LILAC POV ILANG sandali pang nanatiling tahimik ang sala, nasa harapan ko pa rin si Mr. Parker at parehong walang nagsasalita sa aming dalawa pagkatapos niyang sabihing gusto niya akong maging girlfriend. Adik ba siya? Hindi ko naman inaasahan na iyon ang iaalok niya. Nababaliw na si Mr. Parker. Tahimik pa rin akong nakaupo sa solong sofa namin habang nakayuko, samantalang si Mr. Parker naman ay ramdam kong seryoso ang tingin sa akin. Hindi pa ba siya aalis? Baka naman ay pʼwede na siyang umalis lalo naʼt may pasok pa ako. Hindi ko rin alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay lalo akong kinakabahan sa bawat segundong lumilipas sa pagitan naming dalawa. Hindi na lang ako magsasalita. Bahala siya dʼyan. May narinig akong bumuntong—hininga, kaya napataas ako ng tingin at nanggagaling

