"Azul, iwan mo na yan kay Via parating na daw yung mga graduating." imporma ni Wendel sa kaniya na lumabas mula sa loob ng opisina sa winery.
Tinawag niya si Via na siyang huminto sa pagkausap sa isang lalake na dumayo pa para tikman ang wine nila. “Lalabas na kami. Nandyan na yung mga bata.”
"Sige. Goodluck! Ako nang bahala." nginitian niya ang babae.
Medyo kinakabahan pa siya dahil ito ang una niyang pagkakataon na hati sila ni Wendel sa discussion ng pagtu-tour.
Isang linggo na ang nakalipas mula nung mangyari na sabihan siya ni Don Niccolo na sa Distillery na muna siya magtatrabaho at heto nga siya ngayon under supervision ni Kaius Monteagudo isa sa pinsan ni Nyxx.
Malaki ang Distillery na minamanage ni Kaius at mas pinili nitong ilagay siya sa winery dahil mabibigat ang trabaho sa loob ng warehouse kung saan ginagawa ang mga alak. Kelangan may mga kaalaman lang ang nasa loob para makaiwas sa pagkakamali.
Naalala niya nung unang araw niya ay inilibot siya nito sa lugar para mafamiliarize niya ito dahil magiging assistant tour guide siya ni Wendelyn. So far, maayos naman niyang nagagawa ang trabaho.
"May ganun pala dito?" hindi siya nadadalaw sa bahaging iyon ng ransyo dati.
"Oo. Malaki na ang distillery at nagiging maingay na rin sa labas ng bayan kaya may iilang eskwelahan na nagpupunta dito para magtour. Pero yung winery lang ang binubuksan namin para sa lahat."
"Wow."
Napapahanga siya sa mga nakikita. Ang lalaki ng mga machine na nasa loob ng building para sa pagprocess ng mga inumin. Mas namangha siya ng dalhin siya nito sa fermentation area kanina. Ang ganda kasing tingnan ang mga nakahanay na barrels na may lamang alak.
Bumuntung-hininga siya. Pang opisina lang talaga ata siya. Hindi siya sanay na magsasalita sa harap ng marami. Unlike sa Ukitan, iisa o dadalawa lang ang nakakausap niya pag nagtatransact ng negosyo. Hindi sabayan.
"Wag kang kabahan."
Tinapik siya ni Wendel sa balikat bago ibinalik ang tingin sa harapan. Inaantay nila ang pagdating ng mga estudyanteng ito-tour nila.
"Wendel."
Sabay silang napalingon nang marinig ang boses ni Seniorito Kaius sa gilid nila. Rumihestro ang gulat sa mga mata niya ng makilala ang kasama nito.
Walang iba kundi si Nyxx!
Nakabaling ang tingin ng lalake sa paligid wari'y ina-apreciate ang mga building na nandoon kaya hindi agad nagtama ang tingin nila.
Na siyang pinagpasalamat niya.
Anong ginagawa niya dito? Ang layo ng Ukitan paanong napadpad siya dito?
Actually, ito ang una ulit nilang pagkikita matapos ang aksidente. Minsan niyang narinig mula sa mga magulag ang pangu-ngumusta nito sa kaniya. Pero kunwari wala lang siyang narinig.
"Seniorito Kaius!"
Nyxx coughed.
Nalipat ang tingin ni Wendel dito. Para saan yung ubo? para magpapansin? Tss. He's with Kaius, The bird with the same feather flocks together nga naman.
"Uh, magandang umaga ho, uhm seniorito Nyxx." bati ni Wendel yumuko na lamang siya para pagbati.
“Morning.”
"Pag dumating na ang mga estudyante Wendel, idiretso mo na lang sila sa ubasan. Magandang mauna kayo doon. They're currently harvesting."
Tumango sila. “Sige po seniorito.”
"Goodluck. Lalo na sayo , Azul." baling nito sa kaniya.
Nag-angat siya ng tingin dito. Nakangiti ito kaya agad na ngumite siya pabalik kahit na ramdam niya ang paginginig ng gilid ng kaniyang labi.
Nyxx presence is disturbing and intimidating. Ramdam niya ang mariin nitong tingin sa kaniya.
"Gagawin ko ang makakaya ko."
Eksaheradang tumikhim ulit si Nyxx kaya napatingin na sila ditong tatlo. Anong problema nito? Hindi naman ito mukhang may sakit. Kung may sakit naman ito, he should rest at hindi nagpakalat kalat sa kung saan.
