CHAPTER 26 "IBANG PUTAHE"

1891 Words
3RD PERSON Habang nasa site Sila Anton ay busy sya sa pag i inspect ng mga ginagawa sa mga linya. Maging sila Ae ay busy rin sa Kanya kanyang mga ginagawa. Habang Abala sila ay nagulat na lamang sila ng Biglang may Magsuntukan at isa na doon si Insyong at ang isang Labor sa kabilang Grupo. "Hoyy...tama na yan!" "Hoyy awat na" Sabay sabay na saway ng iba. Kaya napatayo pati ang mga Engineer. "Tigilan nyo na yan, baka gusto nyong matangal kayo pareho sa ginagawa nyo!." Sigaw ni Antonello na sa sobrang lakas ay nagpahinto sa dalawa. "Pasensya na po Kayo Engineer, Pero ito po kasing Si Insyong, Nangako na ibibigay ang hiniram sa akin. Dalawang linggo na po nakakalipas hindi parin binabalik." "Sa wala pa ngang pera kaya di ka mabayaran, hindi mo ba naiintindihan?" "Aba, Parang kasalanan ko pa, Nung nangutang ka akala mo maamong tupa ka, tas nang sisingilin ka na ganyan ka na, ang kapal din naman ng Mukha mo!" "Bibigyan kita ng hangang Byernes kailangan mo ma mapabalik yon dahil kung hindi ipapa barangay kita."anya ni Teban ang lalaking inutangan ni Insyong. Humingi ulit ng pasensya si Teban kay Anton at sa iba pang naroon. Ngunit itong mismong tao ni Anton ay sadyang matibay at matigas ang mukha. Nang bandang tanghalian ay magkakasabay na nagtungo sa Kantina ang Apat na Engineer. Nakita pa nila si Insyong na Tila Binubungangaan pa ang asawa nya. Nakita pa ni Anton na Dinuro at Tinulak pa nito ang ulo ng asawa nito. "Alam mo ikaw ..kayo ng mga anak mo ang mga Malas sa Buhay ko!" Sikmat ni Insyong sa asawang si Berta. "Hwag ka naman magsalita ng ganyan Crisencio, walang kasalanan ang mga bata at mga anak mo din sila. Sa tingin mo ba pupunta ba kami dito kung nagparamdam ka sa amin? Dalawang linggo kang wala. Nag aalala kami sa iyo, at isa pa sana man lang inisip mo rin ang mga bata kung may kakainin pa." Anya ng asawa nito. "Yan Yan dyan ka magaling sa hingi, nagpapakahirap ako dito tapos kayo ng mga bata asa lang sa sahod ko." "Natural..ama ka nila, magulang nila tayo kaya dapat lang na ibigay natin ang dapat sa kanila. Naglabada ako kaya nakaraos kami ng ilang araw, sana naisip mo rin kami." "Ako tigil tigilan mo Berta ha, Tingnan mo nga itsura mo! Sino bang gaganahan umuwi sa itsura mong yan? Sana mag ayos ka lan lang!' "Pasesnya ka na, Naglalabada pa kasi ako sa kait bahay, minsan naman at nakikigapas pa, kaya pasensya kung di na ako makapag ayos." "Umuwi na kayo! Wala na akong maibibigay sa inyo!' anya pa nito saka umalis. Nahabag naman si Anton sa mag Iina. Nakita nya na naglakad na ang mga ito palayo, sa isang lingo pa ang sahod nila. Walang ibinigay kahit singkong duling si Insyong sa mga ito. Nakadama ng awa ang binata. Agad nya sinundan ang mag iina at nang maabutan nya ang mga ito ay binati nya Si Berta. "Berta!..pauwi na ba kayo nyan, nakita ko kayo ni Insyong. Matagal pa ang sahod nila, halika kumuha na muna kayo ng grocery. " Aya ng binata rito. "Hala Ser, Nakakahiya naman po, inabutan nyo na po kami kanina ng pera, baka maman po nakakahiya na." Wika ni Berta sa binata. "Ayos lang, halina kayo sa loob, naaawa ako sa mga Bata kaya ko to ginagawa." Sagot pa nito. Habang nasa loob sila ng isang Pink Violet na Grocery ay pinag grocery nya ang mga ito, binilhan nya ng bigas, mga biscuit, de lata at noodles at iba pang pangunahing kailangan. Labis naman ang pasasalamat dito ni Berta. Kaya naman sinakay nya na rin ang mga ito sa Jeep. Sakto pagbalik ng Binata ay naroon na si Rhaiza. Hindi nya akalain na pupunta ito dahil sa nangyari noong nakaraang gabi. Medyo tahimik silang dalawa at tila nagpapakirdaman. "Kanina ka pa ba? Sorry may pinuntahan lang ako." Paliwanag ng binata rito. "A..ayos lang halos kadarating ko lang din po " sagot nito saka naman isa isang nilabas ang hinandang tanghalian ng binata." Habang kumakain si Anton ay Inaya nya na ring kumain si Rhaiza. "Ikaw? Kumain kana rin, sabayan mo na ako." Aya nito sa dalaga. Wala na nagawa ang dalaga kundi ang sumabay. Tahimik lamang silang kumakain. Naroon din naman ang iba pang mga kasamahan nila. Maya maya ay nagulat sila ng Dumating Ang Asawa ni Ae na si Yohanna kasama ang Ama at Ina nito. Nagulat pa si Ae nang makita ang mga ito. "Hi Baby, Dad, Mom, napadaan po kayo?" Tanong nito. "Inaya ko lang si Mom and Dad na dumaan dito sa site, Baka kasi may iba ng Nagpapakain sayo dito, kaya sabi ko i surprise ka namin hehe." Sagot dito ni Yohanna. Napatingin naman ang mga naroon pati na si Rachelle na madalas mag asikaso kay Ae. "Huh? Ganon ba Baby, Wala naman iba magpapakain sakin dito? Maliban sa Kanila? Kapag nag se serve sila ng pagkain kapag umoorder ako." Sagot naman dito ni Ae." "Hmm..hehe Naku Ae, Tinitrip ka lang ni Yohanna. Ang totoo nyan ay may pinuntahan lamang kami, nagkataon na malapit dito kaya naman nag decide si Yohanna na daanan ka narin daw at saktong breaktime naman." Anya ng Father in law ni Engr.Ae. "At Saka Hijo, alam naman namin na Faithful ka dito kay Yohanna at hindi mo magagawang humanap pa ng ibang babae hindi ba?" Dagdag pa ng mother in law nito. Tumayo at ngumiti naman si Ae saka niyakap ang Asawa. "Sure naman po Mom, Dad, Mahal ko po si Yohanna at hindi po magbabago iyon." Anya pa mg binata saka hinagkan ang asawa. Napuno ng biruan ang canteen dahil na rin sa ibang naroroon. Tahimik lamang naman na nakikinig din si Anton at Rhaiza. Habang sa isang banda ay nakatanaw ang dalagang si Rachelle na may tinatagong Paghanga sa Pamilyadong Inhenyero. Dahil di na matiis ni Rachelle ang Nakikita ay mas minabuti na nitong pumasok sa loob ng Kantina at hugasan na lamang ang mga platong Hugasin. Hindi naman iyon nakalusot sa Mata ni Madam She. "Hoyy..Chelle.. Bat ka pumasok agad, mamaya mo na hugasan yan." "Ok lang po Madam, wala na rin naman po akong gagawin sa labas. Naroon narin naman ho sila Wena at sila Miyuki." Anya nito habang inabala ang sarili sa pag liligpit. "Hmm..May na se sense ako, Pansin ko kasi na malapit ka doon kat Engr.Ae, kaya kaba pumasok sa loob dahil dumating ang misis nya?" Tanong nito. "Hindi naman po Madam, Kasundo ko naman po silang lahat, Si Engr.Ae nga lang yung pinakamalapit kasi po ay napakabait nya at approachable, Si Engr.Anton naman ho ay mabait rin, kaso medyo seryoso sa buhay. Samantalang Si Enge.Codie at Clyde naman po ay kabaligtaran, Puro biro. Kaya para sa akin si Engr Ae lang po ang madali ko nagustuhan." Sagot nito. "Sabagay Tama ka, Kaso yun nga Pamilyado na Si Engr.Ae at Yung asawa galing din sa Mayamang Pamilya at Yung mga magulang May mga sinabi rin, Yung Tatay Siguro mas matanda sa akin ng ilang taon pero matikas at Gwapo parin. Yung Babae naman ay maganda at sexy parin parang magkapatid lang." Anya pa ni Madam She. "Hwag po kayo mag alala, hinangaan ko lang po si Engr.Ae. hangang doon lang po iyon." "Tama, Mas Ok parin na hindi kanma i involve sa pamilyadong tao. Madami pa namang binata dyan. Malay mo isa kay Codie o Clyde ang mapasayo hehe." "Ay naku Madam, pwede bang pass? Masyadong kengkoy ang dalawang iyon parang di matino kausap." "Ayaw mo non? May Jowa ka na, May clown ka pa hehe." Wika pa ng mga ito saka nagtawanan. Samantala RHAIZA Habang tahimik kami na kumakain nila Engr.Anton ay dumating Ang asawa at mga in-laws ni Engr.Ae. Ngayon ko lamang ulit nakita ang asawa nito. Napakagandang babae at balingkinitan ang katawan. Maging ang ina nito ay Napakaganda din. Aakalain mo na magkapatid lamang sila. Samantalang ang ama naman nito Na kahit sa tingin ko ay may edad na ay nananatili paring matikas. Kung titingnan ay matanda lamang ito ng ilang taon kay Engr.Anton. Tila para kong nakita si Albert Martinez ng makaharap ko ang father in law ni Engr.Ae. Isa pala itong Police at malapit na mag retiro. Hindi rin naman nagtagal ang mga ito at umalis rin agad after ng breaktime. Samantalang kami naman ni Engr. Anton ay nanatili lamang sa may Mesa. Hindi ko alam. Hindi parin ako makatingin sa kanya ng diretso simula nung nangyari noong nagdaang gabi. Ganon pa man ay pinipilit ko na kumilos ng formal para hindi naman awkward sa aming dalawa. "Engr. Mauna na ako, may gusto ka bang kainin mamaya?" Tanong ko dito. Napatingin naman sya sa akin at maging ako man. Tila napipil ang aking dila ng magkatitigan kami. "Gusto ko kainin Mamaya? Ikaw na ang bahala Rhaiza, Baka kasi may gusto akong kainin mamaya pero hindi naman pwede kaya ikaw na lang ang bahala." Sagot nito saka tumayo. Tila biglang lumakas ang t***k ng dibdib ko sa sinabi nya. Hindi ko alam kung ano ang nais nyang sabihin. Naalala ko na naman tuloy yung naunsyami naming ganap noong nakaraang gabi. "Sige..Paglulutuan na lang kita ng ibang putahe." Sagot ko na lamang. Nagpaalam na rin ako sa kanya. Saka ako dumiretso ng lakad palayo dahil naiilang parin ako na makipag usap at makipag titigan kay Anton. Dahil sa Sinabi kong ipagluluto ko sya ng ibang putahe ay tila namroblema ako bigla dahil iniisip ko kung ano ang pwede kong iluto. Kaya naisipan ko na makipag kita na lamang kay Zhel. Hindi pa ako nakakalapit ng husto ay kita ko agad ang Ngisi nito na abot Tenga. Nabanggit ko kasi sa kanya ang awkward moment namin ni Engr.Anton. "Woi Bff ano na? Sa True ba? Hahhaa di ko akalain yung chat mo sakin. Hotdog na Sana naging Bato Pa. Hahaha..ano ba kasing nangyari?" Tuloy tuloy na tanong nito habang tumatawa. "Ano ka ba? Wag ka nga maingay dyan, baka narinig pa ni Tita Cora nakakahiya." Anya ko pa. "Hahaa wag ka mag alala nag si siesta na si Tita kaya di tayo maririnig. So ano nga ang nangyari bat di natuloy ang pag sisid sa Perlas ng Sinilangan haha." "Hmm..Kasi nakita ko yung picture ni Everette kaya ayon pinahinto ko sya, parang bumalik kami sa wisyo namin kaya ayon di natuloy, kasi pinahinto ko tas tumakbo ako sa kwarto." Kwento ko pa rito. Tawang tawa naman si Zhel habang sinasabi ko sa kanya. "Haha..kawawa naman si Engr. Baka ang tagal non nangangarap na makasisid kaso ang perlas biglang umiwas hahaha, pero ang mahalaga nakatikim ng gatas hahaha." Anya pa nito saka humalakhak ng tawa. "Woii..bibig mo talaga..Saka Gatas ka dyan, wala naman akong gatas." "Ay oo nga pala..Malaki lang pala ang Bogelya mo pero wala pang gatas haha, At least nakadede ni Engr. Haha di na lugi, di man nakatikim ng perlas, mahalaga naka sipsip haha." Dagdag pa nito. Napakamot na lamang ako sa ulo. Hindi ko alam kung matutulungan nya ba ako sa problema sa pag iisip ng putahe na iluluto ko, o baka bubullyhin lang ako nito habang naririto ako? Kaya after 30 minutes ay nag decide na lamang din akong umuwi at sa Youtube na lamang mag se search ng iluluto, kaya naman ganon na lamang ang ginawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD