Tiningnan at hinawakan ko ang kamay ni Aileen na tinapakan ni Deliyo. Pagkahawak ko sa kaniyang kamay ay umaray siya ng konti. Namumula dahil sa pagtapak sa kaniyang kamay.
"Hilutin ko lang ang kamay mo." ngiti kong sabi sa kaniya.
Gusto ko siya tulungan kahit na hindi maganda ang trato niya sa akin dahil
naawa ako nang makita ko siyang masaktan at umiyak.
Napaisip ito sa sinabi ko kaya nagtanong si Aileen "What's Hilutin?"
"Massage" maikli kong sagot sa kaniya.
Medyo napalakas ata ang paghilot ko sa kamay niya dahil napaaray siya.
"Dahan-dahan. Be careful, it hurts"
pakiusap niya sa akin at nakita ko nasaktan siya sa ginawa kong paghilot.
Maingat kong hinilot ang kamay niya gaya ng sinabi niya upang hindi siya masaktan.
Maya-maya pa, nagsalita na si Lender
"Arzon, nakanino ang susi? We're going to escape here and make a plan again para makalabas tayo."
" Nasa akin." sambit ni Arzon
Inilabas niya Ang susi sa kaniyang short.
Napahinto ako sa paghihilot ko sa kamay ni Aileen.
"Kailangan natin makalabas agad dito at baka malaman pa na nasa atin ang susi. I'm sure paparusahan tayo kapag nahuli pa tayo." Saad ni Lester.
Lumapit ako sa kanila dahil sasama ako sa pagtakas nila. Kasama Naman talaga ako Doon kaya dapat makikinig ako sa kung anong plano nila.
Napalapit na rin si Aileen sa amin na para bang interasado sa aming gagawin at sa tingin ko gusto niya rin sumama sa gagawin naming pagtakas.
"So what's the plan?" Tanong niya Kay Lender
Nagkatinginan naman sina Lester, Lender, Arzon, at Vicente dahil sa tanong ni
Aileen. Kita ko na parang ayaw nila Kay Aileen.
"Are you part of this?" Tanong ni Lender na may pang-insulto.
"I'm not" mahinang sabi ni Aileen
ramdam ko yung hiya Niya.
"So, Why are you still here? Get away from here!"
Naawa ako sa ginawa nila Kay Aileen.
Pare-parehas delikado ang buhay namin dito kapag nagtagal pa kami dito. Ang bawat-isa sa amin na alam ko ay nais makaalis rito.
Tumayo si Aileen at bago pa siya makaalis ay hinawakan ko ang kaniyang kamay "Stay here." bigkas ko
"Ouch!" aray niya nang bigla ko hinawakan kamay niya. Nakalimutan ko nga pala na masakit ang kamay niya dahil sa pagtapak ni Deliyo.
"Sorry, umupo ka dito." at umupo siya. "Alam naman natin na pare-parehas na delikado ang buhay natin dito. Di ba kayo naaawa sa ginawa niyo Kay Aileen? Naging parte siya sa plano kahit hindi dapat. Nasaktan pa nga siya, saka wala sa usapan natin na sasaktan niyo si Aileen. Tingnan niyo kamay niya may pilay."
"Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sayo? Kahit sino kakainisan siya because of her bad attitude." diin na sabi sa akin ni Lender
"Kung hindi niyo siya isasama, hindi na rin ako sasama. Bahala kayo maghanap ng labasan. Mahihirapan kayo makalabas dito dahil alam ko kung saan. Baka nakalimutan niyo nauna ako dumating dito." pahayag ko sa kanila
Saad ni Lender "Edi sumama ka diyan sa maarteng babaeng niyan.arunong Naman kami maghanap. Maiiwan ka dito kasama nila."
Tumayo na sila at hawak ni Lester ang susi. Lumapit sila sa may kandado at kanila ginamit ang susi na kwintas. Tinapat lang nila ang kwintas at nagliwanag pareho na naging daan para mabuksan kung saan kami nakakulong.
"Anong plano natin?" -Arzon
"Ganito, walang maghihiwalay. Sama-sama tayo hanggang makalabas.
Then,.."
Napatigil ang pagsabi ni Lender sa plano dahil biglang nagsalita si Arzon
"Di ba kailangan natin makaalis dito agad? Baka mahirapan tayo mahanap kung saan labasan dito at matagalan tayo. Mahuli pa tayo niyang ng mga alagad dito. Kailangan natin si Raylin."
Sumang-ayon naman si Vicente Kay Arzon kaya napilitan sila na isama kami ni Aileen sa pagtakas.
Napag-usapan namin ang plano kung ano ang aming gagawin sa pagtakas. Binilisan namin mag-usap, ako Ang nasa harapan nila para daw mag-guide ng daan.
Napagkaaunduaan namin na walang maiiwan sa kulungan. Lahat kaming mga bata ay tatakas na kasama namin sa kulungan.
Katabi ko si Aileen kaya nasa harapan din siya, Ang iba Naman ay tumitingin sa likuran at gilid kung may paparating na mga alagad o Hindi kaya mga Lola.
