(14) Pagkuha kay Raylin

1795 Words
Jailyn's POV Nagpasama ako kay Kuya Lester para puntahan ang tindero sa bakery. Gusto kasi malaman kung sinong babae ang sinasabi niya na pumasok sa pintuan. Umalis kami ng bahay na walang paalam. Si mama Kasi kasama si tita sa paghahanap kay Raylin. Ang papa naman namin ay wala sa bahay nasa trabaho. Gusto ko malaman kung tama ba ang nasa isip namin ni Kuya na si Raylin ang tinutukoy ng nagtitinda sa tindahan ng mga tinapay. Sakto naman pagdating namin na naroon ang tindero. Naghintay muna kami ni Kuya sa isang tabi dahil may mga bumibili pa. Napansin kami ni kuyang nagtitinda at Wala na ring bumibili kaya lumapit na ako kasama ang kapatid ko. "Kanina ko pa kayo napapansin na nakatingin kayo sa akin. Anong kailangan niyo?" Sabi sa amin na muka namang mabait siya. Si Kuya Lester na ang nagsabi sa kaniya "May sinabi po kasi sa akin ang kapatid kong ito na sinabi niyo raw na huwag siyang papasok sa pintuan dahil mapapahamak siya katulad sa babae na pumasok. Gusto lang namin malaman, kuya kung sinong babae ang tinutukoy mo na sinabi mo na kasama ni Jailyn noong isang araw." Lumabas sa loob ng bakery si Kuyang nagtitinda. Tinanong niya kami "Bakit naman gusto niyong malaman?" Ako na ang sumagot sa tanong niya sa amin "Nawawala po kasi ang aming pinsan na babae. Raylin ang pangalan niya at baka kuya siya ang nakita mo na pumasok sa sinabi mong pintuan." "Hindi ko alam kung pinsan mo nga ang pumasok sa pintuan na niyon. Hindi ko siya kilala. Nakita ko lang na nakasama mo niyon kaya binalaan rin kita. Kaya kayo, delikado na pumasok sa pintuang niyon. Mapanganib, kaya huwag niyong subukan na makapasok doon. Pasaway na bata ang pumasok doon dahil sinaway ko na huwag bubuksan at pumasok sa pintuan pero hindi nakinig." Hindi ko pa rin naiintindihan ang sinabi ni kuyang tindero kahit ang Kapatid ko naguguluhan rin. Ano bang klaseng pintuan niyon at bakit sinasabi na delikado? "Bakit naman po delikado? Anong meron sa pintuan?" Tanong ni kuya Lester na kita ko na naguguluhan siya sa sinabi sa amin tungkol sa pintuan. Ang tanging sagot lang kay kuya "Huwag niyo nang alamin pa dahil hindi makakabuti na alamin ninyo. Naririnig ko lang sa tabi-tabi na delikado raw pumasok sa pintuan na hindi pang karaniwan. Malapit nang magdilim, umuwi na kayo mga bata at baka hinahanap na kayo sa inyo." Biglang iniwan kami ng tindero at umuwi na lang kami ni Kuya Lester. Hindi ako naniniwala kanina kay kuya na nagtitinda sa bakery tungkol sa sinabi nito. Sabiniua narinig lang Niya ito sa tabi-tabi pero alam ko may alam siya. Ayaw lang niya sabihin sa amin. "Wala rin, hindi alam ng tindero kung sino tinutukoy niya na pumasok sa kakaibang pintuan. Pero ang naiisip ko lang si Raylin baka siya ang pumasok kasi Hindi pa siya nakakabalik." Sabi sa akin ni Kuya Lester Kahit nagpunta na kami ay hindi rin pala kilala kung sino. Pero sa sinabi ni Kuya na baka si Raylin niyon, ibigsabihin mapapahamak siya doon. Paano nga kung ang pinsan ko nandoon baka hindi na siya makauwi. Hindi ko talaga maintindihan, mas mabuti siguro hindi ko na lang intindihin. Nagdasal na lang ako Bago matulog na sana mahanap at makauwi na si Raylin. **Dark Castle** Rido's POV Kitang-kita ko na nahihirapan ang mga ibang bata rito. Ganito rin ba ang hirap na naranasan ni Raylin? Pinagmamasdan ko na lang ang mga batang katulad ko na nakadena ang mga paa at kamay. Nakita ko na nandito si Deliyo na nasa bandang kaliwa. Nasa kanan kasi ako kinadena. Sinusubukan kong tawagin si Deliyo na nakayuko at napapagod na siya sa sitwasyon