3RD PERSON
Pumayag naman ang binata na ikuha sya ng kanyang ina ng mamakasama sa bahay. Ngunit meron syang konndisyon. Ayaw nya na pakikialaman ang mga gamit nya. Kung meron man n dapat palitan ay dapat alam nya. At higit sa lahat kapag dating nya gusto nya ang pakiramdam na parang sya rin lamang ang nasa bahay. Kung baga lalabas na sya lamang din ang nag e exist sa bahay nyang iyon. Kaya binilinan na lamang din ng ina ni Anton ang dalaga.
"Rhaiza, bilin din ni Anton na kahit na nariyan ka hindi kasi sya sanay na may kasama sa iisang bubong.
"Ganon po ba? So paano po yon ihahanda ko lang anf mga kailangan nya kapag parating na sya? Hindi ko napo sya kailangan asikasuhin , kausapin? Ganon po?
"Hmmm.. paranf ganon na nga Ineng, Pasensya kana sa Anak ko. Mabait naman yan di lang talaga sta sguro sanay na may makakasama na iba. Lalo nat Dalawa lamang kayo tapos babae ka pa. Kaya ganon nalang ang gawin mo Hija. Ikaw na ang bahala."
"Sige Po Mam Ella, ako na po ang bahala kay Sir Anton." Wika naman nito.
"Sige Hija ganon na lamang ang gawin mo. Kapag may problema mag message ka na lamang sa akin." Nakangiti na wika naman ng ina ni Anton.
Nang araw na iyon ay iniwan na ni Ella sa Bahay ng kanyang anak na si Anton si Rhaiza.
Namangha naman ang dalaga sa ganda ng bahay ni Antonello.
Napakaganda ng design nito mula sa Labas hangang sa loob. Pero napaka minimalist nitong tao. Ang loob ng bahay ay Kulay Itim puti at Grey lamang ang makikita. May ilang paintings din na nakasabit habang nakamasid ako sa bahay nila ay lumabas ang dalawang alaga. Isang Aso at Isang Pusa.
Na cute tan ang dalaga sa alagang aso at pusa ang dalaga, akala pa nito ay dadambahan sya ng asong labrador nito kaya natakot sya, ngunit nang aamoy lang pala ito dahil mayamaya lamang ay nagsumiksik na rin ang mga ito sa dalaga.
"Nakakatuwa naman kayo Ang cute nyo naman, Hello.. kayo pala ang kasama ni Engineer sabi ni Mam Ella. So ikaw pala si Calla at Ikaw naman si Lily.
Katuwa naman kayo siguro paborito ng Amo nyo yung MAGBALIK kaya ganyan ang pangalan nyo haha charaught lang." Anya ng dalaga habang kausap ang mga alaga ni Engr.Anton.
Sinimulan naman ng dalaga na maglinis ng bahay. Wala naman kasi syang aalagaan dahil nasa trabaho daw ang amo nyang si Anton. Kadalasan daw ay ala sais o alas syete ang dating nito kaya naman naisip nya na lamang maglinis. Pero hanga ang dalaga dahil napakalinis ng bahay nito, wala man lamang alikabok. Pero ganon pa man ay nag walis walis parin sya. Sunod naman ay nagtungo sya sa likod bahay. Malinis din doon kaya amg ending ala una ng tanghali ay nagpahinga na lamang muna sya.
Samantala
RHAIZA
Alas tres ng hapon ay nagising ako. Nag alarm kasi ako at baka mapasarap ang tulog ko ay maabutan akong tulog ni Engr.Anton. Nag isip na ako ng lulutuin mamaya. Ang sabi ni Mam Ella ay paborito ni Engr. Ang nilaga kaya naisip ko na yon na lamang ang lutuin. Binuksan ko anf ref at sakto na completo ang mga sahog. Napaka organize din pala Ni Engr. Sa lahat ng bagay. Kaya siguro ayaw nya na merong ibang tao sa bahay nya dahil napaka ayos nga naman.
Mauuna pala itong bahay nj Engr. Kesa sa bahay nila Zhel 2nd street lamang ito ngunit medyo malayo sa kapit bahay. Ang kina Zhel naman ay 5th Street at medyo malalapit mas exclusive ang nasa 2nd street siguro ay mas mahal ang lupa dito dahil medyo malapit lapit pa sa gate.
Tapos na akong magluto. Naligo rin naman muna ako pagkatapos.
Nang makaayos na ako ay nakatangap ako ng mensahe. Numero lamang iyon ngunit tiyak ko na si Engr. Antonello iyon.
"Good eve, I'll be there in 15 to 20 minutes, paki ready nalang ng food sa Dining pati na rin ng gamot na iinumin ko. Maari ka naring maunang kumain." Mensahe ni Sir Anton.
"Hello Sir, Copy po, mamaya na lang po siguro ako kakain kapag tapos na kayo. Wala na po ba kayong iuutos?" Tanong ko pa dito.
