Kiss
"Did you really think I couldn't tell? Hindi naman ako kasing manhid ng pinsan ko. I'd been with different girls for so long, alam ko kung may gusto sila at kung ano ang gusto nila."
Bakit pa ba siya nagtanong. Babaero nga pala tong isang to.
"Tama ka kung iniisip mong may gusto ako kay Nyxx. Pero may girlfriend na siya."
What's the point of denying anyway? Chinismis na siya't lahat.
"Oh?"
Ibinaba nito ang baso at nilagyan iyon. "And here I am, convinced this whole time that Nyxx had a thing for you too."
Natawa siya. Ang galing nitong magjoke. "No way. Wala siyang gusto sakin."
"Tinanong mo ba?"
Natigilan siya.
"Hindi. Para saan pa?"
"Para maliwanagan ka, na wala talaga silang relasyon nung anak ni attorney."
"Ikaw talaga Kaius, mapagbiro ka pala no? Kitang nang mga mata ko kung paano sila kasweet sa isa't-isa kaya imposible yun."
"Hindi lahat ng nakikita natin totoo, Azul. Unless you dig deeper."
"Anong ibig mong sabihin?"
"It's not my story to tell. Better ask Nyxx." he shrugged.
"Wag niyong pahirapan ang sarili niyo. You're both an adult now. Kelangan niyo lang namang mag-usap at pakinggan ang isa't isa." dagdag nito.
Wala sa sariling napatitig siya sa inumin. Somehow, he's right.
"Naku, paubos na pala to. Pwede ka bang kumuha sa ibaba?"
Mabilis na tumalima siya. Ang tinutukoy nito ay ang wine cellar nito sa basement. Sa gilid ng counter may pintuan doon na dadalhin ka sa basement kung saan naroon at nakahanay ang mamahalin nitong wine.
"Sige."
Kinuha niya ang bote para may basehan siya sa paghahanap. Hindi kasi siya pamilyar sa ganoong alak.
"Enjoy." nakangiti nitong sabi.
Enjoy? Anong ibig sabihin nito?
Kumibit-balikat siya siguro wala lang iyon, maganda kasi ang design sa wine cellar dahil sa ilaw na nasa loob. Nung unang kita niya doon nung isang linggo ayaw na niyang lumabas.
Humakbang siya pababa ng hagdan at pinagmasdan ang mga bote. Saan ba banda itong wine na to? Lumiko siya para unahin ang nasa kaliwang bahagi pero napahinto ang katawan niya sa paggalaw ng makita ang taong hindi niya inaasahang nandoon sa oras na iyon.
Lumingon ito sa kaniya. He's holding a bottle of wine in his right hand.
Nagtama ang tingin nila. Automatic na umiwas siya ng tingin at akmang tatalikod ng magsalita ito.
"What is it?"
Napalunok siya. Nakasideview na siya ngayon. Bakit hindi sinabi ni Kaius na nandito ang lalaki? Sinadya ba nitong papuntahin siya dito?
"K-kukuha lang sana ako ng alak."
"Kung ganun, bakit ka aalis? You should get it."
"Natatandaan kong nasa kabila pala ata yung hinahanap ko." Itinaas niya ang bote.
"It's here."
Napangiwi siya ng makitang may inabot itong bote na katulad ng hawak niya at ipinakita sa kaniya.
"Mamaya na lang siguro. Babalik na lang ako. Mukhang nakakadisturbo ako." rason niya.
Paanong disturbo e wala nga itong ginagawa.
"No. I want to be with you."
Gulat na nilingon niya ito.
"Come over here."
Bumuga siya ng hangin bago sumunod sa utos nito. Hindi nito inaalis ang tingin sa kaniya.
Dalian mo na Azul. Abutin mo na tapos umalis ka na sa kwartong to!
Kinuha niya ang bote sa kamay nito, lalayo na sana siya ng pigilan siya nito sa palapulsuhan.
"Azul please, let's talk."
Napapikit siya ng marinig ang nakikiusap nitong boses.
"Fine."
Kita niya ang pagliwanag ng mukha nito. Binitiwan nito ang pagkakahawak sa kaniya.
"Sorry for being an asshole." agad na sabi nito.
"Sabi ni Kaius hindi daw talaga kayo ni Cindy." bulong niya.
"It's true. Wala kaming relasyon. Pinakisamahan ko lang siya dahil kailangan."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Business."
She watch him open the wine he's holding and gave it to her. Noon niya napansin ang wine na hawak nito kanina bukas na pala iyon at diretsong tinutungga lang ata ito dahil wala siyang makitang baso na naroon.
Business? Pero bakit ganun na lang umiyak at makiusap sa kaniya si Cindy.
"Si Cindy, nakiusap siyang layuan kita." pag-amin niya saka uminom sa bote ng wine.
"And you did. Kaya ka umalis ng Ukitan diba?"
"Pangalawang rason ko na lang iyon. Alam mo ba ang una kong rason?" nilingon niya ito.
"To forget. Umalis ako para kalimutan yung nararamdaman ko sa iyo. Hinayaan kong ikaw yung maging sentro ng buhay ko at tingin ko tama na yung ilang taon. I had enough. I learned. And I tried my best."
Kasinungalingan. Matagal na niyang tanggap na nasa sistema na niya ang lalaki. Hindi niya magagawang kalimutan ito. Maybe she'll be forever unrequited with him.
Ramdam niya ang mariing tingin ng lalaki sa kaniya. "No. You didn't tried your best, Azul.”
Tiningnan niya ito ng may pagtataka sa mukha.
“Kasi kung ginawa mo, we're both happy now."
"Kaya wag mo sabihin na ginawa mo ang lahat kasi nung nasa dulo ka na, bumitaw ka. Without thinking na baka kumakapit na rin ako. Na nahuli lang ako. Narealize ko lahat nung wala na, wala ka na."
Kapwa sila natahimik. Ang lakas ng t***k ng puso niya. Ibig bang sabihin may nararamdaman na rin ito sa kaniya?
Lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Itinaas niya ang bote at uminom doon. Nagba-bakasakaling mapakalma nun ang puso niya.
He watched her intensely.
"Uhh... gusto mo ba?"
Alok niya ng mapansin niyang nakatitig ito sa bote ng wine na iniinom niya.
"I can find a way to drink it." mula sa wine, inilipat nito ang tingin sa kaniya.
Umalis ito mula sa pagkakasandal sa kahoy at humakbang papunta sa kaniya. It was fast, hindi niya nasundan ang pangyayari naramdaman na lamang niya ang daliri nito na gumiya sa baba niya at ang tuluyang paglapit ng mukha nito saka siniil siya ng mainit na halik sa labi.
Her body froze.
Ang tanging nararamdaman lang niya ay ang paggalaw ng malambot nitong labi sa kaniya.
He started to nibbled her lowerlip that made her gasped. Kasabay nun ang pagkabig ni Nyxx sa kaniyang bewang. Natarantang napakapit siya sa damit ng lalaki unti-unting naibaba niya ang kamay na may hawak ng wine.
Not wanting to end the kiss, she responded.
Kahit hindi niya alam kung paano, sinubukan niyang gayahin ang paghalik ng lalake. She tried to move her lips and bite his lowerlip gently causes him to moan.
Nagulat siya at pinutol ang halik. Mabilis ang paghinga niya at direktang tiningnan ang lalaki sa mga mata. His eyes were clouded with excitement.
Parehong nakaawang ang bibig nila at naghahabol ng hininga. Gumalaw ito, buong akala niya ay lalayo na pero nang maramdaman niya ang kamay nito sa boteng hawak niya ay nanindig ang balahibo niya.
May ibang epekto na sa kaniya ang pagtama ng balat nila ng lalaki. Inalis nito sa kamay niya ang bote at ipinatong iyon sa tabi. Napasinghap siya ng hawakan siya nito sa bewang at bastang binuhat paupo.
Napakapit siya sa balikat nito.
"Nyxx..." namula ang mukha niya ng marinig ang sariling boses.
"Shh..."
She close her eyes when she felt his breath in his face.
"I know it's late, pero..." his thumb caressed her cheek. "Mahal kita, Azul. I f*****g do. Hindi ko alam kung kelan nagsimula pero iyon ang alam ko. Mahal kita. So please, don't let go." he sincerely said.
Napamulat siya. Magkahalong emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito pero wala siyang nakikitang kasinungalingan doon. Uminit ang sulok ng mga mata niya bago gumuhit ang malaki niyang ngiti sa labi.
"Sabihin mo, hindi ako nananaginip hindi ba?"
Ngumiti ang mga mata nito. Kita niya ang adorasyon sa mga mata nito ng marinig ang tanong niya. He caressed her cheek.
"No, I won't say it Azul. I'll let you feel it." kumikislap ang mga mata nito.
And just like that, he claimed my mouth fully with his hungry kisses. Ang palad nito ay nasa likod ng kaniyang ulo habang ang kabila ay mahigpit na nakayakap sa bewang niya tila wala itong planong pakawalan pa siya.
This time hindi na siya nag-alinlangan pang humalik pabalik.
"Magandang umaga!" masaya niyang bati sa lahat ng makapasok ng opisina.
"Huy bruha ka!" agad na lumapit sa kaniya si Wendel at kinurot siya sa tagiliran.
"Ang gandang bungad a."
"Talaga! Ikaw ha. Hindi mo sinabing may boyfriend ka na pala." kinikilig na sabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Nahuli ba sila ng mga ito? May cctv ba sa ibaba kagabi?
"P-paano mo nasabi..."
"Che! Puntahan mo kaya ang mesa mo. Hay nakakainggit!"
Arte nito saka tinungo ang sariling mesa na siyang katabi lang ng kaniya. Naglakad siya palapit doon at doon niya napansin ang bouquet ng bulaklak na nasa mesa niya.
"Kanino galing to?"
"Nandyan na yan kanina ng dumating ako. Saka ano, sinilip namin kung sino ang nagbigay."
Namin?
Kapwa nagsi-iwas ng tingin ang mga kasamahan niya ng lingunin niya ang mga ito.
"Sana all may pabulaklak sa umaga."
"Uy, Via ingat ka sa paglalakad diyan! Baka maapakan mo buhok ni Azul. Yieeee!"
Namula siya sa tukso ng mga kasama. Mga baliw talaga. Binalik niya ang tingin sa bulaklak. May nakaipit doong sulat kaya kinuha niya iyon at binuksan.
"I love you."
- N
Kumurba ang labi niya sa isang ngiti. Ba't ang aga ang sweet na nito.
"Ang ganda ng ngiti. May single po dito."
Inambahan niyang tatapunan ng lapis si Wendel na siyang ang lakas ng tawa.
Umupo siya at nilabas ang cellphone para magtipa ng mensahe para sa lalake.
"Thank you."
Mabilis na nakatanggap siya ng reply sa lalake. Mukhang inaantay talaga nito ang text niya.
[I wrote I love you. Bakit thank you lang?]
Natawa siya sa reply nito. Nai-imagine niya ang magkasalubong nitong kilay habang nagtetext.
"Pero papagalitan ka talaga ni Tita dahil kumuha ka ng bulaklak niya sa mansyon."
["Nagpaalam ako."]
["Where's my I love you?"]
["Azul."]
Magkasunod na text nito. Ayaw paawat. Natatawa tuloy siya. Hindi niya alam na may ganitong side pala ang lalake.
"Mamaya na. Sasabihin ko sayo ng personal."
Rason niya pero ang totoo nahihiya parin siya. Paano na lang pag personal na niyang sasabihin ulit iyon sa lalake.
["I'll call."]
"Hindi na. Nasa trabaho na ako."
He sent a pouting emoji. Naiiling na ibinaba niya ang cellphone bago nagsimula nang magtrabaho.
Kagabi ng makauwi sila tumawag agad ito para sabihing nakauwi na rin ito at miss na daw agad siya nito. Ayaw pa nitong ibaba ang tawag nung sabihin niyang matulog na sila kasi gabi na may trabaho pa sila bukas.
Labing limang minuto ata ang nakalipas ng magtext siya. Kinukulit pa siya kanina ni Wendel kung sino yung N pero nginingitian lang niya ito.
"Magandang umaga Seniorito."
Napalingon sila sa pintuan. Papasok si Kaius na may dala-dalang folder.
"May iuutos po kayo, seniorito?" agad na tayo ni Wendel.
"Tapos mo na ba yung pinapagawa kong report?"
"A, patapos pa lang seniorito."
Nilingon siya ni Kauis. "Wow. Blooming ka ata, Azul." tukso nito.
Naalala niya iyong nangyari kagabi.
"Naku seniorito. Sinabi mo pa! May pabulaklak yan ngayong araw!" kwento ng babae
Wendel!
Gusto niyang lamunin ng lupa sa mga oras na iyon.
"Talaga?" napapailing na ngumisi ang lalake dahil sa narinig.
Nung makalabas kasi sila kagabi ng kwartong iyon ay wala na ang ito sa mini bar nito. Malinis na rin ang counter.
"Anyway. Sabi mo kahapon tapos mo na yung pinagawa ko sayo diba?"
Tumango siya. "Oo. Sinend ko na sa email mo kanina lang."
"Great. Ikaw na lang yung uutusan ko." inangat nito ang dalang folder.
"Dalhin mo to sa Ukitan."
Nanlaki ang mga mata niya. "S-sa Ukitan?"
"Uhuh. Hinihingi yan ni Nyxx. Those are important files kaya antayin mong matapos niya sa pagkopya lahat at ibalik mo dito." utos nito.
Napakunot noo siya. Anong dokumento ba ito at bakit kelangan ni Nyxx ang ganun sa Ukitan?
"Sige."
Tumalikod na ito. "Sabihin mo sa kaniya ang dami niya ng utang sakin." utang?
Bumalik na siya sa mesa. Tumunog ang cellphone niya. Inabot niya iyon at tiningnan kung sino ang nagtext.
From Nyxx
["No more reasons. I want my I love you, now."]
Napakagat labi siya sa nabasa. So gawa gawa niya tong padala dala na to? Siraulo talaga.
Hindi kasi siya pumayag nung sabihin nitong ihahatid siya nito kaninang umaga. Inaalala niya ang mga magulang at sasabihin ng ibang makakakita sa kanila.
Nakangiting sinulyapan niya ang magkahugpong nilang mga kamay ni Nyxx. Nasa loob na sila ng kotse nito para ihatid siya pauwi.
"What is it?" sinulyapan siya ng lalake.
"Pwede bang ano, wag muna natin sabihin sa iba yung tungkol sa atin?"
Buong akala niya hindi ito papayag dahil nagsalubong ang kilay nito at sandaling natahimik. pero nung ngumiti ito ay napahinga siya ng malalim.
"Kung anong gusto mo."
Napangiti siya. "But..."
"But?" bakit may pero?
"I won't promise."
Err.
"Aba, aba! Nagpapaganda ka pa. Ang sabi ni Seniorito Kaius sa Ukitan ang punta ah! Baka mamaya imemeet mo yung boyfriend mo sa labas!" parang nanay na sabi ni Wendel.
Kung alam mo lang.
"Hoy, Wendel. Maghanap ka nga ng jowa mo hindi yung ginugulo mo yung iba. Bitter ka lang babae ka!" saway ni Via
Pati mga kasama nilang lalake sa opisina ay natawa sa sinabi nito.
"Hindi na! Masaya na akong mag-isa."
Lumapit ito sa kaniya at bumulong. "Azul, wag ka munang papadilig a!"
"Wendel!" tinulak niya ito pabalik sa mesa nito.
"Kung anong sinasabi mo sakin." humalakhak ito na tila aliw na aliw.
Hinagilap na niya ang bag at ang folder na pinapakuha kuno ni Nyxx.
"Alis na ako."
"Tandaan mo yung sinabi ko!" pahabol na sigaw ni Wendel.
Saktong paglabas niya ay may padaang tricycle. Mabilis na pinara niya iyon at nagpahatid sa Ukitan.
"Salamat." usal niya sa driver bago bumaba.
Napangiti siya ng makita muli ang lugar. Hindi niya akalaing mamimiss niya ang lugar na ito. Nandoon ang lahat ng truck nila nakahanay sa labas. Ibig sabihin nandito silang lahat.
Pinihit niya ang seradura at bumungad sa kaniya ang pamilyar na ingay at amoy ng kahoy na nanggaling sa loob. Nakita niya ang lahat na busy sa pagpapanday ng tingin niya ay couch.
"Maam Azul?" si Raul ang unang nakakita sa kaniya. May lapis pa na nakalagay sa itaas ng tenga nito.
"Hi! Kumusta dito?" nakangiting bati niya.
"H-hoy! Nandito si Mam Azul!" nilingon nito ang kasamahan at malakas na tinawag.
"Mam!"
Napangiti siya ng malaki ng palibutan siya ng mga ito at kumustahin. "Namiss ka ho namin. Babalik na ho ba kayo?"
"Oo nga, Azul. Wala akong makausap dito." ani ni Tarah.
"Hindi ko pa alam. Sigurado naman akong maayos na tinatrabaho ni Domeng ang trabaho ko." tinaasan niya ng kilay si Domeng.
"Naku. Minsan na nga lang kami magloving loving nitong si Tarah dahil sa kaliwat kanan kong trabaho."
Umani ng tawanan at tuksuhan dahil sa sinabi ni Domeng.
"Pag kami hindi nakagawa ng Jr kasalanan mo yun Mam Azul."
Kinurot ito ng babae sa tagiliran dahil sa sinabi. Napahagikgik siya.
Bumukas ang pintuan sa opisina nila at iniluwa nun ang sadya. Nagtagpo ang tingin nila ni Nyxx na siyang may seryosong mukha.
"Seniorito nandito ho si Mam Azul!" ani ni Gelo na mukhang magaling na sa tinamong aksidente.
"Alam ko. Bumalik na kayo sa trabaho." tumalima ang lahat. Hindi niya napigilang mapasimangot dahil hindi parin ito nagbabago. "Sige Mam Azul. Maya na lang."
"Dala mo ang dokumento?"
Nagpokerface siya. Bakit ang lamig naman ng isang to. Mali ba siya ng inakala na imbento lang nito ang padala na yun?
"Oo." tipid niyang sabi bago nag-iwas ng tingin. Nakaramdam siya ng lungkot.
"Sa opisina tayo." simple nitong sabi bago siya tinalikuran at nauna nang maglakad.
Itinaas niya ang folder at umaksyon na ihahampas iyon sa nakatalikod na lalake. Nakakainis! Saan na yung sweet na Nyxx?!
Nakarinig siya ng pagtawa mula sa kalayuan. Hindi niya alam na pinapanood pala sila ng kasamahan.
"Ang sungit parin ng boss niyo!"
"Azul!" rinig niyang tawag ng lalake mula sa opisina.
"Nandiyan na!" irap niya. May pa I love you ka pang nalalaman magsusungit ka lang pala. Kainis.
Nadatnan niya itong nakaabang sa pintuan. Hawak nito ang seradura para hindi iyon sumara. Inismiran niya ito ng muling magtama ang mata nila.
Nakasimangot na pumasok siya at tumabi para maisara nito ang pintuan.
Buong akala niya ay tatalikod na ito para magtungo sa mesa kaya nanlaki ang mga mata niya ng humakbang ito papalapit sa kaniya. Napaatras siya pero naramdaman na niya ang malamig na semento sa likuran.
Naramdaman niya ang kamay nito sa bewang niya. Napapikit na lamang siya ng yukuin siya nito at halikan sa labi. He tilted his head and kissed her deeply. Napakapit siya sa braso nito at unti-unti niyang tinugon ang halik nito. Mabilis na kumalat ang tamis sa kaniyang labi.
He stop kissing her. Nang muling magtama ang mga mata nila ay puno na iyon ng emosyon. Wala na rin ang masungit nitong mukha.
"I miss you." kinintalan siya nito ng halik sa ilong bago lumayo hindi inaalis ang kamay sa bewang niya.
"Miss mo ko? Bakit parang hindi naman? Ang sungit mo kanina tapos bigla kang hahalik diyan." irap niya kahit namumula.
Kinurot nito ang ilong niya. "Anong gusto mo halikan kita sa harap nila? Sabi mo wag munang ipaalam sa iba. Ginawa ko lang ang sinabi mo."
Oo nga pala!
Tinaasan siya nito ng kilay ng makita ang reaksyon niya.
"Nakalimutan ko." he grinned.
Umupo ito sa swivel chair nito ng may maalala siya. Inilabas niya ang folder at inilapag iyon sa mesa nito.
"What's this?"
"Anong what's this ka diyan? Yan ang rason kung bakit ako nandito. Pinakuha mo yan kay Kaius."
Isinara nito ang folder at nakangiting sumandal sa upuan. "Ah! That one."
"Kopyahin mo na o iphotocopy mo na ng makabalik na ako." nilibot niya ang tingin sa loob ganun parin. Mas makalat nga lang kumpara noon.
"Come here."
"Ha?"
He extend his arm. At bakit naman siya lalapit? Baka bigla na naman siyang halikan nito at mahuli sila ni Domeng! No way.
"Dito lang ako. Sabihin mo na ang sasabihin mo. Makikinig ako."
Azul, wag ka muna magpapadilig.
Walanghiya ka Wendel!
Tinalikuran niya ito at tinungo ang bintana. Pinagmasdan niya sina Gelo na may dinidiskargang materyales sa labas.
"May hindi ka pa sinasabi sa akin."
Nanigas ang katawan niya ng maramdaman ang pagyakap ng lalake sa likod niya. What the hell! Aatakihin ata siya sa puso dahil sa lakas ng t***k nun.
"Nyxx."
Sinubukan niyang tanggalin ang kamay nito pero humigpit lang iyon. Nakuha pa nitong ipatong ang baba sa balikat niya. It was comforting.
"You smell good." nanindig ang balahibo niya. Jusko.
Wala sa sariling tinampal niya ang mukha nito para mailayo at matigil sa ginagawa. Dahil sa ginawa niya ay napabitiw ito sa kaniya at sinapo ang nasaktang mukha.
Agad na naguilty siya. "S-sorry." nilapitan niya ito para icheck
"Ang hirap mo namang landiin." nakasimangot nitong sabi nang paupuin niya uli ito sa swivel chair nito habang niche-check niya ang mukha nito.
"Wag mo kasi akong ginugulat!" kinurot niya ang ilong nito.
"Tss. Virgin."
Sinampal niya ang bibig nito ng mahina. Humalakhak ito. "Bwisit ka."
"Mahal mo naman." he hold her waist.
She pouted. "Oo na."
"Anong oo na?" tukso nito.
He hold her one hand and play with her fingers.
Nag-angat siya ng tingin dito. Ang laki ng ngiti nito at nakaabang sa isasagot niya.
"Say it, Azul."
Dinala nito ang kamay niya sa bibig at masuyong hinalikan nito ang likod ng palad niya.
That sweet gesture made her smile.
"Mahal din kita, Nyxx."