NAGPAHATID si Lyla sa bahay nila nang makasakay siya ng taxi. Gulat na gulat si Yaya Cora nang makita siya. “Mahabaging Diyos! Gabing-gabi na, iha. Naglayas ka ba at may dala ka pang maleta?” usisa nito nang kunin sa kanya ang kanyang dala. “Hindi po ako lumayas, yaya. Umalis na po ako roon. Naghiwalay na kami ng asawa ko,” paliwanag ni Lyla. “Ano bang sinasabi mong bata ka, ha? Nagbibiro ka ba?” “Hindi po, yaya. Totoong naghiwalay na kami ni Jak kaya nga umuwi na ako rito. Hindi na ako puwedeng tumira pa sa bahay nila.” Napailing-iling si Yaya Cora sa sinabi ni Lyla. “Ano ba ang nangyayari sa inyong magkapatid? Noong isang linggo lang, nandito si Stella. Tinakasan ang asawa niya dahil sa takot. Tapos kinabukasan nagmamadali silang umalis ng Tita Inez mo.” Napakurap ng ilang beses

