtatago sa halaman.
Palapit na palapit siya sa akin, hindi ko alam ang aking gagawin. Walang magliligtas
sa akin dahil ang prinsesa ay nasa loob ng kaharian.
Bago ako malapitan niya (Lola), narinig ko ang boses ni Prinsesa Diyanna.
"Pulang diwata! Ako ang kalabanin mo!" Sigaw ni Prinsesa Diyanna
Napatigil ang lola na gusto akong kunin, napalingon siya sa sigaw ni Prinsesa Diyanna.
Natanggal ang kaba ko dahil hindi ko akalain na darating ang prinsesa para maligtas sa kamay ng masamang diwatang ito.
"Hindi mo pwedeng hadlangan ang pagdakip ko sa batang ito!" galit ng isang Lola.
Ang isang kamay ni Prinsesa ay itinaas niya na nakasarado ang palad at nakita kong nagningning ang suot niyang bracelet. Sabay bukas niya ng palad at nagsalita
"Mga halaman, ako ay inyong dinggin. Protektahan niyo si Raylin sa kamay ng kaaway."
Nagulat na lang ako biglang gumalaw ang mga halaman at binalot ako ng mga ito pero nakikita ko pa rin ang mga nangyare. Hindi pa rin mawala ang takot ko na baka makuha ako ng masamang Lola. May mga halaman na nakatayo sa harapan ko na may mga dalang liwanag.
"Walang magagawa ang mga halaman laban sa aking pag-ihip." sinabi niya ito Kay Prinsesa Diyanna at isang ihip nga lang niya ay may malakas na hangin kaya nagsihiwalay ang mga halamang nakabalot at nakapaligid sa akin.
Bumilis ang paggalaw ng aking mga mata dahil kitang-kita ko na napakabilis nang galaw ng isang Lola. Palipat-lipat siya ng pwesto at pati ang Prinsesa ay hindi niya masundan. Bigla na lang napunta sa harapan ni Prinsesa Helmera ang Lola na hindi inaasahan ng Prinsesa.
Tumigil ang Lola sa kaniyang mabilis na kilos at itinuro ng Lola ang Prinsesa gamit ang kaniyang isang daliri sabay banggit niya "Hedu!" at biglang tumalsik nang malakas si Prinsesa Diyanna.
(Hedu- isa sa ritwal ng mga lola na kanilang kapangyarihan na makakapagtalsik kung kanino nakaturo ang daliri.)
Nakita ko na nasaktan si Prinsesa Diyanna sa pagkatalsik. Nahatak ako ng kapangyarihan at napapunta ako sa kamay ng Lola. Gusto kong makawala sa pagkakapit ng mahigpit sa akin.
"Lubos na pasasalamat, Prinsesa Helmera dahil sayo ako ay nasagip." Rinig kong sabi ng Prinsepe.
Nakita naman ni Prinsesa Helmera ang nangyari. Agad niyang pinuntahan si Prinsesa Diyanna at tinulungan niyang tumayo.
"Lubhang nasaktan ka, ating pagtulungan ang ating kaaway sa ganon matalo natin siya." Sabi niya matapos makatayo si Prinsesa Diyanna
Nagulat ako nang biglang pagtalon ni Prinsepe Gostov ng mataas sa kanang gilid
ng kaaway.
"Hindi na kailangan, ako ang papaslang sa pulang diwata na ito." pagkababa niya galing sa pagkatalon ay nasugatan ang tagiliran ng isang Lola. Nasaktan ito dahil sa sugat sa pagkahiwa sa tagiliran niya.
Napahawak bigla ang lola sa tagiliran dahil sa sakit. Kita ko na may tumutulong dugo galing sa hiwa.
Sa likuran ng prinsepe ay bigla na lang may sumulpot ( Isa pang Lola na kalaban), itinaas niya ang hawak nitong tungkod at tinusok ang lupa pagkababa ng tungkod na ikanatalsik ni Prinsepe Gostov at ang dalawang Prinsesa.
Nabigla ako sa nangyare dahil nawala kami sa lugar ng mga diwata. Ano niyon,naglaho kami agad doon. Paano nangyare niyon? Agad akong napunta sa kagubatan kasama ng mga Lola. Hindi ko nakita na kasama namin dito ang tatlong bata na mga alagad. Siguro, naiwan doon sila.
Lumapit ang tatlong Lola sa sugatan na kakampi nila.
"Haizy, mabuting naligtas at nakatakas kayo. Pinatungo ko si Enly para hindi ka matuluyan sa kaharian nila."isang lola na nag-aalala.
Nakikita ko nanghihina na ang Lola na nasugatan ni Prinsipe Gostov.
"Hindi na natin maaring patagalin pa ang dapat nating gawin para sa kalakasan natin lalo na sa kaligtasan ni Haizy." Sabi ng Lola na ang pangalan ay Enly.
