(11) Ang Plano

1378 Words
Hindi lang si Belin ang nagkwento kung paano sila napadpad dito. Si Rido ay umamin na mahilig siyang magsinungaling. Madalas daw mag-cutting classes si Lester na nakakalabas sa loob ng school kahit may bantay at nagsisinungaling na kunwari napasok sa school sa kaniyang mga magulang. Si Deliyo naman ay nambubuli sa kaniyang mga kaklase. Ang dalawa naman si Vicente at Arzon na matapang sinabi na mahilig silang mangdengwat ng mga gamit na hindi sa kanila. Ang lalakeng nagsasalita ng English na ang pangalan ay Lender ay hindi nagsalita o nagsabi, nakinig at tahimik lang ito. "Lester, mahilig ka pala mag-cutting eh.. Bakit hindi mo gamitin ang pag-cutting mo dito? Tumatakas ka nga sa school niyo. Bakit hindi mo sa amin ituro para makatakas tayo dito para mapakinabangan naman natin ang pag-cutting mo. HAHAHA!" may halong pangangasar ni Deliyo kay Lester. "Buli ka nga, tsss!" maikling inis na sabi ni Lester. Bigla namang nagsalita si Rido "Pero wait, may punto ang sinabi ni Deliyo. Baka kaya mong gawan ng paraan, Lester para mabuksan ang kandado na'to." Ang galing nang naisip ni Rido, may silbi din pala ang pangangasar ni Deliyo kay Lester na pwedeng gamitin para makatakas. "Hindi ko kaya mabuksan niyan, sa tuwing tumatakas ako hindi sa gate ang daanan ko. Doon ako sa likod sa bakod ako dumadaan. Umaakyat ako kaya imposibleng mabuksan ko niyang kandado. May iba pang paraan siguro para makaalis tayo noh.. " Paliwanag niya kay Rido Nakita ko na nag-iisip si Rido nang sinabi ni Lester na baka may ibang paraan pa para makaalis kami dito. Gusto ko na talaga makatakas dito kasama ng mga ibang bata dahil baka dito kami mamatay kapag nagtagal kami rito sa lugar ng mga lola. Sinabi ni Lender sa amin " Let's make a plan to escape. We need to think this through carefully." Kahit paano ay may naintindihan ako kahit konti sa sinabi niya sa amin na English, plano daw ibigsabihin kailangan namin magplano para makatakas. Tama ba ang pagkaintindi ko sa sinabi niya. Sana naman kasi magsalita siya ng Tagalog para maintindihan ko talaga. "Di ba ang tagalog ng plan ay Plano? Tama ba? Gusto niya tayo gumawa ng plano." Tanong ko sa kanila na tumango lang sila sa aking sinabi. Pero nagsalita si Lender " You are right, gagawa tayo plano." Marunong naman pala magtagalog, pinapahirapan pa akong indihin siya. "Niyan, dapat nagtatagalog ka na lang para mas maintindihan namin. Hahaha!"pabiro kong sabi sa kaniya at tumawa lang siya ng maikli. Tumingin si Rido sa dalawang lalaki na kina Vicente at Arzon "Kayong dalawa , may naisip akong gagawin niyo para makatakas tayo. Ang plano natin ay kailangan makuha natin ang susi para mabuksan at makalabas tayo dito. Arzon at Vicente kayong dalawa ang gagawa ng paraan para makuha ang susi." "Hindi susi gamit nila, iba ang pangbukas nila dito. Hindi niyo ba nakita kung ano ginamit nila para mabuksan itong kulungan nang kinuha nila ang mga ibang kasama natin dito?" pagbanggit ni Belin na ipinaalam sa kanila na hindi susi ang ginamit para mabuksan kung saan kami nakakulong. Tama naman ang sinabi ni Belin dahil kahit ako nakita ko rin kung ano ginamit nila para mabuksan ang kulungan non'g ako lang mag-isa dito. Hindi susi ang gamit nila na katulad sa ginagamit nating susi. Pansin ko na para bang nakikinig ang maarteng babae sa usapan namin, nang makita niya ako na nakatingin ako sa kaniya ay agad niya akong tinarayan. Naiinis na ako sa maarteng babae na niyan. May galit talaga sa akin itong si Aileen, tiningnan ko lang naman tapos nanaray agad. Tatayo sana ako para puntahan si Aileen dahil sa sobrang inis ko sa kaniya, gusto kong awayin para tigilan niya ako. Ang kaso lang, hinawakan ni Rido ang damit ko dahil nakita niya na may balak akong puntahan at makikipag-away lang sa babaeng maarte na kinaiinisan ko. "Saan ka pupunta? Hayaan mo na niyan lalo ka lang hindi titigilan niyan." ang nagpapigil sa gagawin ko dahil nakatingin na rin ang ibang kasama namin kaya hindi ko na tinuloy. Nang umupo ako, napatingin ulit ako sa pwesto nina Aileen at nakita ko na may pinag-uusapan sila na hindi ko marinig dahil mahina ang mga boses nila. Hindi ko na lang ito pinansin dahil tinawag ako ni Belin at nagtanong "Raylin, napansin mo rin ba na hindi susi ang gamit ng mga alagad na masasamang lola? Di ba ikaw ang unang nandito bago kami napadpad?" Sinabi ko agad sa kanila na hindi susi ang gamit pang-bukas sa kulungan na ito at alam ko na alam rin ng iba na may ginamit silang isang bagay na may kapangyarihan na nakakapagbukas sa kulungan. "Alam ko na hindi lang kami ni Belin ang nakapansin, isang kwintas na kanilang suot na hindi karaniwang kwintas na sa tuwing tinatapat nila sa kandado ay parehas nagliliwanag para mabuksan ang kulungan." Nag-isip muna kami ng magandang plano para makatakas sa lugar na ito para makaligtas. May balak kaming gawin kapag pumasok ang mga mukhang aso na alagad dito sa kulungan. Gagawin namin ang aming plano at sana maisakatuparin ang plano namin na magtagumpay sa pagtakas. Matagal kaming nag-antay sa pagdating ng mga alagad, hindi ko maiwasan na kabahan sa aming gagawin habang naghihintay sa pagdating nila. Alam kasi namin na hindi madali ang gagawin namin dahil maari kaming mahuli na baka ikamatay pa namin. Rinig namin na may paparating sa aming kulungan, ang dalawang alagad ng mga lola. Binuksan nila ang kulungan gamit ang kwintas na kanilang suot. Nagbigay ng senyas si Rido na simulan na namin ang aming plano. Lumapit si Deliyo kay Aileen na maarte, bubulihin niya ito dahil kasama ito sa plano namin. Buti naisip nila na gawin nila ito para kung hindi man ako makaganti kay Aileen ay sapat na ang gagawin ni Deliyo. "Hey, Girl! What's your name, again?" pagsisimula ni Deliyo sa plano namin. "Aileen is my name, what do you want? If you don't need anything, get away from me!" supladang sabi ni Aileen sa kaniya Tinulak niya ng malakas si Aileen "You're not nice to me. Nararapat sayo niyan masiyado kang maarte at suplada. HAHAHA!" Nasaktan naman si Aileen sa pagkatulak sa kaniya at dahil sa malakas na tulak sa kaniya ay napatumba siya. "Ouch! I need help." paghingi ng tulong ni Aileen sa mga kasama niya na napaiyak sa sakit. "Subukan niyo tulungan, gusto niyo kayo isunod ko at mas malala pa gawin ko sa inyo." pagbabanta ni Deliyo sa kanila at natakot naman sila. Kahit ako matatakot sa ginawa ni Deliyo at sa sinabi nito, nakakatakot pala siya kapag nambubuli. Hindi lang pagtulak ang ginawa niya sa babae. Tinapakan niya rin ang isang kamay nito at napasigaw na lang ito sa sakit kasabay ng pag-iyak. "You're nothing! Kahit babae pinapatulan ko, tandaan mo niyan!" mayabang niyang sambit kay Aileen Bigla na lang ako naawa kay Aileen sa ginawa ni Deliyo pero hindi ko alam kung bakit naawa ako sa nangyare sa kaniya kahit may galit ako sa kaniya dahil sa mga ginawa niya sa akin. Nagkatinginan ang dalawa na sina Vicente at Arzon para gawin ang pagkuha sa kwintas na hindi namamalayan. Hawak ng isang alagad ang kwintas, binigay ni Arzon ang gunting at pasimpleng ginupit ang tali ng kwintas upang makuha ito. Nakuha naman nila ang kwintas na hindi napapansin ng mga alagad at agad nila itong tinago sa kanilang bulsa. Tinulungan kong tumayo si Aileen at itabi siya sa isang sulok. Nagpasalamat naman ito sa akin sa pagtulong. Hinawakan ng mahigpit ng mga alagad si Deliyo na pilit gustong makawala sa paghawak sa kaniya ng mga alagad ay hindi siya makawala. "Anong ginagawa mo, Raylin? Di ba kaaway mo siya? Naisipan mo pang tulungan niyan, dapat hinahayaan mo lang niyan. Saka dapat ako tinutulungan niyo dito, hindi ako makawala." sabi ni Deliyong malakas na may galit na sa akin Lumabas na ang dalawang alagad na pumasok sa kulungan at isinamang inilabas sa kulungan. Sigurado ako na dadalhin nila ito sa mainit na lugar. Kahit gusto ko tulungan si Deliyo ay wala rin naman akong magagawa dahil hindi ko kayang tulungan siya. Ang mga ibang kasama nga namin ay walang nagawa para tulungan siya tapos ako pa kaya na hindi ko rin kaya lalo kung mag-isa lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD