Chapter 12

3008 Words
Confrontation Tahimik siyang pumasok sa kusina. Nadatnan niya sa loob ang tatay niya at kapatid na nagkakape. "Oh, gising ka na." nakangiting kumaway ang papa niya at itinuro ang katabing upuan. “Morning.” red greeted. Tahimik na tinungo niya iyon. Dalawang araw na ang nakalipas mula nung mangyari ang aksidente. Hindi siya hinayaan ng mama niya na pumasok at magtrabaho na sa Ukitan. Ayon pa sa mga ito sila na ang bahalang kakausap sa matandang Monteagudo. Wala siyang ginawa kundi ang magmukmok sa silid. Natatakot siyang lumabas. "Si mama ho?" "Lumabas at bumili ng pandesal sa kanto." nilingon nito si Pula "Sunduin mo na nga yun Pula. Sabihin mo, naubos ko na tong kape ko di pa siya dumarating." Tumayo ang kapatid niya at sinunod ang utos ng papa nila. Pinanood niya kung paano siya timplahan ng gatas ng gatas ng ama. "May..." lumingon ito sa kaniya. “Hmm?” "May balita na ho ba kayo kay C-cindy?" Mukhang ineexpect na ng Papa niya na itatanong niya ang bagay na iyon. "Okay na siya. Dinig ko nagising na siya at nagpapahinga sa hospital. Wag ka mag-alala pa. Hmm?" tinapik nito ang ulo niya saka tumayo para dalhin ang baso sa lababo. Ilang minuto siyang tumahimik. "Papa." Nilingon siya nito. “Bakit?” "Naniniwala po ba kayong ginawa ko yun sa kaniya?" Bumuntung-hininga ito. "Azul, anak ka namin. Kung may tao mang mas naniniwala at nakakakilala sayo, kami iyon. Saksi kami kung paano ka lumaki ng maayos. Alam naming hindi mo magagawang manakit. Naniniwala kami sa iyo." Gusto niyang maiyak. Iyon ang nga salitang gusto niyang marinig kahapon pa. "Pero n-nagawa ko na po..." "Azul, hindi mo kelangang akuin ang kasalanang hindi mo naman ginawa. Sige, sabihin nating ginawa mo nga yun, pero alam kong may mabigat kang rason." “Wag ka nang mag-alala pa. Iniimbestigahan na ang nangyari.” "Pa, Papa!" Sabay silang napalingon ng marinig ang sigaw ng kapatid niya sa labas ng bahay nila. Nakakaalarma ang tinig nito. "Pula? Bakit ka sumisigaw?" "Si Mama ho kasi! Nandoon at nakikipag-away sa kanto." Nanlaki ang mga mata niya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakipag-away ang mama niya. "Ano?! Aba bakit naman daw?" Dahil ba... Nagtama ang tingin nila ni Pula. Kahit hindi nito sabihin, alam na niya agad ang rason. Dahil sa kaniya. Dahil sa kaniya na naman. "Halika na nga lang at puntahan na natin!" “Sige po.” “Dumito ka na muna, Azul. Kami nang pulunta.” She shooked her head. “Sasama po ako.” Concerned was written onto her fathers face. “Sigurado ka ba?” She nodded. “Opo.” she muttered. “O'sige na nga! Tara na.” Sumunod siya sa mga ito. Mabilis na narating nila ang tindahan malapit sa bakery na siyang binilhan ng Mama niya. Malayo pa lang ay kita na nila ang kumpulan ng tao sa di kalayuan. "Papatayin kitang babae ka! Ang lakas ng loob mong ichismis ang anak ko sa harap ko mismo! Akala mo ba hindi kita papatulang chismosa ka! Ha!" Nakarinig sila ng pagtili mula sa mga tao. Napabilis sila ng takbo natatanaw na niya ang mama niya na hawak ng ilan nilang kapitbahay at tila inaawat. May supot na nasa lupa na. "Yang anak mo ang makapal ang mukha! Walang utang na loob sa mga Monteagudo at nakuhang saktan ang nobya ni Seniorito! Pasalamat na lang siya at mabait si Maam Cindy at hindi siya sinampahan ng kaso kung hindi sa kulungan yang bagsak ng anak mo! Pwe!" "Hinding hindi makukulong ang anak ko dahil una pa lang wala naman siyang kasalanan! Yang matabil mong dila ang atupagin mo dahil hindi ako natatakot na makulong maputol lang yan! Wag mo kong sinusubukan!" "Kung makapagsabi ka ng utang na loob bakit, ikaw ba nagpapakain sa pamilya namin?!" "Amelia! Tama na yan." Pigil ng papa niya sa ina ng tuluyan nilang narating ang lugar. Umani ng bulong bulungan ang paligid ng makita sila ng mga tao doon. May ibang nakuha siyang irapan at ang iba ay hinagod siya ng tingin. "Ayan na yung tumulak." "Hindi ba siya nahihiya? Nang dahil sa kaniya nakipag-away ang nanay niya." Napakuyom ang palad niya sa mga naririnig. Parang pinipiga ang dibdib niya habang nakikita ang mama niyang nakikipagsagutan sa babae. "Kawawa naman sina Aling Amelia." "Yang chismosang yan kasi pinapahigh blood ako!" "Aba, hindi lang ako ang nagtsi-tsismis sa inyo! Marami! Alam niyo ba ang kumakalat sa bayan?" Napaatras siya ng titigan siya ng babae. "Yang anak niyo may gusto kay Seniorito Nyxx! At nung nalaman nung anak ni attorney pinagsabihan siya, hayun at nagalit! Tinulak yung kawawang babae para maaksidente para makuha niya si Seniorito!" idinuro duro siya nito. Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Hindi iyon totoo! Sino ang nagpakalat ng chismis na yun? Oo may gusto siya sa lalake pero hindi aabot sa puntong mananakit siya. "H-Hindi ho yan totoo!" pagtatanggol niya sa sarili. Lumingon siya sa mga tao at tila bumalik siya sa nangyari nung panahon ng aksidente. Ganung mga mukha din ang pinakita ng lahat sa kaniya. Hindi sila naniniwala. “Anak...” Bakit ang bilis nilang humusga? Napakuyom siya ng kamao at pumihit. Hindi pwedeng ganito. Hindi lang siya ang nasisira kundi ang dignidad ng pamilya nila. Inosente siya at iyon ang totoo. Tapos na siyang umiyak, oras na para itama ang lahat. Umani na naman ng bulong bulongan dahil sa pagtalikod niya. "Azul, anak! Saan ka pupunta?" “Babalik din po ako.” “Ate.” Pupuntahan niya ang taong makakapagsabi na wala talaga siyang kasalanan. Ang puno't dulo ng lahat ng ito. Si Cindy. NYXX POV Nasa malalim siyang pag-iisip ng may tumapik sa balikat niya. Itinagilid niya ang ulo at nakita ang kaibigang si Enrico na may nakapaskil na ngisi sa mukha. Nasa bahagi siya ng ransyo nila kung saan mapagmamasdan mo ang mga kabayo di kalayuan.Kinukundisyon ang mga iyon dahil malapit na ang paparating na laban. Pinaplano ng pinsan niyang si Huge na isabak ang mga ito sa paligsahan sa susunod na linggo. "Man, look at you!" hinila nito ang upuang nasa harap niya at doon kumportableng umupo. "I'm not in the mood Enrico." bumuga siya ng hangin at ibinuhos ang huling laman ng alak sa baso niya. Hindi niya alam kung paano siya nito nahanap gayong wala naman siyang sinabihan ng destinasyon. May naglapag ng baso at inumin sa harap niya kaya nagsalubong agad ang kilay niya. "What are you two doing here? Paani niyo ko nahanap?" tanong niya ng makita ang pinsang si Kaius. "I heard someone's in trouble." pagpaparinig ng pinsan niya. “Big trouble.” "Akala ko ba wala kang nilalandi ngayon dahil pinapafocus ka ni Lolo mo sa Ukitan? Ngayon mababalitaan ko na lang na girlfriend mo yung anak ni Attorney?" Iniakbay nito ang isang braso sa sandalan ng upuan. "Hindi ko siya girlfriend." "Huh? Pero iyon ang rinig ko. Mali ba ang source ko?" pinanood niya kung paano nito tapunan ng tingin si Kaius ng may pagtatanong sa mukha. "Yun din ang rinig ko. Nakikita kayong palaging magkasama nitong nakaraang buwan. Kaya siguro naging usap-usapan na kayo na nga." He sighed. Siguro oras na para sabihin niya ang totoo. "Remember the land that my father want?" "Iyong pagmamay-ari ng mga Santos?" "Teka, yan ba yung lupa na ibinebenta sa bayan?" Tumango siya. "Gusto ni Papa na bilhin yun at magpatayo ng shop ng Ukitan sa bayan. Maganda yung pwesto at malaki din. Best spot for our business. Pero hindi namin makuha kuha dahil nakabuntot si Hermes Montalban. Ayaw patalo, he offered additional digits para lang mapunta sa kaniya ang lupa." "And how does it concern the Dela Quesa? Magkamag-anak ba sila ng mga Santos?" "No, pero ang papa ni Cindy ang attorney ng mga Santos. Nasa Manila na ang buong pamilya ng mga ito at sa kaniya iniwan ang karapatan sa lupa para ipagbili. My father did some investigation at napag-alaman niyang naging kaklase ko ang nag-iisang anak nito and that, she likes me." "So, you used her para mapalapit sa ama nito at makuha ang lupa?" diretsang tanong ni Enrico. "I did not used her. What I did was to play along." Yun ang totoo. Nung magkita sila ni Atty Dela Quesa kasama nito ang anak na babae at tahasan nitong sinabi sa ama ang pagkakagusto nito sa kaniya at doon na nagsimula ang lahat. Sumabay lang naman siya sa agos ng tubig. “Bakit hindi mo agad pinutol ang ugnayan mo sa kaniya?” “Gagawin ko na, okay? Pero nangyari to.” "Did you got the land?" Tumango siya. Nagsi-ngisihan ang dalawa at nagbungguan ng mga baso bago nilagok ang inumin. “Yun naman pala e.” "But what happened the other day was unexpected." "Kaya gusto ko lang maglaro e. Ayokong mangyari ang ganung pangyayari sa akin. Yung mga babae kasi ngayon nagparamdam ka lang ng espesyal sa kanila, hindi ka na nila titigilan. They'll become clingy as f**k and later on act like they owned you. Nakakairita yung ganun." Enrico Hindi niya alam kung may pinaghuhugutan tong isang to pero hindi na lamang niya pinansin. "Kinausap mo na si Azul?" Hindi niya natuloy ang pag-inom sa baso ng banggitin nito ang pangalan ng babae. Dalawang gabi siyang hindi pinatulog ng babae. Nagalit siya dito at naguilty din ng malamang hindi talaga nito tinulak si Cindy. Iyon ang lumabas sa imbistigasyon ng mga pulis ng ipakita nito sa kanila ang kopya ng CCTV camera sa Ukitan. Nasigawan niya ito. Dumagdag pa ang pag-amin nito sa kaniya bago mangyari ang aksidente. Gulong-gulo yung utak niya nung oras na iyon. He can't think straight. “No.” "Tingin ko kelangan mo siyang kausapin. Isipin mo na lang ang natamo niyang trauma dahil sa nangyari." "Oo nga. Para na rin maging maayos na kayo." “And your business. Binabaliwala mo na naman. Grandpa might scold you again.” "But how? I'm afraid she might turn me down. May nasabi akong—" he sighed. Madali lang para sa kanilang sabihin. Hindi niya alam paano haharapin si Azul dahil sa mga nasabi niya sa babae nun. "Ano ka ba, mahal ka nun patatawarin ka kaagad nun." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Enrico. "H-How did you know?" gulat niyang tanong niya. "Na ano? Na mahal ka niya?” He nodded. “What the f**k Nyxx! Bobo na lang ang hindi malalaman yun. Wag mo sabihin ngayon mo lang nalaman na may gusto siya sayo?" hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan niya. Dumako ang tingin niya kay Kaius. Tumango ito. Alam din nito? "Umamin siya dati nung lasing siya na gusto niya ako. Then, she confessed that she love me hours before the accident happened." bulong niya. "Seryoso? Nyxx, nung high school pa lang ata alam na ng lahat na may gusto si Azul sayo. Paanong hindi mo napansin? She's been doing your projects. Hindi siya nagrereklamo pag sinasabi mong siya ang partner mo pag may activities noon sa school. Kahit wala ka naman talagang ambag kundi pagtulog nasa dulo parin ang pangalan mo sa report ninyo.” Enrico summarize all her efforts. “Pinagtatakpan ka niya sa magulang mo pagnagtatanong ang mga ito kung nag-aaral ba tayo ng mabuti. Hindi niya nakakalimutang isulat ang pangalan mo sa tuwing wala yung teacher natin at attendance lang ang kinukuha. Saka hindi ka ba nagtataka kung bakit mas pinili niyang magtrabaho sa ransyo kaysa sa bayan o Maynila na kung titiisin mas madaming oportunidad ang nandoon. Mas malaking sweldo. But she chose to stay here because of you." Hindi niya alam ang sasabihin. Tila nagflashback sa kaniya ang mga nangyari noon. Ang mga ginagawa ng babae sa kaniya. "Nyxx, gising ka na pala." Kumurap siya ng makita ang babae na nakatayo sa tabi ng couch. Kipkip nito ang libro sa dibdib at malaki ang ngiti sa kaniya. "I'm sorry, natulog ako." ang huli niyang naaalala ay may dinidiscuss si Azul sa kaniya tungkol sa report nila na sila ang magkapareha pero dahil sa pagkabored, tinulugan niya ito. "Okay lang. Madali lang naman. Uuwi na nga pala ako. Uhh, nandyan na yung kopya mo ng report nagprint na ako ng kopya mo mas okay kasi na hard copy. I also wrote the possible questions that our teacher might ask tomorrow. Ireview mo na lang kung gusto mo." "Nyxx! Saan ba kayo nagpunta? Dumaan yung mama mo kanina. Hinahanap ka. Baka daw naglalakwatsa kayo ni Enrico at Hugo. Pero wag ka mag-alala ginawan ko na ng paraan. Sinabi kong inutusan ko kayong bumili ng art materials para sa activity natin kaya wag ka ng mag-alala pa." "Natatakot kasi akong mag-isa pag nasa manila na. Baka mawala ako at hindi na makauwi dito sa atin kaya napagdesisyunan kong dito na lang sa ransyo niyo magtrabaho. Malaki din naman ang offer ni Don Niccolo kaya tinanggap ko na!" Paano niya hindi napansin ang lahat ng iyon? Ang nararamdaman ng babae? "... at sa tingin ko naman gusto mo rin siya." Napaawang ang bibig niya. "Paano mo naman nasabi?" "Naaalala mo yung hiningan ko ng number si Azul? Bigla kang nagsusungit, dude. Pinaalis mo ako agad. That's the first time I saw you being posessive on someone." "Hindi mo kasi pinagtutuunan ng pansin yung nararamdaman mo. Kaya buong akala mo normal lang pero hindi mo alam iba na pala yun. It might be love, nyxx." CINDY POV Lakas loob na kumatok siya sa pintuan ng kwarto kung saan nagpapagaling si Cindy. Nang pinihit niya ang seradura ay naunahan siya ng kung sino sa loob. Nagtagpo ang tingin nila ng may abuhing pares ng mga mata. Hindi niya ito kilala. "U-Uh..." pasimple niyang sinulyapan ang room number. Tama naman. Naitikom niya ang bibig ng lagpasan siya ng lalaki. Napasunod na lamang siya ng tingin. He looked rough. "At anong ginagawa mo dito?" napabalik siya sa kasalukuyan ng marinig ang boses ng babae sa loob. Nakataas ang kilay nito, hindi din nakaligtas sa kaniya ang benda nito sa noo at braso. Her eyes is red. Other than that, wala na siyang makitang iba pang malalang sugat sa katawan nito. Tahimik ang kwarto at wala itong kasama nakasandal ito sa headrest ng kama at diretsong pinapanood ang paggalaw niya. "What? Masaya ka bang makita ako na nasa ganitong sitwasyon?" Sinara niya ang pinto. "Gusto ko mang magsaya, taliwas naman yun sa nararamdaman ko sa ngayon." Humalakhak ito. "Talaga lang a?" "Bakit hindi mo yan itanong sa sarili mo? Masaya ka ba sa ginawa mo? Sinaktan mo ang sarili mo, para saan? Para sa pag-ibig? Para kay Nyxx?" "It's your damn fault!" mariing sabi ng babae. "Sabihin mo nga sakin, paano ko naging kasalanan Cindy? Paano!Hindi ko alam kung plano mo ba to o ano, pero sana alam mo na hindi lang ako yung nadidiin dito. Pati na ang pamilya ko naaapektuhan. Wala naman akong kasalanan pero dahil sa ginawa mo, napupunta lahat sa akin ang bintang!" "It's your fault! You made me do this! Akala mo ba hindi ko nakita at narinig yung pag-amin mo sa harap ni Nyxx kahapon? I was there. I was watching you!" Natigilan siya. "How dare you confessed your feelings to Nyxx. You know we had a thing! Sa akin na siya Azul e, sa akin na! Bakit pilit mo pa ring sinisiksik yung sarili mo? Why can't you just stay away and find another guy? Yung mamahalin ka pabalik." Her lips quivered. "H-Hindi ganun kadali yun, Cindy." "It is! Ayaw mo lang gawin, kaya sinasabi mong hindi yun ganun kadali! Natago mo yung nararamdaman mo ng ilang taon, kaya mo rin yung gawin ulit." Umiling siya. To her surprise Cindy starts kneeling in the bed. "I'm begging you Azul. Please, let go of him." hilam ng luha ang mga mata nito. Tila sirang plaka na nagpaulit-ulit iyon sa kaniyang pandinig. "Cindy..." "Pakiusap, hayaan mo kaming maging masaya." hikbi nito. Pero paano siya? Paano ang nararamdaman niya? Gusto niya ring maging selfish at ipaglaban ang nararamdaman pero anong laban nung pag-ibig niya na una pa lang siya lang naman talaga ang nagmamahal. "Hija, we have good new-" Nabitin ang sasabihin ng isang ginang na papasok ng makita ang pwesto nilang dalawa. "Mommy..." Cimdy's mother glared at her. "What the hell is this?! Ang kapal ng mukha mong paluhurin ang anak ko!" singhal ng magandang ginang sa kaniya matapos nito siyang itulak at mabilis na pinatayo ang anak. Gusot ang mukha nito at ang sama ng tingin sa kaniya. "Hon? Anong nangyayari?" it was her father Atty. Dela Quesa. Sa pormal pa lang nitong pananamit at tindig nakasunod dito ang hindi niya ineexpect na makikita sa lugar na iyon. "Don Niccolo..." “Azul?” “Paano nakapasok yang babae na yan dito?” “Did she do something to you?” she checked Cindys body. "Inayos na ng pulis ang lahat. Wag ka ng mag-alala pa. Hindi na mapag-uusapan ang bagay na iyon sa buong ransyo. Sinisiguro ko iyon." Iyon ang sinigurado ng matanda matapos niyang sabihin ang nangyaring pakikipag-away ng mama niya. "Salamat ho." Nang madatnan siya nito sa loob kanina ay agad na kinausap ng matanda ang mag-asawa kung kaya naging maayos ang pag-uusap nila hanggang sa makalabas sila doon. "Siguradong nag-aalala na ang mga magulang mo dahil sa biglaan mong pag-alis. Mabuti pa't umuwi ka na at magpahinga." Ngumiti ang matanda sa kaniya bago sinenyasan ang bodyguard. Paalis na sana ito nang muli niya iton tawagin. Nilingon siya nito ng may pagtataka sa mga mata. "Gusto ko na pong umalis." "Umalis saan, iha?" Nagpakawala siya ng hangin. "Sa Ukitan po. Gusto ko na pong umalis sa Ukitan." Walang gulat na rumehistro sa mukha ng matanda. Mas nagulat pa nga siya ng ngumiti ito at tumango. "Alam ko nang mangyayari ito." "Po?" anong ibig nitong sabihin? "Mabuti at nakausap ko kanina si Kaius. Simula sa Lunes, pansamantalang sa Distillery ka na muna magtatrabaho. Nakausap ko na ang apo ko siya na ang bahala sa iyo." "P-Pero Don Niccolo!" He tap her shoulder. "Trust me, Azul. It will be fine." Naiwan siyang nakatanaw sa likuran ng matanda. Ano ba talaga ang gustong mangyari nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD