PATAMAD na tumayo si Jak mula sa kanyang swivel chair nang pumatak ang alas-sais ng gabi. Kung hindi lang sa meeting na pupuntahan niya, dapat sa oras na ito ay papunta na siya sa eskuwelahan para sunduin si Lyla. Halos gabi-gabi naman niya iyon ginagawa magmula nang pumasok sa university ang asawa niya. Kung tutuusin puwede sana siyang tumanggi dahil may driver naman na puwedeng sumundo kay Lyla. Pero hindi siya tumanggi nang unang sabihin iyon ng mama niya. Aaminin niya sa sariling hindi niya kayang makita o isipin man lang na ibang lalaki ang maghahatid o susundo sa asawa niya. Napaaway na nga siya minsan dahil dito. Bagaman, may mga araw talaga na hindi niya masusundo ang asawa niya tulad ngayon pero hangga’t maaari gusto niyang sabay silang umuwi ng kanyang asawa. “Sir, nasa confer

