Riza and Roi - 11 (Ending)

1434 Words
PABIGLA itong naitulak ni Riza at mabilis na bumangon. Ni hindi niya nakuhang ibalik sa pagkaka-butones ang pajama top dahil sa pagpalahaw ni Angel. His diaper was full. Mabilis siyang kumuha ng pampalit at pinalitan ito. ALL THE while, Roi was watching her. He was fascinated by the sight of her, uncaring if her blouse was open, exposing two firm breasts. He longed to taste them. And just by thinking it made him desire her more. Subalit ang tanging atensiyon nito ay ang asikasuhin ang bata. She did it with so much care and tenderness as if she was the mother. And suddenly, something hit him. Bakit hindi na lang nito gawing pangalawang ina si Riza sa kanyang anak? Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Paano na ang alaala ni Carmela kung papalitan niya ito? And it was barely six months after her death. UMIIYAK pa rin si Angel. Binigyan ito ni Riza ng gatas. Nang hindi pa rin tumigil ay kinarga na niya at ipinaghele. Noon lang siya naging conscious sa pagkakabukas ng kanyang blusa. Napatingin siya kay Roi. He was looking at her yet it seemed not. Parang nasa kabilang planeta ang iniisip nito. Tumalikod siya. Habang hawak ng isang kamay niya si Angel ay isinasara naman niya ang mga butones. Her breasts were still aching. Their peaks were still hard. Naramdaman niyang bumangon na si Roi. “You shouldn’t turn your back on me,” banayad nitong sabi. “Nagsisisi ka ba sa nangyari?” Pumihit siya paharap dito. “Ano ba ang dapat kong maramdaman? You seduced me.” “You allowed it,” he accused softly. Nag-init ang magkabila niyang pisngi. “Biyudo ka, Roi, unfortunately, in your very active age. You kissed me like there was no tomorrow. I thought kissing you back was the best thing to do. I was afraid that if I fought back, you’ll force me.” Sinungaling! anang budhi niya. Tinitigan siya nito. His eyes went down to her lips, nagtagal doon na tila kahit sa pamamagitan ng titig ay kaya siya nitong angkinin. He made a few steps close to her... habang ang mga mata nito ay nanatiling nakatutok sa kanya. It brought a delicious shiver to her spine. At hindi niya kayang itangging lubos ang epekto niyon sa sariling katawan. Humakbang siya para iwasan ito. Anyo siyang lalabas ng kuwarto subalit humarang ito sa kanyang daanan. “Tumahan na si Angel. Ibalik mo sa crib,” mahina ngunit puno ng awtorisasyong utos nito. Napabuntunghininga siya ngunit sa huli ay pumihit din at maingat na inilapag sa crib ang bata. Hindi pa siya ganap na nakakaunat ay niyakap na siya ni Roi buhat sa likuran. “I may have been celibate for the past few months but no one has driven me crazy like this,” bulong nito sa likod ng kanyang tenga. He kissed her earlobe deliberately. Kissing and licking... habang ang kamay nito ay dumadama sa kanyang dibdib. Humigpit ang hawak niya sa pasimano ng kuna. Nakulong sa lalamunan niya ang kanyang paghinga. Marahan siya nitong ipinihit para mapaharap dito. At sa pangalawang pagkakataon ay muli nitong inangkin ang kanyang mga labi. It drove her crazy as well. Nakalimutan na niya ang lahat ng rason. And she was about to kiss him back when he withdrew. Hinawakan siya sa magkabilang balikat at bahagyang inilayo mula sa katawan nito. “I’d like to be married again. Will you be my wife and be the mother to my son?” puno ng sinseridad na tanong nito. “Seryoso ka ba?” she asked in surprise and wonderment. Marahan itong tumango subalit ang sagot ay higit niyang nakita sa damdaming mababakas sa mga mata nito. “I’m waiting,” he teased, yet his expression was still serious. “Yaya lang ako.” “And so?” Hiniklas niya ang pagkakahawak nito at bahagyang lumayo. She couldn’t organize her thoughts when he was holding her. It made her feel all her security was from him. “Pumasok ako rito para maging yaya. Para takasan ang dati kong boyfriend. And definitely hindi para maging asawa ng ama ng inaalagaan ko.” Why don’t you just say “yes”? A little voice from her mind said. “You have those two, maging yaya ng anak ko at natakasan mo ang dating mong boyfriend. I’m giving you the bonus. Be my wife at hindi yaya lang ang magiging papel mo sa anak ko but a mother.” “Paano si Carmela?” “What has my dead wife got to do with this? She’s already gone.” “She may already be gone but you still love her.” Nagdulot iyon ng sakit sa kanyang puso. “You can’t let her memories away.” “I can. In fact, I just did. She was a part of my past. I still have to go on together with my son. And now, with you.” “Hindi pa ako sumasagot.” Marahan itong tumawa, inisang-hakbang ang kanilang pagitan. Mabilis siyang nakulong sa mga bisig nito. “And you think, I would let you go out of this room without you saying “yes”?” “Pero—” “No more buts. Let face tomorrow together. Rear my son and other future children with you as the mother. That’s all I ask.” Banayad siya nitong hinalikan. “You won’t ask me to love you?” He grinned. “I won’t. Dahil `pag sinumpaan mo iyon sa harap ng magkakasal sa atin, oobligahin lang naman kitang gawin iyon. Every single day of our lives.” “This is so soon...” “Who cares?” anitong tila wala talagang pakialam. “Ano...” mayamaya`y untag nito. “‘Yes’ na?” Marahan niyang hinaplos ang mukha nito. “Sige na nga!” “Napipilitan ka lang yata,” he teased. Natawa siya. “I guess I have to admit. Noon pa, crush na kita. But I didn’t wish you would lose your wife.” “Carmela will always be a part of my life. Without her, I wouldn’t have my son Angel. But she’s gone. What’s important today is you.” “Ibig sabihin ba niyan ay mahal mo na ako?” He inhaled deeply. “I do. Maybe not so intense but I know it will grow more in time.” Napangiti siya. “That’s enough for now. At least, you’re honest. I’ll just make everything to make you love me.” ••• NAGWAWALANG makawala si Angel sa bisig ni Riza. Hindi pa ganap na inihihinto ni Roi ang sasakyan ay nagdadamba na ito sa kandungan niya. “Angel, please behave. Anak,” banayad na saway ni Roi. Naitabi na nito ang sasakyan. “Akina na nga iyang bata, hon. Panay na ang tadyak diyan. Kawawa naman ang isa pang baby.” Ibinigay niya kay Roi si Angel. Siya na ang dumukwang sa flower basket na nasa backseat. Nauna nang bumaba ang mag-ama. Kung hindi sa maagap na paghawak ni Roi ay magtatakbo na si Angel sa damuhan. Angel was full of energy sa gulang nitong isang taon at tatlong buwan. Hindi ito mapirmi sa isang tabi. “Mommy! Mommy!” Kilalang-kilala nito ang lugar na kinaroroonan nila ngayon. Nangingiting bumaba si Riza ng kotse dala ang mga bulaklak. Mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang mamatay si Carmela. Hindi na nahintay ni Roi na makapagbabang-luksa at pinakasalan na siya six months ago. Ngayon ay limang buwan na siyang buntis sa kanilang anak. Mula nang ikasal sila ay regular nilang binibisita ang puntod ni Carmela. Sa tuwina ay kasama nila si Angel. Kinuha sa kanya ni Roi ang bulaklak. Ibinaba nito sa puntod at mayamaya’y naghari ang katahimikan. Si Angel naman ay nakaluhod sa mismong lapida, tapping his little hands on the marble. Makaraan ang ilang sandali ay nag-angat ng paningin si Roi. Ginagap nito ang kamay niya at masuyong pinisil. Pumihit siya paharap dito. “Thanks for everything, honey,” sabi nito. “You don’t have to say it often. Sapat na sa aking madamang mahal mo ako.” And she gave him a sweet smile. “Because you love me, too.” “And Angel, of course.” “Right. And this baby, too.” His hand moved to her swollen belly and made a gentle caress. “I love you, Roi. Ikaw, si Angel at lahat ng magiging anak pa natin.” Niyakap siya nito. “I’m so lucky I found you. I love you very much.” ••• WAKAS •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD