Chapter Five

893 Words
“Maria, anong gusto mong regalo sa birthday mo?” tanong iyon ni Marieta habang kumakain sila ng hapunan. Espesyal ang araw na iyon dahil nakapasa si Gabriel sa kinuha nitong driving test. Pwedeng pwede na nitong ipagmaneho ang mag-ina kung saan man gusto ng mga itong pumunta. Sa araw na iyon ay umorder ito ng ilang putahe sa mamahaling restaurant para pagsaluhan nila sa bahay. Ayaw na kasi nitong dalhin sa restaurant si Maria dahil madalas ay sinusumpong ito ng tantrums doon sa dami ng nakikitang bago sa paningin nito. Hindi sumagot si Maria bagkus ay sinimulan lang nito ang pagkain ng spaghetti na isa sa mga paborito nitong handa tuwing may okasyon. Sa sandaling iyon ay tsaka naman ang pagdating ni Gabriel. Presko na ang kanyang pakiramdam matapos maligo dahil pagkatapos niyang i-take ang driving test kanina ay nilinisan niya ang swimming pool at diniligan ang mga halaman. Umupo siya sa upuang madalas pwestuhan, sa tabi ni Maria, dahil nahihiya siyang umupo sa tapat ni Aling Marieta. Noon pa man ay kasakasalo na siya ng mga ito palagi sa pagkain at pamilya na kung ituring. “Maria, tinatanong kita. Anong gusto mong regalo sa birthday mo? Magde-debut ka na, hindi mo ba alam iyon?” kausap ulit nito sa dalagita. Magsasalita na sana ang anak nang biglang masamid ito. Nataranta siya at napatayo at agad na inalo ang likuran ng dalagita habang paulit ulit itong nag-uuubo. Pinainom niya rin ito ng tubig hanggang sa naging maayos na ito. Ang pagmamalasakit niyang iyon kay Maria ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Aling Marieta. “Salamat Gabriel,” saad nito sa lalaki pero agad ring ibinaling ang pansin sa anak. “Magdahan dahan ka naman kasi sa pagkain. Hindi ka naman mauubusan,” anas pa nito sa dalagita. “Ano ba yung debut Mommy?” kapagkuwan ay interesadong tanong ni Maria. “Ibig sabihin lang noon ay 18 ka na. Ganap na dalaga ka na. Kaya dapat magtino ka na. Kumilos ka na na parang tunay na dalaga, manamit ng disente at magsalita ng maayos. Hindi ka na dapat galawgaw kumilos,” paliwanag ng ina. “Mommy, kapag dalaga na ba ako pwede na ako mag-boyfriend?” walang ano-ano ay tanong nito. “Aba, kung magtitino ka eh baka isang araw ay may magkagusto pa sa iyong isang lalaki. Maganda ka naman. Kailangan mo lang talagang i-improve ang sarili mo anak,” sagot rin ng Mommy nito habang sinisimulan nang kumain. Biglang nagliwanag ang mukha nito. “Yehey! Pwede ko nang i-boyfriend si Gabriel!” natutuwa nitong sambit habang itinatalon ang puwetan sa inuupan. Muntikan naman siyang mabulunan sa narinig mula sa katabi kung kaya napainom agad siya ng tubig. “Maria, kaibigan natin si Gabriel. He is like a family to us,” paliwanag ulit nito. Sumimangot naman ang sinabihan. “No! Gusto kong maging boyfriend si Gabriel!!” tumigil ito sa pagkain at inihalukipkip ang mga kamay sa dibdib. “Maria, saan mo na naman ba nakuha ‘yang boyfriend-boyfriend na yan ha? Baka kung ano ano na naman ang pinapanood mo sa tv,” medyo naitaas na ni Marieta ang boses sa pagsasabing iyon sa nagkukulit na namang anak. Hindi sumagot ang dalagita bagkus ay nagpatuloy lang ito sa pagsimangot. Kung tutuusin ay kasalanan rin naman nito iyon dahil hinahayaan lang nito manood ng kung ano-ano ang anak sa telebisyonbuong maghapon. Kahit nga ang mga adult magazine nito ay nakakalat lang sa sala dahilan kung bakit napasakamay iyon ni Maria noong nakaraan. Napag-alaman ni Gabriel na may isang-katerbang koleksyon pala ito ng mga bagay na iyon na kung saan-saan lang nakalagay kung kaya siya na ang nagtago sa isang cabinet sa loob ng opisina ng babae na kung saan hindi ito makikita ni Maria. Sa mga oras na iyon ay naramdaman ng lalaki na nagsisimula na namang magbangayan ang mag-ina kung kaya sumingit na siya sa usapan. “Maria, gusto mo ba ng party sa birthday mo?” tanong niya sa dalagita. “Naku, hindi na ‘yan magpaparty sa birthday niya dahil palagi na lang ‘yang nanggugulo at inaaway ang mga bisita,” agad na saad ni Marieta sa suhisyong ibinigay ng kinakasama. Narinig naman iyon ni Maria kung kaya itinulak ang platong nasa harapan. “Gusto ko mag-party! I want balloons and cake!” nagagalit na saad nito. “Maria, bibili pa rin naman tayo ng balloons and cake mo eh, pero tayo-tayo na lang ang magce-celebrate ng birthday mo, okay? At least ngayon kasama na natin si Gabriel,” saad pa ng babae. “What if ganito na lang, pupunta na lang tayo sa rest house natin. Natatandaan mo pa ba yung lugar kung saan ka laging dinadala ng Daddy mo dati?” Tumango ito pero nanatili pa ring nakabusangot ang mukha. “Pupunta na lang tayo doon para mag-enjoy ka sa beach, okay? Now, finish your food para makapag-ready ka na matulog. I still have errands to do tonight,” saad nito na ipinagpatuloy na rin ang pagkain. Hindi naman na siya umimik pa. Sa mga nakaraang araw pansin niya ay madalas lumabas ng bahay ang babae at gabing gabi na ito umuuwi. May pag-aalala man siyang nararamdaman sa ginagawa nito pero ayaw niyang isipin nito na por que lubos na pinagkakatiwalaan na siya nito ay may karapatan na siyang panghimasukan ang buhay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD