Chapter One
“Tao po!” hindi na niya hinintay pa na buksan ang gate ng sinumang nakatira sa tanaw-tanaw na malaking bahay na iyon dahil nakaawang na rin naman ito. Dala ang maliit na duffle bag ay pumasok siya sa loob ng bakuran nito para doon na lamang mag-inquire tungkol sa nakapaskil sa labas.
‘Wanted hardinero,’ iyon ang nakasulat sa isang papel na nakidikit sa harapan ng bakal na gate ng bahay. Tamang tama at naghahanap siya ng trabaho, at kahit na hindi niya expertise ang pag-aalaga ng mga halaman, sa hilig naman niya sa mga iyon ay baka pwede na siyang tanggapin nito. Isa pa, madaling trabaho lang naman iyon para sa kanya.
“Magandang hapon po! Magtatanong lang po sana ako tungkol sa nakapaskil sa labas,” saad niya sa nakitang naka-duster na babae na wari niya ay nasa 40’s na. Nakapameywang ito habang may kausap sa telepono. Nasa likurang bahagi ito ng bahay na palagay niya ay may binabantayan roon dahil may naririnig siyang matinis na boses mula sa tila naglalaro na bata. Nang makita siya nito ay agad nitong ibinaba ang telepono at nakangiting nilapitan siya.
“Nag-a-apply ka ba bilang hardenero?” tanong agad ng babae.
“Oho sana, kung wala pa po kayong nakikita,” saad niya dito.
Sandali siyang pinagmasdan ng babae mula ulo hanggang paa. Nang wari ay nagustuhan naman siya ay agad na itong tumango. “Sige, tanggap ka na!” sabi pa nito.
“Po? Tanggap na ho ako?” napamaang niyang tanong. Masaya siya sa narinig mula sa babae pero tila hindi pa rin makapaniwala dahil hindi man lang siya hiningian nito ng bio-data o resume at hindi man lang siya in-interbyu muna nito bago tanggapin.
“Bakit, ayaw mo ba?” natatawang sarkastikong tanong ng babae.
“Ay hindi po. Medyo nagulat lang ho ako,” saad niya na napakamot pa sa ulo.
“Hindi ka naman siguro masamang loob para pagnakawan kami dito hmm?” itinaas nito ang isang kilay sa pagtatanong na iyon.
“Ay, hindi po. Mabuti po akong tao. Mapagkakatiwalaan po ako,” paninigurado niya namang sagot sa kausap.
Nangiti lang ito sa sinabi niya. “At hindi ka naman siguro mag-a-apply bilang hardinero kung hindi ka marunong mag-alaga ng mga halaman, ‘di ba?” tanong ulit nito.
“Nako, mahilig po ako sa halaman,” magiliw niya ring sagot.
“Good. Ako nga pala si Marieta,” pagpapakilala nito na pagkatapos nilang magkamay ay tumalikod na at nagsimulang maglakad pabalik sa kinatatayuan nito kanina. “Ano nga pa lang pangalan mo? Ilang taon ka na? May asawa ka na ba? Anak?” sunod-sunod na tanong nito sa lalaki.
“Gabriel Santos po. Dalawampu’t pitong taong gulang. Single pa po ako, walang anak,” sa pagkakasabi niyang iyon ay napahinto ang babae at napalingon ulit sa kanya. Muli ay pinagmasdan siya nitong mabuti at nang matapos siyang pakatitigan ay pilyang ngumiti.
“Kung mapapansin mo nagkalat ang mga tuyong dahon sa bakuran ko, it’s because ilang linggo na akong walang hardinero. So ang gagawin mo lang ngayon ay magwalis sa paligid ng bahay at siguraduhing nadiligan ang lahat ng mga halaman ko,” saad nito habang pinakasusundan niya. Nagpatuloy ito sa pagpapaliwanag ng kung ano pang trabahong iaatang sa kanya nang makarating sila sa bandang likuran ng bakuran ng bahay. Doon ay agad niyang napansin ang malaking swimming pool nito. Nasa kalagitnaan siya nang pagmamasid sa paligid nang biglang may sumulpot na isang babae sa kanilang harapan. Sa malagong bermuda grass sa tabi ng swimming pool ay nagtatatakbo ito at pagdating sa tapat nila ay doon pumwesto upang tumalon sa papunta sa pool. Malakas na pag-splash ng tubig ang narinig nila kasabay ng pagtalsik ng tubig sa kanilang damit.
“Maria!! Ano ka bang bata ka! Hindi mo ba nakikita na may ibang tao dito?” galit na galit na saway dito ng babae. “Anyway, sorry ha. Nabasa ka ba?” may pag-aalalang baling nito sa kanya. Nahawakan pa nito ang kanyang damit na lumapat sa kanyang katawan dahil sa pagkakabasa noon.
“Hindi naman po masyado. Okay lang po ako,” agad niyang sagot nang biglang pakasalatin ng babae ang ma-muscle niyang dibdib. Tuloy ay napaatras siya ng kaonti.
“Oo nga pala, ‘yan ang anak ko, si Maria. Pagpasensyahan mo na yan at mahilig talaga yan maglaro sa pool,” paumanhin nito sa kanya. “Maria! Halika at ipapakilala kita sa bago nating hardinero!”
“Eii! Ayoko nga!” sabi ng kausap at nagpatuloy sa pagtatampisaw sa tubig gamit ang mga inflatable toys nito.
“Halika sabi eh! Isa!” pinameywangan nito ang anak habang namimilog ang mga mata sa ipinapakitang hindi magandang asal sa harap ng bagong hired na lalaki.
Sa ipinakita nitong galit ay napilitan ang bata na umahon. Pero sambakol ang mukha nitong nilapitan sila.
Sa mga sandaling iyon ay natitigan niya ang ayos nito. Kapansin pansin naman kasi ang suot nitong manipis na swimsuit, halatang-halata tuloy ang hubog ng katawan nito partikular na ang umbok ng dibdib nito.
“Gabriel, siya si Maria. Maria, siya si Gabriel ang bago nating hardinero. Be good to him, okay?” pagpapakilala nito sa dalawa na nilakipan pa ng paalala sa kilala nitong pilyang anak.
“Magandang araw, Maria!” bati niya dito na inilahad niya pa ang kamay sa harapan nito, ngunit imbes na makipag- hand shake ang babae ay hinawakan siya nito sa kamay ng mahigpit at hinila papunta sa swimming pool. Hindi na niya ito napigilan pa nang pati siya ay mapatalon sa rin sa tubig. Mabuti na lamang ay nabitawan niya agad ang dala-dalang duffle bag.
Parang isang musmos na bata namang tuwang-tuwa si Maria sa ginawa.
Samantalang nagkakawag siya sa tubig, mabuti na lamang at marunong siyang lumangoy. Nilangoy niya ang gilid ng pool at humawak roon.
“Ano ka ba Maria! Wala ka ba talagang modong bata ka!!” galit na galit na saad ni Marieta sa anak. Inilabas naman nito ang dila na tila ba inaasar pa ang nanay.
Tinulungan ni Marieta ang lalaki na makaahon sa pool at dali-daling kinuha ang tuwalya na nakapatong lamang sa kalapit na upuan upang ibigay dito. “Pagpasensyahan mo na ang anak ko ha. May pagka-isip bata kasi ‘yan. Special child, ika nga. Halika sa loob ng bahay para makapagpalit ka,” saad nito na nauna nang naglakad papasok sa malaking bahay.
Habang pinupunasan ang sarili ay pinakatitigan niya ang dalagitang babae. Hindi naman siya nagtanim ng galit dito sa ginawa nito kundi pinagmasdan niya lang ang pagkilos nito. At tama nga si Aling Marieta, may pagka-isip bata nga ang dalagitang iyon dahil wala itong pakialam na magtatatakbo, magta-thumbling at magtatalon kahit sa klase ng damit na suot suot nito ngayon.
Inasikaso siya ni Aling Marieta noong araw na iyon. Pinakain muna at tsaka siya pinayagang gawin ang kanyang trabaho. Naging magiliw ito sa kanya at doon na lang siya sa bahay nito pinatira sa kadahilanang dalawa lang naman ang mga itong naninirahan doon. Apparently, biyuda na pala ang babae at kasalukuyang nakikinabang sa malaking perang iniwan ng yumaong asawa. Nag-iisang anak lang din nito ang special child na si Maria. Sa mga sumunod pang mga araw ay naging maayos naman ang pagtatrabaho niya sa poder ng mga ito.