niya. "Psstt...Deliyo.." Mahina kong Sabi para hindi marinig ng mga Lola na abala sa pakikipag-usap sa mga uwak na nagsisiliparan. Hindi ako naririnig ni Deliyo sa mga pabulong kong tawag sa kaniya. Napatigil ako sa pagsitsit dahil nakita ko na may mga dumating na mga alagad at nagulat ako sa aking nakita na sina Lender ay nahuli rin kagaya ko. Kinadena silang lahat at pinaghihiwalay sila ng pwesto kung saan silang pader na ikakadena. Ang pinagtataka ko lang bakit may alagad ang mga lola na mga bata rin na katulad namin. Nakakatakot silang tingnan, mapula rin ang mga mata nila kagaya sa mga Lola. Ang mga Lola na para bang may gagawin na masama. Naririnig ko ang kanilang usapan kahit ang ibang batang bihag ay naririnig din nila pero binabalewala lang nila. Ako na pinapakinggan ng mabuti ang kanilang mga sinasabi sa mga gagawin ng Lola. "Mga Lola, sinabi ng mga alagad nating uwak na may nakatakas na isang bihag sa ating kastilyo. Ang ibang mga uwak ay namatay sa kamay ng mga puting diwata na nagligtas sa isang bihag na nakatakas." Tiningnan ko ang mga nahuli rin na nakasama ko sa kulungan. Tama ang sinabi ng mga Lola na may Isang nakaligtas at si Raylin ang nakatakas sa amin. Sinong mga puting diwata ang tinutukoy nila na nagligtas kay Raylin? May mga ibang mabubuting diwata pala rito ibigsabihin. Bakit hindi kami iligtas rito sa loob sa mga masasamang diwata na ito? "Gusto kong mapasaatin muli ang batang nakatakas. Kukuhanin ko siya sa mga puting diwata. Gagawin natin sa kaniya ang p**********p katulad kay Daylon. mas lalo tayong lalakas mga Lola kapag tayo ay nagwagi sa p**********p sa batang nakatakas. HAHAHAHA!" May pag-aalala naman ang isang lola "Wala kang laban sa mga puting diwata lalo na ikaw mag-isa ang pupunta roon. Maraming mandirigma at tagabantay roon." "Huwag kang mag-alala, anong silbi ng tatlong bata na mga alagad natin. Sasamahan nila ako na makipaglaban at sa gano'n makukuha ko ang batang pasaway HAHAHAHA!" Nagsitawanan na rin ang mga ibang Lola at ang mga alagad nito. Nakakatakot ang mga halakhak nila. Mas lalo akong natakot sa gagawin nila kay Raylin. "Anong gagawin niyo kay Raylin? Pabayaan niyo siya! Napakasama niyo talaga!" galit kong sabi sa kanila at napalingon sila sa akin. "Tumigil ka! Wala kang magagawa, paslit na bata. Ubod talaga kami ng kasamaan HAHAHAHA!" Bigla na lamang ako hinampas ng lubid na may apoy sa aking katawan ng isang alagad na batang babae utos ng Lola sa kaniya. Napasigaw ako sa sakit sa init na dumapo sa aking katawan. Nasira ang damit ko, nabutas dahil sa pagkahampas sa akin ng lubid. ****** Hindi na nag-aksaya ng oras ang isang Lola na pumunta sa Lugar ng mga puting diwata upang mabawi si Raylin. Hindi inaasahan ng dalawang kawal na nasa labas may dumating na kalaban. Agad na lang napalibutan sila ng mahabang lubid na umaapoy sa kanilang katawan. Hindi sila nakalaban sa mga batang alagad ng pulang diwata kaya hanggang sa matuluyan na lang ang dalawang kawal. Nagkataon na dumating si Prinsepe Gostov na isa sa magaling namandirigma. Sa bawat paghampas sa kaniya ng lubid ay naiiwasan niya ito. Inilabas niya ang kaniyang espada "Tikman niyo ang lakas ng isang mandirigma." Isang batang lalake na alagad, gamit ang hawak na lubid na may kapangyarihan. Balak niyang itali ang mga paa ng Prinsepe ngunit nakatalon bigla si Prinsepe Gostov at sabay in-espada ang lubid. Naputol niya ang lubid dahil sa matalas na armas. Sumunod naman si Lira na naging alagad ng mga Lola. Bigla niyang ginamit ang lubid na hawak niya upang maitali ang espada para makuha ang sandata. Pilit na hinahatak