Dumating ang araw ng kaarawan ni Maria. Maaga pa lamang ay gumayak na sila upang pumunta sa La Union kung saan naroon ang nag-iisang rest house na ipinamana ng namayapang asawa ni Aling Marieta. Madalas silang mamalagi sa lugar na iyon noon lalo na kapag pasko at bagong taon. Ngunit magmula nang mamatay ang asawa nito limang taon na ang nakakalipas ay hindi na napadpad doon ang dalawa. Nalulungkot kasi ang mga ito lalo na si Maria na sobrang close sa ama knowing na maraming alaala ang iniwan ng ama sa lugar na iyon.
Paalis pa lang ay sinuutan na ng one piece swimsuit ni Marieta ang anak at inibabawan na lang ng shorts sa pang-ibaba. Alam nitong as soon as makita ni Maria ang beach ay agad na itong magtatampisaw sa tubig.
Samantalang si Gabriel na ang pinag-drive ni Marieta ng kotse nito tutal naman ay may driver's permit na rin ang lalaki. Habang papunta doon ay dumaan sila sa isang bake shop at iba pang bilihan ng ready to eat food para bumili ng cake at ibang pagkain na mababaon nila sa ilang araw na pag-stay doon. Namili na rin sila ng mga lobo na papalobohin na lang kasama ng iba pang simpleng dekorasyon para sa kaarawan ng ganap nang dalagang si Maria.
Habang nasa biyahe ay nakatulog si Marieta na nasa front seat. Samantalang si Maria ay nasa likuran at kung ano-ano lang ang pinagkakaabalahan para lamang hindi mabagot. Nariyan ang itaas nito ang mga paa at ipatong sa sandalan ng inuupuan ni Gabriel upang kilitiin ang tenga at leeg ng lalaki na hindi na lang naman niya pinapansin dahil tiyak na haharutin na naman siya nito kapag nagkataon. Isa pa, first time niyang magmaneho ng ganoon kalayo kaya kailangan niyang i-focus ang sarili sa daan.
“Maria, meron ka pa ba diyang gum? Pahingi naman oh?” tanong niya nang makaramdam ng pagkaantok. Nakita niya kasi na kanina pa ngumunguya ang dalaga.
“Ayoko ko nga,” pagdadamot naman ng isa.
Tiningnan niya ito sa front mirror kung seryoso ba ito sa sinabi pero nakita niyang ngingiti-ngiti ang babae.
“Sige na, kahit isa lang, please!” pakiusap niya dito na nilingon pa si Maria Nagkataon na nakahinto ang sasakyan noong oras na iyon dahil sa naabutang traffic sa daan.
“O sige. But close your eyes first!” mariing utos nito sa kanya.
Nagdalawang isip siya agad kung susundin ba niya ito dahil kilala niya na ang babae sa pagiging pilya but eventually sinunod pa rin niya ito dahil any minute na lang ay aandar na ang trapiko.
Inilingon niya ang mukha sa likuran, ipinikit ang mga mata. Kumilos naman si Maria at kumuha ng gum sa bag pack na dala-dala.
“Okay, Gabriel. Open your mouth,” muli nitong utos noong ibibigay na nito ang kinuhang gum.
Agad niya ring bunuksan ang bibig.
Pero imbes na isubo ang hawakhawak sa bibig ng lalaki ay pumatayo si Maria upang iluwa sa bibig nito ang kanina pa nguya-nguyang chewing gum. Nagulat siya sa naramdamang paglapat ng mga labi nito sa mga labi niya at pagluwa nito ng bagay na iyon na may laway pang kasama.
Tawang tawa si Maria sa naging reaction niya. Wala naman na siyang nagawa kung hindi nguyain ang gum na iyon dahil nagising na si Marieta at umandar na ang mga sasakyang nasa harapan nila. Natatawa na lamang siya ka kapilyahan ng dalaga.
Limang oras din ang lumipas nang sa wakas ay nakarating na sila sa mismong rest house ng mga ito. As usual ay dumiretso na ang dalaga sa dagat kahit pa ilang beses itong sinabihan ni Mareita na tulungan muna silang bitbitin ang mga gamit nila sa loob ng bahay na nasa harapan lang din ng beach.
Nag-enjoy sila sa buong maghapong iyon. Walang oras na hindi mo makikitaang wala sa beach si Maria samantalang naka bantay lang siya lagi dito dahil baka pumunta ito sa malalim na parte ng tubig ng hindi nila namamalayan. Samantalang si Aling Marieta ang palaging nakatoka na magluto ng mga kakainin nila habang namamalagi roon.
Gabi ng pangalawang araw nila ipinagdiwang ang birthday ng dalaga. Nagpatugtog sila ng malakas, nagluto ng mga paboritong pagkain ni Maria at nag-inuman sa espesyal na gabing iyon. Hindi mawala ang ngiti sa labi ng mag-ina habang isinasayaw niya ang mga ito sa saliw ng nakakaindak na tugtugin. Sa kabilang banda ay hindi naman niya maalis ang paningin sa napakagandang babaeng si Maria. Umusbong pa lalo ang matinding paghanga at pagmamahal na nararamdaman niya para dito. Dahil labing- walong taong gulang na ito ay minake-up-an ito ni Marieta at ipinagsuot ng pink na semi-formal gown na lumapat sa magandang hubog ng katawan nito. Sa kabila ng tila dalagang-dalagang pagkakaayos ni Maria ay pumayag pa rin si Marieta na isuot ng anak ang paborito nitong tiara ayon na rin sa request nito. Gusto daw nitong maging isang prinsesa sa gabing iyon.
Makalipas ang ilang oras ay marami nang nainom na alak si Marieta. Katunayan ay iniwan na sila nito sa sala at mag-isa nang pumunta sa kuwarto habang silang dalawa ay nagkakatuwaan pa. Doon ay binagsak na nito ang katawan sa kama na kahit magpalit ng pangtulog ay hindi na nito nagawa.
Siya man ay lasing na rin noong mga oras na iyon. Gusto na niya sanang mahiga upang makapagpahinga na pero hindi niya pwedeng iwan lang si Maria sa sala habang nagsasayaw itong mag-isa hawak ang isang basong may laman na kung ano na kanina pa nito iniinom. Nagtataka siya kung bakit lulugo-lugo rin ang dalaga. Pawisan na ito sa sobrang kalikutan. Maya-maya, sa kakasayaw nito ay bigla itong natapilok at matutumba na sana sa konkretong sahig na may sapin na mamahaling carpet, mabuti na lamang ay naagapan niya ito nang saluhin niya ang katawan nito. Kapwa sila napaupo paharap sa isa’t isa. Natitigan niya ito habang habol sa paghinga ang babae. Dahil doon ay nasinghot niya ang amoy ng alak sa bibig nito. Sa pagtataka kung bakit amoy alak ang babae ay agad niyang kinuha ang baso na hawak pa rin nito at inamoy ang katiting na likidong naroon at napag-alaman nga na alak rin pala ang kanina pa ininom ng dalaga.
Nakangiti ito habang nakatanghod sa kanya habang namumungay ang mga mata.
“Gabriel, boyfriend na kita, kasi dalaga na ako sabi ni Mommy!” sambit pa nito na pagkatapos ay ininguso ang bibig na tila ba gustong halikan ang lalaki.
Napangiti at napailing lang siya sa inaakto nito. Wish niya lang na totoo iyon dahil una siyang magiging masaya kapag nagkataon. Pero malabong mangyari dahil sa kalagayan nito. Plus, walang duda na lasing na rin ang dalaga kung kaya inalis na niya ang tiara na nasa ulunan nito. Walang ano ano ay bigla itong sumuka, sinukahan nito ang kanyang t-shirt at ang magandang carpet na nandoon sa sala. Mabilis niyang hinubad ang pang-itaas na damit at itinuon ang atensyon sa kasalukuyan nang nakahiga na babae sa de-carpet na sahig.
Walang pag-aalinlangan na binuhat niya ito kahit pa lulugo-lugo na rin. Dinala niya ito sa sarili nitong kuwarto at dahan-dahang nilapag sa kama. Nang mapansin na nasukahan rin pala nito ang sariling gown na suot suot ay agad siyang kumilos at maingat na hunubad iyon sa katawan ni Maria. Maya-maya pa ay natulala na lang siya nang tumambad sa harapan niya ang halos hubad na na katawan ng dalaga.
Mga pang-ilalim na kasuotan na lamang ang suot ng babae sa mga oras na iyon at hindi siya magkakaila, dala ng init ng katawan dahil sa maraming nainom na alak ay halos maglaway na siya sa naramdamang pagnanasa dito. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa, at sa mga sandaling iyon ay wala na sa isip niyang gapangin ang natutulog nang babae at gawin ang isang bagay na paulit ulit na idinidikta ng kanyang puso at isipan noong panahong iyon. Ang pag-isahin ang kanilang katawan.