ILANG MINUTO pang nakatitig si Lyla kay Jak bago niya naisip na tumayo. Lalabas muna siya. Eksaktong pagtayo niya ay biglang umilaw ang cellphone ng asawa niya na nakalapag lang sa tabi ng higaan nito. Kasunod nito ay gumalaw ang cellphone. Nagba-vibrate ang cellphone ng asawa niya. Lumipat siya sa kabilang gilid ng kama at balak sana niyang damputin ang cellphone. Ngunit napahinto siya nang mabasa ang pangalan sa caller ID. Honey Ko, iyon ang naka-flash sa screen. Ilang segundong hindi kumukurap ang mga mata ni Lyla. Sino siya? Babae ni Jak? s**t! Biglang napaupo si Lyla sa gilid ng kama. Gusto niyang damputin ang cellphone para sagutin ito. Pero ano naman ang sasabihin niya kung babae iyon ni Jak? Puwede ba siyang magalit dito? Puwede ba niya itong awayin? Wala ba itong idea na may

