SI RACHEL pa rin ang nagmaneho papunta sa airport. Hindi na ito pumayag na mag-stay pa siya roon nang matagal. Pag-ibis nito ay pumalit na siya sa driver’s seat at siya pa ang inihatid nito ng tanaw.
Dumiretso siya sa inuupahan niyang flat. Shopping was her only hobby, ngunit wala siya sa mood para gawin iyon sa ngayon.
She could still feel her tiredness. Ilang linggo rin naman ang duration ng show. Bagaman hindi araw-araw ay nakakapagod pa rin dahil sa pagitan ng mga shows ay halos walang-katapusang rehearsals.
Now was the right time to indulge herself. At wala naman siyang ibang nasa isip kundi ang magbabad sa bathtub.
Iginarahe na niya ang sasakyan. Bahagya na lang niyang nagantihan ng bati ang nakasalubong na kakilala.
Eksaktong ibinubukas niya ang pinto nang tumunog ang telepono.
Nakalimutan na niyang itulak pasara ang pinto. Nagmamadali niyang nilapitan ang aparato.
“Where have you been?” Parang dagundong ang tinig ng nasa kabilang linya.
Umarko ang kanyang mga labi. “I went out,” mahinahong sagot niya. “Hindi mo ako kailangang pagtaasan ng boses.”
“I’ve been calling you for a number of times. I’m worried.”
“Oh, really?” patuyang wika niya. “Tody, that’s hard to believe. We’ve been separated for three years. Nakakamanghang ngayon ka pa nag-alala sa akin nang ganyan.”
“Hindi mo ako makukuha sa insulto kung iyon ang gusto mong mangyari, Marra. I’m in the middle of a very important meeting at naalala kitang tawagan. I never expected a machine would answer me.”
“You don’t hold me twenty-four hours a day. We even survived not seeing each other for so long. Why demand this time? At kung nasa gitna ka man ng anumang napakaimportanteng meeting na iyan, then go ahead. Focus your mind on that meeting and leave me alone.”
Hindi na siya naghintay pa ng tugon nito. Ibinaba na niya ang telepono.
Tumuloy siya sa kanyang silid. At habang hinu-hubad ang suot na damit ay tinitimpla naman niya ang hot and cold water sa tub.
Nilagyan niya iyon ng asin. At nang masiyahan sa timpla ng tubig ay inilubog na niya ang sarili.
Hindi pa siya ganap na nasisiyahan sa pagbababad nang marinig niya ang pagtunog ng door chime. Umahon siya at binalot ang sarili ng roba.
“Hi!” nakangiting bati ng lalaki.
Gumanti siya ng ngiti kay Stephen. Nasa kabilang building lang ang tinitirhan nito. At madalas na dumarating ito sa kanyang flat na walang pasintabi.
“I can’t guess why you’re here,” aniya.
“Not for a cup of coffee. That’s for sure.” Tumuloy na ito, inanyayahan ang sariling maupo sa sofa habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
He was wearing slacks and polo shirt. Naka-kurbata pa at ang jacket ay ibinaba sa pang-isahang sofa.
“You’re inviting me out?” panghuhula niya.
“Uh-huh.”
“And if I say ‘no’?” nananantiya ang tonong sabi niya rito.
“I’ll beg,” seryosong sagot nito ngunit pagkuwa’y ngumiti rin. “And maybe I’ll stay here until you say ‘yes’.”
“She will never say yes,” anang tinig na basta na lang sumabat sa pag-uusap nila.
Tody was standing in the doorway. Pormal na pormal ang anyo nito. Tila pa nga may nakikita siyang balasik sa mga mata nito. Nagsalit-salitan ang tingin nito sa kanya at kay Stephen.
Tila nakakaalarma ang kilabot na idinudulot ng titig nito sa kanyang katawan. Iniiwas niya ang mga mata rito at ibinaling kay Stephen.
Nasa mga mata ni Stephen ang pagtatanong.
She cleared her throat. Saka niya pinagkilala ang mga ito.
Tumindig si Stephen, nag-alok ng pakikipagkamay.
Sandaling hindi kumilos si Tody.
Natakot siya sa maaaring gawin ng estranged husband.
Ngunit pagkaraan ay tinanggap din nito ang pakikipagkamay ni Stephen.
Halatang naasiwa ang huli.
“Well?” basag ni Tody sa katahimikan. Hindi kalabisang sabihing nasa anyo nito ang pagtataboy sa bisita niya.
Sumulyap si Stephen sa gawi niya. Tumango ito at saka nagtuluy-tuloy na lumabas.
“You were rude!” sita niya kay Tody. “How dare you!”
“And how dare you, too!” Mas mataas pa sa kanyang tinig ang tono nito. “You slammed the phone on me.”
Itinaas niya ang noo. “I didn’t slam it down. I simply put the phone down.”
“That’s it!” Hindi nagbabago ang tono nito. “Hindi pa tayo tapos mag-usap ay pinagbabaan mo na ako ng telepono.”
“I didn’t feel like talking to you in the first place.”
“Damn you!”
“Damn you, too!” mangiyak-ngiyak na wika niya. “Ano‘ng karapatan mong basta na lang pumarito at ipagtabuyan ang bisita ko?”
Isang nang-uusig na tingin ang naging sagot nito.
“HUMAHARAP ka sa bisita mo sa ganyang ayos?” His tone showed sheer distaste.
Sa halip na sumagot ay tiningnan niya ang mukha nito; the flesh and blood was indeed visible yet the expression was as unreadable as a blank sheet.
Her instinct told her to grab her robe sash. Tiniyak niyang mahigpit ang pagkakabuhol niyon. She made another tie at wala siyang pakialam kung magmukha man siyang tanga sa harapan nito.
That was her moment of weakness.
Pilit siyang nagpakatatag. At nang sa palagay niya ay sapat na ang kanyang tapang ay saka niya nilabanan ang titig nito.
“You don’t have the right to come in here and nag me. Why don’t you just go?”
“You know very well, Marra na nasa akin pa rin ang lahat ng karapatang pumarito. I’m the one paying this flat. Besides... I’m still your legal husband.”
“Iyan din ba ang gagamitin mong rason sa pambabastos sa aking bisita?” ganti niya.
“Lalaki `yon at may asawa ka na. Para sa kaalaman mo... possessive akong tao. Hindi ko gustong may ibang lalaking nakakakita sa iyo sa ganyang ayos mo.”
Mapakla siyang ngumiti. “I’m an artist. Alam mong mas marami ang pagkakataong leotard lang ang suot ko. At hindi lang iisa ang lalaking nakakakita sa akin sa ganoong suot.”
“I clearly remember that your leotard always bear a ruffled skirt with it. Your legs are covered with stockings. Now you’re not in your leotard but in a bath robe. And your skin are dripping with water and bubbles. Hell, you’ll drive any man crazy!”
Ikiniling niya ang ulo. “Ganoon ba ang epekto sa iyo?”
Naningkit ang mga mata nito. Gumawa ito ng malalaking hakbang at saglit lang ay nagawa siyang hapitin sa baywang.
“Yes!” he said in an angry voice. Idiniin nito ang sarili sa kanya.
She couldn’t tell if it was burning anger or brutal desire. Nag-aagaw sa isip niya ang magkaibang damdamin.
She was afraid his anger would resort to violence. And she was more afraid that he was making her uncomfortably warm. The familiar delicious shiver was slowly creeping all over her.
“Tody...” Iniharang niya ang dalawang palad sa dibdib nito. She wished she could put some distance between them. Ngunit sa ginawang kilos ay para lang niyang lubos na ikinulong ang sarili sa mga bisig nito.
Lalo lamang humigpit ang yapos nito sa kanya. Nawalan ng silbi ang dalawang palad niyang naipit sa dibdib nito.
“Do you feel me, Marra?” marahas na bulong nito sa kanyang tainga. Sinadya nitong idikit ang mga labi sa kanyang tainga.
Naramdaman niya ang marahan nitong pagkagat sa kanyang punong-tainga.
Naghiwalay na agad nang bahagya ang mga labi niya bago pa niya maramdamang bumaba roon ang mga labi nito. They seemed to have forgotten everything.
The kiss was so ardent that they almost ate each other alive!
Nagsimulang mangahas ang mga kamay nito sa katawan niya, tila hindi malaman kung alin ang unang hahawakan at kung dapat na magtagal sa isang bahagi.
Wala sa sariling napaliyad siya. Animo’y inihahain niya ang sarili. Nabale-wala ang mahigpit na pagkakabuhol ng tali sa roba niya dahil napag-tagumpayan iyong kalasin ng asawa.
Bumagsak sila sa carpeted na sahig. Namalas nito ang hubad niyang katawan.
“Marra...” ungol nito.
Kagyat na naglaho ang lahat ng inhibisyon niya. Parang gatong na lalong nagpaliyab sa nag-aapoy na niyang katawan ang ungol na umalpas sa bibig nito.
Nagtagpo ang kanilang mga mata. Tila naiinip siya sa muling pagdantay ng katawan nito sa sarili niyang katawan.
Lumuhod ito. Inakala niyang sisimulan siya nitong halikan sa kanyang makinis na mga hita. Ngunit sa halip ay dinampot nito ang kanyang roba at iniabot sa kanya.
“I’m sorry... I got carried away,” anito sa kaswal na tinig.
Daig pa niya ang binuhusan ng malayelong tubig. Hindi na niya nakuhang abutin ang roba mula sa kamay nito.
Lihim niyang inasam na sana’y bumuka ang sahig at lamunin siya nang buung-buo. Subalit hindi iyon nangyari.
Mabilis niyang hinamig ang sarili at kagyat na iniwan ito.
Natagpuan niya ang sarili sa bathroom, tulalang naliligo.
She was humiliated. Gusto niyang isumpa ang lalaki sa ginawa nito sa kanya. Ngunit alam niyang wala ring saysay, magpuputok man ang butsi niya.
Nang lumabas siya ng banyo ay panibagong roba na ang nakabalot sa kanyang katawan. Mula sa nakabukang pinto ay nasulyapan niya ang kalapit na living room.
Naroon pa rin si Tody. Nakatitig ito sa pinto ng banyong nilabasan niya.
Halos magngalit ang mga ngipin niya sa pagpipigil ng galit. Walang salitang nilampasan niya ito at nagtuluy-tuloy sa kanyang silid.
Pasalya niyang ibinalibag ang pinto. Hindi na niya iyon nagawang i-lock dahil mas binigyan niya ng pansin ang sarili. Kailangang makapagdamit na siya nang maayos.
Hindi na niya pinagkaabalahang suklayin ang buhok at basta na lamang ibinagsak ang sarili sa malambot na kama.
Nang matiyak niyang hindi na naman siya makakatulog ay saka niya kinuha ang botelya ng sleeping pills sa isang drawer.
Uminom siya ng dalawang tabletas. Makalipas ang dalawang minuto’y hilo na siya sa antok.