Riza and Roi - 10

2062 Words
NAILIPAT na ang kama ni Riza sa master’s bedroom. Si Angel ay tulog na rin sa crib nito. Alam niyang nasa banyo si Roi, nagsa-shower gaya ng nakagawian nito bago matulog. Hindi naman siya mapakali sa kuwarto nila ni Dely. Hindi niya alam kung lilipat na rin sa kabila. Gamit lang naman sa pagtulog ang inilipat nila. Ang mga gamit niya ay naroroon pa rin sa kuwartong pinagsasaluhan nila ni Dely. Kung hindi pa siya lumilipat sa kabilang kuwarto, sa ganoong oras ay nakahanda na siyang mahiga. Ibig sabihin ay tapos na ang lahat ng kanyang seremonyas sa katawan at nakapagpalit na rin siya ng damit-pantulog. Ngayon ay hindi siya makapagpasya kung ano ang isusuot. She had several pairs of pajama set at nightshirts. Meron ding mga pantulog na sexy ngunit malabong isuot niya iyon ngayon na ang amo ang makakasama niya sa kuwarto. “Inaantok na ako,” humihikap pang wika ni Dely. “Pakipatay mo na lang ang ilaw, ha?” Sumampa na ito sa kama. Tumango siya. Ni hindi niya ito tiningnan kaya hindi niya alam na may pilyang ngiti na gumuhit sa mga labi nito. Nakatanghod pa rin siya sa harap ng nakabukas na closet. “Hindi ka pa ba inaantok?” tanong ni Dely na ikinapitlag niya. “Akala ko, tulog ka na?” Nilingon niya ito. Mahinang bumungisngis ito. “Paano ako maka-katulog? Iniisip ko kung ano ang mangyayari sa iyo sa kabila.” Pinandilatan niya ito ng mga mata. “Ano ang mangyayari sa akin? Eh, de matutulog at gigising `pag nagligalig iyong alaga ko!” Hindi nabura ang ngiti sa mga labi nito. “Eh, bakit ka sumisigaw?” “Hindi ako sumisigaw,” aniyang hininaan ang tono. Ikinibit nito ang mga balikat, halatang hindi kumbinsido. “Goodnight.” Nakasimangot siyang humarap sa closet. Basta na lang siya kumuha ng pantulog at tuwalya. Lalabas na siya ng kuwarto nang magsalita ulit si Dely. “Sorry kung napikon kita.” Pabuntunghiningang lumingon siya rito. “Hindi ako natutuwa sa biro mo. Nagtatrabaho ako. Huwag mong bigyan ng malisya,” seryoso niyang sabi. Ngunit tila walang epekto rito ang seryoso niyang ekspresyon. “Hindi ako nag-iisip ng malisya. Romansa manapa!” sabi nito at sinabayan ng biling paharap sa dingding. Itinabon na nito ang isang unan sa mukha ngunit nasa paggalaw ng mga balikat ang palatandaang humahagikhik ito. Naiiling na tumalikod na lamang siya, eksakto namang lumalabas ng banyo si Roi. Tiningnan lang siya nito at pumasok na sa kuwarto. Pagtataasan sana niya ito ng kilay subalit umingit si Angel. Doon napunta ang kanyang atensiyon. Nasa bungad na siya ng kuwarto nang mapatda. Roi was stripping his towel. Nasa akto ito ng pagsusuot ng underwear at sa mismong kinatatayuan niya. Kung tutuusin ay sawa na ang mga mata niya sa human anatomy. But she couldn’t help herself staring at his butt. Makinis at maganda ang hubog niyon. Walang ekstrang taba. At pantay na pantay din ang kulay. Nagpiyesta ang mga mata niya sa kabuuan ng lalaki. Para siyang nahipnotismo at nawala sa loob na ang bata ang pupuntahan. Mabuti na lang at tahimik si Angel. Samantala, namalayan ni Roi na may tao. Nang lumingon ito ay nakitang nakatulala siya. Sa halip na magalit ay sumilay ang mahiwagang ngiti sa mga labi nito. Binagalan pa nito ang pagkilos. Na para bang may mga botones ang briefs na kailangang isa-isahing isara. It took seconds much longer bago lubos nitong naisuot ang kapirasong saplot. Sa sulok ng mga mata ay pinagmasdan siya nito. Nananatiling tila namatanda siya. Nagpatuloy pa rin si Roi sa pagpapatay-malisya. Tinunghayan nito ang closet at namaywang. Tila nahihirapan itong magdesisyon kung pajama ang isusuot o boxer shorts na lang. Nag-inat muna ito bago hinugot ang isang shorts. At kagaya ng pagsusuot ng briefs ay mabagal din nitong isinuot iyon. Samantala ay napalunok naman si Riza. Roi showed a well-coordinated muscle movement when he stretched. That was indeed a pleasing view. Pumihit ito. “I’m now going to bed. Iiwan ko na lang bukas ang pinto para sa iyo,” kaswal na sabi nito. Napaawang ang mga labi niya. Nag-init ang mukha niya sa pagkapahiya. Maliban sa marahang tango ay wala na siyang nagawa kung hindi ang tumalikod. GIGIL na gigil si Riza habang naghihilamos. Pahiyang-pahiya siyang talaga. At hindi niya maituring na konsolasyon na hindi naman siya masyadong pinansin ni Roi. Hindi nga siya sigurado kung talagang hindi nito iyon pinagtuunan ng pansin. Baka hindi lang ito nagpahalata sa kanya. At saka niya naisip, bakit nga ba para yatang tumagal magbihis si Roi samantalang underwear at shorts lang naman ang isinuot? O baka naman saglit lang siyang natulala kung kaya hindi niya namalayan kung matagal nga itong magbihis o hindi? She tried to remember. Subalit patuloy na umukilkil sa isip niya na lubhang matagal nga itong magbihis. By golly! her mind screamed when the thought occured to her. Ngayon tuloy ay parang gusto niyang lunurin ang sarili sa agos ng tubig sa dutsa. Ano ang mukhang ihaharap niya rito kung ganitong bistado siya nitong pinagpiyestahan niya ang katawan nito? Sa kaiisip ng gagawin ay tumagal kaysa normal ang paglilinis niya sa katawan. Nang magbibihis na ay para tuloy gusto niyang magdalawang-isip sa isusuot. Pranelang pajama set iyon. Disente naman maliban sa medyo malalim ang uka sa leeg. She made a mental check. Wala na siyang magagawa. Ang mga pantulog na natira sa closet ay medyo sexy na. At hindi niya gustong magpahiwatig. Oh, hell! Sino naman ang nagsabi sa kanyang magpahiwatig siya? Ipinilig niya ang ulo at nagbihis na. Lamang ay nagsuot pa rin siya ng bra. It was unusual for her. Alam niyang hindi siya magiging komportable. But tonight was different. Nang lumabas siya ng banyo ay gusto pa niyang magsisi na pumayag sa setup nila. Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib bago pumasok sa master’s bedroom. Patay na ang ilaw sa ceiling. Tanging malamlam na liwanag sa table lamp ang iniwan ni Roi na nakabukas. She took another deep breath at saka tuluyan nang pumasok. Iwas na iwas ang mga mata niyang mapagawi ang tingin sa malapad na kama kung saan nakalatag ang katawan ni Roi. Nasa magkabilang panig ng dingding ang kanilang kama. Sa pagitan ng mga iyon ay ang crib ni Angel. Matapos niyang tingnan ang bata ay nahiga na siya. Para naman siyang nakasalang sa isang interogasyon. Hindi siya mapakali sa pagkakahiga. Hindi niya matukoy ang tunay na kondisyon ng t***k ng kanyang puso. Minsan ay mabilis na mabilis. Minsan naman ay tila wala nang kasunod. Bumangon siya. Naupo siya sa gitna ng kama in lotus position. Dahan-dahan niyang nilingon si Roi na kitang-kita naman niya kahit nasa pagitan ng kanilang mga kama ang crib ng bata. Himbing na ito sa pagtulog. Lapat na lapat ang likod sa kutson. Bahagyang nakabaluktot ang isa nitong binti. Ang isang braso naman ay nakapatong sa noo. Marahil ay nasisilaw sa liwanag ng table lamp. Maingat siyang tumayo at humakbang. Siguro, kaya siya hindi makatulog ay dahil din sa liwanag. Nasanay din siya na patay ang ilaw kapag matutulog na. Ini-off niya ang table lamp. At pakapang bumalik siya sa kama. After a while, tinanggal niya ang hook ng suot na bra. Hinubad niya iyon at saka inilagay sa ilalim ng unan. Saka pa lang siya nakatulog. NAGULAT pa si Riza nang magising. Tunog ng telepono ang nagpagising sa kanya. Nilinga niya si Roi. Himbing pa rin ito kaya napilitan siyang bumangon. Awtomatikong napasulyap siya sa relo. Alas-singko y medya ng umaga. Hindi siya makapaniwalang tuluy-tuloy ang tulog ni Angel. At siya man. Hawak na ni Dely ang telepono nang lumabas siya. Pumihit siya patungo sa banyo at madaliang naghilamos at nagmumog. “Gising ka na pala,” anito nang makita siya. “Para sa iyo.” At iniwan na nito ang telepono. “Hello, good morning!” wala sa loob na wika niya nang damputin ang telepono. “It’s just a matter of hours, Riza. At magkikita na tayo.” Bigla ang pagkulo ng kanyang dugo. “Puwede ba naman, Billy? Please lang, tigilan mo ako!” Nanggigigil siya. Hindi niya napansing gising na rin si Roi at nanggaling na sa banyo. Kitang-kita nito ang ekspresyon niya. Nagulat pa siya nang kunin nito sa kanya ang telepono. “Ano ba ang problema, pare?” anito sa seryosong tono, punong-puno ng awtoridad. “Don’t bother her again. Kung hindi ka makukuha sa mabuting usapan, then you must be asking for trouble.” Saglit itong nakinig. “Sa pagkakaalam ko ay hindi na,” agaw nito. “One information you have to bear in mind, she’s my wife now,” kalmante pang dagdag nito. “Goodbye and don’t bother us again.” Ibinaba na nito ang telepono. Napatanga siya sa sinabi nito. Isa lang ang rumehistro sa pandinig niya sa pakikinig dito. She’s my wife now. “I hope he won’t bother you again,” anito at tumalikod na. Noon lang siya parang natauhan. “Sandali,” aniya na ikinatigil ng paghakbang nito. “Salamat.” “It’s nothing.” “Hindi mo na sana sinabing asawa mo ako. Baka lalo lang manggulo iyon. At saka bakit mo pa sinabing ganoon?” Tumiim ang titig nito sa kanya. “Sa una mong sinabi, iyon ang bagay na naisip ko. So it’s no big deal. Sa pangalawa, sana hindi ka na nagpasalamat kung parang sinusumbatan mo pa ako ngayon.” “Eh, loko ka pala. Hindi mo naman dapat sinabing asawa mo ako! Sasabihin n`on sa mga boarders ko na nag-asawa na ako!” “De itanggi mo. Mahirap ba iyon?” “Mahirap! Imbes na hindi ako magpapaliwanag, magpapaliwanag pa ako.” Hindi nila napapansing nagsisigawan na sila. “Magpaliwanag ka! O mas gusto mong araw-arawin kang guluhin ng ex-boyfriend mo sa telepono?” Tinalikuran na siya nito. Nagpupuyos siyang humakbang pasunod dito. “Bakit? Gusto ko bang guluhin ako? I was thinking kung ano ang gagawin ko.” “Puwes, ako na ang gumawa para sa iyo. It seemed you weren’t sincere in thanking me. It’s all right. Ang importante sa akin ay tumigil na iyon sa katatawag dito. Nabubulahaw pati pagtulog ko.” “Eh, de sorry!” pasigaw niyang sabi, nakasunod pa rin hanggang sa pagbalik nito sa kuwarto. “Shut up! Daig mo pa ang manok na pumuputak `pag madaling-araw.” “It’s your fault!” Nahilamos nito ang isang palad sa mukha. “I was going to say something. Kung hindi mo inagaw ang telepono, masasabi ko sa kanya na—” Bigla na lamang siya nitong sinunggaban at saka kinabig. Walang babalang bumaba ang mukha nito sa kanyang mukha. Seconds later, his lips were against her... Umungol siya ng protesta subalit lalong dumiin ang halik nito, gayon din ang mga brasong parang bakal na kumulong sa kanya. The kiss was only intended to make her silent. Subalit lumalalim iyon... lalo pa nga’t napaungol siya kaya tila lalong nag-init ito. Gumaan ang yakap nito sa kanya. Ang mga palad nito ay masuyong dumama sa kanyang likod. His tongue explored the inside of her mouth. It was like lightning. It hit her na kung hindi sa mga yakap nito ay baka pinulot na siya sa sahig. Nanghihina ang mga tuhod niya. Her body was covered by warm, tingling sensations. Awtomatikong yumakap ang mga braso niya sa leeg nito. Her tongue met his. At hindi na nila matukoy kung kanino nagmula ang ungol na kumawala. Para siyang papel na tinangay nang dalhin siya nito sa kama. Kasunod ang pagdagan nito sa kanya. Nagsimulang mangahas ang mga kamay nito sa kanyang kabuuan. Napaigtad siya nang maramdaman ang isang kamay nito sa isa niyang dibdib. Mainit ang singaw ng kanilang mga katawan. Hindi nito iniiwan ang kanyang mga labi. Parang may bukal ng nectar doon na ayaw nitong pagsawaan. And she was returning his kisses in equal passion. Para siyang noon lang nakasumpong ng tubig mula sa matagal na pagkakauhaw. His fingers sought the buttons of her pajama top. Mabilis nitong nakalas ang mga iyon at marahang hinawi. Dapyo ng hangin ang humaplos sa natambad niyang dibdib bago iyon maagap na natakpan ng mga palad nito. His lips went on kissing her. Pansamantala ay iniwan nito ang kanyang mga labi, gumawa ng landas pababa sa kanyang leeg at pagkatapos ay sa kanyang dibdib. Subalit ginambala sila ng malakas na iyak ni Angel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD