Chapter 37 - Persistence Paid Off

3281 Words

DALA ni Jak ang blueberry cheese cake nang dalawin niya sina Lyla at Lemuel. Iyon ang pinabili sa kanya ng asawa noong nakaraang araw para raw kay Nanay Cora na magbi-birthday. Ipinarada ni Jak ang kanyang sasakyan sa harap ng bahay ni Nanay Cora. Paglabas niya ay agad niyang binuksan ang ppinto sa backseat. Inilabas niya roon ang dala niyang cake. Pagkatapos lumapit na siya sa pintuan ng bahay at kumatok. Nakailang katok na siya pero wala pa ring nagbubukas. Ngunit may naririnig naman siyang ingay. Baka busy ang mga tao sa loob dahil birthday ni Nanay Cora. Marahil may mga bisita ito. Kinapa ni Jak ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon niya. Eksaktong mailabas niya ito nang biglang bumukas ang pinto. Sumungaw doon si Lemuel. “Hey, baby!” bati nya rito sabay yuko sa kanyang anak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD