LILAC POV ILANG minuto pa ang lumipas ay nagpàálam na rin sila Mr. Parker. Mukhang may kailangan siyang puntahan dahil nag—ring ang phone niya kanina then bumalik siya at sinabing kailangan na nilang umuwi. Napahawak sa aking magkabilang kamay sina Cameron and Lauren. “Mommy Lilac, punta po muli kami rito, ha? Every weekends po ay punta po kami. May class na kami ni Cameron sa Monday! Back to school na kami!” sabi ni Lauren sa akin. “Yes, pero hindi kami scared kasi may new nannies kami... Iyong old nannies namin... Hindi pa sila akita pero hinahanap pa rin sila ngayon... Sabi ni daddy po,” mahabang sabi ni Cameron sa akin. Napangiti na lamang ako sa kanilang dalawa. Nang nasa labas na kami ng gate at pinapasok na silang dalawa sa loob ng kotse. Dalawang kotse tuloy ang nasa tapat n

