“ANG SAYA natin, ah. May good news ba?” usisa ni Melvin nang umupo si Jak sa tabi nito. Birthday ni Phoenix at ang selebrasyon ay sa mismong bahay nito. Kaya nagdagsan silang magkakaibigan kasama na ang kanilang mga asawa. Balak sana niyang huwag nang pumunta dahil wala naman siyang kasamang asawa. Nahiya naman siyang yayain si Lyla dahil nasa Baler pa ito. Mahigit isang linggo na magmula noong maihatid niya ang kanyang mag-ina sa tinitirhan nilang bahay. Miss na niya sila pero natambakan siya ng trabaho sa opisina kaya hindi siya makaalis-alis. Nagkakasya na lang siya sa gabi-gabing video call sa mag-ina niya. Nakokonsensiya na nga siya dahil panay ang tanong ni Lemuel kung kailan siya dadalaw sa kanila. Hindi niya masagot ito nang diretso dahil kahit siya hindi rin sigurado kung kaila