"Magmadali na tayo mga Lola, gawin na natin para maagapan natin si Haizy sa natamo niyang pinsala." Sabi ng isang lola
Ano kaya ang gagawin nila na dapat magawa agad? Ano ang sinasabi ng mga lola na makakapagbigay ng lakas sa kanila? Saka maliligtas daw ang diwatang masama kapag ginawa nila. Napapaisip tuloy ako sa sinabi nila.
Ngayong nandito ako kasama nila sa kagubatan. Anong kailangan nila sa akin?
Kailangan ba nila ako sa gagawin nila?
Sana hindi dahil alam ko na may hindi silang magandang gagawin sa akin.
Biglang nagsalita ang isang lola
"Ikaw, Raylin iiwan ka namin rito. Batid namin na gusto mong makabalik sa inyong mundo. Hanapin mo ang tatlong lagusan mula sa kagubatan na ito. Magiging tawiran mo pabalik sa inyo."
"Anong lagusan?Malaki ang kagubatan at sa tingin niyo mahahanap ko dito ang sinasabi niyo? Isa lamang po akong bata... parang awa niyo na pakawalan niyo ko mga lola."
Hindi ko kaya ang gusto nilang pagawin sa akin na may hahanapin akong lagusan sa malaking gubat na ito. Delikado sa gubat gaya ko na isang bata lamang kung maglilibot ako rito.
"Ang mga lagusan na dapat mong hagilapin sa gubat na ito ay ang mga pinto na kagaya sa pinasukan mo pagpunta sa mundo namin."
sagot ng masamang diwata sa akin
" Hihintay ka namin doon na makarating. Tandaan mo, ang lagusan ang magiging daan pabalik sa mundo ng mga tao." Sabi ng isang Lola na si Enly
Hindi ako makapaniwala sa aking nakita na bigla na lang silang nawala. Katulad lang sa nangyare sa akin na napadpad agad ako dito na nasa mga puting diwata pa ako.
Muli kong nakita ang mga panike na lumabas sa pintuan at sa mga bintana ng kaharian ng mga pulang diwata. Sinugod nila ako kaya napatakbo agad ako dito sa kagubatan.
Takbo lang ako ng takbo para hindi maabutan ng mga humahabol sa aking mga panike. Hindi ko alam kung saan ako dadaan. Kung saan-saan ako dumadaan para lang hindi maabutan ng mga nagsisilipadang mga panike.
Sa pagmamadali kong tumakbo para matakasan ang mga letseng humahabol sa akin. May natapakan akong malaking dahon at bigla akong nalaglag sa isang malalim na butas.
"Tulong! Tulong!" sigaw ko at nang nahulog ako rito nawala na ang mga panike.
Hindi ako makalabas dito, natatakot na ako sa madilim na kagubatan na ito. Ang taas at wala akong maakyatan para makaalis.
Sinubukan kong umakyat pero madulas lang ako at sumakit pa ang kanan kong paa. Nakakainis dahil sa pagkadulas ko.
Hindi na ko makaakyat, anong gagawin ko?
ayaw ko na nandito lang ako sa malalim na pinaghulugan ko.
"Tulong! Tulongan niyo ko! Nahulog ako dito, tulong!" napaiyak na lang ako na walang dumadating na tulong sa akin.
Hindi ko na kasi talaga kaya at ang sakit ng paa ko. Dito na siguro ako mamamatay, ayaw ko pang mamatay.
Iyak lang ako ng iyak dahil hindi ko na rin ang alam ang gagawin ko at sa kung anong mangyayare kapag magtagal ako dito.
May narinig akong malakas na tunog ng isang hayop. Nakakatakot sobra, sumilip ito sa butas at nakita ko.
Kita ko na naglalaway ito at para bang gusto niya akong kainin. Ano na ang gagawin ko?
Sa sobrang takot ko napaiyak ako ng malakas habang nanghihingi ng tulong.
"Tulong! Ayaw ko na dito, tulong!"
Napatingin ako mula sa itaas at nakita ko na tumakbo ang hayop na nakatingin sa akin dito sa ibaba.
Hindi ko mapigilan na magulat at matakot nang may tumalon papunta sa akin. Napapikit ako bigla ng aking mga mata.
"Raylin, huwag ka matakot sa akin. Wala na ang Lion na gusto kang paslangin."
Pagkamulat ko ng mga mata ko, napayakap ako bigla at pinunasan ang aking mga luha nang makita si Prinsepe Laison. Niligtas niya ulit ako dito sa kagubatan.
Tinulungan niya akong makaalis sa bangin na sinabi ni Prinsepe kung saan ako nahulog.
"Anong ginagawa mo rito sa kagubatan? Delikadong magtungo sa lugar na ito. Alam ba ni Prinsesa Diyanna na nagtungo ka dito sa mapanganib na lugar?"
Umiling ako, ikinuwento ko na lang kay Prinsepe Gostov ang nangyare sa akin kung paano ako nakabalik muli dito sa kagubatan at paano ako nahulog sa bangin.
"Hindi mo na kailangan gawin ang mga sinabi sa iyo ng mga lola. Ngayon, huwag ka nang matakot. Ligtas ka na at ibabalik kita kay Prinsesa Diyanna. Siya lang ang makakatulong sayo na makabalik sa inyong mundo."
May tinurong daanan si Prinsepe Laison sa akin "Kailangan nating lakbayin ang daanang ito pabalik sa kaharian namin."
Kasama ko siyang naglalakad sa itinuturo niyang direksyon para makarating kami sa Light Castle. Sa aming paglalakad, hinarangan kami ng tatlong batang alagad ng mga Lola. Silang tatlo uli na kasama ng isang lola nang kinuha ako.
Nagtago ako sa likuran ni Prinsepe Laison.
"Sila, Prinsepe ang kasama na sumugod sa Light Castle."
"Hindi ka dapat mangamba dahil kasama mo ko. Diyan ka lang sa likuran ko at aking kakalabanin ang dalawang batang mga naging alagad." sumunod lang ako kay Prinsepe na manatili sa likuran niya.
Mas lalo akong natakot dahil narinig ko ang nakakatakot na si Lira.
"Hindi siya (Raylin) maaring umalis sa kagubatan. Siya ay sasama sa amin!"
Sigaw ni Prinsepe Laison na hindi ko naramdaman na siya ay natatakot.
"Hindi niyo makukuha si Raylin! Hindi kayo magwawagi sa inyong mga binabalak!"
Hawak na naman ng mga batang alagad ang lubid na itim. Mas lalo akong natakot baka matalo nila si Prinsepe Laison dahil
malalakas sila.
May bigla na lang dumating na isang malaking ibon, ang lumilipad yumuko si Prinsepe Laison. Naiwasan niya ito at muling bumalik ang ibon.
"Prinsepe! Prinsepe, Laison huwag mo ko iwan dito." sigaw ko, hindi siya nakailag kaya timangay siya nito.
Anong gagawin ko? Ako na lang ang mag-isa
at kaharap ko pa ang mga batang alagad ng mga Lola. Habang nalapit sila sa akin, napapaatras ako dahil sa takot. Gusto Kong tumakbo. Tatalikod na sana ako para tumakbo sa kanila pero natali ng lubid ang aking isang kamay kaya hindi ako makaalis.
Napalapit na sila sa akin, ang mga mata nilang nakatingin sa akin ay nakakatakot.
Umiiwas ako ng tingin sa kanila, hindi ko kayang tumingin sa kanila. Nanginginig na ako sa takot na para bang mapapaihi ako sa short.
Hinawakan nila ang dalawa kong kamay
at pilit nila akong pinalakad.
"Gawin mo na ang paghahanap ng mga lagusan. Hinihintay ka ng aming mga mahal na Lola." tinanggal sa aking kamay Ang lubid na nakatali sa akin na hawak ng lalake.
Iniwan na lang nila ako mag-isa, nagtataka ako na hindi nila ako sinaktan at gusto nilang ituloy ko ang paghahanap sa mga pinto na tinatawag nilang lagusan.
Prinsepe Laison's POV
Sa pagkadakip sa akin ng malaking ibon na agila mula sa madilim na kagubatan. Nililipad ako sa himpapawid at ninanais ko
na makawala sa malaking ibon na ito.
Hawak niya ang aking dalawang kamay habang ako ay kaniyang nililipad. Ibig ko man makuha ang aking sandata ay hindi ko magawa.
"Saan mo ako nais dalhin malaking ibon?
Bitawan mo ko kung ayaw mo kitilan kita ng buhay." hindi ako pinapakinggan ng ibon.
Napakabilis ang paglipad ng ibon na ito, ang mga paligid ay tumatabinge na sa aking mga paningin. Nakakalula tumingin sa ibaba. Hindi ko maabot ang aking espada sa likuran sapagkat magaslaw ang paglipad niya.
Iniisip ko sa aking isipan kung paano ba hihinto ang paglipad ng ibon sa akin. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Kinakailangan ko na makaalis rito at bumalik sa pinaroroonan ni Raylin dahil ang buhay niya ay nanganganib sa mga pulang diwata.
Masiyado akong nababahala sa batang babae na biktima ng mga Lola. Wala siyang kalaban-laban sa kanila dahil isa lamang siyang ordinaryong bata. Hindi niya maipagtatanggol ang sarili kung siya lamang mag-isa sa kagubatan.