Chapter Seven

1307 Words
Kinabukasan, nagising na lamang siya dahil sa naramdamang sakit ng ulo. Napabalikwas siya ng pagtayo ng makita ang hubad na sarili katabi ang nakayakap sa kanyang si Maria. Wala na rin ni isang saplot sa katawan ang babae. Kapwa natatabunan ang kanilang katawan ng manipis na puting kumot. Sandali siyang naguluhan at inalala ang nangyari kagabi. At bigla ngang pumasok sa isipan niya ang pakikipagniig sa dalaga. Out of disappointment ay nasabunutan niya ang sarili. As much as gusto niyang maangkin ang katawan ng babaeng ito ay ayaw niya rin iyong gawin dahil iniingatan niya ang dalaga dahil sa wala nga ito sa sapat na pag-iisip para pagdaanan iyon. Nagparoot parito siya sa paglalakad sa hindi malamang gagawin. Obvious naman na kahit gusto niyang itanggi na hindi niya ito napagsamantalahan ay iyon na nga ang nangyari. Pinagsamantalahan niya si Maria, ang walang kamuwang muwang na dalaga. Namura niya tuloy ang sarili. Ano na ang gagawin niya ngayon? Hindi na maibabalik pa ang pagka-birhen ng dalaga dahil nakuha na niya iyon. Mahal niya ang dalaga pero hindi sa ganoong paraan niya dapat kunin p********e nito. Sa sandaling iyon ay bigla niyang naalala si Aling Marieta. Siguradong kasusuklaman siya nito kapag nalaman ang ginawa niya kay Maria. Tiningnan niya ang orasan sa dingding ng kuwarto, alas siyete pa lang, at sa hinuha niya ay tulog pa rin ang babae dahil kung gising na ito ay siguradong naghihisterikal na ito ngayon kung naabutan sila sa ganoong pagkakaayos. Dali-dali siyang nagsuot ng damit, at pagkatapos ay kumuha ng damit sa bag ng dalaga upang damitan rin ito. Habang ginagawa iyon ay nakita pa niya ang mantsa ng dugo sa kulay puting bed sheet ng kama, patunay na nakuha nga niya ang virginity ng babae. Madiin na lamang niyang naipikit ang mga mata at napaigting ang panga sa galit sa nararamdaman sa sarili. Kung bakit kasi hinubaran niya ito kagabi, hindi sana siya natuksong gawin iyon? Hinayaan niya na lang sana ito pagkalapag na pagkalapag niya dito sa kama ng babae. Maya-maya pa ay bigla siyang nataranta nang makarinig ng kaluskos sa kabilang kuwarto. Dali-dali niyang kinumutan si Maria at lumabas ng kuwarto nito dahil sigurado siyang gising na ang nanay nitong si Marieta. “Argh, naparami yata ang inom ko kagabi. Ang sakit ng ulo ko. Ikaw, may hang-over ka rin ba Gabriel?” tanong nito sa kanya nang maabutan siya nitong naglilinis na ng mga kalat sa kusina. “Ah, eh, w-wala naman ho, Ma’am,” nauutal niyang saad kahit pa ramdam niya pa rin ang patuloy na pagsakit ng ulo. “Teka at ipagtitimpla ho kita ng kape,” sambit niya pa dito hindi maiwasang mataranta. “Kamusta si Maria? Tulog pa ba?” tanong nito habang tinutungo ang kuwarto ng anak. Bigla siyang napalingon dito. “Oho, tulog pa. Ang totoo ho ay nalasing rin ‘yang si Maria. Wala ho tayong kaalam-alam na alak pala ang laman ng basong iniinom niya kagabi,” sad niya pa habang sinusundan ito ng tingin. “Ha? Paano nangyari ‘yun?” pagtataka nitong tanong. Kaya naman pala ang bilis naubos ng isang case ng alak na binili nila kagabi, nakikiinom rin pala ang anak. “Hindi ko ho alam. Baka akala niya ay juice ‘yung tinitimpla n’yo kagabi. Mabuti nga at sinuka niya ang ibang nainom niya,” itinuro niya ang suka nito sa carpet na hindi pa nalilinis. “Ako na rin ang nagdala sa kanya sa kuwarto niya kagabi dahil hindi na rin ho makatayo,” aniya na sinubukang ikalma ang boses sa nerbyos na nararamdaman. “Hay naku, pagpasensyahan mo na ang batang ‘yan ha. Mabuti na lamang at ikaw ang kasama namin dito, ano na lang kaya kung ibang tao pa,” saad pa nito. Sa sinabing iyon ni Aling Marieta ay hindi na siya nakapagsalita pa. Paano’y binabagabag na siya ng kanyang kunsensya. “Oo nga pala, hayaan mo na ang mga ‘yan. May kinausap na akong magliligpit at maglilinis ng rest house mamaya pag-alis natin. Kaya mo bang mag-drive pauwi? Kailangan nating umuwi today dahil may kikitain ako mamayang gabi.” “Oo naman ho,” mabilis niyang sagot. Kahit pa may hang-over rin ay iinom na lang siya ng gamot para maalis iyon at para maayos siyang makapagmaneho. Ilang oras pa ang lumipas at ready na silang umalis ngunit tulog pa rin ang dalagang si Maria kung kaya pinuntahan na ito ni Marieta sa loob ng kuwarto nito upang gisingin. Wala naman siyang nagawa kung hindi sundan lang ito habang malakas pa rin ang kabog ng dibdib. “Mommy, antok pa ako,” saad ng babae habang nakapikit pa rin ang mga mata. “Kailangan na nating umuwi para makarating tayo sa bahay ng maaga. Sige na, tumayo ka na!” hila nito sa braso ng anak. “Ouch! My head is aching, Mommy. And this!” Kinabahan siya ng ituro nito ang pribadong parte ng katawan. Hindi naman siguro siya naging rough dito pero alam niyang normal iyon sa unang beses na mawala ang virginity ng isang babae. Sa puntong iyon ay tahimik na sinisi ulit ang sarili. “Baka maaga kang magkakaroon ngayong buwan,” anito na inalalayan na sa pagtayo si Maria. “Eh paano naman kasi, kung ano-ano ang pinaggagawa mo kagabi. Sino bang may sabi na uminom ka rin ng alak?” naiinis pa nitong sermon sa anak. Kumilos siya at lumapit sa mga ito upang tuluyang alalayan din si Maria. Mabilis rin niyang tinakpan ng kumot ang sapin ng kama na may mantsa ng dugo nito. “Juice naman ‘yon, hindi alak,” sagot ni Maria sa sinabi ng ina. “Nagdadahilan ka pa eh hanggang ngayon amoy ko pa ang alak diyan sa bibig mo. Naaalala mo pa ba ang nangyari sa iyo kagabi?” tanong nito. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib niya sa pag-aakalang baka alam ni Maria ang nangyari sa pagitan nila at baka magsumbong ito. Ngunit umiling lang ito at tumahimik. “Sige na at magpalit ka na ng pang-alis at uuwi na tayo. Sa car mo na lang ipagpatuloy ang tulog mo,” sa pagsasabing iyon ay lumabas na ito sa kuwarto ng dalaga na sinundan niya naman para bigyan ito ng privacy at tuluyan nang makapagpalit ng dami. Buong byahe pag-uwi ng Maynila ay tulog ang mag-ina. Bagamat buong maghapon ay tahimik sa loob ng sasakyan ay naging malakas pa rin ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi na siya mapakali lalo na at paulit ulit na siyang inuusig ng kunsensya sa kasalanang ginawa sa anak ng among babae. Hindi naman siya masamang tao pero dahil sa napagsamantalahan niya ang walang kamuwang-muwang na dalaga ay parang ganun na rin ang nangyari. At labis niyang pinagsisisihan iyon na sa buong biyahe ay madalas niyang linguninn ang himbing sa pagkakatulog na si Maria na nasa likurang upuan ng sasakyan. Ang totoo ay handa naman siyang panagutan si Maria sa kabila ng kalagayan nito. Ang problema, papayag kaya si Aling Marieta? Oo at lubos siyang pinagkakatiwalaan nito ngunit hindi ibig sabihin noon ay ayos lang dito na siya ang makakatuluyan ng anak. Lalo pa at minsan na rin itong nagkagusto sa kanya. In fact, hanggang ngayon ay ramdam niya pa na hindi pa rin nawawala ang pagtingin nito sa kanya. Baka umiral pa ang pride nito na imbis na ito ang gustuhin niya ay sa anak pa nito nabaling ang pagtingin niya. Hindi naman siya against sa laki ng agwat nila, pero anong magagawa niya? Kay Maria lamang tumibok ang kanyang puso. Si Maria lang ang hinahanap nito sa tuwi-tuwina. Sa mga oras na iyon ay kailangan na niyang magdesisyon kung anong nararapat niyang gawin dahil hindi niya kayang hayaan na lamang na dumaan ang mga araw na parang wala siyang ginawang masama sa mga ito lalo na sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD