ANTONELLO
Dahil natapos ko ng maaga ang pag e estimate at hindi rin dumating agad ang materiales ay maaga akong umuwi. Wala na rin naman gagawin kaya naman nagpaalam na ako sa iba na mauuna na ako kaya alas kwatro palang ay umalis na ako sa site at dumaan lang saglit sa opisina, saka ako dumiretso sa bahay. Nag message naman ako na pauwi na rin ako ngunit wala akong na receive na reply. Kaya nang makapasok ako sa pinto ay Dire diretso lamang ako ngunit laking Gulat ko ng Makita at Makasalubong ko ang isang babae na bagong ligo at nakatapis lamang ng tuwalya. Nagkagulatan pa kami ang masama noon ay pinagkamalan pa akong pasok bahay kaya mabilis itong kumuha ng walis sa pinalo sa akin. Doon lamang sya tila natauhan nung sinabi ko na malamang ako ang may ari ng bahay. Sa sobrang hiya nya ay humingi sya ng paumanhin sa akin. Nakalimutan nya ata na nakatapis lamang sya nf Tuwalya kaya kapag galaw at yuko nya ay gumalaw ito at lumubay ang pagkakaipit sa kanyang kili kili kaya nalaglag ito halos manlaki ang Mata ko ng mapansin na palaglag ito.kaya mabilis ko syang kinabig palapit saka inikot ng dalawang beses kaya muli syang nabalot ng towel. Pareho kaming hiningal sa ginawa ko. Hiningal ako dahil sa Kaba. Paano kung nalaglag ang towel sa harap ko? E di konsensya ko pa na makita ang kanyang tinatagong Puri? Kaya ganon na lamang ang kaba ko. Nang matiyak na nakabalot na sya ay inutusan ko sya na magbihis na muna. Akala ko ay didiretso na sya sa kwarto aba at may pagbalik pa para lamang utusan ako na patayin ang Kalan dahil may niluluto syang pata. Kaya wala na akong nagawa kundi sumunod.
Matapos iyon ay nagtungo na rin ako sa kwarto para magbihis at magpahinga rin saglit. Hindi parin naman tapos si Rhaiza kaya mamaya na lamang ako lalabas.
Hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako. Nagising lamang ako sa ilang katok. Hangang sa marinig ko rin ang kanyang boses.
"Engineer, Handa na po ang hapunan, pwede na po kayo kumain." Aya nito sa akin. Sumagot naman ako na susunod na kaya umalis narin ito. Bumaba naman ako ng kwarto saka dumulog sa hapag kainan.
Pagsapit ko Sa Dining ay nakahain ang niluto nyang paksiw na pata.
Ipinagsalin nya ako ng Juice na sa tingin ko ay Calamans Juice na tila ginawa nya pa talaga para sa akin.
"Ok na po Sir tawagin nyo na lamang po ako pag may iuutos po kayo." Paalam nya sa akin.
"Sandali, bumalik ka rito" ma otoridad kong sabi.
"Yes Engineer?
"Sit Down"
"Po?.pero Diba ayaw nyong May"
"I told you to Sit Down" mariin kong sabi ngunit kalmado naman.
Naghila sya ng upuan at saka naupo sa aking harapan.
Nakaupo lamang sya ngunit hindi sya kumikilos.
"Oh, Kumain ka na, Gusto mo bang ipaglagay pa kita? Wika ko sa malunanay naman na tinig. Ngunit nananatili lamang syang nakatitig.
"May Dumi ba Ako Sa Mukha? Or Sadyang na Gwa Gwapuhan ka lamang sa akin Binibini." Anya ko ko pa habang tuloy sa pagkain.
"Huh..Ahm..wala Po Engineer, Hindi ko lang po inaasahan ang sinabi ni Mam Ella."
"Bakit? Ano bang sabi ni Mama?"
"Na 45 years old kana, pero para kang nasa early 30s lang Engineer." Wika nya saka ngumiti.
"Weh, Nambobola ka naman eh, pero huli kana sa balita mga pang Isang daan kana na nagsabi nyan." Wika ko pa.
Akala ko ay Tutungangaan nya lamang ako buong oras mabuti na lamang at kumain na rin sya.
Pero Infairness masarap talaga sya mag luto.
Matapos kong kumain ay umalis narin ako at nagpaalam. Samantalang sya naman ay naiwan para mag imis ng kinainan.
Pag pasok ko naman ay nagpahinga muna ako at saka Nagtungo sa Shower room para maligo. Mainit na naman kasi dito sa Pilipinas.
Ayoko din naman gumamit ng madalas na aircon dahil nananakit ang ulo ko. Mahirap talaga kapag nag kaka edad na.
Kinabukasan ay maaga akong Gumayak, opening na kasi ng aming bagong Proyekto sa Muntinlupa.
Kaya naroon kami lahat, Pati na rin ang ibang Engineer na makakasama ko pati Si Engineer Ae.
"Engr.Antonello Kumusta?"
"Ok naman po Engr.Anton, Nakakatuwa naman ang Project na ito.
"Oo nga unang project natin ito Together."
"Yes Engr.Anton nga Pala Ipakikilala kita sa Asawa at Mga Byanan ko."
"Ah talaga? Kasama mo Sila? Yes, alam mo na medyo may shares si Dad sa project na to." Anya ni Engr.A
Maya maya lamang ay lumapit sa kanya ang isang Magandang Babae, parang napakabata pa nito Tingnan kasama din nila ang isang batang lalaki na sa tingin koy Anak ni Engr.Ae.
Sa likod nila ay naroon naman ang Isang babae na maganda din, sa tingin ko ay hindi na lalayo sa edad ko o baka matanda pa ako ng ilang taon, Ka holding hands ito ng Isang Matipunong lalaki na kahit may ilang Puting Buhok na ay kita parin ang kakisigan nito.
Kahit ako ay napa tingin dito dahil para itong artistang si Albert Martinez ang dating. Marahil ito ang byanang lalaki ni Engr.Ae
"Engr.Anton, Ang asawa ko nga pala Si Yohanna at ang Panganay namin saka nga pala ang Inlaws ko Mommy Evren at Daddy Yohan." Pagpapakilala sa akin ni Engr. Ae sa mga ito.
"Magandang umaga po Sa inyo." Bati ko rito.
"Magandang umaga din naman? Kayo pala ang makakasama ni Ae sa project na ito." Anya ng Byanan nyang lalaki.
"Yes Sir, ako nga po, isa rin po pala kayo sa may shares dito."
"Ah, Parang ganon na nga pero part lang hehe." Wika pa nito na walang halong pagmamayabang.
Matapos ang ginawang opening ay nagkaron din ng lunch. Kaya
Naman kasabay kong kumain ang Pamilya ni Ae at ang iba pa naming kasama. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanila, napakasaya ng kanilang Pamilya. Bago bago palang atang mag asawa si Ae at ang misis nito nalaman ko din na Cancer Survivor pala si Ae. Pero nakakatuwa dahil naka survive sya sa problema na kinaharap nila noon.
Nang araw ding iyon ay binisita rin namin amg buong site. Panay na rin ang dating ng iba pang mga materyales. Nag ikot ikot lamang din kami sa Hanganan na masasakop sa pag gagawa ng project na iyon. Dahil malaki ang lugar ay matagal tagal namin iyong tra trabahuhin.
Bandang hapon dahil wala pa din namang ginagawa ay nilisan ko na muna ang site saka ako nagtungo sa opisina. Kailangan ko rin naman muna mag report at i heads up kay Ninong ang ibang bagay, kahit na ipinagkatiwala na nya ito sa akin ay palagi ko paring hinihingi ang opinyon nya at Hudyat nya.
"Antonello Inaanak, sabi ko naman sayp hindi mo na kailangan sumanguni sa akin. Pinagkatiwala ko na sayo yan at ikaw naman ang nagpalago at ang dahilan sa narating nyan kaya naandyan." Anya ni Ninong sa akin.
"Opo nga pero salamat dahil po nagtiwala kayo. Kayo parin po ang naging Mitya ng lahat kung bakit meron at tinatamasa ko ang buhay na ito. Salamat sa Tiwala Ninong Lorenz"
"Walang ano man inanak, sige na umuwi kana para makapag pahinga"
"Salamat po Ninong Lorez." Paalam ko pa dito.
Agad din naman akong umuwi pagkatapos ko mg9 update sa Office.
Hindi ko na ginawamg mag text kay Rhaiza na maagawa ako makakauwi wala na rin naman, nagkita na rin naman kami.
Samantala
RHAIZA
Abala ako sa pagtatalop ng mga gulay ng biglang bumukas ang pinto. Inilywa noon si Engr. Anton. Agad akong napatingin sa orasan, maaga pa ngunit narito na agad sya.
"Good afternoon po Engineer"
"Magandang hapon din,"
"Ang aga nyo po ata ngayon."
"Oo samantalahin dahil sa susunod ay talagang p*****n na naman ang tranbaho." Sagot nito sa akin.
Naupo sya sa may living room habang kaharap nito ang Laptop. Ginawan ko naman sya ng Kape saka ko ito binigay sa kanya. Hinayaan ko lamang sya dahil ayoko sya abalahin.
Habang nagluluto ay di maiwasan na sumulyap ako sa kanya. Napaka seryoso ng kanyang Mukha. Bakit kaya hangang ngayon at wala parin syang asawa at Pamilya? Hindi naman sya pangit, Gwapo naman sya at bagay na bagay ang kanyang mukha sa kanyang pangagatawan. Pero bakit nga ba wala parin itong kasama sa buhay ngayon? Sunod sunod na tanong ko sa isip.
Hmmm..hindi naman siguro ito Bakla? Pero hindi ehh.. Sigurado ako na lalaki sya. Natatandaan ko noon una kaming magkita sa nakakahiyang paraan kita ko kung paano din sya pagpawisan at kabahan. Ano man ang reason nya kung bakit mag isa parin sya sa buhay hangang ngayon ay di ko alam, ngunit naniniwala ako na meron syang dahilan. Hindi ko man alam sa ngayon ngunit susubukan ko na malaman.
"Tama...Operation kilalanin pa ng lubos si Engineer, medyo suplado lang talaga sya minsan pero ramdam ko na mabuti rin naman syang tao, may pagka strikto nga lang. Pero pasasaan ba at mapapaamo ko rin yan gaya ni Lola Aning noon.
Naalala ko na naman tuloy si Lola Aning, kumusta na kaya sya? Ilang lingo na rin namin syang hindi nakakausap. Hindi bale, sa day off ko ay tatawagan ulit namin sya ni Zhel.