ALAS-NUEVE na ng gabi pero wala pa rin si Jak. Mula nang ikasal sila, ngayon lang nangyari ito. Maaga itong umuuwi kaya nga nasusundo pa siya nito sa school. Pero ngayon, gabi na wala pa rin ito. Nasa opisina pa ba ang asawa niya? Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nag-aalala siya kay Jak gayong wala naman itong concern sa kanya. Dapat hayaan na lang niya ito. Tutal matanda na ito at alam na nito ang ginagawa. Nagpasya siyang matulog na lang. Wala siyang pasok bukas dahil Sabado. Pero kailangan pa rin niyang magpahinga. Nakakapagod pala ang mag-aral kapag ganitong may asawa na. Bukod sa mga alalahanin niya sa school, hindi niya maiwasang problemahin ang asawa niya katulad ngayon. Sa kalaliman ng gabi, nagising si Lyla dahil naiihi siya. Wala pa rin si Jak. Nang silipin niya a

