LILAC POV “ATE LILAC!” Nawala ang tingin ko sa tatlong taong nasa sofa namin. Napabaling ang aking tingin kina Cameron and Lilac. Hindi pa rin mawala ang panlalaki ng aking mga mata habang nagtama ang aming tingin sa isaʼt isa. “C—Cameron? Lauren? Kayo nga. P—Paano kayo napunta rito? Paano ninyo nalaman ang address namin?” sunod—sunod kong tanong sa kanilang dalawa. Sabay nila akong niyakap sa aking bewang habang may ngiti sa kanilang labi. Ang higpit ng kanilang yakap sa akin na halos ayaw na nila akong bitawan. “Mommy Lilac!” “Mommy Lilac, youʼre finally home!” Halos lumabas ang aking mga mata nang marinig ko ang kanilang sinabi. Hindi ako makapag—react sa kanilang sinabi dahil sobrang higpit ng kanilang pagkakayakap sa aking bewang. Pareho silang nakangiti habang nakadikit ang m

