"Haizy, kunin mo ang mga dahon para masunog na itong batang 'to". HAHAHAHA!" utos ng lola sa isang lola pa.
"Gusto ko niyan na makita na lang na maging abo ang batang niyan. HAHAHAHA!"
Hindi sila pangkaraniwang lola, may mga kapangyarihan sila na ginagamit sa kasamaan.
Nakakatakot sila, kita ko na hindi lang ako kinakabahan sa kanilang gagawin pati ang mga batang pinapahirapan nila na kagaya ko.
Lumabas ang lola na ang pangalan daw ay Haizy kasama niya ang isang tauhan. Pagkabalik nila may dala na silang mga dahon. May balak talaga silang sunugin ang lalaki. Si Lira pa ang gagawa no'n. Walang magawa kapatid niya kundi sundin ang inuutos ng mga lola. Kontrolado siya na parang hindi na siya si Lira.
May malaking kahoy sa dulo na nakatayo. Dinala ang lalaki sa kahoy na niyon. Kinagat ng lalaki ang isang tauhan na mukhang aso sa braso kaya nabitawan siya. Ang isa naman na mula sa kanan na nakahawak sa bata. Tinapakan ng malakas ang paa nito, tumakbo ang bata ng mabilis papalayo sa kanila.
"Takbo, bilisan mo!" rinig ko na may batang sumigaw
"Takbo! Tumakas ka na!" sigaw ng isang bata
Halos napasigaw kami lahat, gusto naming makatakas siya. Napatingin pa ito sa amin.
"Huwag ka dito tumingin! Tumakbo ka ng diretso!" sigaw ko sa kaniya
Nadapa ito dahil napatid siya sa bato na hindi niya nakita.
"Tumayo ka! Bilisan mo! Takbo!" sigaw ng isang bata.
Dahil sa ingay namin sa pagsigaw, nainis ang ibang lola. Ang kanilang mga hintuturo ay iniikot nila at tinuro sa aming mga bibig. Hindi kami makapagsalita, may ginawa sila.
Hindi ko mabuka ang bibig ko pati ang mga bata na pumipigil na makapagsalita kami.
"Yan ang nararapat sa inyo, mga pasaway na bata!" galit ng lola sa amin.
Nagulat na lang kami ng lumutang ang batang pilit na tumatakbo kahit nasaktan siya sa pagkadapa.
Kagagawan ng lola kung bakit siya nakalutang at binalik siya sa malaking kahoy na nakatayo. Binaba na siya at hindi na nakalutang sa itaas.
Nakadikit siya sa kahoy, gusto niyang makaalis roon pero para siyang nakatali sa malaking kahoy kaya hindi siya makaalis.
Hinulog na nila ang mga dahon na nakapalibot ito sa batang lalaki.
"Ihulog mo na niyang hawak mo at sabik na kaming makita ang nasusunog nitong katawan. HAHAHAHA!" utos ng lola kay Lira.
Hinulog ni Lira ang hawak niyang kahoy na may apoy sa mga dahon.
Rinig ko ang mga malakas na tawanan ng mga lola. Paano nila nagagawa niyon? Sayang-saya sila sa kanilang pinaggagawa. Wala silang awa sa bata.
Kumakalat na ang apoy sa mga dahon at lumalaki na rin ito. Napasigaw ang kapatid ni Lira na ramdam ang apoy sa katawan niya.
"Tulong! Tulungan niyo ko! Ayaw kong mamatay. Parang awa niyo na mga lola. Pakawalan niyo ko dito. Hindi ko na sasagutin mga magulang ko. Magiging magalang na ako sa kanila." umiiyak at nagmamakawa ang bata.
"Huli na ang lahat! Wala ka nang pag-asa. Ngayon ang kamatayan mo HAHAHAHA!"
Gusto kong sumigaw, makapagsalita pero hindi ko magawa dahil sa ginawa sa amin ng mga lola rito.
Ang sakit na makita siya na nahihirapan. Gusto naming tulungan kaso paano? Nakadena kami lahat rito, wala kaming magawa kundi makita na nahihirapan ang kapatid ni Lira. Lahat kami rito nahihirapan, nasasaktan at naawa sa batang lalaki na sinusunog nila.
Hanggang sa makita na namin na wala na ang batang lalaki. Patay na siya. Hindi namin kinaya nag nangyari sa bata. Hindi lang ako napaiyak sa nangyari sa kapatid ni Lira. Halos lahat kaming mga bata, natatakot at lalong kinakabahan kapag mas tumatagal rito. Hindi namin alam kung kami ay papatayin nila or gawing utusan dito.
Naglalabas ng hangin ang mga lola gamit ang bibig nila na nagbibigay hangin sa amin. Hindi na kami nakaramdam ng napakainit. Buti may hangin silang binibigay sa amin. Dahil
para na kaming sinusunog dito kagaya sa lalaking namatay.
"Kailangan niyo makaramdam ng hangin para mabuhay kayo rito at gagawin namin kayong alagad!"
dahilan ng lola kaya pala nagbibigay ng hangin sila.
Ayoko maging alagad nila lalong ayokong mamatay rito. Gusto ko nang umuwi sa amin. Sana may makahanap sa amin at tulungan kami na makaalis sa lugar na ito.
"Dahil sa ginawa niyo kanina, sumisigaw kayo. Hindi niyo ba naisip na magagalit kami. Paparusahan namin kayo. Kulang pa ang pagsara ng mga bibig niyo."
Ano pa ba parusa ang gusto nila? Hindi ba sapat ang nararanasan namin dito? Kulang sa kanila na naghihirap kami sa lugar na ito. Sakit, hirap, at pagod ang nararanasan namin. Kasama ang kaba at takot sa kanila.
"Dalhin si Lira sa kulungan ng aming mga apo." utos ng lola sa isang alagad.
Umalis na si Lira at ang alagad na isa?
Hindi ko alam kung saan siya dadalhin nito.
Nakaramdam na ako ng gutom dahil sa matinding pangyayari. Pagod na pagod na ako sa kinatatayuan ko. Sobrang pagod na ang katawan ko, nanghihina ako. Ramdam ko na ang pagod at panghihina ng mga bata kagaya ko.
"Mama, miss na kita.. Gusto ko nang umuwi. Pagod na pagod na ako, hindi ko na kaya dito."
Nawawalan na ako ng pag-asa na makaalis pa rito. Kagaya ng mga bata na kita ko sa kanilang mga mukha.
Nanghihina na ako sobra, lumalabo na ang paningin ko na para bang mapapapikit ako habang ramdam ang panghihina sa sarili ko.
*****
Namulat na lang ako na narito ako sa
kulungan. Bumalik ako dito sa madilim at maruming kulungan.
Hindi lang ako mag-isa na narito, kita ko na may kasama na ako ditong mga bata.
Laping tatlo kami lahat dito sa kulungan, ang iba ay tulog pa. Nasaan na kaya ang mga ibang bata? Nandoon pa kaya sila sa mainit na lugar?
Pinagmasdan ko ang mga bata na kasama ko. Ibang mga bata ito, hindi sila galing sa mainit na lugar kanina kung saan doon ako kinadena.
Bakit binalik nila ako dito? mga bagong bata ang kasama ko dito sa kulungan. Mga batang bagong biktima ng mga lola.
Isang batang babe na kulot ang buhok ang nasa isang tabi. Maputi ito at maganda ang hitsura. Para bang hitsurang mayaman ito. Maganda ang kaniyang suot mukang mamahalin.
Umiiyak ito at rinig ko ang kaniyang mga salita na gusto niya nang umuwi.
Naawa ako sa kaniya, tinabihan ko ito.
Napatigil siya ng iyak, tumingin ito ng saglit sa akin at nagpatuloy muli na umiyak ang bata.
"Tahan na, baka marinig ka ng mga lola at baka ikaw ang sunod nilang patayin."
Imbes na napatigil ko siya sa pag-iyak ay mas lalo pa pala itong umiyak dahil sa takot ng marinig ang aking sinabi.
"Papatayin tayo nila? Ayoko! ayoko! ayokong, mamatay, I don't want to die here. Gusto ko nang umuwi." ramdam ko ang takot niya kasabay ng pag-iyak niya.
Hinahaplos ko ang kaniyang likuran upang maibsan ng konti ang pag-iyak niya. Ito lang kasi ang alam ko kasi tuwing naiyak ako ay ginagawa ni mama sa akin na nakakaginhawa ng konti sa pakiramdam.
"Ano ang pangalan mo, bata?" tanong ko sa kaniya.
"Aileen. Don't touch my back! Dumi ng kamay mo. You're so kadiri!" hindi pa rin nawawala ang kaniyang pag-iyak.
Tiningnan ko ang kaniyang mga mata at seryoso kong sinabi sa kaniya
"Kung gusto mo umuwi ng ligtas, makinig ka sa akin. Itigil mo ang pag-iyak mo. Hindi makakatulong ang pag-iyak mo rito at baka ayan pa ang ikapahamak mo. Sinasabihan na kita, kailangan niyo lang tatagan ang loob niyo."
Nakinig siya sa aking mga sinabi dahilan kung bakit huminto siya sa kaniyang pag-iyak. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko. Tumayo ako at naglakad dahil gusto ko kausapin ang mga bata na kasama ko. Ramdam ko ang pagkahilo na para ba akong matutumba.
Hindi ako makalakad ng mabilis. Mapapatumba na sana ako biglang may umalalay sa akin na isang lalaki na kanina ay may kausap na nakaupo.
Tinulungan niya ako, sinabi ko na dalhin ako doon sa aking pwesto kung saan ako nakaupo kanina.
Dinala niya ako doon, nakatuon sa akin ang atensyon ng mga batang naririto. Lahat na pala sila ay gising, kita ko sa mukha ng iba na tila bang nag-aalala sila sa kalagayan ko.
Lumapit ang babaeng kulot na buhok sa amin na kinausap ko kanina.
"How is she?" tanong ng babaeng kulot na tila bang nag-aalala sa akin.
"May lagnat siya, kailangan niya magpahinga. Pagod na pagod ka (Raylin), siguro." pag-aalala niyang sabi nang hawakan niya ang noo at leeg ko para tingnan kung may lagnat ako.
"Gusto kong humiga" matamlay kong sabi.
Kita ko na inilabas ng lalaking naka-unipormeng estudyante ang manila paper sa kaniyang bag na may konting layo sa pwesto namin.
Lumapit siya at inabot ang manila paper.
"Ito, ilatag niyo para makahiga siya." mabait niyang sabi at sinara ang kaniyang bag.
Ibinigay niya pati ang kaniyang bag sa lalaking umalalay sa akin kanina.
"Bag ko, kunin niyo."
"Para saan itong bag mo?" tanong niya sa lalaki
"Pang-unan niya, hindi naman masiyadong matigas bag ko. Tanggalin niyo na lang ibang gamit sa loob. Tabi niyo muna gamit ko."
Inilatag na ang manila paper na nagsilbing banig para makahiga ako. Ginawa kong unan ang bag niya gaya ng sinabi ng lalaki. Nagpasalamat naman ako sa kanilang tulong. Kahit hindi man kami magkakakilala ay hindi sila nagdalawang isip na tulungan ako.