Sinusubukan naming maglakad ng tahimik upang hindi kami makagawa ng ingay na maririnig ng mga masasamang engkanto.
"Dahan-dahan sa paglalakad para hindi marinig ang mga yapak natin. Raylin, dalawa ang daanan. Saan Tayo dadaan, dito ba sa kanan o sa kaliwa?" Tanong sa akin ni Lester
Kahit ako hindi ko alam ang daanan, nakakalito kung saan ba tamang daanan dito.Hindi ko talaga alam kung saan talaga ang tamang labasan. Sinabi ko lang kanina na alam ko para isama nila si Aileen sa pagtakas.
"Hindi ko rin alam kung saan." nginiti kong Sabi sa kanila na may pagkamot sa ulo.
"What?! Are you crazy? sinabi mo earlier na alam mo kung saan ang exit dito." Galit na Sabi sa akin ni Lender
Pinaalalahanan naman ni Arzon na huwag siya maingay at baka may makarinig sa pagtakas namin.
"You are a liar, Raylin. We all know you know the exit here." madiing Sabi ni Aileen
Ang galing nitong babae na ito, hindi niya alam na nagsinungaling ako para sa kaniya. Nakakainis talaga itong si Aileen. Dapat hindi ko na lang tinulungan ito.
"Sorry, kung nagsinungaling ako. Gusto ko lang na maisama si Aileen sa pagtakas natin."
Muling nagsalita si Lester "Wala na tayong magagawa. Mabuti pa maghiwalay muna tayo. Ang iba dumaan sa kanan. Kami naman sa kaliwa."
Kasama ko dumaan sa kaliwa sina Aileen, Rido, Belin, at ang tatlo na hindi ko pa kilala kahit mga pangalan nila.
Tiningnan kami ni Belin na para bang may hinahanap "Nasaan si Cristina?"
Oo nga pala dapat kasama niya ang kapatid niya. Hindi ko rin alam kung nasaan nagpunta. Kitakatakot ko na baka maging alagad rin si Cristina ng mga Lola kagaya ni Lira na pinatay ang kapatid niya.
"I saw her, earlier hinatak siya ni Deliyo para dumaan sa kanan." Pagbanggit ni Aileen sa amin na ang kapatid ni Belin sa iba dumaan.
Nakita ko ang pag-aalala sa muka ni Belin at kahit ako natatakot para sa kapatid niya sa kung anong mangyayare dahil hindi sila magkasama.
"Pupuntahan ko ang kapatid ko. Hindi pwede na hindi ko siya kasama." saad niya na may pag-aalala para sa kapatid nito.
Tutungo na dapat si Belin sa kanang direksyon nang marinig namin ang mga maiingay na yapak na galing siya mga alagad ng mga lola. Hinawakan agad ni Rido si Belin para mapigilan ang pagpunta niya sa kanan.
"Sumama ka na sa amin, nandiyan na sila." pahiwatig ni Rido Kay Belin
Agad kaming naglakad ng mabilis upang hindi kami makita at maabutan ng mga nakakatakot na alagad ng mga diwata.
Ngunit bigla kaming natakot nang habulin kami. Naamoy nila kami kaya alam kung saan kami naglalakad.
Napabilis ang aming pagtakbo dahil ang mga humahabol sa amin ay sobrang bilis at malapit na kami maabutan. Pinulot ni Rido ang kahoy na nakita niya sa lapag.
"Tumakas na kayo! Ako na bahala rito, maabutan pa kayo." nagulat ako sa sinabi ni Rido at balak niyang labanan ang mga humahabol sa amin na mga alagad.
Napatigil ako sa pagtakbo ko at pati na rin si Aileen.
"Huwag, Rido. Halika na! Madami sila hindi mo kakayanin." pinipigilan ko na huwag na siyang lumaban at gusto ko sumama siya sa amin sa pagtakas.
Hinihila ako ni Aileen na gusto nang tumakbo "Let's go at pabayaan na natin siya."
Naiinis ako kay Aileen sa gusto niyang gawin na iwanan na namin si Rido. Iniisip lang niya ang sarili.
"Hindi ko siyang kayang iwanan. Hindi mo ba naiisip na kapag iniwan natin siya may mangyayare sa kaniya!"
Ayaw rin iwanan ni Belin si Rido "Wala ka bang puso, Aileen? Kaya mo siyang iwanan dito?"
"Umalis na kayo! makinig kayo kay Aileen para may makaligtas sa atin. " malakas na sigaw sa amin ni Rido nang nandiyan na ang mga gustong kumuha sa amin.
Lumalaban si Rido sa mga alagad ng mga Lola gamit ang kahoy na hawak niya. Wala na kaming nagawa kaya napatakbo na lang
kami at tuluyan nang iniwanan si Rido dahil wala kaming laban at hindi namin siya matulungan.
Malayo na rin ang natakbo namin pero naabutan ulit kami. Sobrang bilis nilang tumakbo kumpara sa amin.
Nahawakan nila si Belin dahil siya ang nasa likuran namin. Napahiga siya sa lapag na nakatalikod habang tinatali ang mga kamay niya.
"Iwanan niyo na ako! Tumakas kayong dalawa. Humingi kayo ng tulong."
Ang tatlo na hindi ko kilala na kasama namin ay kumaripas ng takbo sa ibang direksyon dahil sa takot na rin.
Masakit na para sa akin ang mga nangyayare. Hindi ko mapigilan umiyak habang natakbo kami ni Aileen. Iniwanan namin si Belin kagaya sa pag-iwan namin kay Rido.
"Balikan natin sila. Iligtas natin sila, Aileen."
pagmakaawa ko kay Aileen na iligtas sila ang sakit na iwanan lang sila roon.
Tumingin sa akin si Aileen "We don't need to do that. Wala tayong magagawa."
Napatigil kami ni Aileen sa pagtakbo at nagtago sa gilid ng pader at nakita namin ang tatlo na tumakbo kanina sa ibang direksyon. Ang nakahuli sa kanila ay ang tatlong bata na ginawang alagad ng mga Lola na bihag rin kagaya namin. Muli kong nakita si Lira na isa sa humuli sa tatlo.
Nakakatakot na ang hitsura ni Lira nang maging alagad siya ng mga Lola. Mapula ang mga mata nito kagaya sa mga Lola. Nakaitim na rin ang kanilang suot at ang mga nahuli nila ay hindi makawala dahil nakapalibot sa katawan ang lubid na may apoy. Rinig namin na umaangal sila sa kanilang pagkatali dahil naiinitan sila at nasasaktan. Alam ko na napapaso sila kaya gusto ng tatlong bata na bihag ng mga alagad ay makawala sa kanilang pagkatali.
Hinintay muna naming mawala sila kung saan kami nagtatago bago lumabas at muling tumakbo.Nakikita na namin ang labasan sa nakakatakot na Lugar na ito. Nagpatuloy kaming tumakbo para makarating roon.
Nauna akong nakalabas sa pintuan at bigla na lang nagsarado na Hindi ko pa nakakasama sa labas si Aileen.
"Aileen!" sigaw o na makita na nasa loob pa siya bago magsara ang pinto. Nasa likuran niya ang isang Lola at sigurado ako na siya ang dahilan kung bakit hindi nakalabas si Aileen
Hindi ko mapigilang lumuha, ako lang ang nakalabas sa mga kasama ko. Kahit anong tulak ko sa pintuan ay hindi mabuksan. Wala akong magawa, ang sakit nang may naiwan kang mga kasama sa loob at alam ko na hindi maayos ang kalagayan nila doon.
Bigla Kong nakita na may mga lumabas na uwak mula sa bintana sa taas. Napaatras ako at napatakbo palayo. Hindi ko alam kung nasaan na ako. Takbo lang ako ng takbo sa maraming mga punong nakapaligid.
Nakakatakot at ako lang ang mag-isa. Hindi ko alam kung saan ang daanan para makaalis at makaligtas sa mga Lola.
Nakakaramdam na ako ng pagod, hindi ko na kaya at gutom na gutom na ako. Nanghihina sa pagod at gutom, bigla na lang ako bumagsak sa mga dahon na nakakalat.
******
Sa Light Castle
Nadala ng dalawang lalakeng diwata si Raylin sa kanilang kastilyo matapos makita sa kagubatan na walang malay. Pinagpapatay nila ang mga uwak na humahabol kay Raylin gamit ang mga espada na sandata bago makarating sa Light castle.
"Mahal na prinsesa, ang batang ito ay nakita namin sa kagubatan na hinahabol ng mga uwak kaya dinala namin siya rito upang maligtas siya." isang prinsepeng diwata na ngalan ay Gostov na ipinaalam sa isang prinsesa.
Tugon ni Prinsesa Diyanna "Nakakatiyak ako na kagagawan ito ng mga pulang diwata. Marahil na napagod siya dahil sa bigat ng kaniyang mga sinapit mula sa panganib. Lubos akong nagpapasalamat na dinala niyo siya rito."
Ang batang si Raylin ay wala pa ring malay. Nakahiga ito sa malaking bato na malapad, makinis at tanging mga dahon ang nakalatag.
"Mahal na Princessa, kami ay lilisan na upang maglibot muli sa kagubatan." pagpaalam ng isa pang prinsepe na si Laison.
Ngumiti ang princessa at sinabi sa kanila
"Maari na kayong umalis mga mandirigmang princepe."
Umalis na ang dalawang princepe sa kaharian. Pinagmamasdan ng Princessa ang batang si Raylin habang hinihintay itong gumising.
"Nabuksan ba muli ang lagusan dahil sa mga pulang diwata kaya ikaw ay kanilang nabiktima? Kinakailangan mo munang magpahinga at natitiyak ko na ikaw ay muling gigising. Handa akong maghintay upang ang mga gumugulo sa aking isipan ay mabigyang linaw."