ANTONELLO
Halos hindi ako makatulog. Sa pagkakaalam ko ay mag a alas dos na ako dinalaw ng antok. Ngunit ala singko ay kailangan ko na ring kumilos. Napabuntong hininga ako. Naalala ko ang nangyari kanina ilang oras lamang ang nakararaan. Halos pagsaluhan na namin ni Rhaiza ang Gabi. Alam ko na lasing kami pareho marupok lang ang katawan namin pero hindi ang isip namin. Alam namin na pareho kaming nagkaugnayan sa ginagawa namin. Hindi naman kami hahantong na halos hubad na sa kama ng ayaw namin pareho. Malinaw ang aming mga isip. Tinulungan nya pa ako sa paghihubad ng damit ko, ibig sabihin gusto nya rin ang ginagawa namin. Akala ko rin talaga mararating namin ang langit, pero sa kalagitnaan bigla nya akong pinahinto. Pero bago iyon kung di Ako nagkakamali parang narinig ko ang pangalan ni Everette. At pagkasabinmya noon ay pinahinto nya na ako. Saka sya nagpaalam at nagtatakbo patungo sa kwarto nya. Napahilamos na lamang ako. Bakit bigla syang huminto? Andon na kami eh, nahawakan at na suck ko na nga ang n****e nya. Pero sa isang iglap bigla naglaho. Sa sobrang sakit sa puson at sama sa pakiramdam ay dinaan ko na lamang sa ligo saka ako bumalik sa kama. Sa pagmamadali nya ay naiwan nya pa ang Bra nya. Sinamyo ko na lamang iyon saka tinabi sa aking pagtulog. Napatingin ako sa May Drawer. Doon nakita ko ang mga Picture namin ni Everette. Naalala ko inaayos ko pala iyon kagabi. Dahil hindi natapos ay di ko naibalik sa dating lagayan. Balak ko na kasing itago iyon sa bodega. Nakalagay lang kasi iyon sa box sa ilalim ng cabinet
Ngunit kagabi ay inayos ko at balak na sanang dalhin sa bodega dahil dagdag agaw espasyo lamang sa ilalim ngunit di ko natapos. Nawala na sa isip ko na itago. Malamang nakita iyon ni Rhaiza at hindi kaya nag selos sya? Kaya ganon na lamang ang nangyari?
Napabuga ako ng hangin at napakamot sa ulo. Naron na eh, kaso biglang pinahinto ni Rhaiza. Sigurado ako na dahil sa larawan kaya nagkaganon sya.
Tulog pa si Rhaiza nang umalis ako. Hindi ko naman na sya ginising. Nag iwan na lamang ako ng note na pumasok na ako sa trabaho.
Pagdating ko sa trabaho ay dumiretso muna ako sa Canteen ni Madam She para magkape. Hindi ko na kasi nagawang mag almusal pa kanina.
Sakto na naroon din si Engr.Ae.
"Good morning Engr.Anton."
"Good Morning Engr.Ae." sagot ko dito saka naupo.
Lumapit naman sa amin si Madam She para tanungin kami.
"Magandang umaga mga Gingineer, may nais ba kayong almusalin? Paluto na ang pansit baka gusto nyo?"
"Sige po Madam She Dalawang Pansit saka Dalawang kape para samin ni Engr.Anton." anya ni Ae na sya ng umorder ng almusal namin.
"Salamat Ha" anya ko saka napahinga ng malalim na napansin naman ni Ae.
"Owss..ang lalim non Engr.Anton ah, hmm..may problema ba? Parang bumangon ka sa maling side ng kama ah." Biro nito saka natawa.
"Hmm..medyo di kasi ako masyadong napagkakatulog."
"Ganon bakit naman? Buti ako gabi gabi masarap ang tulog."
"Hmm..Talaga? E di sana all." Sagot ko dito kaya natawa na naman sya.
"Hahaha..Ganon talaga Engineer kapag may asawa. Masarap ang Tulog. Alam mo yon pagdating mo sa bahay aasikasuhin ka, tas sa gabi may masahe pa. At after nya ako masahahihin ako naman ang mamasahe sa kanya. Alam mo na yung ibig kong sabihin hehe, kaya masarap ang tulog namin." Kwento pa nito.
"Wala ka na ba talaga Balak mag asawa Engineer? Hindi naman halata na matanda ka na. Saka 45 years old ka palang naman. Gwapo, matikas parin naman ang pangangatawan. Madami pa ngang babae ang magkakandarapa sayo." Anya pa nito.
"Naku..madapa na silang lahat, pero wala naman silang aasahan sa akin."
"Weh? E yung isang babae na napunta rito yung Everette? Sabi nila Codie ex mo daw yon, pero grabe no panay punta pa rito, hindi kaya may feelings parin sayo?"
"Hmm..di ko alam, pero sakin naka kontrata yung pag gagawa ng linya ng bahay nila kaya napunta yon dito." Wika ko pa.
"Weh? Hmm..hindi yon ang nakikita namin. Parang may Lagkit pa yung mga tingin sayo Engineer, baka di pa nakaka move on hehe.'
"Hahaha..grabe Engineer Ae ang tagal na non."
"Malay mo nga gusto ka parin hehe,
Saka pala si Rhaiza. Maganda, maganda din ang pangangatawan, simple nga lang ang pormahan pero maasikaso din sayo, inaalagaan ka pa."
"Trabaho nya kasi yon Engineer Ae, pero masarap sya magluto, malinis sa bahay at yun nga maaalaga nga, pero kasi parang Caregiver na nga ang trabaho nya sa akin kaya ginagawa nya ng maayos ang trabaho nya.
"Malay mo maman Engineer, tingin ko naman ay mabuting tao yang si Rhaiza at mabait, Malay mo isang araw ma Fall ka sa kanya sa mga pinapakita nyang pag aasikaso at pag aalaga ba." Anya pa ni Engr. Ae.
Bigla ko na naman naalala ang nangayari kagabi. Kumusta na kaya si Rhaiza? Gising na kaya sya? Hindi kaya sumasakit ang ulo nya dahil sa alak na ininom nya kagabi? Sunod sunod kong tanong sa aking isip.
Habang nag aalmusal kami ay lumapit sa amin si Madam She, ang may kanya ng karinderya.
Habang ang Serbedora naman na si Rachelle ay areglado ang pag aasikaso kay Engr. Ae.
"Engr. Ae heto na ang kape mo, at heto na rin ang Pansit mo, Ubusin mo yan Engr ah , para may lakas ka sa trabho." Nakangiting wika pa nito Kay Engr. Ae.
"Naku Salamat Rachelle, napaka maasikaso mo talaga sa mga Customer.'
"Naku sayo lang talaga Engr.Ae." singit maman ni Wena.
Maya maya naman a
ay nag salita na si Madam she.
"Ahm..Magandang Umaga Mga Poging Engineer."
"Magandang umaga rin po."
"Ahm..Itatanong ko lang sana.Kailan kaya ang Sahod ng mga Tao nyo? Hehe kasi ang haba na ng listahan ng iba. Kaso hindi pa nakakabayad. Kailangan ko na rin kasi mamili ng mga kailangan dito sa Tindahan, hehe pasensya na at sa inyo ko natanong." Wika ni Madam She.
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Engineer A dahil nakasahod naman na noong nakaraan, Matapos naman namin mag kape ni Engr.Ae ay nagtungo na rin kami sa site.
"Ahm..Ganon ho ba? Madami ho bang hindi nakabayad? Kasi ho aa karapusan la ulit ang sahod namin."
"Ahmm..Nagbayad naman yung iba .kaso siguro nasa lima Yung walang bayad na lampas isang buwan na ang utang." Sagot nito.
Tinanong namin kung sino ang mfa Hindi bayad ang dalawa sa nabanggit ay tao ko, at ang isa maman ay tao ni Engr.Ae at kina Clyde at Codie naman ang iba.
Dahil nga kailangan ni Madam She ay kami na lang muna ni Ae ang nagpaluwal. Nauunawaan ko yung isa sa Tao ko dahil ang pagkakaalam ko ay nagksakit at na confine ang isa nyang anak. Pero yung isa sa tao ko ay matibay lang talaga. Hindi pa pala bayad pero lakas makapag aya ng inuman sa ibang kasamahan. Kakausapin ko na lamang bukas.
Akma pa lamang kaming babalik Pupunta ni Engr. Ae sa site ay nakasalubong agad namin ang isang Ale. May Karga itong bata na sa tingin ko ay Wala pang isang taon, At sa magkabila nyang Laylayan ng Damit ay may Dalwang bata na di nagkakalayo ng edad na sa tingin ko ay nasa 4 o 5 taon.
"Ahm.. Mga Ser mawalang galang na po. Ahm.. pwede po ba magtanong?" Anya nito sa amin.
"Ano ho iyon Misis?" Sagot ko sa Ginang. Medyo nakaramdam ako ng awa dahil parang Tiga Malayo pa sila.
"Ahm..dito po ba nag wowork ang Mister ko? tanong nito sa amin.
"Ano po bang Pangalan?"
"Crisensio Reyes po."
"Ah si Isyong ba? Oo dito nga ho."
"Salamat po Sir, Hintayin na lamang po namim sya kapag Breaktime na."
"Oo pupunta naman yon dito mamaya, bakit po pala? May kailangan ba kayo sa kanya?" Tanong ko dahil nga biglaan ang pagsugod nilang mag iina dito.
"Ah...Kasi po 2 linggo na po kasing Di Umuuwi. Hind rin po nakakapagbigay ng pang gastos namin ng mga bata, ayaw na po kami pautangin ng kapitbahay dahil nga po di na kami na kakabayad, kaya aalamin ko po sana ang sitwasyon nya." Bigla akong napatingin sa mga Bata. Nakaramdam ako ng habag. Dumaan din naman kami sa Hirap noon pero kahit kailan ay di kami ginutom ni Nanay at Tatay. Nagagawan nila ng paraan ang pagkain namin, kahit na Kamote pa yan o Saging na saba, basta hindi nila kami ginugutom, sinisigurado nila na di kumakalam ang aming sikmura.
"Sige Misis, sasabihin ko rin po sa kanya. Nag almusal na ho ba kayo? Parang di pa po kayo kumakain?" Dagdag ko pa.
"Ang totoo po nyan sir Kagabi ay uminom lang po kami ng mainit na tubig. Noong patulog na saka ko po pinaghatian sa kanila yung huling gatas na swak na galing sa kapitbahay." Anya pa ng Ginang.
Bumunot naman ako ng Limang daang piso para sa mag iina.
"Eto ho, kumain po kayo dyan sa Canteen"
"Engr. Idagdag mo na ito, parang taga malayo pa si Ate, Kawawa naman ang mga bata." Anya naman ni Engr.Ae saka nag abot din ng limang daang piso."
"Naku maraming salamat po Mga Ser, Malaking bagay ho ito sa aming mag iina." Naluluhang sabi ng Babae.
Nagpaalam na rin kami sa mga ito dahil kailangan na kami sa Site.
Pagdating namin sa Site ay nadatnan namin na nag kwe kwentuhan sila habang nag tra trabaho. Si Insyong o Crisensio pa ang bangka sa kwentuhan.
"Grabe ka naman Insyong, akalain mong nakakuha ka pa ng ibang babae? Daig mo pa ang mga Engineer dito." Anya ni Bising, isa sa mga construction worker.
"Wala eh, Alam mo naman ang karisma, saka talo ako sa Sugal kaya bumawi naman ako sa babae hehehe." Anya nito na tila proud pa. Kaya naman pala hindi nakakapag padala at Di nakakabayad sa utang dahil Lulong na sa Sugal, May babae pa."
"Tama na ang Kwentuhan, mag focus kayo sa mga Trabaho ninyo." Anya ko saka napatingin sila sa akin.
"Sorry po Engr. Anya ni Bising at ng iba pa. Ngunit iba ang narinig kong binibulong bulong ni Insyong."
"Ang Kj naman nito ni Engr. Nagka kakwentuhan lang eh umepal" anya nito na tila nakapag panting sa tenga ko.
"Sa Susunod Hwag kayo mag kwe kwentuhan ng kung ano ano rito, Saka make sure na kapag Gumawa kayo ng kalokohan e maging responsable muna kayo sa Pamilya nyo. Hindi yung naaatim nyong Magsugal at Mambabae habang kumakalam ang Sikmura ng Asawa at mga anak ninyo." Anya ko pa dito.
Tila natigilan naman si Insyong.
Ang lakas ng loob nya na i kwento pa sa mga kasama nya. Yan yung dapat di na ginawa pero ipinagmalaki pa.
Sarap sarap buhay nya, habang ang pamilya nya dilat na kakahintay sa Padala nya.
Kaya minsan talaga napapaisip ako, Sana di nalang nag asawa at bumuo ng pamilya kung magiging kawawa din naman ang mga anak. Di ko ata kakayanin na makitang nagugutom ang mga anak ko. Kaya nga talagang parang wala na sa isip ko ang bagay na iyan dahil natatakot ako.
Pero ganon pa man, natutuwa naman ako sa pamilyang masaya at kayang I handle gaya ng Pamilya ni Ae. Siguro nga ay nasa pagdadala din talaga, Saka kami rin naman naitawid nila Nanay at Tatay, pero kung sakali man na mag kakapamilya pa ako ayaw ko din na danasin nila ang hirap ng Buhay. Gusto ko na umalwan sila. Ako ang mag tra trabaho atag tataguyod para sa kanila.