“BAKIT mo kinakausap ang taong iyon?” tanong ni Lyla kay Lemuel. Nakaalis na sila sa mismong reception. Nasa elevator na sila at pabalik na sa kanilang kuwarto. Balak ni Lyla na kunin lang ang kanilang gamit tapos aalis na sila. Ang una niyang plano ay sasama silang mag-ina sa bahay ng mag-asawa pagkatapos ng kasal. Doon muna sila pansamantalang titira habang naghahanap sila ng doktor na titingin sa kalagayan ni Lemuel. Saka na lang silang uuwi ng Baler kapag naipa-check up na niya ang anak. Kaya lang kinabahan siya ng husto nang makita si Jak na kausap si Lemuel. Baka maghinala ito sa bata. Naisip niyang mas mabuti nang umalis na lang sila. Ayaw niyang magkita sila ni jak. Hindi niya alam kung paano makikipag-usap rito at kung ano ang sasabihin kapag tinanong siya nito tungkol kay Lemu

