LILAC POV MAY narinig kaming may umubo nang malakas kaya napalingon kami kay Mama na mukhang nabilaukan dahil sa iniinom niyang tubig, habang nakatitig sa pʼwesto ko. Sino ba naman kasing hindi uubuhin, ganoʼng gusto talaga nila akong maging mommy. Sobrang bata ko pa. Mag—23 years old pa lang ako this year, sa October. Two months na lang before my birth month. Hindi lang din iyon dahil may narinig din kaming tumawa kaya nawala ang tingin ko kay Mama at napunta ang tingin ko sa uncle Sebi nina Cameron and Lauren. Grabe siyang tumawa. Sana sumakit ang tiyan niya. “G—gusto ka talaga nila maging mommy, Miss Lilac!” malakas niyang sabi habang patuloy ang pagtawa niya. “Hindi ko rin sila masisisi dahil mukhang mabait ka naman talaga! Dahil maging ang boss at kaibigan ko ay in—” “Ah!