ni Prinsepe Gostov ang kaniyang espada para matanggal sa pagkatali ng lubid na hinihila sa kaniya. Nabitawan ng Prinsipe ang espada dahil may apoy ang lubid na napapainit ang kaniyang armas na hawak . Hindi niya na kayang tiisin dahil habang natagal ay umiinit at napapaso ang kaniyang kamay. Pagkahila sa espada, tumalsik ng malakas at malayo sa kaniya. Kinuha pa niya ang natira niyang espada sa likuran. Upang hindi na makalaban ang Prinsipe, ginamit ng Lola ang kapangyarihan na pag-ihip. Sa pag-ihip nito ay may malakas na hangin ang lumalabas sa bibig nito dahilan kung bakit tumalsik muli ang isa pang espada sa malayo. Tinali ng lubid ang katawan at kamay ni Prinsepe Gostov habang hawak ni Lira Ang dulo ng lubid. Hindi makawala ang Prinsepe dahil napakahigpit ng pagkatali nito at wala na siyang armas na makakaputol sa lubid na may kapangyarihan na apoy. "Ikaw na pulang diwata, Ikaw ay aking papaslangin kapag ako ay nakawala rito!" sambit ng Prinsepe sa lola Hindi pinansin si Prinsepe Gostov ng isang Lola. Nagsimula na itong hanapin si Raylin, Hindi Niya makita dahil nagtatago ang bata sa mga halaman. Hindi kasama ni Raylin si Princess Diyanna sa kadahilanan nasa loob ng kaharian. "Munting paslit, alam kong nariyan ka! Hindi mo ako matataguan kaya lumabas kana diyan." Kaba at takot ang naramdaman ni Raylin habang nakatago sa mga halaman. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Muling umihip ang pulang diwata upang hawiin ang mga halaman at nakita niya kung saan nagtatago si Raylin. Mas lalong kinabahan at natakot si Raylin nang makita siya at palapit sa kaniya ang Lola na gustong kuhanin siya. Naabutan ng dalawang Prinsesa, isa na rito si Prinsesa Diyanna na nanghihina ang Prinsepe sa pagkatali ng lubid na bantay ng tatlong kalaban. Nakita rin nila ang kalagayan ni Raylin na palapit sa kaniya ang isang Lola. "Pulang diwata! Ako ang kalabanin mo!" Sigaw ni Prinsesa Diyanna Ang isang prinsesa naman ay agad na kinalaban ang kaaway para makaalis ang Prinsepe sa lubid na nakapalibot sa katawan. "Huwag kang mabahala, Prinsepe Gostov papakawalan kita sa iyong pagkatali. agad na ginamit ng Prinsesa ang kapangyarihan niya. Tinitigan lang niya ang lubid na unti-unting napuputol hanggang makawala ang Prinsepe. Ang isang alagad na batang lalake ay balak na hulihin siya gamit ang lubid ngunit biglang nawala ang prinsesa at biglang sumulpot na lang ito sa likuran nila. Mabilis na nagdugtong-dugtong ang mga lubid nang tinitigan ng prinsesa. Gamit ang kaniyang kapangyarihan sa tatlong batang alagad naman ipinalibot ang isang mahabang lubid na pinagdugtong. Hawak ng Prinsesa ang dulo ng lubid upang hindi makawala ang mga natalo niyang alagad mula sa kalaban. "Lubos na pasasalamat, Prinsesa Helmera dahil sayo ako ay nasagip." sabay yumuko si Prinsepe Gostov sa harapan niya bilang pagrespeto. **Dark Castle*** Namamasdan ng mga Lola ang mga kaganapan sa pagsugod ng isa nilang kasamahan sa mga puting diwata. Gamit ang malaking cauldron ng mga Lola na may tubig doon nila namamasdan ang mga nangyayare.  "Hindi maganda ang nakikita ko, dumating ang dalawang Prinsesa. Mapapaslang lang siya, Haizy lumisan ka na riyan!" pag-aala ng isang lola sa kasamahan nilang isa. Hindi rin mapigilan ng isa pang Lola na mag-alala "Malalakas ang kanilang kapangyarihan mga lola. Mapapahamak lang si Haizy sa kaniyang gagawin." "Dapat may gawin tayo, isa sa inyo ang pumunta para matulungang makatakas si Haizy. Ikaw, Lola Enly ang magtungo roon." pahayag ng unang Lola na nagsalita
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD