(6) Paghihirap ng mga Bata

1299 Words
Bigla na lamang ako nagising na may narinig akong biglang may pumasok. Kinadena ang aking mga kamay at paa. Dalawa sila, pnatayo at pinalakad ako. Kakaiba ang kanilang hitsura. Nakakatakot. Mabalahibo, may buntot, matatalas na ngipin, parang aso ang hitsura. Pilit nila akong pinapalakad kung saan. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Mas lalo akong natatakot kung saan ako dadalhin at baka kung ano gawin nila sa akin. Nang napapalayo ako mula sa kulungan ko kanina. May narinig akong mga batang umiiyak. Mas malakas at malinaw na ang kanilang sinasabi. "Ayoko na, dito. Pauwiin niyo kami. Anong gagawin niyo sa amin? Parang awa niyo na, napakainit dito. Hindi na namin kaya ang init." isang batang umiiyak na narinig ko Tinulak ako ng malakas kaya't napatumba ako. Ramdam ko ang hapdi ng sugat sa aking tuhod dahil sa pagkadapa ko nang tinulak nila ako. "Mga mahal na lola, narito na po ang bago nating bihag." sabi ng isa na may hawak sa kadenang nakatali sa akin at bigla hinatak ito at napatayo na lang ako bigla sa pagkadapa. Nararamdaman ko ang init sa paligid. Para akong sinusunog rito. Kulob ang lugar at may mga apoy sa bawat gilid na nagsisilbing liwanag dito. Hindi ko alam kung kaya kong tiisin ang init dito. Naririnig ko ang mga reklamo ng mga bata dahil sa sobrang init. Kita ko na hirap din sila, medyo madami kaming nabiktima. Idinikit ako sa isang pader kagaya ng mga batang nakikita ko. Kinadena nila ko katulad nila. Nakataas ang dalawa kong kamay na nakadena habang ang mga paa ko ay nakadena rin. Nakakangalay pala, hindi lang pala init ang kailangan titiisin pati ang pangangalay ng aming mga kamay at paa. Pinagmasdan ko ang mga bata na kagaya ko. Nahihirapan na sila, matagal na siguro sila naka-kadena na pilit kumakawala pero hindi nila magawa. Pawis na pawis na sila at pagod na pagod sa pagkatayo. Ako na hindi pa nakakatagal rito ay ramdam ko na ang pagod at hirap. Hindi ko alam kung makakatakas pa ba kami rito. Hindi namin alam ang gagawin. Isang malaking bagay ang nasa gitna(Cauldron ng mga Lola), may lamang tubig na kumukulo na may gatong na umaapoy. May iba pang mga bata ang dinala rito, kinadena rin sila sa pader. Ramdam ko na talaga ang pagod at hirap sa tagal kong nakatayo dito. Gusto kong makawala rito pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawa makaalis mula sa pagkadena. Sumasakit lang ang aking buong katawan sa pagpupumilit na makaalis sa kadena. Sa sobrang pagod, hirap at sakit na aking naramdaman ay napaiyak ako tulad ng mga ibang bata na mas nauna sa akin. "Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw ng babae Lumapit ang isang lola na nakakatakot ang hitsura. "HAHAHAHA kahit sumigaw ka pa diyan, walang makakarinig sayo dito. Mapapagod ka lang kakahingi ng tulong. Walang tutulong sayo, bata." Hindi ko na matiis na hindi magsalita, gusto ko malaman kung ano ang kailangan nila sa amin at kung bakit kaming mga bata ang biktima. "Anong kasalanan namin sa inyo kung bakit ginagawa niyo sa amin ito? Anong kailangan niyo sa amin? Pakawalan niyo na kami!" May Isang batang sumigaw na nasa kanan na nakakadena sa pader. "Oo nga, anong kasalanan namin? Wala kaming ginagawa sa inyo." Nagsimula nang mag-ingay ang mga bata na naghihirap sa kalagayan namin. Gusto rin nila malaman ang kasagutan kung bakit nandito kami na para bang pinaparusahan kami. "Gusto niyo ba talaga malaman? Wala kayong kasalanan sa amin. Kinukuha lang namin ang mga bata na kagaya ninyo na makulit, pasaway at may hindi magandang ugali. May gagawin kami sa inyo. Ang mga kagaya niyo ay kailangan namin para maisakatuparan ang aming plano na sakupin ang Light Castle na maging amin at gawin silang mga alila. HAHAHAHA!" Nagsitawanan ang mga lola at mga tauhan nila na mukhang aso. Nakikita ko ang tuwa nila na gumawa ng kasamaan pero para sa amin nakakatakot sila. Tinanggal sa kadena ang batang babae na kanina ay sumisigaw ng tulong. Hinawakan ng dalawang tauhan ang bata sa dalawang magkabilang braso para di makawala. Tinapat ng isang lola ang palad niya sa batang ito. Nakikita ko na takot na takot ang batang babae. "Ikaw na batang tamad mag-aral, ikaw ay magiging amin!" Nanginginig ang bata nang idiin ng lola ang palad niya sa noo. Nangisay ito at walang kalaban-laban ang babae sa ginagawang paghihirap sa kaniya. Napasigaw siya ng malakas habang hawak siya ng mahigpit ng mga tauhan. Nagulat na lang kami sa aming nakita na nag-iba ang pananalita ng bata. Hindi namin maintindihan kung bakit nagkaganon ang babae na kanina ay gustong makaalis rito pero ngayon na kumakampi na ito. "Mahal na lola, ano ang iyong ipag-uutos? Handa ko po kayong pagsilbihan sa kahit anong utos niyo ay gagawin ko." gulat kaming lahat ng marinig namin ang sinabi nito. May batang lalaki na kapatid niya ang nagalit "Anong ginawa niyo sa kapatid ko? Ibalik niyo siya sa dati." Tumawa ng malakas ang lola at sinabing "Hindi mo na siya kapatid ngayon kaya kalimutan mo na may kapatid ka." Natatakot na ako sa nakikita ko rito, hindi ko alam at baka ako na ang susunod na maging sunod-sunuran nila. Inutusan ng lola ang babae na naging kakampi nila. "Patayin mo ang iyong kapatid." "Masusunod po mahal na lola." sabi ng babae na wala na sa katinuan. "Kayong dalawa, ilapit niyo dito ang batang niyan!" utos ng lola sa dalawa niyang alagad na mukhang aso na mabalahibo at may buntot sa likuran. Parang na malik mata ako nang makita ko na may lumitaw na lang bigla na kahoy sa kamay ng lola. Saan galing ang kahoy na hawak niya? Sinindihan niya ito ng apoy, inihipan lang niya ang kahoy at nagkaroon ng apoy. Natakot kami ng makita ang kayang gawin ng mga ito. May mga kapangyarihan sila at ginagamit nila ito sa kasamaan. May kapangyarihan talaga sila kaya wala talaga kaming laban tulad naming mga bata na galing sa mundo ng mga tao. Binigay niya ang kahoy na may apoy sa babae "Ito, sunugin mo ang iyong kapatid sa harapan nila." Dahan-dahang lumalapit siya sa kapatid niyang lalaki. Nagpipiglas ang lalaki gustong makawala sa pagkakapit ng mga alagad. "Bitawan niyo ko! Sabi ko, bitawan niyo ko." hindi makawala ang batang lalaki. Takot na takot na ito at kahit kami ay natatakot na sa mangyayari. Tinapat na ang kahoy na may apoy sa lalaki. Hindi pa ito nadidikit sa katawan niya at sumisigaw ang mga batang nakadena na huwag ituloy ng babae kahit ako napasigaw na rin. "Huwag!" "Kapatid mo niyan!" "Pigilan mo!" "Maawa ka sa kapatid mo!" Sigaw ko "Makinig ka sa amin!" "Gumising ka!" Mga sigaw namin sa babae na gagawin niya talaga na sunugin ang kaniyang kapatid. Para bang hindi niya kami naririnig. Pinapaso niya ng apoy ang kapatid niya at napapasigaw naman sa sakit ang lalaki. "Lira, huwag mo gawin sa akin ito. Kapatid mo ko... huwag kang sumunod sa pinapagawa nila na patayin ako. Anong nangyayare sayo? Makinig ka sa akin.." maiyak-iyak na sabi ng lalaki sa kaniyang kapatid Nakakaawang tingnan ang lalaki na napapaiyak na sa sakit habang pinapaso siya nito. Hindi ko kayang tingnan ng matagalan ang nangyayari dito sa loob. Napapapikit na lang ako dahil para rin akong pinapaso kapag nakikita ko ang sitwasyon ng lalaki habang pinapaso siya ng kapatid niya. Ang iba ay napaiyak sa sitwasyon ng magkapatid lalo na ang lalaki na nasasaktan sa apoy na dumidikit sa katawan niya na nagiging sanhi ng pasa at sugat. Nakakaawang tingnan talaga ang lalaki. Gusto ko siyang tulungan kaso hindi ko alam kung paano. Wala akong laban sa may kapangyarihan. Ang tanging nagawa ko na lang ay napaiyak habang napikit-pikit sa bawat sigaw ng lalaki sa sakit. Ayoko ng ganito. Hindi ko matiis na may ganitong nangyayari
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD