I’M SORRY. I have some business to attend to. See you next time...
Isang note ang nakita ni Marra na nakadikit sa main door. At least, nagawa ni Tody na i-lock ang pinto bago siya tuluyang iniwan.
Wala siyang ideya kung anong oras ito umalis. Subalit sigurado siyang pumasok pa ito sa kanyang kuwarto. The aircon was already off nang magising siya ngunit nanatili pa ring malamig sa buong silid. Maybe it was just recently turned off.
Natatandaan niyang hindi niya nai-set ang timer at walang ibang gagawa niyon kung hindi si Tody.
Nilagyan din siya nito ng comforter. At merong baso ng gatas sa bedside table niya.
Didn’t he think I might have drugged myself? Hindi siya ganoon kadaling makatulog. At sa sitwasyong pinanggalingan niya ay imposibleng tangayin siya kaagad ng antok.
Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa asawa.
It was already ten in the morning. At iniisip niya kung anong oras siya uminom ng sleeping pills. At nang maalala niya ay napausal siya ng pasasalamat sa Diyos.
Mabuti’t hindi siya na-overdose. Muntik na pala siyang hindi magising. She had been sleeping for more than sixteen hours!
Sixteen hours.
Natulala siya sa ideyang pumasok sa isip. Hanggang walong oras lang ang timer ng kanyang aircon. Ibig sabihin ba’y hindi siya kaagad iniwan ni Tody? Kung ganoon, ano’ng oras ito umalis? She wouldn’t believe na umalis ito nang alas-dos ng madaling-araw. Mas gusto niyang isiping nagpaabot na ito ng umaga.
Gumala ang tingin niya sa mahabang sofa. Nasa ayos pa rin naman ang mga throw pillows. Mukhang hindi nagalaw. Matindi talaga ang kutob niya na nagtagal si Tody. Subalit wala siyang makitang palatandaan.
Nagtungo siya sa kusina para ipaghanda ng almusal ang sarili. At saka niya naalala ang baso ng gatas. Bumalik siya sa kuwarto para kunin iyon.
Mainit pa rin ang gatas. Yumuko siya para hugutin ang saksakan ng electronic coaster. Ngunit natulala siya dahil hindi na iyon naka-plug. O mas tamang sabihing ni hindi naman talaga iyon ginamit?
Parang may puwersang dumako ang tingin niya sa mga unang hindi pa naililigpit. Sa katabi ng unang ginamit niya ay naroroon pa ang bakas ng isang ulo. Dinampot niya iyon at inamoy.
The scent was familiar. Tody’s shampoo.
Sumasal ang kaba sa kanyang dibdib, kasabay niyon ang pagbaha ng kaligayahan. Niyakap niya nang mahigpit ang unan at sinambit ang pangalan nito.
Kung gaano siya katagal sa ganoong ayos ay wala siyang ideya. Malamig na ang gatas nang maalala niyang inumin.
Kung sa ibang pagkakataon ay hindi na niya iyon iinumin dahil gagawa na lamang siya ng panibago. Ngunit ang ideyang si Tody ang naghanda niyon para sa kanya ay nagawa niyang sairin ang laman ng baso.
WALANG dudang mahal pa rin niya si Tody. At isiping nakatabi niya ito sa kama kahit pa nga nasa kahimbingan siya ng tulog ay parang nabale-wala ang lahat ng sama ng loob niya noong sinundang gabi.
Hindi niya alam kung ano pa ang maaari nitong ginawa sa kanya. Kung niyakap siya, hinalikan... ngunit ang mahalaga’y nakasama niya ito.
At sapat na iyon sa kanya para maging dahilan ng kasiglahan niya sa buong araw.
Maybe she was a fool. Walang sandaling nakalimutan niyang mahal niya ito. Ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin iyon. Sa halip ay pilit pa rin niyang itinatago. Ikinukubli niya ang tunay na damdamin sa pamamagitan ng pakikipagtalo kay Tody. Wala siyang ginawa sa tuwing makikita ito kung hindi ang kontrahin ang lahat ng sinasabi nito.
But every time he was near her ay para siyang asin na ibinilad sa ulanan. Sa tuwina’y nalulusaw siya sa mga bisig nito.
But why was he here, anyway?
Hindi siya naniniwalang nagtungo ito rito para lamang makasama siya sa isang gabi. Sa Amerika man o sa Pilipinas, alam niyang hindi lang iilan ang babaeng nagnanais na makapiling ito.
He was only thirty. At alam niyang malakas ang karisma nito. Tiyak niyang marami ang babaeng nagkakandarapang mapansin nito.
Napabuntunghininga siya sa ideyang pumasok sa isip. That Tody had never been deprived of his needs.
It was unfair.
At nasasaktan siya. Hindi dahil gusto niyang gawin ang kagayang aktibidad nito, kung hindi dahil masakit sa loob niya ang isiping iba’t ibang babae ang nakakapiling nito.
Ngayong narito na ito, nasa kanya ang lahat ng karapatan upang obligahin ito sa tungkulin nito sa kanya. Subalit hindi niya magawa at hinding-hindi magagawa. May pride pa naman siya.
Tila higit pang malawak kaysa sa dagat ang agwat ng isipan nila.
Ngunit ano ang gagawin niya? She loved him with all her mind, heart and soul. Ngunit hindi niya kayang ipagtapat dito ang kanyang pagmamahal.
Not if he was always that harsh to her.
May pakiramdam siyang katawan lang niya ang gusto nito. He always made her feel that way.
She was an ideal wife sa mata ng marami. She had her own name. There was prestige in her personality, no doubt about that.
At karangalan ni Tody na malaman ng lahat na ito— ang kanyang asawa.
She was equally proud to be Tody’s wife. He was also successful in his chosen career. Marami ang nananaghili sa kanya sa pagkakaroon ng understanding at supportive na asawa.
Iyon ang alam nila.
Wala siyang insekyuridad pagdating sa estado sa buhay. Her insecurity came from her heart. She wanted to be loved by him. At kung maibibigay lang nito ang pag-ibig na iyon sa kanya, then she would bid goodbye to her career.
She had more than she could imagine. At ang nagbibigay na lamang sa kanya ng drive para ipagpa-tuloy ang career ay ang sama ng loob na hindi siya kayang mahalin ng asawa sa kabila ng lahat.
Kahit man lang sana maging magkaibigan sila. But maybe, even plain friendship had no chance between them.
It had been three years.
Pareho silang nagtikisan. And no one dared to make the marriage work. They both have unreachable pride. No one dared to speak up. Lahat ay idinaan sa pagbabale-wala. At ang tanging nakikita niya ngayon ay ang walang dudang pisikal na atraksyon sa isa’t isa.
She wanted that, too, of course. Ngunit sa mas malalim na kahulugan.
She didn’t want to have s*x if only to give satisfaction to her biological needs. She wanted it herself because she wanted the sharing of each other’s souls... again.