"Ei??" Ang namutawi sa labi ni Ismael, nang makita ang kaibigang si Sylven sa loob ng kanilang private room sa Secret Haven Bar na kanilang pagmamay-ari. Oo. Tama. Si Sylven. Ang kaibigan niyang dapat ay nasa kulongan, ay nasa harapan niya ngayon. "Tangina ano ang ginagawa mo rito?" Bulalas niya pagkatapos makipagfist bump rito. "Bakit, masama?" Nakataas ang isang kilay nitong wika, may hawak pang bote ng beer sa kaliwang kamay. "Hindi," Napapantastikohan niyangsagot at naupo sa bakanteng sofang nasa harapan nito. "Tumakas ka bang tangina ka?" Mangha at natatawa niya pang wika. "Hindi ah," Mariin nitong pagtanggi, umiling pang bahagya. "Bakit naman ako tatakas? Masama 'yon," Anito, may mapaglarong ngisi sa labi na kaniya namang kinailing. "Ano na naman ang pumasok diyan sa kokote