"Wala na, Basta paiwan nalang sa dining lahat, hindi mo na ako kailangang asikauhin habanf kumakain. Then kapag nakaalis na ako sa dining pwede mo na ayusin ang kinainan ko." Anya pa nito .
"Sige Po Engr."
"Salamat."
Napaisip tuloy ako, grabe tong among to, eto lang ata yung amo na ayaw magpa asikaso at mag paalaga hahay. Bahala sya mas pabor iyon sa akin. Hmm..ano kaya itsura nito? Matandang binata na to 45 years old na tapos single parin? Muka syang strikto magsalita, ano kaya to mukang Terror na Engineer?"
Sunod sunod ma tanong ko sa isip.
Matapos ko ihanda ang pagkain ay nagtungo na ako sa kwarto, parating na kasi si Engr. Tinawagan ko naman si Zhel at sinabi na narito na rin ako sa same Subdivision nila.
Rinig ko ang malakas ni Zhel sa kabilang linya ng i kwento ko sa. Kanya ang set up namin sa bahay.
"Ano? Di kayo nagkikita? Hayop na iyan hahaha bukod tanging yan ang naghanap ng caregiver na di nagpapaalaga hahaha."
"Kaya nga eh, sa ibang amo ko hirap ako tas kailangan ko pa sila buhatin, pero ito hindi basta nakahanda lang dapat pagkain nya, mga gamot na dapat nya inumin. Kaya sa umaga mag lilinis nalang din ako..kakahiya naman kay Mam ella na babayaran nila ako eh di naman masyado pagod.
"Hmm..sa bagay..pero siguro panget yan Rhai. Hahaha 45 years old na, wala pang asawa, Tas ayaw pa magpakita hahaha, naiisip ko na baka papanot na yan, tas medyo malaki ang tyan, hhaha."
"Zhel, bunganga mo, ikaw talaga. Hayaan na lang natin sya. Kahit ano pang itsura nya. Mahalaga maayos sya at di bastos na amo at pinapasahod nila ako Ok na yon." Sagot naman ng dalaga.
"Hehe Oo na Jok3 lang yon, alam ko naman di ka natingin sa physical na anyo hhaha basta pag free kanpunta ka dito ah. Ikaw nalang dumayo dito. Nakakahiya kung ako pupunta dyan, e gaya ng sabi mo napaka metikuloso ng boss mo haha."
"Oo nga..kaya ako nalang ang dadalaw sa inyo ni Tita Cora." Anya ko naman.
Matapos namin mag usap ay nakarinig ako ng ingay ng isang sasakyan tatayo sana ako para salubungin ngunit natauhan ako bigla. Hindi nga pala sya ang tipikal na boss na inaasikaso at pinag sisilbiban na tulad ng iba.
Lumapit lamang ako sa may pinto at nakikinig sa kanyang Yabag. Magkatapat ang pintuan ng aming mga Silid. Dinig ko ang pagtapat nya sa pinto ng aking kwarto at dinig ko rin ang pagbukas ng seradura mula sa kanyang Silid. Marahil magbibihis muna sya.
Para akong manunubok sa aking ginagawa hangang sa marinig ko ulit ang pag bukas niyon. At ang yabag nya pababa.
Para akong timang na palakad lakad sa kwarto dahil hinihintay ko ang hudyat nya na maaarinna akong bumaba.
Halos mag iisang oras din akong naghintay hangang sa makatangap ako ng mensahe mula sa kanya.
Na pwede na akong bumaba at Kumain. Dinig ko din ang muling pagpasok nya sa kanyang silid.
Tulad ng sabi nya ay bumaba na nga ako at sinimulan na imisin ang kanyang kinainan. Ako naman ay sa Kusina na lamang kumain. Nagulat ako pag bukas ko ng ref ay may maliit na note na nakadikit doon.
"Masarap ang Nilaga Salamat."
Napangiti naman ako, kahit di sya nagpapakita ay natutuwa ako na na appreciate nya ang niluto ko.
Pagkatapos ko naman kumain ay umakyat na rin ako. Ngunit bago iyon ay hinanda ko na muna ang ipapakain ko sa kanya bukas. Pati na rin ang mga prutas na ipapabaon ko sa kanya. Ala sais daw ito pumapasok so kailangan alas kwatro ay gising na ako para mag luto.
Kinabukasan ay ganon ang aking ginawa masaya akong nagluto ng almusal at baon ni Engineer. Hinanda ko na rin sa mesa ang Kanyang Lunch box. Pinag hati ko din sya ng Apple, Orange at ng saging. Pati na rin ang Vitamins na kailangan nya inumin.
Ganong routine kami sa araw araw. Sa iisang bubong kami Nakatira ngunit hindi kami nagkikita.
Lumipas pa ang Mga Araw at Lingo ay Naging maayos naman ang trabaho ko sa kanila, hindi naman kasi mahirap. Isang araw ay nagpaalam ako sa kanya na may pupuntahan ako sa 5th Street, pumayag naman sya. Sigiraduhin ko lang daw na nakasara ang mga pinto. Kaya masaya akong dumalaw kay Zhel. Wala naman noon si Tita Cora kaya chika toda max kaming dalawa.
"Naku.. sure ako na panget talaga yang boss mo kaya di nagpapakita hahhaa."
"Haha Ganon ba..hayaan mo na ang mahalaga eh sumasahod ako at mabait sila." Sagot ko kay Zhel.
Bandang alas Kwatro ay uwuwi na rin ako Para makapagluto ako ng maaga.
Ala sais pa naman narating Si Engineer.
Nagsalang muna ako ng aking lulutuin. Kailangan ko pa namab palambutin ang Pata kaya habang nakasalang ito ay Naligo muna rin ako.
Dahil mainit ang panahon ay Napasarap ang ligo ko. Naalala ko na may niluluto nga pala ako.
Agad akong nagtapis ng Tuwalya. Ang aking Buhok naman ay binalot ko rin saka ako nagpunas ng paa at nagsuot ng Tsinelas saka ako marahang Bumaba patungong Kusina.
Ngunit habang pababa ako sa Hagdan laking Gulat ko ng Makasalubong ko ang isang Matangkad na Lalaki, Kulay brown ang mapungay na mga Mata, makapal ang mga kilay at mapula ang Labi.
Habang ito naman ay Halos mapamura ng Makita ako.
"F*ck what are You Doing.?"
"Ay anak ng Supot!, Sino ka anong ginagawa mo dito?" Wika ko saka mabilis na Kumuha ng Walis saka sya hinampas saka ko ginawang panangga.
"Huh?Sandali Aray! Malamang ako ang may ari nitong Bahay." Sagot nya na malumanay ngunit ma Otoridad.
"Ha...i ikaw..Si Engineer? Nahihiyang tanong ko saka sya tumango.
Parang gusto kong lamunin ng lupa sa mga oras na yon.
"Hala...Sorry po Di ko Sinasadya. Wika ko rito na akmang lalapit ngunit nawala sa isip ko na nakatapis nga lang pala ako ng Tuwalya na kinalaunan ay Nalaglag pa sa Pagkakaipit sa aking Kili Kili..
"Woahhh.."
"Talaga naman! Ano ba kasing."
Akala ko ay makikita na ni Engr. Ang lahat lahat sa akin ngunit mabilis nya akong nahila patalikod kaya para ulit akong Lumpia na Binalutan ng towel.
Dahil sa pagkakahila nya sa akin ay nakasandal ako sa matigas nyang dibdib, pareho kaming naghahabol ng hininga. Ako naghahabol dahil sa kahihiyan. Pero itong si Engineer di ko alam bat naghahabol din.
"Ngayon miss ipitin mong maigi sa kili kili mo yang towel at hwag na hwag mo hahayaang malalaglag Okay? Sa susunod na malaglag yan di na ulit ako mag E Effort na Takpan yan, naiintindihan mo?" Anya ni Engineer sa akin na malumanay ngunit ma otoridad na nanonoot sa aking kalamnan.
"O..Opo Engineer." Sagot ko na lamang saka patakbong umakyat sa hagdan ngunit maya maya ay bumalik ako at sinilip sya.
"Engineer?"
"Oh?
"Magbibihis lang ako, Paki Patay yung PATA na pinalalambot ko, tutal andyan ka na rin naman. Magbibihis muna ako, kung ayaw mong magluto ako ng nakatapis." Wika ko dito. Biro lamang iyon pero hiyang hiya talaga ako. Ayoko lang na maging awkward kaming dalawa. Pero My Gosh..Pamilyar sa akin ang mukhang iyon . Tama, sya ang naghatid sa amin ni Zhel noong nalaman ko na namatay sila nanay at tatay."
Sa isiping iyon ay natawa na lamang ako. Ang liit talaga ng mundo, Di ko alam na ang lalaki na nakilala namin sa binyag at ang lalaking naghatid sa amin ni Zhel ay walang iba kundi ang Engr. Na amo ko.
45 na daw ito sabi ni Mam Ella pero parang nasa Early 30s palang ito. Hmmm.. bigla ko naalala si Zhel.. di ko sasabihin sa kanya ang itsura ni Engr. Magugulat nalang sya isang araw.
Mabilis din naman akong nagbihis saka ako muling bumaba. Patay na ang Pata na sinalang ko, ngunit wala na doon si Engineer, malamang nagpapahinga na ito. Pero bigla ko naalala na ala sais pa sya. Bat andito agad sya ngayon? Hmm.. Hindi kaya may masakit sa kanya kaya sya umuwi agad? Tanong ko sa isip ko. Mamaya ko nalang sya tatanungin kapag nakipag usap sya sa akin.