"Man, ano bang ginagawa mo dito? I need to work. Para kang asong tahol ng tahol diyan."
Hindi lingid sa kaalaman niya ang pagiging playboy ni Kaius pero sa isang linggong nakasama niya ito, ibang iba ito pag trabaho na ang usapan. He become serious hindi mo akalaing sa loob ang kulo minsan lalo pa pag kasama nito si Enrico at Nyxx.
"I'm here to get something that shouldn't be here." seryoso nitong sabi.
Damn it. he's looking at her.
A sudden familiar feeling crept into her veins. Nag-umpisang magkagulo ang mga paru-paro sa tiyan niya. Tila nabuhay ang kung ano sa loob niya na pilit niyang kinakalimutan.
"Anong something yan? Baka kamo someone?"
Sinulyapan siya ni Kaius. She blushed. Feeling na kung feeling.
Tumigil ka, Azul. He's not referring to you! Tama na. Kaya ka nga nandito diba? Para layuan siya. Sila ni Cindy.
Nang maalala niya ang nangyari ay naging seryoso ang kaniyang mukha.
"Hindi mo kasi iniingatan." dugtong ni Kaius.
Clueless si Wendel sa pinagsasabi ng mga ito bakas iyon sa pagmumukha ng babae.
"Tingin ko sila na yun." agaw niya sa atensyon ng lahat. Itinuro niya ang van na parating.
"Great. Sa opisina lang ako. Tawagan mo ko pag may problema o kailangan kayo."
"Ikaw? Saan ka?" pinagtaasan nito ng kilay si Nyxx.
"I'll stay here. Dadalawin ko ang mga tauhan natin sa ubasan. It's been a while."
Humalakhak si Kaius sa sinabi ng pinsan. Wendel and I exchange glances. Kumibit-balikat ito.
"Wow. Dami mong oras a. Pero ikaw bahala." tinapik nito sa balikat ang lalake.
"Damn, you're whipped man." pailing-iling at nakangising sabi nito bago sila talikuran.
"I should've asked grandpa to give me some vacation too."
Anong tingin-tingin mo? tusukin ko mata mo e.
Aniya sa isip. Pasimpleng inirapan niya ito ng mapag-isa sila. Lumayo kasi si Wendel para salubungin ang sasakyan na lulan ng mga estudyante.
"All grapes are harvest by hand then each box are collected."
Pinagmasdan niya ang reaksyon ng mga estudyante. Bakas ang excitement at paghanga sa mga mata ng mga ito ng dalhin nila ang mga ito sa three point eight hectares na lupaing pinagtataniman lang ng ubas.
Kasalukuyang nagha-harvest ang mga tauhan ng mga Monteagudo doon at pinapakita niya iyon sa mga estudyante.
Si Wendel na ang nagwelcome sa mga ito kanina. Si Nyxx? Hindi na niya alam kung nasaan. Sumunod ito sa kanila kanina pero hindi na niya ito nakita matapos marating ang ubasan. Huling kita niya ay kausap nito ang isang matandang nandoon.
"Wow. Puro ubas lang ba ang nandito Miss?" tanong sa kaniya ng nakasumbrerong lalake na nasa edad bente uno siguro.
Umiling siya. "Hindi. Pero nasa bahaging ito lang ang ubasan. May mais, tubuhan, manggahan at iba pang produkto ang nandito sa ransyo pero dahil sa red wine tayo nakafocus, dito namin kayo dinala."
"Hindi ko akalaing ang laki pala ng lupain ng mga Monteagudo."
"Pagkatapos nitong maharvest? Inaapakan ba to para makaproduce ng juice?"
Natawa siya sa tanong ng babae.
"Siraulo. Nakukuha mo yan kakanood nung palabas sa tv."
Nagtawanan ang lahat sa sinabi nito.
"The grapes are taken for processing. Isinasakay yang mga yan sa truck at dinadala sa winery. Tulad nung truck na yun."
Itinuro niya ang truck kung saan may mga nagbubuhat na kalalakihan at kinakarga doon ang mga box.
"Omg! tingnan mo yung bumubuhat! Ang lalaki ng muscle ang sarap naman niyan!"
Medyo nagkagulo ang mga babae at nagtulakan para tingnan ang nasa truck. "Paki sabi kay Professor, pwede niya akong iwan dito. Ohlala ang gwapo!" nagtilian ang iba.
"Anong meron?"
"Ay, jusko. Si Sir Nyxx pala! Naku pag araw-araw ganito nakakainspire magtrabaho Azul!" nahawaan na ata si Wendel sa mga estudyante.
Nangunot ang noo niya ng marinig ang pangalan ni Nyxx. Siya na naman?
Nakisilip siya. Napa-awang ang bibig niya sa nakita. Kaya naman pala nagtitili ang mga ito kasi nakahubad baro ang lalaki! He's damn flexing his muscle and abs infront of everyone! Ang landi.
Nag-aya pa ito ng kasama, hindi niya alam bakit puro binata ata ang nag-aalsa ng mga box at nakahubad pa! Uniform ah. Lahat may ipagmamalaki, ngunit mas nangingibabaw ang lalake.
Mataas ang araw at nangingintab ang katawan ng mga ito sa pawis. Napakaga't labi siya. Pabalik na si Nyxx at dadaan ito sa gilid nila kaya lalong lumakas ang tilian.
"Hi, kuya. Kaya pala masasarap ang grapes niyo. Alam na namin ang sekreto." napataas siya ng kilay sa sinabi ng estudyanteng may pinakamalakas tumili kanina.
"Talaga? Sana nag-enjoy kayo." ang laki ng ngiting sagot ni Nyxx dito. Bakit, bakit hindi siya nagsusungit?!
Hindi. Gumising ka Azul!
"Ang landi talaga."
"Huh? Sino?" nilingon siya ni Wendel.
"Yung isa. Kaya pala nandito yan alam niya atang may dadating na mga estudyante. Nagpapasikat, buti at wala si Enrico." Iling niya. Ano pa bang aasahan niya?
Kita niya ang panlalaki ng mata ni Wendel sa sinabi niya. "Nakalimutan kong magkatrabaho nga pala kayo sa Ukitan."
Tumango siya.
"Lagi ba siyang ganyan? Ang swerte mo naman!"
"Seniorito, kami na ho ang magbubuhat ng huling box." paalam ng isang tauhan sa kay Nyxx na wala atang balak huminto kakakausap sa babaeng estudyante.
Ano, magto-tour pa ba sila?
"Seniorito? You're the boss here?"
"Kaya pala iba yung aura mo! Hi. Ako nga pala si Victoria. You are?"
"Naku! Teka lang girls."
Humarang na si Wendel sa harap ni Nyxx na siyang enjoy na enjoy ata sa atensyon na nakukuha. Lumabas din ang kulay nito.
"Kumalma muna kayo at wag niyo munang sunggaban. Pinapaalala ko lang na tour yung sadya natin dito okay. Mas mabuting wag na muna natin abalahin siya." komento nung isang babae na kanina pa sumasaway sa mga kasama.
Tama.
"Oo nga. Para kayong uhaw sa abs. Willing naman kaming pakitaan kayo. Magsabi lang kayo." Ani naman ng isang lalaki.
Umaksyon itong itataas ang tshirt pero mabilis na binato ito ng mga babae ng ubas na pinasubok nila kanina sa mga ito. Minura naman ito ng mga lalakeng kasama.
"Okay, tama na. Ako na magpapakilala." kuha ni Wendy sa atensyon ng lahat.
"Heto nga pala si Seniorito Nyxx. Isa sa mga apo ni Don Niccolo Monteagudo ang may- ari ng buong lupaing kinatatayuan ninyo sa ngayon."
"Hi." Napanguso siya ng marinig ang tono nito ng pagkakabati. Nagtama ang tingin nila ng lalake. Ba't pati ata siya naaakit na sa ngiti nito?
Nagtilian muli. "Marami pala sila!"
"Sana makita at makilala din namin yung iba!"
"Ayos na ba? Balik na tayo dito kay Azul. Wag na nating abalahin si Seniorito."
Sinenyasan siya ng babae. "Tapos na tayo dito. Sa winery na tayo."
Masyado na silang nakakadisturbo sa mga umaani doon. Para na rin makaiwas sa lalake.
"A, next stop natin sa winery. kung saan dinadala ang mga naharvest."
"Ay, aalis na tayo?" someone complained.
Tumango siya saka iminuwestra ang daan paalis. Madadaanan niya si Nyxx dahil nakaharang ito sa daan.
"Aalis na ba kayo?" tanong ni Nyxx
"Obvious ba-"
*cough*
"Opo, seniorito. Sasama ho ba kayo?"
Iniwas niya ang namumulang pisngi ng lingunin siya ni Nyxx. Ang tanga! Akala niya siya ang tinatanong ng lalake. Ngunit para pala iyon sa tauhan na nasa likod niya.
"You okay? May tubig doon sa silong. Pwede kitang ikuha." This time, nakaharap na ito sa kaniya.
Umiling siya at pinaypayan ang sarili. Nasaan ba ang damit nito?
"Okay lang. P-pasensya na."
"Azul." pinigilan siya nito sa braso pero binawi niya iyon at dali-daling tumalikod.
Oo kelangan niya ng tubig. Yung malamig na malamig. Para mahimasmasan siya.
Maingay na tunog ng makina ang sumalubong sa kanila sa winery. Buong akala niya makakatakas na siya kay Nyxx pero sumunod pala ito sa kanila. Sakay ito nung truck na pinaglagyan ng grapes kanina. Kaya hanggang sa winery nandoon ito nakasunod.
"So, after nung kanina, dito namin dinadala yung mga grapes na naharvest. We load them into sorting table."
Tinuro niya ang mga kababaihang nandoon, nakagloves at nakahanay nakaharap sa gumagalaw na machine kung saan nakahimlay ay mga ubas.
"Ano pong ginagawa nila?"
"Tinitingnan nila kung may mga nasasamang bagay tulad ng dahon o iba pa kaya tinatanggal nila iyon."
Tumango tango ang lahat sa sinabi niya.
"And if it's white wine grapes they go straight into the press and process them"
Tinuro ni Wendel ang malaking pahabang bakal na machine na umiikot o press. Pinipiga nun ang mga grapes para makaproduce ng juices na siyang naiipon sa ibaba nun.
"Sa red wine naman, medyo magkaiba siya because we actually crush them and de-stem. Kinukuha yung stem paalis sa mga grapes kasi ayaw namin yun na masama sa wine as it's fermenting.
"We get the flavors and aromas at pag natapos yang ipump dyan, kinukuha yung mga grapes na naiwan and put them again very gently in the press just to get the last bit of juice out of them."
"It look so easy but it need a lot of work." one of the guy commented.
"Yes, tama ka." ani ni Wendel.
"It is fermented in the bottles."
Nag-umpisa silang maglakad papunta sa mga boteng nakahanay at nilalagyan ng mga juice na nakuha kanina.
Nagsalubong ang kilay niya ng mapansing konti na lang ang sumasabay sa kanila sa paglalakad.
Nasaan ang grupo nung Victoria?
Nagpalinga-linga siya sa paligid. Saan nagpunta ang mga iyon?
Sinenyasan niya si Wendel na mauna na at itinuro ang mga estudyante.
Tumango naman ito. Bumalik siya sa sorting area at hindi siya nagkamali. Nandoon nga ang lima at kausap si Nyxx malapit sa truck.
Nagha-hagikgikan pa ang mga ito.
"Talaga ba?"
"Sayang at hindi kasali yung Ukitan sa tour namin. Gusto sana naming sumilip."
"Oo nga. Baka naman pwede pagkatapos namin dito?"
"I don't think so. I don't have someone to accompany you all."
"Ano ka ba! Edi ikaw! Okay na yun."
Aba!
Tumikhim siya. Pero walang lumingon sa kaniya. Hindi niya alam kung maingay lang ba ang makina o nagbi-bingi bingihan lang talaga ang mga ito.
"Excuse me."
Naglakad siya sa tabi ni Nyxx at doon nakuha niya ang atensyon ng mga ito.
"Hi. Anong meron? May kailangan ba kayo?" nakangiti niyang pinasadahan ng tingin ang lima.
Nabawasan ang ngiti ng mga ito sa biglaan niyang pagsulpot.
"A-ah... Wala naman. We got curious about something kaya kinausap namin si Seniorito."
"Pwede niyo namang itanong sa akin. Ano ba yun?"
"Wala na. Nasagot niya na rin."
Ngumite siya ng peke.
"Great! Inaantay na kayo ng iba doon para maka proceed na tayo lahat. Kung wala na kayong ibang tanong pumasok na tayo."
"Sige. Bye Nyxx." kumaway si Victoria sa lalake bago tumalikod.
Bumuntung-hininga siya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" hinarap niya si Nyxx.
"Kaya pala effort na effort kang tumulong kanina." she scoffed.
"Masyado kang obvious. Wag mo sabihing papatulan mo yung mga yun! Saka pwede ba? Magsuot ka ng damit." hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para pagalitan ito.
Sandali siyang natigilan ng makitang tila nagpipigil ito sa pagngiti. Iniinis ba siya nito?
Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Anong nginingiti-ngiti mo dyan?"
He bite his lowerlip at umiwas ng tingin.
"Damn." bulong nito pero may ngiti parin sa labi.
"Ano?" minumura ba siya nito?
Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. "Nakakamiss pala ang pagsusungit mo." napa awang ang bibig niya sa sinabi nito.
"No, I miss you." masuyo nitong sabi sa kaniya.
"Namiss kita, Azul." pag-uulit nito.
"Hay, makakauwi na rin!" bulalas ni Wendel matapos isara ang laptop at nag-inat sa harap niya.
"Hindi ka pa ba tapos diyan?"
"Patapos na rin." Sumilip ang babae sa pambisig nitong relo.
"Ano ka ba. Wag mo na ako antayin. Uuwi din ako agad pagkatapos ito."
Sila na lamang kasi ang naiwan sa opisina. May tinatapos silang trabaho na kahapon pa ibinigay ni Kaius sa kanila para trabahuin pero dahil may tour silang inasikaso kanina ay hindi nila agad iyon natapos. Nang magkaoras kanina ay iyon na nga ang ginawa nila.
"Sige. Text mo ako pagnakauwi ka na ah. Pasundo ka na lang din."
Nginitian niya ang babae na nag-aayos na ng gamit. Sa maliit na panahon niyang nakasama ito naging magkasundo agad sila nito.
"Oo. Ingat ka."
Lumapit ito sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.
"Ikaw din. Bye!"
Kumaway siya pabalik hanggang sa nakalabas na ito ng opisina. Pinagpatuloy niya ang ginagawa makalipas ang sampung minuto ay natapos niya ang tinatype.
Mabilis na isinave niya iyon bago pinatay computer. Pagod na isinandal niya ang likod sa sandalan ng upuan at ipinikit ang mga mata.
"Namiss kita, Azul."
Mabilis na nagmulat siya ng mga mata. "Argh!"
Naalala niya ang naging sagot sa sinabi nito kanina. "Tigilan mo ako, Nyxx! H-hindi ako marupok!" saka siya kumaripas ng takbo paalis.
"Nakakahiya." tinapik niya ang magkabilang pisngi saka nagsimula nang mag-ayos ng sariling gamit.
Nang masulyapan niya ang mukha sa salamin ay napangiwi siya. Ganitong oras lang talaga siya may oras na makapag-ayos. Sinuklay niya ang lagpas balikat niyang buhok at nag-apply ng kaunting powder sa mukha at lipstick pauwi na din naman siya.
Nang makitang maayos na ay pinatay na niya ang ilaw at lumabas ng opisina. Tahimik ang pasilyo sigurado siyang nakauwi na ang iba.
"Oh, Azul?"
Nasapo niya ang dibdib sa gulat ng may biglang magsalita sa gilid niya.
"Kaius!" gulat na tawag niya sa lalaking nasa counter kung saan ang mini bar nito.
Pumapailanlang ang malamyos na tugtog na galing sa speaker na naroon.
"I mean, Seniorito Kaius." pagtatama niya.
Ngumisi ito sa kaniya. "Just call me Kaius. Doon ka sanay, wag mong pahirapan ang sarili mo."
Itinaas nito ang baso na may alak. "Join me."
Tatanggi sana siya nang mag-abot ito ng isang baso at nagbukas ng isang wine para paglagyan siya. Naisip ata nitong tatanggi siya pag yung matapang na alak na iniinom ang inalok nito.
Nilagay niya ang bag katabing stool saka umupo sa katabi nun. "Ikaw lang mag-isa?" tanong niya.
"Ikaw? Bakit pauwi ka pa lang?" imbes na sagutin ang tanong ay tinanong siya nito pabalik.
"Tinapos ko yung inutos mo kahapon."
"Sa Friday ko pa yun kukunin. Wag mo galingan masyado. Baka hindi na kita ibalik sa Ukitan."
Napagiti siya ng marinig ang Ukitan. Miss na niya ang mga tao doon.
"Nasanay lang siguro ako. Ganito talaga ako magtrabaho kahit nung nandoon pa ako sa Ukitan."
"Uhuh. Kaya ayaw ka ding pakawalan ng pinsan ko."
"Ni Nyxx?" tumango ito.
"Hindi parin ba kayo ayos? Okay naman na ang lahat a. Maayos na din sila Nyxx at Cindy."
Inubos niya ang laman ng nasa baso. "Good for them." she bitterly said.
"How's that good? Where does that leave you?" nag-angat siya ng tingin dito. Nakataas ang isang kilay nito pero may ngisi sa labi.
May alam ito.
"H-How? How long have you...?"
Kaius smirked.