(10) Babaeng walang Tiwala!

1652 Words
Raylin's POV Nagising ako mula sa aking pagkatulog. Bumangon ako sa aking hinihigaan na manila paper. Umupo ako at napansin ko na nabawasan kami dito sa loob. Nasaan ang ibang mga bata? Hindi kaya dinala na sila doon sa mainit na lugar kung saan ako kinadena at pinahirapan. Narito pa rin ako sa kulungan na madilim at may mga alikabok. Bigla ako nagulat nang marinig ko ang sigaw ni Aileen. "What is that? It's a worm! kadiri, ayoko dito. Please! Get away from me, don't come near me!" Sigaw ni Aileen, ang bata na kinausap ko nung umiyak siya. Napatingin kami sa kaniya dahil sa kaniyang sigaw. Nadidiri na parang natatakot siya sa uod. "Please, help me! I don't want worms, dumadami na sila. Someone, please get the worms and remove them." umiiyak niyang sabi dahil sa mga uod. Tumayo ang isa na nagbigay sa akin ng manila paper na ginawa kong higaan. "Tapakan mo lang, like this." sabay tinapakan niya ang uod. "Eww, I can't!" maarte na sabi ni Aileen Siguro mayaman itong babae na 'to, hindi sanay at maarte sobra. Pinagmamasdan ko ang pagtapak nila sa mga uod. Tumulong na rin ang iba na patayin ang mga uod habang si Aileen na maarte ay tinitingnan lang sila at panay turo sa mga uod. Nawala ang atensyon ko sa mga uod na kanilang tinatapakan dahil nang marinig ko na may nagsalita na lalake. Ito yung tumulong sa akin nung matutumba ako na inalalayan ako sa paglakad dahil sa masama kong pakiramdam. "Kamusta na pakiramdam mo? Gano'n pa din ba katulad kanina?" tanong niya sa akin "Hindi na masiyado masama pakiramdam ko. Hindi katulad kanina. Salamat pala sa ginawa mo sa akin. Kahit hindi tayo magkakilala ay tinulungan niyo pa rin ako." Mabait niyang sabi "Wala niyon, may itatanong ako. Narinig ko kasi usapan niyo yung babae na niyon na napaka arte." "Sino? Si Aileen" sabay tingin ko kay Aileen na hindi matapos sa kakaturo ng uod sa kanila. "Oo, di ba ikaw kumausap sa kaniya no'ng umiyak siya. May nalalaman ka ba dito? Kasi narinig ko na pinapatahan mo siya na ang sabi mo na tumigil siya sa pag-iyak at baka marinig siya ng mga lola. Ang alam ko, iisa lang ang kumuha sa amin na dinala kami rito. Ayon yung isang matandang babae. Marami ba sila? Saka sabi mo pa baka ikapahamak pa niya (Aileen) ang pag-iyak at pwede siyang patayin." seryoso niyang sabi Kita ko sa mga mata niya na gusto niya talaga malaman ang mga sagot sa tanong niya. "Gaya niyo rin ako na kinuha ng mga lola. Nung dinala ako rito sa kulungan na ito ako lang mag-isa. Wala akong kasamang ibang bata. Nakalabas na ako sa kulungan na ito dahil nilipat ako sa ibang lugar na mainit." Napansin ko ang ibang mga bata na kasama ko rito na abala sa pagpatay ng mga uod ay lumapit sa amin nang marinig nila ang aking mga sinabi. Umupo sila sa tabi namin at nagtabi-tabi sila para makinig sa aking sasabihin. Gusto nila malaman ang aking mga sasabihin. "Tuloy mo lang, makikinig kami. Gusto namin marinig.." sabi ng lalake na nakasuot pang estudyante. "Dito lang rin ang lugar na mainit banda doon sa kanan. Pagkarating ko doon, nagulat ako ang daming bata na naghihirap at umiiyak dahil sa sobrang init doon. Dahil sa mga hindi magagandang nangyare doon, at sa pagod ko rin ay nanghina ako. Pagmulat ko nandito ulit ako sa kulungan. Marami sila, hindi lang isang lola. Nakakatakot sila at napakasama nila. Wala silang awa sa ating mga bata na tulad natin." Nang marinig ng iba ang aking mga sinabi. Kita ko sa kanilang mga mukha ang takot nila. Maliban sa isa, ang maarteng Aileen. "Are you sure you're not kidding us, or maybe trying to fool us?" sabi niya sa akin na hindi ko masiyadong naintindihan dahil English. "Ano daw? pwede magtagalog ka." sabi ko sa kaniya dahil hindi naman ako nakakaintindi masiyado sa English. "Why do you think she's trying to fool us?" English na tanong ng isang lalake na marunong din pala mag-english. Tanong niya para kay Aileen. "We shouldn't trust her, Maybe Kakampi siya ng mga lola. She's pretending like one of the victims." sabi niya sa lalake na parang hindi ako kati-katiwala sa paningin ng maarteng babae. Anong pinagsasabi nitong Aileen na 'to? Pinagbibintangan niya ako na kakampi ako ng mga lola. "Pinagsasabi mo na kakampi ako ng mga lola. Pinagbibintangan mo pa ako, bakit may patunay ka ba? Nanghuhusga ka kaagad, hindi naman tayo magkakakilala dito." Inis kong sabi sa maarteng Aileen na ito. "We don't have proof that she is an enemy." sabi ng lalake na nagtanong sa kaniya kanina. "Kaya wala tayong karapatan na husgahan siya agad." madiin na sabi ng lalakeng nakasuot na pang estudyante. Malakas kong sabi sa kanilang lahat "Kung ayaw niyo maniwala sa akin, Edi don't. Hindi kayo pipilitin bala kayo kung sino gusto niyong paniwalaan." "If all of you believe this girl, then go but I won't. Sana hindi kayo magkamali." pagtataray niyang sabi sa kanila. Umalis ang maarte at mataray na si Aileen sa pwesto namin. Bumalik siya kung saan siya nakapuwesto kanina. Hindi lang siya ang umalis pati ang iba na nagsibalikan sa mga pwesto nila. Bali siyam kaming lahat na hindi umalis sa pwesto. Ako, lalakeng naka-uniporme, yung umalalay sa akin, tapos ang lalakeng nagsalita ng English kasama ang dalawang babae, magkahawig silang dalawa at ang tatlong lalake na nais rin makinig sa mga sasabihin ko. Ang apat na natira kasama na doon si Aileen na maarte. Sila ang mga ayaw maniwala sa akin. Mga taong nanghuhusga agad sa akin kahit hindi pa naman talaga ako nila kilala. "Ang alam ko marami tayo na nandito? Nasaan na ibang mga bata?" tanong ko sa kanila dahil nang gumising ako kanina pa ay napansin ko talaga na nabawasan kami rito. "May pumunta dito na kinuha sila, hindi namin alam kung nasaan sila ngayon. Sobrang takot namin dahil nakakatakot ang mga nagkuha sa kanila." malungkot na sabi ng lalake na umalalay sa akin. Tama siguro ang hinala ko na baka kinuha sila ng mga mukhang aso na mabalahibo at may buntot. Nais ko muna silang kilalanin sa pangalan nila bago ko itanong kung anong hitsura ng mga kumuha. "Ano ang mga pangalan niyo? Gusto ko kayo makilala. Ako si Raylin, kayo?" mahinhin kong tanong sa kanila Binanggit nila ang kanilang pangalan isa-isa. Lender ang pangalan ng marunong mag-english na lalaki. Rido naman ang umalalay sa akin. Ang pangalan naman ng naka-uniporme ay si Lester kapangalan ng pinsan ko. Ang dalawang babae naman ay sina Chritina at Belin. Deliyo, Vicente, at Arzon ang pangalan ng tatlong lalaki. "Anong hitsura ng mga kumuha sa iba?" tanong ko sa kanila Describe ni Lender "Looks like a dog and they have tails." "Sabi ko na nga ba, tama ang hinala ko." ang malakas kong kutob "Paano mo nalaman na ayon ang mga kumuha? Alam mo ba kung saan sila dadalhin?" ang gustong malaman ni Lester. Diretso kong sinabi sa kanina na "Doon sila dadalhin sa sinasabi kong mainit na lugar kung saan sobrang hirap ang mararanasan doon. Init, pagod., kaba, takot at sakit ang mararanasan kapag dinala ka doon. Kinakadena nila doon ang mga kamay at paa upang hindi makawala na gaya sa ginawa sa akin pati na rin sa mga kasama kong bata na hanggang ngayon siguro nandoon pa din." Gulat, kaba at takot ang naramdaman nila nang marinig nila ang mga sinabi ko kung saan dinadala ang ibang mga katulad namin kapag inilalabas dito sa kulungan. "Bakit sila kumukuha ng mga bata na gaya natin? Anong gagawin nila sa atin?" tanong ni Rido sa akin na halata ang takot niya sa mukha. "Kinukuha nila tayong mga bata na may hindi magandang ugali. Gaya ko, minsan hindi ako nasunod sa mas nakakatanda sa akin. Katulad na lang nang pinagsabihan ako nang nagtitinda sa bakery na huwag buksan at pumasok doon sa pintuan na nakita ko. Dahil matigas ang ulo ko ay hindi ko sinunod kaya napunta ako dito." paliwanag ko sa kanila Nakita ko na hindi mawala ang takot ni Belin dahil kanina pa ito nakahawak sa braso ko. Ramdam ko ang takot niya dahil sa mga nalaman niya na galing sa akin. "Hindi na ba kami makakauwi, Raylin? Kami ni Ate Christina, napunta kami dito nang makita rin namin ang pintuang iba sa atin. Palagi kasi kami nag-aaway ng ate ko at hindi kami marunong mag-sorry sa isa't isa. Sabi nga ni mama sa amin nagpapataasan daw kami ng pride kaya hindi kami nagkakaayos. Naniwala kami sa matandang lola na sumunod kami sa kaniya para magkaayos daw kami. Dadalhin niya daw kami sa kaharian niya na sigurado daw na hindi kami mag-aaway hanggang sa dito kami dinala." kwento ni Belin sa amin. Magkapatid pala ang dalawang babae na sina Belin at Christina. Bigla kong naalala ang magkapatid na Lira at ang lalake na namatay dahil sinunog. Ang hirap kalimutan, hirap at sakit na naramdaman ko nang mangyare niyon. Bigla na lang ako napaluha dahil naawa ako sa magkapatid lalo na sa lalake na napag-utusan naman sunugin ang kapatid niya at ang masakit pa doon wala sa sarili si Lira nang ginawa niya 'yon at hindi niya alam na wala na ang kapatid niyang lalake. Napansin naman ng mga kasama ko ang luha na pumatak sa aking mga mata. Sinabi ko na lang na "Hindi ko kasi malimutan ang hirap na dinanas ko doon sa mainit na lugar na niyon. Kinadena at pinahirapan kami." Hindi ko sinabi sa kanila ang nangyare sa magkapatid na Lira at sa lalake. Baka mas lalo lang sila matakot kapag nalaman nila ito. Ayaw ko matakot sila nang sobra at baka masaktan rin sila kapag narinig ang kwento ng magkapatid. Isa-isa nila akong niyakap, ramdam ko ang mga yakap nila na nakakatulong sa akin upang mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD