LILAC POV NAPAKUNOT—NOO ako nang makita kong lalo pang lumawak ang ngiti ni Mr. Parker habang nakatingin sa akin. “Mr. Parker?” nagtataka kong tawag sa kanya. Akala ko ay tapos na ang pag—uusap naming dalawa at aalis na si Mr. Parker pero sa halip ay seryoso siyang nakatingin sa akin. Naiilang tuloy ako. “Miss Zamora...” Napatingin ako sa kanya. “Um, yes po, Mr. Parker?” tanong ko sa kanya. Narinig kong humigop siya nang hangin at mukhang may sasabihin siyang importante sa akin. “I hope you wonʼt misunderstand what Iʼm about to say,” panimulang sabi niya sa akin. Nagtaka ako sa kanyang sinabi. Ano ba ang sasabihin niya? Hindi ko na nga tinanggap ang reward, dapat ay aalis na siya, ʼdi ba? “Miss Zamora?” Nawala ang iniisip ko nang tawagin muli niya ako. “A—ano po ba ang gusto niny

